Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and Undersecretary Atty. Claire Castro


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Good morning. Magandang umaga, Malacañang Press Corps, welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa mga magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.

In line with the Marcos administration’s aim to provide decent and affordable housing to marginalized families, the Department of Human Settlements and Urban Development led the groundbreaking of the Makabagong San Juan Pambansang Pabahay Project, ang unang pabahay program sa San Juan City sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pamilyang Pilipino (4PH) program. Inaasahang makakapagbigay ito ng 1,029 housing units na may sukat na 25 square meters. Panoorin po natin ito:

[VTR]

Isa pa pong good news: Triniple ng Department of Agriculture ang alokasyon para sa vulnerable sectors sa ilalim ng 29-peso kada kilo na bigas na programa ng administrasyong Marcos. Kasama sa maaaring bumili ng hanggang 30 kilos kada buwan ang mga senior citizens, persons with disability, solo parents at indigents. Maaaring makabili ng mababang presyo ng bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo stores.

At iyan po ang mga good news natin sa araw na ito. Maaari na po tayong tumanggap ng inyong mga katanungan.

CLEIZL PARDILLA/PTV: Good morning po, Usec. Usec., how will tripling NFA rice allocation for vulnerable sectors balance support for consumers and farmers lalo na po in terms of warehouse decongestion ng NFA? Thank you.

PCO USEC. CASTRO: By increasing the amount of rice that the vulnerable sectors can avail or can access from 10 kilos to 30 kilos, definitely po iyong stores, iyong buffer stocks po ng NFA will be released so more space will be available for the NFA to buy more palays from the farmers especially during the harvest season po.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., good morning po. Usec., ano ba iyong naging reason doon sa decision na pataasin from 10 kilos to 30 kilos iyong monthly allocation para doon sa P29 beneficiaries?

PCO USEC. CASTRO: Ito po’y may kaugnayan lalung-lalo na po sabi nga natin ay iyong mga presyo po ng bigas lalo na po sa world market ay tumataas po. So, ito po’y tulong ng ating pamahalaan para—lalung-lalo na po doon sa mga vulnerable sectors katulad po ng mga senior citizen, indigents para po sila naman po ay gumaan ‘no ang kanilang pagbili at makakuha ng supply po ng bigas para sa kanilang pamilya.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., does the government has enough funds para dito sa program para ma-sustain iyong programa?

PCO USEC. CASTRO: Mayroon po. [May] Inilaan po ang pamahalaan para po diyan, five billion po para po dito sa programang ito.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Last point siguro doon sa subject, Usec. May plano ba ang government para mapalawak pa iyong programa in terms of beneficiaries? Ie-extend ba natin ito in the future?

PCO USEC. CASTRO: Hangga’t makakaya po ng ating pamahalaan, hindi po tayo titigil sa pagtulong po dito sa ating mga vulnerable sectors ng pamahalaan.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Good morning, Usec. Ma’am, may we just get your reaction on the recent pronouncement made by Senator Imee Marcos that by repeatedly invoking the executive privilege, it seems that the government witnesses are hiding essential facts doon po sa arrest ni former President Rodrigo Duterte.

PCO USEC. CASTRO: Sana po malaman din po ni Senato Imee Marcos kung ano po bang ibig sabihin ng ‘executive privilege.’ Ito naman po ay—executive privilege po is a constitutional doctrine that allows the president and high-ranking officials, executive officials to withhold some sensitive information especially kung ito po ay magkakaroon na po ng encroachment ng isang branch over to another branch.

Kasi ito pong executive privilege is rooted from the separation of powers, so may mga pagkakataon po talaga including po iyong mga issues concerning national security, diplomatic relations, military affairs and internal deliberations within the Executive Branch, hindi po ito dapat na isinasapubliko. So, magkakaroon po ito ng undue encroachment by one branch of the government over another. So, wala po tayong itinatago, may mga pagkakataon lamang po na iyong ibang mga napag-usapan ay hindi dapat isinasapubliko.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Ma’am, doon sa kaniyang preliminary findings, ngayon niya lang nilabas na—sabi niya, it was found out that the Philippines had no legal obligations to arrest and turnover the former president to the ICC and mayroon daw pong mga glaring violations though hindi niya minention [mention] doon sa rights ni former President Duterte.

