PCO ASEC. DE VERA: Ladies and gentlemen, Usec. Clarissa Castro, the Palace Press Officer.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Muli, welcome sa ating press briefing ngayong araw, March 12.
Good news ang dala ng Department of Justice. Binigyang-halaga ni Justice Secretary Boying Remulla ang legal at makataong approach ng ating administrasyon laban sa iligal na droga sa kanilang pagdalo sa 60th Session of the United Nations Commission on Narcotics Drugs. Dito ay binigyan din ng ating administrasyon ang pagpapatibay sa mga prevention measures gaya ng education at rehabilitation programs kontra droga.
At nagbunga nga ang magandang resulta na nagtala ng pagbaba ng drug abuse sa bansa mula 1.67 million noong 2019 to 1.47 million noong 2023 base sa 2023 National Survey on Drug Abuse in the Philippines.
Sa kabilang banda, the Philippines reaffirmed that the arrest of the former president complied with the Philippines’ commitment to the Interpol. Our commitment received support from various civic and civil society organizations.
Let me quote some of those statements. Former Senator Leila de Lima said, “Duterte is being made to answer, not me, but to the victims, to their families, to a world that refuses to forget. This is not about vengeance; this is about justice finally taking its course.”
The Free Legal Assistance Group said “It welcomes the issuance by the ICC of the warrant of arrest against Mr. Rodrigo Roa Duterte and the action taken by the Philippine authorities to enforce the warrant against Mr. Duterte. It is a significant step towards ensuring accountability for the extrajudicial killings committed during his administration in pursuit of the so-called war on drugs.”
The Commission on Human Rights meanwhile said, “The pursuit of justice cannot be stalled. Every delay prolongs the suffering of those left behind. It bears repeating: The truth cannot be silenced. Accountability must prevail over impunity.”
The project PagHILOM hailed Duterte’s arrest as victory for justice.
Sa mga nagsasabi na si Duterte ay inabuso, ito po – International Criminal Court – walang tao at bayan ang nagdidikta doon. Paano siya inabuso?
Human Rights Watch Deputy Asia Director Bryoni Lau also said, “Former President Duterte’s arrest and transfer to The Hague is a long overdue victory against impunity that could bring victims and their families step closer to justice. Adding that, this momentous event sends a message to human rights abuses – everywhere that one day they could be held to account.”
Handa na po tayong sumagot sa inyong mga katanungan.
PCO ASEC. DE VERA: First question: Eden Santos, NET25.
EDEN SANTOS/NET25: Usec., good morning po. Tamang-tama siguro sa number one question iyong tanong ko dahil kumusta na po ngayon, kung mayroon kayong tuluy-tuloy na monitoring kay dating Pangulong Rodrigo Duterte? Nasaan na po siya at ano na po iyong kaniyang lagay?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa ating pagkakaalam, sa huling ulat po sa atin ay siya po ay nasa Dubai. At sa ngayon po naman po kasi ay nasa maganda naman po siyang kondisyon, mayroon po siyang kasama – iyong preferred nurse niya po, may kasama rin po siyang abogado at kaniyang preferred na security.
EDEN SANTOS/NET25: Kasi po sa post po ng kaniyang daughter na si Kitty Duterte, parang 8 hours daw pong biyahe, isang sandwich lang iyong kanilang kinain.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Aalamin po natin ang katotohanan po niyan.
EDEN SANTOS/NET25: Thank you.
PCO ASEC. DE VERA: Leth Narciso, DZRH.
LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. May gagawin po ba ang pamahalaan para tulungan si former president kasi ang dating doon sa kaniyang mga tagasuporta is basta natin ibinigay sa ICC?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Ah, hindi—what do you mean po na hin—
LETH NARCISO/DZRH: Kung tutulungan po ng pamahalaan, may ibibigay na tulong?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Papaano pong tulong ang dapat asahan kung mayroon po siyang sariling abogado? But anyway, mayroon naman po tayong batas, ang RA 9851 kung saan sinasabi po ‘no, kahit po ang dating Pangulong Duterte ay masasabi pong dapat na usigin or kailangan magkaroon ng hearing sa ICC. Hindi naman din po pababayaan ng ating gobyerno lalong-lalo na po kung ito ay tungkol sa kaniyang karapatan. Sinuman, kahit hindi po dating pangulo, basta po Filipino – makakaasa po iyan ng tulong sa ating pamahalaan.
