Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and Undersecretary Atty. Claire Castro


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang hapon, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.

Reaffirming this administration’s commitment to enhance the country’s infrastructure, ininspeksiyon ni Pangulong Marcos Jr. ang ongoing construction ng Cavite-Laguna Expressway Subsection 3 na target na magamit sa third quarter ng taong ito. Inaasahan na kapag nakumpleto na ang 44-kilometer CALAX ay mababawasan nito ang travel time sa pagitan ng CAVITEX at South Luzon Expressway ng 45 minutes na makakapagbigay-ginhawa sa tinatayang 95,000 na motorista kada araw.

Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Marcos na taasan ang subsistence allowance ng officers and enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines. Itinaas ito sa 380 pesos mula 130 pesos para tulungan ang ating mga sundalo sa kanilang pangangailangan at magampanan ang kanilang mga tungkulin sa bansa. Panoorin po natin ito:

[VTR]

At ito po ang good news natin sa araw na ito. Maaari na po tayong tumanggap ng katanungan mula sa inyo.

CLEIZL PARDILLA/PTV: Good morning po, Usec. Usec., how does the administration anticipate the reduced transport time from CAVITEX to SLEX impact food prices particularly rice from CALABARZON and other essential goods? Thank you.

PCO USEC. CASTRO: Well, anyway if we can reduce the travel time, it will definitely also reduce the fuel consumption and it will benefit all travelers and also those that will transport the food and other necessities, it will also go down—the price will also go down.

TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Hi, Usec. Good morning po. Usec., sa isang interview po kay ICC Spokesperson Fadi El Abdallah, he thanked the Philippine government for showing commitment to international accountability mechanisms and they also urged all countries including the Philippines to join or rejoin the Rome Statute. So, how does Malacañang want to respond to this statement from the ICC spokesperson?

PCO USEC. CASTRO: Opo, nagpasalamat po sila sa ating nagawa. Kung ang nagsalita mismo po ay mula sa ICC, ipinapalagay natin ang ating naging pakikipagtulungan sa Interpol at ang ating pag-i-implement ng ating batas na RA 9851 ay walang nilalabag na batas. Sumasang-ayon ang ICC na ang pag-surrender natin sa dating Pangulong Duterte ay naaayon din sa kanilang batas or rules.

At gusto ko lamang idagdag dito, kasi kung sila ay sumasang-ayon sa ating naisagawa, kamakailan lamang ay nabanggit din po ni Benito Ranque, iyong co-convenor ng “Bring PRRD Home” – siya mismo po ang nagsabi and I quote, dito sa news po na sinulat po ni Cheng Ordoñez ng Daily Tribune. Ang sabi po dito: “Benito Ranque, co-convenor of the ‘Bring PRRD Home’ movement revealed that former President Rodrigo Roa Duterte was informed in advance of the arrest warrant issued against him by the International Criminal Court. Ranque said Duterte was urged to remain in Hong Kong under China’s protection but he rejected the plan, choosing instead to return to the Philippines and face the charges. “I know what I’m doing, let them arrest me. Duterte was quoted as saying by one of his advisors.

So, ibig pong sabihin nito, hindi po at walang katotohanan ang sinasabing warrantless arrest kay dating Pangulong Duterte. Ibig pong sabihin nito, alam po niya ayon sa kaniyang—ayon kay co-convenor ng “Bring PRRD Home” na si Mr. Benito Ranque, alam daw niya na may warrant of arrest at handa siyang harapin ang kaniyang kaso. So, paano po natin masasabi ngayon na mayroong kidnapping at may extra rendition? Ito po’y naaayon mismo sa kanilang kakampi na si Benito Ranque. Kaya sa aming tingin, ang administrasyon ay wala pong nilabag na batas at iyon din po ang nakikita nating pananaw ng ICC.

TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Just a follow up lang po, Usec. What’s stopping the Marcos administration to rejoin the ICC, ano po ba ang hinihintay nating indicator for us to go back to the Rome Statute?

And second po, sabi lang din ng ICC spokesperson, a freeze order on Duterte’s asset may be released at any time, at any stage of the proceedings. May coordination na po ba with other government agencies when it comes to, how do we go about this kind of order?

