PCO USEC. CASTRO: Good morning. Magandang umaga, Malacañang Press Corps, welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa mga magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.
Pinangunahan ng Department of Foreign Affairs ang pagpapauwi sa 178 na Pilipinong nabiktima ng human trafficking sa Myanmar kasama ang Department of Migrant Workers at iba pang ahensiya at embahada ng Pilipinas. Tiniyak din ang seguridad ng mga biktima at agarang tulong para sa kanila.
Paalala ng DFA: Iwasan ang iligal na pag-alis ng bansa at dumaan lamang sa tamang deployment ng Department of Migrant workers.
Panoorin po natin ito:
[VTR]
At isa pang good news: Bumisita si United States Secretary of Defense Pete Hegseth nitong Biyernes, at nagkaroon ng courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa nasabing courtesy call, sinabi ni Pangulong Marcos na tiniyak at pinagtibay ni Secretary Hegseth na nagpapatuloy ang economic at military partnership sa pagitan ng America at ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump.
Ayon pa sa Pangulo, ang kaniyang pagbisita ay indikasyon din ng commitment ng Pilipinas at ng America na magtulungan para mapanatili ang kapayapaan sa Indo-Pacific Region. Siniguro rin ni Secretary Hegseth kay Pangulong Marcos na kinikilala at sinusuportahan ng America ang posisyon ng Pilipinas sa usaping West Philippine Sea at ang mga hakbang na ginagawa ng Pilipinas para depensa ang soberanya nito.
Panoorin po natin ito:
[VTR]
At ito po ang mga good news natin sa araw na ito. Maaari na po tayong tumanggap ng katanungan mula sa inyo.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Good morning po, Usec. Usec., reports say that around 500 Filipinos were trapped in scam centers in Myanmar noon pong Feb. How optimistic is the government na silang lahat po ay mari-rescue at ano po ang timelines para dito?
PCO USEC. CASTRO: Katulad po ng ating pinakita na good news, ang ating gobyerno po, ang ating administrasyon ay handang tumulong sa mga Pilipinong nangangailangan. So, kanina po ay pinakita po natin ang good news, at tuluy-tuloy pa rin po ang ating pagsisikap para kung anuman po ang dinadanas ng mga kababayan natin sa ibang bansa ay agad natin itong matulungan.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Follow-up po. Ma’am, we are holding job fairs, but how confident are we that these opportunities are enough to prevent Filipinos from risking their future in offshore gaming operations abroad?
PCO USEC. CASTRO: Yes, we are into projects, giving more jobs to the Filipinos. So, with these, I hope that they can rely on that. They can have these jobs that will match their capacities and skills. And we pray that they will not again go work abroad so that they can also attend to their families.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Usec., follow-up lang po doon sa 176 na OFWs. Moving forward, ano po kaya iyong gagawin ng pamahalaan para sa paliparan pa lang po ay hindi na sila makalabas ng bansa kasi mas mahirap po silang i-rescue kapag wala na po sila sa Pilipinas?
PCO USEC. CASTRO: Unang-una po, nakikiusap po tayo sa mga Pilipino na nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa: Dumaan lang po sana sa tamang proseso. Huwag po silang, kumbaga, makikipag-transact nang hindi alam po ng gobyerno. Kaya nga po tayo may POEA para po sila ay mabigyan ng seguridad na ang kanilang pupuntahan, sila po ay safe.
So, maliban po sa gagawin po ng gobyerno, makipagtulungan po sana ang ating mga kababayan. Mahirap naman po kadalasan kapag mahigpit naman po ang ating officers sa Bureau of Immigration, nao-offload minsan, hindi rin po maganda. So, kayo na rin po, makipagtulungan na rin po kayo sa gobyerno para po maiwasan natin iyong mga ganitong klaseng sitwasyon.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., good morning po. Regarding doon sa lindol sa Myanmar at saka nahagip sa Thailand. Though concerned government agencies are taking steps to check on our fellow Filipinos doon sa dalawang nabanggit na bansa, any directive straight from the President para sa pagtulong doon sa ating mga kababayan?