LETH NARCISO/DZRH: May attempt po ba o nag-reach out po ba mula sa kampo ni former president?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Wala pa po kaming natatanggap na anumang report patungkol diyan.
PCO ASEC. DE VERA: Clei Pardilla, PTV4.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Good morning po, Usec. Usec., what are the possible penalties and prison terms former President Duterte could face if convicted of the ICC’s crime against humanity of murder? Thank you po.
PCO USEC. CASTRO: Yes, based on the law, the penalty could reach up to 30 years imprisonment. But it depends upon the defenses that can be availed of by the former President.
TUESDAY NIU/DZBB: Good morning, Usec. Kahapon po ay may mga sinasabi pa rin iyong kampo ni dating Pangulong Duterte na he was denied of his right especially iyong medical attention. Hindi po ba naibigay sa kaniya iyong standard operating procedures na i-undergo siya ng medical examination upon his arrest?
PCO USEC. CASTRO: Hindi po iyan totoo dahil noong panahon po na siya po ay nasa kustodiya na po, talaga po ang pagtrato sa kaniya ay hindi po lamang basta-basta. Trinato pa rin po siya bilang Pilipino at bilang former president. Kumpleto po ang kasamahan po doon, may mga doktor po, may mga nurse. Nandoon din po ang kaniyang mga abogado. So, wala pong katotohanan na hindi po nabigyan siya ng tamang atensyon especially patungkol sa medical needs na kailangan po niya.
TUESDAY NIU/DZBB: Hindi po ba iyong request daw po na dalhin siya sa ospital dahil considering his health condition nga daw po kahapon na umaga hanggang gabi ay nag-travel, napagod, bumaba na iyong blood sugar level, kinailangan daw sanang maiospital. Hindi po ba iyon kasama doon sa medical attention na dapat ibigay daw sa kaniya?
PCO USEC. CASTRO: Kung ang nagsasabi lang po na doktor na nag-attend po sa kaniya ay hindi naman po sinasabing kritikal ang kaniyang kundisyon, hindi naman po kinakailangan siyang dalhin sa ospital.
MELVIN GASCON/INQUIRER: Good morning, ma’am. Ang tanong ko lang po, now that the Philippine government has technically waived its right to prosecute former President Duterte at nai-turnover na po siya sa ICC, would this be an admission somehow na parang dito po sa bansa, hindi po niya or hindi po makakamit ng mga biktima ng war on drugs ang hustisya na kanila pong hinahanap?
PCO USEC. CASTRO: There’s no waiver yet of the rights of the state to still run after him if there are other complainants in the country. It just so happened that there is already pending case before the ICC, and we are just complying and enforcing RA 9851 especially Section 17 wherein that the … stating therein that instead the authorities may surrender or extradite suspected or accused persons in the Philippines to the appropriate international court if any or to any other state pursuant to the applicable extradition laws and treaties. So, we have not yet waived the rights of the alleged victims in the Philippines; they can still file cases.
MELVIN GASCON/INQUIRER: Just a follow up, ma’am. Paano po namin—ano po ang i-expect namin na magiging policy po ng government sa pakikipagtulungan sa ICC kapag mayroon pong mga upcoming requests halimbawa? Ganito rin po ba na it will be through the Interpol?
PCO USEC. CASTRO: Opo dahil hindi po tayo miyembro ng ICC, makikipagtulungan lang po tayo sa Interpol at ganoon pa rin po siguro ang scenario pero depende pa rin po sa magiging sitwasyon, kung halimbawa po iyong taong kailangang silbihan ng warrant of arrest ay boluntaryo namang magsu-surrender, so maiiba naman po ang sitwasyon. But still, we will comply with our commitment with the Interpol.
KRIZEL INSIGNE/IBC 13: Usec., may bearing pa po ba iyong pinayl po nina Atty. Panelo po na habeas corpus gayung nasa ICC na po si former President Duterte?
PCO USEC. CASTRO: Supreme Court lamang po ang makakapagsabi niyan. But normally, usually po kapag po ang tao ay nasa ibang bansa na po at nadala na po, nagiging moot and academic iyong issue. But depende pa rin po iyan sa Supreme Court; hind po natin puwedeng pangunahan kung ano po ang magiging desisyon ng Supreme Court dito.