PCO USEC. CASTRO: As we speak, we have not yet discussed any plan of rejoining the ICC. Iyong huli po nating nakausap ang Pangulo, tinanong po natin iyan nang personal at siya’y ngumiti lamang at sasabihin ko daw dapat na wala pa talagang napag-uusapan patungkol doon.

When it comes to the alleged incoming freeze order to be issued by the ICC, there is no commitment on our part, on the part of the administration if we will comply with any order issued by the ICC considering that the ICC as of the moment has no jurisdiction over the Philippines.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., baka masyado ring advance pero kung saka-sakali man na mahatulang guilty ang dating presidente, anong mangyayari doon sa benefits niya na tinatanggap as former president? And just to educate us, Usec., ano po ba iyong benefits ng mga naging dating presidente ng Pilipinas?

PCO USEC. CASTRO: Ang benepisyo po ng dating pangulo, magkakaroon po sila ng pension for life – dati po ay P40,000 way back 1967 pero ngayon po, sa panahon po ni dating Pangulong Cory Aquino, ito po ay itinaas sa P96,000 po na pension at tax free po iyon.

Kung pag-uusapan po natin kung magkakaroon man ng decision ang ICC, unang-una napaka-hypothetical. If ever man na ito ay papabor, wala tayong pag-uusapan tungkol sa anumang forfeiture of benefits. Kung ito naman po ay hindi papabor kay dating Pangulong Duterte, kailangan pa rin po ng isang order mula sa korte dahil as of now sabi nga po natin ay wala pong jurisdiction ang ICC sa Pilipinas. So, maaari po siguro—hindi po natin alam kung kailan matatapos ang kaso at hindi po natin alam kung sa ngayong kasalukuyan o sa susunod na magiging presidente po.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., clarification lang doon sa P96,000 na pension. Monthly ba iyon or—?

PCO USEC. CASTRO: Sa aking pagkakaalam po ay annual. Itsi-check ko lang po ah. Parang monthly—ah monthly, sorry, monthly. Dati po iyong sa 5059 na batas, so ngayon po nag-increase po ng P96,000.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Salamat po, Usec.

LETH NARCISO/DZRH: Good afternoon, Usec. Sabi po noong mga magsasaka sa Nueva Ecija, hindi pa daw makapamili ng palay ang NFA dahil puno pa iyong kanilang mga bodega. Ano pong direktiba ni Pangulo tungkol dito?

PCO USEC. CASTRO: Okay. Kinausap po natin si Usec. Larry Ignacio at ang sabi po niya ay wala naman daw pong bodega na punung-puno na. At lahat po ng magbibenta na farmers, kailangan lamang po talagang pumila dahil peak season po ngayon at may mga magsasaka po na nauna na nagpalista at uunahin po lahat iyan. Kung kukulangin man daw po ang bodega, magri-rent po sila, ang NFA. So, lahat po na magbibenta na farmer, kung sila po ay may pagkakataon na hintayin ang kanilang turn, bibilin po ito ng NFA; hindi po natin tatanggihan ang lahat ng ibibenta ng farmers.

At sinabi po sa atin, sa ngayon po, ang bilihan po kapag fresh ay 19 pesos kada kilo sa Regions I, II, III, at the rest po ay 18 pesos kapag fresh; at 24 pesos kada kilo naman kapag dry. So, kung mayroon pong panahon talaga ang mga farmers natin na pumila, bibilhin po ito sa ating NFA warehouse.

LETH NARCISO/DZRH: Ano po ba ang update doon sa nauna po ninyong anunsiyo na sinabi ng DA or ng NFA na puwedeng utangin muna para nga ma-release iyong mga bigas? Kakaunti po ba ang bumibiling LGU?

PCO USEC. CASTRO: As of the moment, wala po tayong records kung ilang LGUs na po ang nag-avail na makautang para magkaroon po sila ng supply ng ating mga bigas. Kapag po nakausap kong muli si Usec. Larry Ignacio, tatanungin po natin ang pinakadetalye po dito.