PCO USEC. CASTRO: Ganiyan po ang kaniyang magiging opinyon kung ang kaniyang mga nakausap ay ang mga Duterte supporters. Pero kung titingnan po natin ang ibang mga experts katulad po nila Justice Carpio, Atty. Butuyan at iyong ibang mga nagsasabi patungkol sa batas natin na RA 9851, maiiba po ang kaniyang tingin sa nasabing issue.

And, sana po tingnan niya rin po kung ano ba sinasabi natin, wala tayong legal obligation pero mayroon po tayong batas na sinasabi sa RA 9851 – ito, may sinasabing prerogative na makipagtulungan sa Interpol but still, mayroon tayong commitment sa Interpol. But again, ang sumusunod lang—ang gobyerno ay sumusunod lamang sa RA 9851.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: Ma’am, in relation to that, may we get your reaction on Senator Imee officially withdrawing from the Alyansa. Ano po iyong naging reaksiyon ni Presidente dito and what does it say about the relationship between the siblings, ma’am?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, siya naman po ang nagsabi na siya’y kumakalas na sa Alyansa dahil ang sabi niya ay hindi yata pareho ang kanilang mga adhikain, ang adbokasiya. Kung hindi po talaga nalilinya ang kaniyang mga paniniwala sa paniniwala ng Alyansa, mas maganda po siguro talaga na siya ay umalis dahil kung hindi niya po paniniwalaan ang mga programa ng Alyansa, hindi po talaga magkakaroon ng magandang relationship. Pero lahat pong ito ay ipapaubaya natin sa campaign manager na si Cong. Toby Tiangco.

ANNA BAJO/GMA NEWS ONLINE: But, ma’am, does her statement show that there could be a deeper rift between the two siblings? Kasi, ma’am, mayroon siyang binanggit ngayon na tinake [take] against daw allegedly ni Presidente iyong investigation niya sa pag-aresto kay Duterte?

PCO USEC. CASTRO: Wala po tayong nadidinig na anumang salita mula sa Pangulo. Siya lamang po ang nagsasalita ng mga bagay-bagay na katulad ng ganiyan. Siguro iyan po ‘yung kaniyang pananaw pero sa Pangulo po, wala po tayong madidinig.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Nabanggit din po ni Senator Imee Marcos that tracing the timeline of the events leading to the arrest, the administration only changed its tone from non-cooperation to cooperation with the ICC as the political relationship between the Dutertes and the Marcoses soured or the Dutertes and the administration soured. Your comment on this, ma’am.

PCO USEC. CASTRO: Basta po sa atin po, noong ginawa po ito ng pamahalaan, ng administrasyon, wala pong ibang sinunod kung hindi kung ano iyong nasa batas at kung ano po iyong obligasyon natin sa Interpol. Kung mayroon po siyang ibang pananaw, siguro personal niya pong pananaw iyan. Kung mayroon siyang ibang naiimbestigahan, sabi nga po natin maging patas ang kaniyang pag-iimbestiga. Imbestigahan din po niya, gawin niya rin pong resource person hangga’t maaari iyong naniniwala sa ginawa ng administrasyon na i-surrender ang dating Pangulong Duterte sa ICC.

PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: So again, ma’am, it didn’t have anything to do with the relationship between the Marcoses and the Dutertes, iyong naging pag-arrest?

PCO USEC. CASTRO: Wala po tayong pini-personal dito. Kung ano lang po ang sinasabi ulit ng batas at kung ano iyong nagiging obligasyon natin at magiging commitment natin sa Interpol, iyon lamang po ang ating gagawin. Wala pong personalan dito.