KRIZEL INSIGNE/IBC 13: Follow up lang po, Usec. Lumipad na po si VP papuntang Netherlands, sino po iyong nag—nakapag-clearance to travel po ba siya?
PCO USEC. CASTRO: Hindi po namin alam kung nakapag-clearance siya, madalas naman po yata siyang umalis nang walang clearance. I’m sorry for that, hindi po natin …wala po tayong information on that.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., magandang umaga po. Nabanggit ninyo kanina iyong support doon sa naging desisyon ng gobyerno natin na i-turnover through Interpol sa ICC si Pangulong Duterte. Ang nabanggit ninyo kanina, group of lawyers pagkatapos iyong mga victims. Pero how do you assess the public’s assessment doon sa naging hakbang ng ating pamahalaan?
PCO USEC. CASTRO: Ano po ba iyong naging public sentiments? Ano po iyong—sabi ninyo po may sentimiyento ang publiko, ano po ba iyong sinasabi ninyong sentimiyento?
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Hindi, iyong assessment po natin?
PCO USEC. CASTRO: Ah, okay, kung ano iyong sentimiyento ng tao?
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Oo, in general.
PCO USEC. CASTRO: Iyong general—
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Do we gain support doon sa naging pasya?
PCO USEC. CASTRO: Kung pag-uusapan po natin ay pagbibigay ng hustisya at pagku-comply sa tamang batas, mas maiintindihan po ng taumbayan kung naging tama po ba iyong naging hakbang ng administrasyon. So ang mas maganda lamang po dito ay malaman nila kung paano ba ito nagsimula? Bakit nagkaroon ng warrant of arrest? Bakit kailangang makipag-ugnayan sa Interpol? Kapag po kasi ang nakikitang naratibo ay puro nakakaawa ang dating Pangulong Duterte, nandoon na po tayo sa may bandang dulo eh, dapat simulan natin bakit nga ba nagkaroon ng kaso sa ICC? Sino ba ang nagsampa ng kaso sa ICC? Kailan ba tumiwalag ang bansa sa ICC? Hindi po ba noong nakapagsampa na ng kaso itong mga diumano’y biktima ng Pangulo? Dapat iyon po sana ang masimulan sa taumbayan para maintindihan nila kung bakit kinakailangan po na mangyari ang ganito, bakit kinakailangan din po tayong mag-comply sa ating commitment to the Interpol.
So, sa akin pong palagay, kapag po naintindihan nila ito lahat magiging positibo naman po ang tanaw nila sa ginawa po ng administrasyon.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Salamat po, Usec.
RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Good morning, Usec. There are concerns po that the former President was not given his day in court before being extradited. There are questions po between the timeframe of his arrest then the turnover po departing the Philippines going to The Hague, if this also the answered po. Is this normal po ba with the situation like what happened po yesterday?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: He was not extradited in the first place, he was surrendered. It would be different from—to surrender and to extradite – so, I just have to correct on that.
It is regular what we did, what the government did was regular, it is based on the law, based on our own law – RA 9851. If you will say that it is normal, I can say it is but this is the first time that we did this. So, if you did everything based on the law, I think there could be no question on that.
RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Follow up lang po, ma’am. On the next possible warrants on the other named co-accused as mentioned by Atty. Cristina Conti, will the Philippines push another coordination with Interpol, just a clarification lang po na, the same po ng movement as the events yesterday?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Katulad po ng sinabi natin, as of now, wala po kaming nari-receive na anumang information kung mayroon pa pong darating na warrant of arrest through the Interpol – kung mayroon man po, ganoon pa rin po ang magiging tugon namin – kapag hiningi po ng Interpol ang tulong ng administrasyon ay tutugon pa rin tayo.
Sabi nga rin po natin, magiging iba po siguro iyong sitwasyon kung iyong mga tao na maaaring maging subject of a warrant of arrest ay kusang magsu-surrender – hindi na po siguro kakailanganin iyong naging drama po kahapon.
RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Last na lang po, Usec., from my end. Is the Philippines considering to rejoin the ICC?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: As of now po, there’s no discussion on that. We will just cross the bridge when we get there. Wala pa po, as of now.
QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Thank you, Usec.
MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: Good morning, Usec. sa ambush interview po kagabi ni VP Sara binanggit niya na iyong pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte is parang state kidnapping daw po. Any reaction from the Palace?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: State kidnapping. What does she mean by that – state kidnapping? Well, I guess I have to stick with the word kidnapping. Anu-ano po ba iyong elements ng kidnapping? Pagkuha nang sapilitan nang walang awtoridad – iyon ang pinakasimple para sa taumbayan.
Unang-una po, paano po magiging kidnapping kung may warrant of arrest? It was issued by an authority, by the court. Kapag mayroon na pong issuance ng anumang order from the court we have to comply especially sa atin pong nangyari ay through Interpol. Hindi po puwedeng kapag po nagsi-serve ang sinumang awtoridad let’s say sheriff ay atin na lang pong itong tatalikuran or ating sasaktan o ating susuntukin – hindi pupuwedeng ganoon. Kung ano po ang nandidiyan at ligal po na masasabi nating order from the court – we should abide by that.
So, wala po akong nakikitang kidnapping dahil hindi nga po ito puwersahan at lahat po ng elemento na dapat pong gamitin para masabing valid iyong warrant of arrest at iyong paghingi ng assistance ng Interpol ay nandidiyan naman po. Kumpleto po tayo ng papel.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Good morning, Usec. May we ask lang po siguro iyong reaksiyon ng Palasyo o ng Pangulo doon sa statement naman po noong kaniyang kapatid na si Senator Imee Marcos na nadismaya po doon at naawa sa pag-aresto kay Duterte. Ang sabi po niya ay hindi na raw tayo natuto at gulo lang ang idudulot nito; wala rin aniyang pakinabang sa mga naghihirap na Pilipino ang pag-aresto; it also even reminded her daw sa kanilang ama, the late President Marcos Sr. noong 1986 – I guess she was referring when the late President was ousted. Ano pong sagot dito ng Palasyo o ng pangulo?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Noong tinanong po natin ang Pangulo diyan ay hindi pa po niya napanood ito at hindi rin po niya pa nabasa. So, as of the moment, wala pong reaksiyon ang Pangulo patungkol diyan.
CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Than you po.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Good morning po, ma’am.
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Good morning.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Iyong regarding lang po doon sa follow up doon sa question ni Sir [unclear] kanina, iyong hindi po ba makakaapekto iyong pag-transfer kay former President Duterte sa ICC doon sa mga pending illegal drugs cases dito sa Pilipinas?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Sa aking palagay, hindi naman po. Kung maaga po niya na madidepensahan ang kaniyang sarili dahil sabi naman po niya, wala naman siyang kasalanan, wala siyang nilabag. So, napakadali po kay dating Pangulong Duterte sa kaniyang palagay na malulusutan niya ang hearing sa ICC. So, pagdating po niya at kung siya naman po ay successful sa kaniyang pagdidepensa doon ay maaari naman niyang kaharapin ang kaso dito.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Another matter, ma’am. Sa economic naman po. Recently, po naglabas ng data iyong BSP regarding the FDI flow sinks to 110 million lowest in 11 years. Bumaba po iyong Foreign Direct Investments na nakuha ng Pilipinas last year?
PCO USEC. CASTRO: Humina?
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Humina, despite doon sa mga initiatives ng government to attract foreign investors. Ngayon, ano po iyong parang gagawin ng government to ensure na this year medyo tumaas na po ulit iyong FDIs natin?
PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, aalamin natin kung ano ba ang naging dahilan, kung sinasabi pong may pagbaba ng mga foreign investments dito. Kasi paminsan-minsan po iyong ibang mga records po natin, sinasabi naman po ay tumaas ang investment sa Pilipinas. So, aalamin po natin iyan at kung mayroon pong pagkukulang, at gagawan po kaagad ng paraan ng mga business experts at ng ating mga head ng agencies para po matugunan kung ano man po ang magiging epekto nito.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Pero recently, hindi pa po ito nadi-discuss with President Marcos po, iyong FDIs?
PCO USEC. CASTRO: As of now, wala po ako sa meeting patungkol diyan, pero alam ko po may mga meetings po ang Pangulo patungkol sa foreign investments at sa mga investment dito sa Pilipinas. Pero, as of now po, kung mayroon po tayong records, ibibigay ko po agad sa inyo.
JINKY BATICADOS/IBC: Ma’am, following the arrest lang para at least alam lang namin kung ano iyong process. Pagdating po niya doon sa The Hague, ano po iyong magiging proseso doon? Can you walk us through the process po?