AILEEN TALIPING/ABANTE: Good afternoon, Usec. Ilang OFW na Balik Manggagawa iyong nagrireklamo dahil makupad daw ang release ng kanilang ID at pabalik na sila kanilang bansang pinagtatrabahuhan pero hindi pa rin nila nakukuha. Ang dahilan, hindi pa raw natatapos iyong logo ng ID nila. Hindi ba ito taliwas sa ipinangangalandakan ng gobyerno na mabilis ang transaksiyon sa mga government offices dahil sa digitalization na?

PCO USEC. CASTRO: Ito naman po ay tinutupad natin. At nagulat nga po ang ating … si Sir Arnell Ignacio, at nais niya pong malaman kung sino iyong mga nagreklamo dahil ayon po sa records po, lahat po ay mabilis pong ginagawa ang mga ID – five minutes lamang daw po ay tapos na. At gusto naming malaman kung sino iyong mga nagrireklamo, saang lugar para po kung may nagiging problema man po sa mga machines or equipment doon ay maiayos po natin.

Pero as of the moment, wala pong nakikitang problema para po sa pag-a-ID – mabilis daw po ang pag-process dito.

AILEEN TALIPING/ABANTE: Ma’am, one week po, pinababalik po sila after one week.

PCO USEC. CASTRO: Kung mayroon po tayong nagrireklamo, pakibigay lamang po ang pangalan para po malaman at mabigyan po agad natin ng remedyo kung mayroon pong problema sa nasabing lugar.

ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good afternoon. Usec., statement lang po from the Palace. Sinabi kasi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na aprubado na ni Pangulong Marcos para simulan ang pag-uusap para sa Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas and France.

PCO USEC. CASTRO: Opo, naaprubahan na po iyan at pakikipag-negotiate po para po magkaroon po ng agreement ang dalawang bansa po. Hindi lamang po ang France; may iba pa pong bansa na maaaring sumunod po dito, at iyan po naman ay inaprubahan naman po ng Pangulo.

ANALY SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., ano pong benepisyo ang makukuha ng Pilipinas sa pagpasok po sa Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas and France?

PCO USEC. CASTRO: Ang VFA could raise the level of compatibility in terms of or in relation to the operations of the armed forces of both countries. Siyempre po may exchange of ideas, exchange of skills, exchange of know-how tungkol sa military operation; at ang mga detalye pong ito ay ipapaubaya na lamang po natin sa DFA at saka sa DND.

GILBERT PERDEZ/DWIZMagandang hapon po, Usec. May ilulunsad pong global campaign iyong ilang grupo ng mga OFWs po partikular iyong Maisug Croatia sa Europa kung saan ikakasa raw po nila iyong zero remittance week mula March 28 hanggang April 4. Parte raw po ito ng kanilang kampaniya para po maibalik sa bansa si dating Pangulong Duterte. Ano po ang reaksiyon ng Malacañang dito lalo na’t may potensiyal po itong epekto sa ekonomiya ng bansa at siyempre malaking parte po ng GDP ng bansa ay mula ho sa remittances ho ng mga OFWs?

PCO USEC. CASTRO: Of course, mas gugustuhin po natin na maging mahinahon ang bawat Pilipino sa ganitong klaseng isyu. Sana po ay malaman din po nila na ang pamahalaan at ang gobyerno ay tumutupad lamang sa ating batas. At may mga Pilipino rin naman po na nagreklamo, nag-file ng complaint laban sa dating Pangulong Duterte, sana ay maging patas din po sila sa kanilang pananaw para po maibsan ‘no ang anumang puwedeng kahihinatnan ng kanilang gagawin.

Pero siyempre po, kung hindi po sila magkakaroon at hindi sila magri-remit ng kanilang mga maaaring ipadala sa mga pamilya nila, hindi lamang po gobyerno ang maaapektuhan, pati ang kanilang mga pamilya. So, sana po ay maging mahinahon tayo sa ganitong mga klaseng issues.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Usec., good morning po. Ang Chinese Maritime Militia ay nag-install na naman po sila ng floating barriers sa Bajo de Masinloc. Nakarating na po ba iyon kay Pangulong Marcos? And ano po iyong next move ng government para doon?