PCO USEC. CASTRO: Opo, nagkaroon po ng interagency meeting at sa pangunguna rin po ni Secretary Gilbert Teodoro Jr. ay sinabi po na imo-mobilize na po ang mga resources para po agad tayong makatulong sa ating mga karatig-bansa. At bukas nga po ang tentative travel date po for deployment ng ating mga kumakatawan, parang lalabas po, ang grand total po ay 114 personnel ang ating ipapadala bukas – tentative date po iyan. Ito ay manggagaling sa mga ahensiya tulad po ng DOH. Kasama na rin po dito iyong urban search and rescue team ng Bureau of Fire Protection at ng Armed Forces of the Philippines. Nandito rin po ang MMDA at mula sa Apex Mining Corporation or First Gen-Energy Development. So, iyan po ay ipapadala natin, tentative date po ay tomorrow para po makatulong po ang Pilipinas sa ating mga kababayan din po at sa mga citizens po o mga mamamayan dito po sa mga nasabing bansa na dumaranas po ngayon ng krisis dahil po sa nabanggit na lindol.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., nakatutok po ba dito ang ating Pangulo?
PCO USEC. CASTRO: Opo. Iyan po ay ipinag-utos po ng Pangulo sa ating mga agency na agaran po na tumulong sa ating mga kapitbahay na bansa.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Follow-up na lang po, Usec. How prepared is our government for this kind of disaster, lalo na ngayon na nababanggit iyong the ‘Big One’?
PCO USEC. CASTRO: Sa mga ganitong pagkakataon po kasi, hindi po talaga natin masasabi kung kailan mangyayari pero mas maganda po na maging handa. Karamihan po, halos po ang government agencies po natin ay prepared po diyan – nagkakaroon po ng earthquake drill, fire drill, at mayroon po tayong nakahanda pong mga “Go Bags”. At sa mga local government units, sa atin din po na … idini-demand po natin hangga’t maaari po na iyong mga building officers nila ay magsagawa po ng mga inspection kung maaari, at maging mahigpit din po sila sa pagbibigay ng mga permits sa pagpapagawa ng mga buildings na magiging maaaring hindi ganoon katibay, ayan po.
At sabi nga po natin, maliban po sa gobyerno, tayong mga Pilipino, taumbayan ay magtulung-tulungan din po dito sa pag-information dissemination patungkol po sa paghahanda kapag ganito po ang nangyari.
LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. Dumami raw po ang mga Pilipinong nakaranas ng gutom batay sa SWS survey, ano po ang masasabi ng Malacañang dito at paano ito planong tugunan ng pamahalaan?
PCO USEC. CASTRO: Actually, aaralin po iyan dahil po sa bagong report po ng DSWD, marami na po kasing programa na talaga pong pantawid-gutom. Unahin ko po ang programa ng DSWD na nagsisilbi po sa 300,000 food-poor households na may equivalent po na 1.5 million individuals – across the country po ito – sila po ay binibigyan ng 3,000 pesos monthly as food aid.
Pangalawa pong programa ng DSWD ay Walang Gutom Kitchen. Ito po ay located sa Pasay City kung saan nagsisilbi po ng mga hot free meals sa mga pamilya, sa mga bata lalung-lalo na iyong mga nasa lansangan. Maliban pa po diyan ay mayroon po ang DSWD na programa ito po iyong ‘Walang Gutom Project: Kusinero Cook-off Challenge’ para po ma-improve iyong public nutrition at mayroon din pong Walang Gutom Project that provides eligible families with electronic benefit transfer po – ito pong 3,000-peso monthly food credits.
So, aaralin po natin kung saan nanggagaling itong mga sinasabi na nagugutom pa ang ibang mga kababayan natin at para malaman natin kung saang lugar ito at kung mayroon mang pagkukulang ay maibsan po natin ang ganitong klaseng mga sitwasyon po.
EDEN SANTOS/NET 25: Good morning po, Usec. Itatanong ko lang ulit kung mayroon na tayong figures, ilan na po iyong housing units na nai-distribute na ng BBM administration sa ilalim po ng 4PH – ito iyong Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino Program ng administrasyon?
PCO USEC. CASTRO: Nakakuha tayo pero hindi pa po ito kumpleto sa ngayon pero may mga ibibigay po ako sa inyong datos: As of this time, ayon po sa report ng DHSUD, mayroon po tayong 90 ongoing projects nationwide in various stages of development and construction – ang ilan po dito ay nabuo na po, nagawa na po at ito ay magdyi-generate ng total of 259,365 housing units; mayroon din pong 82 projects currently in preproduction stage; at mayroong 436 pending proposals.