MARICEL HALILI/TV5: Ma’am, do you consider or does the administration consider Imee Marcos a loss from the Alyansa?

PCO USEC. CASTRO: [Laughs] Wala po akong masabi. Sa parte po ng Alyansa, ibibigay po natin kung anuman ang pananaw po ng ating campaign manager na si Congressman Toby Tiangco.

MARICEL HALILI/TV5: Pero the relationship between the President and his sister how do you describe that? Is it still the same? Are they okay? May lamat ba?

PCO USEC. CASTRO: As we can see from the statements of Senator Imee Marcos, it seems like there is. But on the part of the President, we cannot say that there’s a rift in the relationship of the two siblings. So, hintayin na lang po natin kung mayroon mang sasabihin ang Pangulo. But sa ugali kasi ng Pangulo, hindi po siya masyadong …alam ninyo po iyon, hindi siya pikon. Kaya kahit anong banat, kahit nakita na ninyo po si Senator Imee Marcos na nandudoon sa Maisug rally habang binabanggit ng dating Pangulong Duterte ang paninira sa kaniya, kay PBBM, wala po tayong nadinig. Wala rin po tayong nadinig na anumang hinanakit, kung mayroon man ha, mula sa Pangulo para sa kaniyang kapatid.

IVAN MAYRINA/GMA7: Usec., this question is on the subject of interim release for former President Duterte. Isa raw po sa mga kundisyon for granting such a motion according to the ICC’s spokesperson is that for the country, in this case, the Philippines, will accept this release and agree to certain guidelines and conditions to be set by the court. Is the Philippines going to accept the former President’s interim release and commit to comply with the guidelines to be set by the ICC?

PCO USEC. CASTRO: With that, does it mean that we have to recognize that ICC has jurisdiction over the Philippines? I believe the family of former President Duterte is asking and praying from the Supreme Court that the government should not cooperate with the ICC. So, it means that if we will not cooperate with the ICC, even that prayer or even that manifestation of the ICC, we will not take cognizance of that.

Mahirap po kasi na sasabihin natin—although, that’s hypothetical, sasabihin natin na makikipag-cooperate tayo sa ICC pagdating po sa interim release dahil lahat po ng isyu diyan ay mabubuksan. Mabubuksan din po kung magkakaroon ng freeze order sa kaniyang mga assets. Gugustuhin po ba din ng Pamilya Duterte na makipag-cooperate tayo sa ICC para lahat ng kanilang assets, nakatago man o hindi nakatago, ay makikipagtulungan tayo sa ICC para mahagilap lahat ng kanilang assets.

IVAN MAYRINA/GMA7: Which means it’s a sword that cuts both ways, if I understand what you’re saying. So, it’s a no go, ibig sabihin po, ang interim release as far as the Philippine government is concerned?

PCO USEC. CASTRO: Though it’s hypothetical, but as we speak now, we do not recognize the jurisdiction of the ICC over the Philippines. So, that’s it.

EDEN SANTOS/NET25: Good morning po, Usec. Ano po iyong reaksiyon natin doon sa ulat na mismo ngang Marcos administration po ang nagbigay ng mga ebidensiya sa ICC regarding po doon sa crimes against humanity kay FPRRD?

PCO USEC. CASTRO: Mismong administrasyon?

EDEN SANTOS/NET25: The Marcos, iyon po ang banggit doon sa … parang the two families are being at war, na sinasabi ng ICC officer, but originally at first they are at peace. So, nabanggit niya doon na ang Marcos ang nagbigay ng mga evidence at willing na raw pong makipag-cooperate or prepared to cooperate ang Pangulong Marcos?

PCO USEC. CASTRO: Mas gugustuhin po natin kung mas kumpleto po ang detalye ng inyong tinatanong – sino, kung mayroon man sa pamilyang Marcos ang nagbigay ng mga dokumento dahil wala po tayong alam na nakipag-cooperate mismo ang pamilya Marcos para sa ICC. Mas maganda po kung madidetalye po iyan para po mas maganda po ang ating maging tugon.