PCO USEC. CASTRO: Actually po, nakausap po mismo natin si Commodore Tarriela, at ang anumang operasyon na gagawin nila ay hindi po natin maaaring i-expose. Pero tiwala po tayo sa ating coast guard, sa DND, sa kanilang magiging desisyon patungkol po dito.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: And then, Usec., last 2023, ipinag-utos po ni Pangulong Marcos iyong pagtanggal ng mga floating barriers before. Should we expect the same po dito sa …?

PCO USEC. CASTRO: Wala pa po tayong nadidinig na may ganitong klaseng plano. Hintayin na lamang po natin kung ano ang maaaring maging report at ano ang maaaring maging aksiyon po ng nasabing mga ahensiya.

RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Usec., baka puwede naman po kaming makahingi ng update regarding doon sa sectoral meeting kanina with PBBM?

PCO USEC. CASTRO: Kanina po ay nakipag-meeting po tayo para po doon sa mga housing projects at doon sa napakaganda pong mga proyekto po ng Department of Agriculture. So, marami pong pabahay na pinaplano po, at iyon pong mga food [unclear] sa mga cold storage ay nakalinya na rin po iyan. So, iyan po ay, kumbaga, kailangan po na maayos pati budget po sa lahat para po magampanan ng bawat ahensiya iyong kanilang mga proyekto para sa taumbayan.

MARICEL HALILI/TV5: Magandang hapon po. Usec., kahapon ay nag-Facebook Live si Atty. Harry Roque and, well, he mentioned a few points. Number one, he has once again reiterated his call for another people power revolution. Sabi niya, there’s nothing wrong with that because he was just asking for a peaceful gathering. Your thoughts on that?

PCO USEC. CASTRO: Peaceful gathering for what? For what? Anong purpose? Well, they can discuss this over YouTube channel nila, over social media accounts nila, and for what is that gathering? If they’re for peace, why are they asking for the resignation of PBBM?

MARICEL HALILI/TV5: And another point: Mayroon po siyang nasabi na during the time of former President Duterte, nagalit daw si First Lady Liza Araneta- Marcos kasi hindi ibinigay kay PBBM iyong position as agriculture secretary. Is there a truth to that?

PCO USEC. CASTRO: Fake news, fake news. Prove it.

MARICEL HALILI/TV5: So, ibig sabihin, hindi nagkaroon ng discussion between former President Duterte and PBBM about a particular position during his time?

PCO USEC. CASTRO: Patunayan niya po muna bago tayo magkomento.

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Good afternoon po, Usec. Following the photo of the First Lady which went viral over the weekend for allegedly being edited, on Sunday evening, she posted a new family photo like she usually does, and now netizens are pointing out naman po that it’s President Marcos who is allegedly now edited in the photo. What is Malacañang’s take on this since the photo po was posted on the First Lady’s Facebook page?

PCO USEC. CASTRO: Nakakatawa po. Una, sino po ba ang nagsabing edited? Hindi po ba, kung sila iyong nagsasabing edited, i-prove nila na edited. Nandudoon po ba sila sa okasyon? Kasama po ba sila doon? Noong mga araw na iyon ay nandudoon ba sila sa nasabing venue? Kung sino ang nagsasabi na lahat ay edited, sila po ang magpakita ng ebidensiya.

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Follow up lang po, Usec. Is there any report po na nakakarating sa inyo or kay President Marcos na they are being now targeted for fake news, parang it’s moving up na po to the family?

PCO USEC. CASTRO: Sino po ang target?

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: The first family po; any members like President Marcos and the First Lady.

PCO USEC. CASTRO: Ang tina-target ng fake news?

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: May nakakarating na po ba sa inyo na they are being targeted?

PCO USEC. CASTRO: Ever since, tina-target na sila ng fake news. Hindi ito bago. Simula nang hindi naging maayos ang pagtingin ni VP Sara sa pamilya Marcos nag-start na po ang fake news.