At least 8,000 housing units are for turnover this year at mayroon pa po tayong binanggit sa Davao City noong nakaraan; at saka sa San Juan; at mayroon din po sa Palayan City, Nueva Ecija; City of San Fernando, Pampanga; at Bacolod City; Tagoloan, Misamis Oriental at mayroon pa pong darating sa Abuab, San Mateo Rizal; at Bocaue, Bulacan.
EDEN SANTOS/NET 25: So, kung mayroon po tayong estimate, mga ilang milyon po ito?
PCO USEC. CASTRO: Wala po siyang milyon
EDEN SANTOS/NET 25: Sa loob po ng tatlong taon sa puwesto ng Pangulong Marcos?
PCO USEC. CASTRO: Iyon po iyong sinabi ko at hindi pa po ito kumpleto.
EDEN SANTOS/NET 25: Kasi po ang sabi one million per year. So, para mabuo iyong backlog na 6.5 million housing units po ng Pilipinas.
PCO USEC. CASTRO: Okay. Sinabi naman po ng ating Pangulo na ito po iyong salita niya and I quote, “We are aiming for one million homes – one million low-cost and socialized homes a year. It is an ambitious number but we will try very, very hard.”
So, may mga pagkakataon po gustuhin po natin na matapos po ang lahat pero may mga causes of delays katulad po ng processing and release of development loans for private contractors; permitting or due diligence process on sites suitability and land ownership; mayroon din po nagkakaroon din po ng problema or issue tungkol sa pagpapatayo because it seems that there is longer construction period for vertical housing – at least 10 months average for walk-up – four-storey buildings pa lang po iyon; at iyon pong capacity to borrow or avail of the development loan of private contractors at ito po ay ibibigay nang napakamura po sa ating mga kababayan kaya po kakaunti lamang po na mga contractors at developers ang sumasali sa proyektong ito.
So, ito po ay mga issues na hindi po ninanais ng administrasyon but katulad ng sinabi ni PBBM, ng ating Pangulo: “We aim one million houses a year and we will try very, very hard.”
EDEN SANTOS/NET 25: Ano po iyong mga reason bakit may mga contractors po na umaatras sa proyekto?
PCO USEC. CASTRO: Kasasabi ko lamang po, maliit po kasi ang presyo na ibibigay natin sa taumbayan para i-avail ito kaya po iyong ibang contractors po ay hindi po sumasang-ayon na makisali or sumama sa ganitong klaseng proyekto, kaunti lamang po na developer.
EDEN SANTOS/NET 25: Usec., hindi po ba kasama sa GAA or national budget ng gobyerno po iyong sa pagtatayo po ng mga pabahay project ng administrasyon?
PCO USEC. CASTRO: Mali po iyan. Hindi po kasama sa GAA ang proyektong ito; ito po ay pupondohan po ng Pag-IBIG.
EDEN SANTOS/NET 25: Thank you po.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Usec., this morning iyong mga progressive groups daw po will be filing an appeal sa Malacañang para ihinto iyong April 2 implementation ng five-peso fare hikes sa LRT dahil pabigat daw po ito sa mga commuters. Ano po iyong stand ng Malacañang on the fare hike? And can we also get an assurance from the President na the President is looking into the concerns of the commuters po?
PCO USEC. CASTRO: Yes, opo. Gustuhin po natin man ‘no, gustuhin po ng administrasyon na ito po ay hindi muna maituloy pero iyan po kasi ang nakasaad sa kontrata. Kung hindi po ako nagkakamali, nabanggit po ito na matagal na po dapat nagtaas ng presyo pero hino-hold po ito para po sa ating mga commuters. Pero tingnan din po natin ang sitwasyon kapag kasama po kasi ito sa kontrata at hindi po itinupad or natupad ng gobyerno ay mas magkakaroon po nang malaking problema ang ating mga commuters.
TUESDAY NIU/DZBB: Good morning po, Usec. Usec., nitong weekend mayroon pong mga Filipinos na nakulong sa Qatar dahil daw po doon sa ginawang kilos-protesta in support kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ano po ang tulong na maipagkakaloob ng gobyerno kung mayroon man? Anong plano para sila po ay matulungan na ma-resolve itong kanilang kinakaharap na kaso doon ngayon?