PCO USEC. CASTRO: Sa aking pagkakaalam, dadalhin muna sa isang local court at doon titingnan, aalamin kung tama ba iyong proseso ng pag-arrest. At kapag po na-validate na sinabi naman na tama ang pagkakadala sa kaniya sa bansang kung saan siya dadalhin, dadalhin na po siya sa The Hague.
JINKY BATICADOS/IBC: Ma’am, kanina na-mention lang po ninyo na 30 years po siya in case?
PCO USEC. CASTRO: Or life imprisonment; depende po iyan.
JINKY BATICADOS/IBC: Would this still be applicable to the former President, since 80 years old na rin po siya?
PCO USEC. CASTRO: It depends upon the ICC.
JINKY BATICADOS/IBC: So, sa kanila po iyon?
PCO USEC. CASTRO: Yes, opo. ICC will be the one that will give or render the decision.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Usec., good morning. Kasi isa sa mga common arguments against doon sa pagsuko o iyong pag-yield sa ICC ng mga suspects is, if the local courts are working then why would you let international court intervene with their cases. So, given what happened yesterday na isinuko nga ang dating Pangulo, how would you respond to that?
PCO USEC. CASTRO: Actually, natugunan na po iyan eh, may response na po iyan kaya po nagtuloy-tuloy iyong investigation. Kung natatandaan po ninyo, nabigyan po sila ng one year to act on the alleged complaints pero wala po kasing naging aksiyon para po sampahan agad ang dating Pangulong Duterte, kaya po nagtuloy-tuloy iyong imbestigasyon ng prosecutor, so nasagot na po iyan. Kung iyon po iyong pag-uusapan natin, they were given due process, sila po iyong hindi tumugon. Sila po iyong hindi nakipag-ugnayan.
Natatandaan po natin, sinabi rin po ni Senator Bato na siya po ay nakakatanggap diumano ng notice, pero hindi po niya tutugunan ito dahil hindi po siya sigurado at sa kaniyang palagay po ay walang juridiction ang ICC.
Kung may nagkulang man po at sinasabing hindi sila nabigyan ng due process, sila po mismo ang tumalikod sa kanilang karapatan na madinig ng prosecutor patungkol sa kanilang mga ebidensiya.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: If I’m not mistaken, the argument refers to the courts or the judiciary system itself, meaning kapag nagwo-work naman daw iyong judicial system sa Pilipinas and why would an international court intervene in a particular case? Can we say that the local courts are still working, our local courts?
PCO USEC. CASTRO: Of course, it’s still working. Pero sa pagkakataong ito, sa panahon ng dating Pangulong Duterte, hindi natin alam kaya nga nagkaroon ng pag-file ng complaint sa ICC. Katulad ng sinabi ko, binigyan ng gobyerno ng isang taon para patunayang gumagana ang hustisya laban sa mga war on drugs ni dating Pangulong Duterte, pero wala pong naisampa, kaya po nagtuloy-tuloy ang imbestigasyon ng prosecutor.
ACE ROMERO/PHIL. STAR: Follow-up lang po, related question. There are calls by some supporters of the Duterte family na people power daw po, mag-launch daw ng people power in support of the former President and some are calling on people na pumunta sa streets. What do you say to those kinds of statements?
PCO USEC. CASTRO: Hindi po ba pagbabagsak ito ng gobyerno? Unang-una po, may warrant of arrest, pangalawa may case na naka-file. Pangatlo, may mga diumanong biktma na magsasalita patungkol sa kaso. Hindi po ito basta gawa-gawa na kuwento. May mga biktima, hindi ito pagpaplanta ng ebidensiya. Hindi galing ang kaso sa Pilipinas. Ito ang kaso ay pending sa ICC. Ano ang magiging dahilan nila para himukin ang taumbayan na mag-alsa laban sa pamahalaan, samantalang ang pamahalaanay gumagawa, tumutupad ng batas.
Ang pagtawag ba ng people power ay paglabas sa batas? Dapat ang mga tao ngayon, ang mga kababayan natin, mag-isip, alamin, ano ba ang nangyayari? Ang kasong ito sa ICC ay hindi gawa-gawa ng pamahalaan. Gawa ito sa panahon ni dating Pangulong Duterte, gawa ito ng war on drugs ni Pangulong Duterte at aminado siya rito. Bakit isisisi ang pag-iisyu ng warrant of arrest, ang pagpapadala sa kanya sa ICC, kung siya mismo, sinabi ni dating Pangulong Duterte, “sue me, I will take all the legal responsibilities on this.” Bakit tayo ngayon umiiyak, samantalang pinapatulad lang naman natin kung ano ang nasa batas.