EDEN SANTOS/NET25: Regarding doon sa ano po ni Ivan, kahit po ba ang mga Pilipino ay gustong pauwiin si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang gobyerno po ba natin, kahit man lang sa humanitarian aspect ng ating gobyerno, hindi po tatanggapin ng Marcos administration iyong binabanggit na interim release kung sakali po?

PCO USEC. CASTRO: Ibabalik ko ang tanong: Tanungin natin doon sa mga nagsususog patungkol diyan, tatanggapin na ba dapat ng Pilipinas ang jurisdiction ng ICC? Ipapa-withdraw na ba nila ang kanilang mga petition na sinampa sa Supreme Court na patungkol sa dapat hindi tayo makipag-cooperate sa ICC? Tatanggapin din po ba nila na lahat ng utos ng ICC ay ating iri-recognize pati iyong pag-freeze ng kanilang mga assets? So lahat po iyan ay dapat ibalik po natin ang tanong.

EDEN SANTOS/NET25: So, hindi po ba puwedeng gawin ng gobyerno na tanggapin na lang dahil doon sa kasama sa binabanggit po ng ICC na kapag binigyan ng interim release ang government ng Pilipinas ang tatanggap or ang Pilipinas doon sa point lang na ganoon, so kailangan balikan po from the start na tayo ay umatras or umalis as ICC member?

PCO USEC. CASTRO: Hindi po tayo basta-basta maaaring mag-initiate ng anumang aksiyon. Dapat manggagaling iyan sa pamilya Duterte dahil sila po ang may mga kaso na isinampa sa Supreme Court na magiging conflict po iyon sa kanilang mga opinyon, sa kanilang mga paniniwala na ang ICC ay walang jurisdiction sa Pilipinas. So, hindi po tayo makakakilos patungkol diyan.

EDEN SANTOS/NET25: So, personally po, hindi naman …ayaw naman ng Pangulo na hindi makabalik ng Pilipinas ang dating Pangulo?

PCO USEC. CASTRO: Wala po akong masasabi patungkol diyan.

MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: Good morning po, Usec. Ibang topic naman po. Sa isang interview ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, may binabanggit po siya patungkol sa isyu sa GAA 2025. May binanggit po siya na iilang tao lang daw iyong nag-usap para baguhin iyong NEP and stating na obviously ginawang election fund daw po ang GAA 2025. Any reaction po?

PCO USEC. CASTRO: Magiging witness po ba siya sa mga kasong isinampa? Ginagalang po natin ang pananaw ni Mayor Magalong, pero mas maganda po sana kung magsasalita po siya ay nandiyan na, nakahain na po ang mga ebidensiya na ito ay nagamit sa election fund.

Unang-una po, tinawagan po natin ang DSWD, nakipag-ugnayan po tayo para malaman natin kung may katotohanan ang mga sinasabi ni Mayor Magalong. Tinanong po natin na ang mga pulitiko lamang ba ang puwedeng mag-refer sa DSWD kung may nais tulungan? Ang sabi po nila, anybody, kahit sino ay puwedeng humingi ng tulong sa DSWD. So, hindi po ibig sabihin nito na pulitiko lamang ang gumagamit ng pondo. Kahit po sino, kahit po iyong mga hindi incumbent pero tumatakbo pero kung mayroon po silang valid na kahilingan at mabi-vet ito ng DSWD, puwede silang gumawa ng letter referral, ito po ay tutulungan ayon sa DSWD.

So, huwag po natin sanang isipin na pulitiko lamang po ang puwedeng humingi sa DSWD. Ayon din po sa DSWD, ang pera po na ibinibigay, ang ayuda, ay nanggagaling mismo sa DSWD. At kung mayroon man pong ibinibigay na tulong ang bawat pulitiko, galing po iyon sa kanilang sariling pondo.