PCO USEC. CASTRO: Noong araw po na ito ay napabalita, agad-agaran po ang embahada natin po ay tumulong po agad – nagpadala po ng Labor Attaché, isa din pong lawyer para po malaman at maipaglaban ang kanilang mga karapatan. At maliban po diyan ay kung ano pa po ang maaari nating ibigay na tulong let’s say mga care packages na sa abot na makakaya ng ating pamahalaan, ibibigay po natin sa ating kababayan sa nasabing bansa.
TUESDAY NIU/DZBB: So, hindi naman po sila pababayaan doon na makulong, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Hindi po, obligasyon pa rin po ng ating pamahalaan, ng administrasyon, ang mga Pilipino anuman po ang kulay nila, wala po tayong sinisino, wala po tayong discrimination patungkol po diyan. Basta po kapuwa Pilipino ay tutulungan po iyan ng administrasyon!
TUESDAY NIU/DZBB: Opo. Follow up lang, ma’am. Iyong ibang mga Filipinos na nagra-rally pa rin para dito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte katulad po sa Davao noong kaniyang birthday marami pong nagtipun-tipon sa ibang lugar sa bansa – ano po ang nakikita ninyo rito, marami pa rin iyong mga sumusuporta sa kaniya sa dami noong mga um-attend? I’m sure nakita rin po ito ni Presidente, ano po ang take niya dito sa ganitong sitwasyon?
PCO USEC. CASTRO: Kung nag-celebrate po sila ng birthday po ni dating Pangulong Duterte ay hindi naman po natin mapipigilan iyan. Kung marami ang sumusuporta sa dating Pangulong Duterte, karapatan po nila iyon, hindi po natin ito pipigilan.
TUESDAY NIU/DZBB: Thank you, ma’am.
MELVIN GASCON/PDI: Good morning po, Usec. Nag-start na po iyong election campaign for local elections at may mga bali-balita po na may mga ilang mga kandidato ang gumagawa ng paraan para masakyan po iyong AKAP—pamimigay po ng AKAP. With the upcoming oral arguments ho sa Supreme Court, mayroon po bang kautusan ang Malacañang na voluntarily ipagpaliban po muna ang pamimigay po ng AKAP?
PCO USEC. CASTRO: Mahirap po kasing ihinto ang pagbibigay ng ayuda sa taumbayan. Umaasa rin po sila diyan, katulad nga po nito, sabi po sa survey ay diumanong tumataas ang hunger rate kahit marami na po tayong programa ng ayuda. Kaya sabi nga po natin, titingnan natin kung saan nanggagaling ito.
Hindi po ito mapapahinto agad-agad ng administrasyon at mas marami po sigurong mga kababayan natin ang mag-aalma lalo na kung nasanay na po silang kumuha ng ganitong ayuda para po ipantawid sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.
MELVIN GASCON/PDI: So, follow-up lang po, ma’am. Isa po sa mga contentious issues po dito sa 2025 GAA, ito nga pong allegedly ay insertions ng AKAP. Kukumustahin lang po sana namin ang update doon po sa ginagawang review ng Malacañang doon po sa mga allegedly mga insertions ng bicameral conference?
PCO USEC. CASTRO: Sa nakaraang 2025 po?
MELVIN GASCON/PDI: 2025 po.
PCO USEC. CASTRO: Hindi po kasi privy or hindi po responsibilidad ng executive na makialam kung ano ang nagawa sa Bicam. Tayo po, ang pagtutuunan lamang po talaga ng pansin ng executive ay ang enrolled bill. Kung anuman po ang naging isyu sa kanila, kung mayroon man, iyon po ay trabaho lamang po ng legislative at kung tayo ay makikialam sa kanilang gagawin sa pagbabalangkas ng budget ay baka sabihin pong nakikialam at ito ay violation po ng separation of powers.
MELVIN GASCON/PDI: So, ano po iyong ginawa ng Malacañang, very recently po na pagkatapos mapirmahan iyong GAA? Adjustment ng kung ilang millions from one department, lilipat sa kabilang department, paano po iyon?
PCO USEC. CASTRO: Niri-review lamang po iyon para po sa pag-spend ng budget.
MELVIN GASCON/PDI: Tapos na po iyon?
PCO USEC. CASTRO: Dahil sa mga cut na ito. As of the moment, ang pagkakaalam ko po ay nagkaroon ng mga review, tatanungin ko po kung natapos na po ang kanilang pagri-review.