IVAN MAYRINA/GMA7: Usec., naturally naglulutangan po iyong iba’t ibang legal opinions tungkol dito sa—well, first in our history na nagkaroon po ng ganitong pagsuko sa isang dating pangulo sa isang foreign court, isa po sa mga opinion na ito, and I quote “Without a binding treaty or domestic legal obligation explicitly compelling surrender post-withdrawal with the ICC, the decision to cooperate remains discretionary under Philippine law.” How do we—how does the Palace response to this assertion Usec., that it was within President’s power to prevent the arrest, but he chose not to exercise that power?
PCO USEC. CASTRO: Very clear! It’s the prerogative of the government. So, if it is the prerogative of the government to comply with the commitment to the Interpol, so that’s it!
IVAN MAYRINA/ GMA7: So, appears that it was choice between comply with their obligations with Interpol and giving up a Filipino citizen. If you are privy to the considerations that went into this decision, Usec., ano ho ang naging decision making process dito?
PCO USEC. CASTRO: This is not just surrendering a Filipino citizen, it is surrendering a Filipino citizen who is accused of crimes against humanity, specifically murder, so it would be a different story. So, we have to comply with the law and also give justice either to the victims or the accused. If the accused can say, I am not guilty. I can defend myself. Then go on, it’s also justice for him, that’s due process. But if he is guilty, then we should also give justice to the victims. That’s it.
IVAN MAYRINA/ GMA7: Thank you, Usec.
GILBERT PERDEZ. DWIZ: Good morning po, nabanggit ninyo po kanina, ma’am, na puwedeng i-try iyong dating Presidente ng ICC at iyong case niya rin sa Pilipinas, hindi ho ba mahuhulog ho iyon sa double jeopardy?
PCO USEC. CASTRO: Depende po. Ang double jeopardy po, ang kaso po diyan ay dapat na-desisyon na po on the merits, nakapag-arraign, may arraignment na, nakuha na po iyong jurisdiction over the person, nakapag-trial, nakapagkaroon ng desisyon on the merits. Pero dapat po ang case ay not similar to the other courts na nagkaroon ng paghi-hearing. So, if the courts or if the cases that will be heard before the Philippine courts are different from the cases being heard before the ICC, there would be no double jeopardy.
EDEN SANTOS/ NET25: Follow up lang po doon sa question ni Ivan, ano. Iyon pong war on the drugs ng dating administrasyon, hindi ho ba it’s a polisiya ng gobyerno po iyon para maprotektahan ang taumbayan laban dito sa illegal na droga, papaano naman po iyong human rights, iyong karapatan noong mga biktima nitong mga sangkot sa illegal na droga na siyang naging parang pundasyon po noong polisiya na iyon ng pamahalaan? Nakabuti naman po iyong war on drugs sa karamihan ng ating mga kababayan?
PCO USEC. CASTRO: Dapat po nating i-determine anong klaseng kabutihan: Are we talking—kasi you’re talking about war on drugs in general, everybody is against illegal drugs. Ang tanong natin, war on drugs, kasama ang tokhang, kasama ang pagpatay, walang due process, kasama iyong sasabihan ang pulis ‘na sige, sabihin mo sa kaniya lumaban, para matapos na at mabawasan ang problema sa Pilipinas’, hindi siya dapat polisiya ng isang gobyerno in the first place, it’s against the law. Killing, is against the law, wala nga tayong death penalty sa Pilipinas eh, uunahan mo pa na patayin?
Ang masama, wala pang hearing, so hindi ko matatanggap, hindi natin matatanggap na iyong war on drugs na pinairal ni dating Pangulong Duterte, ay tama. Kung may natulong sa iba, paano naman iyong namatayan? Kung mayroong nabiktima itong mga drug users na ito, then the victims can also file cases against these drug users. Pero hindi natin matatanggap na polisiya siya, na dapat sundin ng isang gobyerno.
Thank you, Usec.
PCO USEC. CASTRO: At dito na po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat Malacañang Press Corps at magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.
##