Nais po natin, kay Mayor Magalong, ibigay po ang mga ebidensiya. Bigyan niya rin po kami dito sa PCO para malaman natin kung may katotohanan ba ang bintang na ito. Mahirap po kasi na ang bintang po ay pangkalahatan pero hindi naman po naibibigay ang pinakadetalye kasi makakasira po ito sa imahe ng gobyerno, sa pamahalaan; makasisira rin po ito sa lahat ng mga pulitiko na ang karamihan naman po ay inosente.

So kung mayroon pong ebidensiya, ito naman po ay may kaso na patungkol po sa GAA at sa enrolled bill, magbigay na lang po siya ng ebidensiya doon para kung mayroon pong issue ay mas maliwanag. Pero kung maibibigay niya po sa amin, sa PCO, kahit po sa akin, mas maganda po kung mababasa ko lahat ng mga ebidensiya niya at ito po ay ating paiimbestigahan.

MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: And follow up lang po, binabanggit niya rin na parang nagkaroon na raw po siya ng death threats because doon sa mga binabanggit niyang may corruption.

PCO USEC. CASTRO: Okay. Kung mayroon pong death threats sa kaniya, hindi po natin alam kung saan ito galing. Kung mapapatunayan din po niya na ito ay galing sa kaniyang diumanong pag-i-expose dito sa election fund patungkol sa GAA, mas maganda po dati naman din po siya na naging parte ng PNP, magaling naman po siyang mag-imbestiga, ibigay lamang po niya ang lahat ng ebidensiya at tayo ay tutulong kung totoong may death threats.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., maiba uli tayo ng topic. Nag-declare na ang PAGASA ng dry season, any directive coming from the Office of the President specially sa Agriculture Department lalo na baka magkaroon ng epekto sa ating mga agricultural products at saka livestock as well doon sa Department of Energy to ensure a steady supply of electricity?

PCO USEC. CASTRO:  Opo. May mga programa po nabanggit ko na po noong nakaraang press briefing patungkol po diyan kung ano po iyong mga programa ng DA at pati po iyong DOH mayroon po diyan, pati po sa heat index, pati sa dry season, kung papaano bibili ng mga bigas. Ibibigay ko pong muli sa inyo ang mga detalye kapag nakuha ko na po mismo iyong papel at ibibigay po namin sa inyo.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Usec., on another topic, reacting to the scheduled meeting of the President with the US Secretary of Defense Pete Hegseth, the spokesperson of the Chinese Foreign Ministry said and I quote, “Any defense or security cooperation between the Philippines and other countries should not target any third party or harm their interest, still less threaten regional peace or escalate tensions in the region. Facts have repeatedly proven that nothing good could come out of opening the door to a predator. Those who willingly serve as a chess pieces will be deserted in the end. Our message to some in the Philippines, stop serving as other countries’ mouthpiece and no more stunt for personal political agenda.”

PCO USEC. CASTRO: Well, if China really believes and concerned about peace and stability in the region, they should abide by the international law, they should also respect the sovereignty of each country. The Philippines is no one’s chess piece, we are an independent country.

So, kung anuman po ang ating gagawin, kung anuman po ang ating magiging proyekto patungkol sa ating military operations, ito po naman ay nasa atin na po, wala pong puwedeng makialam dito. Tayo po ay independent at walang dapat manghimasok sa anuman po na desisyon ng ating pamahalaan.

IVAN MAYRINA/GMA 7: Thank you.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Good morning po, Usec. Pumalo na po sa 5.8 billion ang nawala po sa mga financial institutions na pinangangasiwaan po ng BSP na mula daw po sa mga cyberattacks noong nakaraang taon. Nagkaroon daw po ng pagtaas na 2.6 percent kumpara sa 5.6 billion pesos na nawala naman noong 2023. Ano po ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para ma-counter ang mga ganitong problema at saka para maprotektahan po iyong ating mga financial institutions?