MELVIN GASCON/PDI: Hingi po kami ng update. Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Opo, salamat po.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Good morning, Usec. may we get Malacañang’s reaction po on the business expectation survey of Bangko Sentral ng Pilipinas, stating that the business conference in the Philippines is more optimistic for the second quarter of 2025?
PCO USEC. CASTRO: That’s good news. It should be included in our good news. Maganda pong pangitain po iyan, maganda po na nakikita po na dumadami pa rin po ang may tiwala sa ating pamahalaan, sa ating administrasyon, para ang mga investors po ay maglaan ng kanilang mga investment sa ating bansa. Maganda pong balita iyan!
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: And, Usec., what are the government’s actions to maintain or to even surpass this optimism for the remaining months of the year?
PCO USEC. CASTRO: We will try our best. The administration will try its best to maintain that status or to be better than that so that we can encourage more investors to invest in our country.
KRIZEL INSIGNE/IBC13: Usec., ano po ang reaksiyon ng Palace sa bagong revelation po ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega about sa confidential funds ng OVP. This time po, they dubbed it as Team Grocery because of the names Beverly Claire Pampano, Mico Harina, Patty Ting and many more?
PCO USEC. CASTRO: Hindi lang po siguro ang Palasyo ang medyo nagtataka, siguro lahat po ng—ang taumbayan mismo ay nagtataka kung bakit ganito ang mga resibo na naibigay ng OVP. At ito pong mga ebidensiya po na iyan ay ilalaan na lang po natin at ipapaubaya natin sa House of Representatives at sa Senado kung ito ay gagamitin man sa impeachment trial.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Good morning, ma’am. Magpa-follow up lang po ako doon sa report po regarding po sa BSP. Nag-isyu rin po iyong BSP recently ng financial stability report, kung saan nag-express rin po sila ng concern doon sa [unclear] uncertainties due to economic development sa US at saka iyong geopolitical issue sa Europe and Middle East? Napag-usapan na po kaya sa cabinet iyong possible impact ng mga geopolitical developments during po doon sa NEDA last briefing? At saka may ibinigay po kayang instruction si President Marcos kung paano imi-mitigate iyong impact ng mga ganoong issues?
PCO USEC. CASTRO: Actually po, nagkaroon po ng meeting with the BSP, pinag-usapan na rin po iyan. At maaari pong maapektuhan ang inflation rate if ever, patungkol po diyan sa nangyayari po sa US. So, tingnan na lang po natin at gagawa naman po ng paraan. At sa pagpupulong po na iyon ay dapat—ang ating nadinig sa pagpupulong ay dapat maibsan agad. Iyon lang po ang nadinig ko na sinabi po ni Pangulo na maibsan po agad kung ano po ang magiging impact nito sa darating na taon.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Last question na lang po sa akin. Iyong na-mention rin po kanina iyong tungkol sa isyu sa Myanmar, patuloy pa rin iyong mga Filipinos na nabibiktima doon sa scam hubs. May plan po kaya iyong government to restrict iyong deployment ng Filipinos not necessarily OFWs sa Myanmar and its surrounding countries?
PCO USEC. CASTRO: Maganda pong suhestiyon iyan at siguro dapat din po nating tingnan po iyan, maging istrikto sa tamang – rasonableng pag-i-strict lamang po dahil hindi naman po natin puwedeng i-violate ang freedom of movement ng bawat isa. So, kapag nakita po natin at napansin na wala naman silang dapat puntahan sa Myanmar at maaari silang maging biktima ay mas maganda pong maimbestigahan muna bago sila umalis.
ROBERT MANO/TELERADYO SERBISYO: Usec., good morning po. On Thursday, the Senate committee on foreign relations decided na magkaroon po ng second hearing, regarding sa pagkakaaresto kay former President Rodrigo Duterte. On Thursday, are we seeing same set of cabinet officials representing the executive po sa hearing or may special instructions ang Pangulo regarding po dito? Thank you.
PCO USEC. CASTRO: Wala po, katulad naman po ng sinabi natin noong nakaraang araw, hindi naman po pipigilan ng Pangulo ang mga cabinet members or secretaries kung sila man po ay ipapatawag. At dapat nga namang tugunan kung ano ang katanungan na ibibigay sa kanila, provided po na ito ay hindi naman magba-violate ng executive privilege, iyon lamang po.
JOEY VILLARAMA: Thank you, Usec. Claire.
PCO USEC. CASTRO: At dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat Malacañang Press Corps at magandang tanghali para sa Bagong Pilipinas.
###