PCO USEC. CASTRO: Actually po nakausap po natin ang pamunuan ng BSP at magbibigay po sila ng official statement patungkol po dito. Pero in line with that, atin din pong hinihikayat na magkaroon din po ang mga bangko, mabago ang kanilang mga internal policies patungkol po dito at tayo din po ay magkakaroon ng mga infomercials at mga information dissemination patungkol po sa paano maiiwasan ng taumbayan ang ma-scam.

So, kasi po nag-i-evolve po talaga ang paggawa ng krimen so kailangan din po ang mga proyekto natin, iyong ating mga panuntunan dito ay dapat nag-a-upgrade rin po. So, iyon po, pansamantala iyan pa lang po ang ating masasabi but hihingin po natin ang pinaka-official statement po dito ng BSP.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Thank you po.

LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. Nasa balita po na ang BCDA at Manila International Airport Authority ay pumirma sa lease agreement at nakapaloob dito ang three-year option period to decide whether to purchase the 61-hectare NAIA Terminal 3 property. May basbas po ba ng Pangulo iyong pagbibenta ng property?

PCO USEC. CASTRO: Mayroon pa namang three years po tayo para mag-decide kung kailangang maibenta ito o hindi. So, as of the moment, wala pa pong pinag-uusapan patungkol diyan.

LETH NARCISO/DZRH: Pero aware naman po tayo doon sa concerns about privatization including po iyong possibility ng prioritizing iyong profit over public interest – na-consider po ito doon sa planong iyon?

PCO USEC. CASTRO: Kasama po kasi iyan sa isang MOA at sa batas din po. Pero sabi nga po natin, hindi pa po napag-uusapan po talaga kung bibili ba or ibenta itong nasabing property.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Good morning po, Usec. The National Bureau of Investigation is planning to coordinate with the Interpol when it comes to bringing home the fake news peddlers residing overseas po. Do you see this as a positive development when it comes to our fight against fake news and disinformation?

PCO USEC. CASTRO: Opo, dapat noon pa po. Dumadami na po ang mga fake news vloggers at dapat noon pa po nasimulan ito, kaya maraming salamat sa NBI.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: And on another topic, Usec. Iyong victory po ni Alex Eala sa quarterfinals ng Miami Open sa tennis po, gumagawa po kasi siya ngayon ng kasaysayan sa international stage. How important is this for the Philippines?

PCO USEC. CASTRO: Isa po ito sa napakalaki pong tagumpay ng isang Pilipino. Ang Malacañang po, ang Palasyo po, ang Pangulo po ay ipinagmamalaki ang katulad po ng ating mga Pilipino na nagbibigay po ng karangalan sa Pilipinas.

So, congratulations sa ating kababayan at hindi pa po dito nagtatapos ang ating pasasalamat sa mga kababayan natin na nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Thank you po.

ACE ROMERO/PHILIPPINE STAR: Usec., I will just ask for additional details doon sa magiging meeting ni President Marcos with Secretary Hegseth tomorrow.

PCO USEC. CASTRO: Hindi po ako makakapagbigay sa ngayon; ang DFA at ang DND lamang po ang magbibigay official statement patungkol po diyan. Kapag nabigyan na po tayo ng anumang direktiba or announcement patungkol po diyan at mga plano, ibibigay po namin sa inyo agad.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Ibang topic naman po, Usec. Bukas kasi magsisimula na po iyong appointment ban or election ban, may mga inaasahan po ba tayong lalabas na mga appointments until today po?

PCO USEC. CASTRO: Wala pa po akong nabalitaan sa ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, parang naglabas na two days ago pero wala pa po tayong nakukuhang information about that. Pero kapag po naibigay po sa amin agad kung mayroong nailabas na panibagong mga appointments bago magkaroon ng ban ay ibibigay po namin sa inyo.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Thank you po.

PCO USEC. CASTRO: At diyan po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang tanghali para sa bagong Pilipinas.

 

###