RICHBON QUEVEDO/DAILY TRIBUNE: Thank you po, Usec.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Usec., is that an allegation that the fake news or whatever propaganda against the First Family is being carried out by supporters of VP Sara? Kasi nabanggit ninyo ho since hindi na sila naging okay at saka po nagsimula iyong pagta-target sa First Family ng ganitong mga negatibong posts.

PCO USEC. CASTRO: There is this study made by [unclear], a journalist. He made a study that there is this country with the network that really propagate negative news or info or misinformation specifically against the President and favoring the Vice President. That’s it.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: And what do we make of that statement of yours, Usec, are we directly accusing the Vice President or the Duterte family as being behind the propaganda?

PCO USEC. CASTRO: I am not accusing anybody but a lot of people are propagating misinformation against the President and the country.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: Usec., nakakausap ninyo ho ba ang Pangulo or does he even read social media posts tungkol po sa current state of affairs right now as we speak, sa ngayon pong current political situation natin?

PCO USEC. CASTRO: May mga pagkakataon na nalalaman niya.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: What are his thoughts on it?

PCO USEC. CASTRO: Fake news ang iba, ganoon. Fake news. Kaya po tayo nandidito para labanan iyong mga fake news, iyan din po iyong naging una nating naging trabaho – kalabanin ang fake news.

IVAN MAYRINA/GMA NEWS: But does he view this with concern, with sadness perhaps? Ano ho ang pakiramdam ng Pangulo sa estado ng social media sa ngayon?

PCO USEC. CASTRO: In a way he is slightly affected so that’s why they asked the PCO to do its job to counter fake news not only for himself but for the country.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Ma’am, matanong lang po namin kayo sa pahayag ng Palasyo doon sa na-report kahapon na diumano ay bomb threat sa tanggapan po ng Office of the Vice President, mayroon po bang rason o dahilan ang publiko para mabahala po sa mga ganitong klaseng report kasi marami po ang nag-uugnay nito sa pag-aresto pa rin kay dating Pangulong Duterte?

PCO USEC. CASTRO: Ito po tayo ulit. Saan na naman po ito nakuha na pagbibintang? Threat, bomb threat sa office ng OVP, ng Vice President? Ano po ang isinagawa nila? Kung iyan naman po ay nanggaling sa kanila, ano po ang nangyari? Ipakita po nila iyong detalye. Iyon lamang po kasi maraming puwedeng gumawa ng kuwento, maraming magsabi may bomb threats pero wala naman.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: One follow up lang, ma’am. Dahil din po papalapit na iyong birthday ng dating Pangulo sa Biyernes, mayroon po bang directive ang Pangulo o ang Palasyo sa mas maigting po na seguridad anticipating po na baka may mga activities na ikakasa sa Biyernes ang mga supporters po ng Duterte family?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon, wala pa po ako personally na nauulinigan dahil nga nagkaroon kami ng sectoral meeting, hindi po iyan napag-usapan. Wala pa po tayong nadidinig na anumang kautusan patungkol dito.

JEAN MANGALUZ/PHILIPPINE STAR: Good afternoon. While we’re on the topic of the Duterte family, Senate President Escudero recently noted that they have a pattern of appealing directly to the AFP. How does the Palace react to this?

PCO USEC. CASTRO: Tama naman po. The public servant should be apolitical. They should not be drag over these personal issues especially of the Duterte’s. Tama po si SP Chiz Escudero, hindi po natin dapat kalampagin, laging tawagin ang militar, ang mga kapulisan para lamang pagbigyan ang kahilingan ng isang partikular na tao o isang partikular na pamilya.

Ang militar po, ang kasundaluhan, ang kapulisan po natin ay para sa bayan hindi para po sa pamilya Duterte lamang.

JEAN MANGALUZ/PHILIPPINE STAR: Other matters lang po. The PUV modernization program has been ongoing since the term of the former president, how do we plan to speed this up? Are we planning to review the performance of our officials in the LTFRB?

PCO USEC. CASTRO: Yes. Sa aking pagkakaalam po sinabi po ni Secretary Jay na gugustuhin niya po talaga na malaman ang lahat ng ito kung may mga katotohanan po ba iyong mga nag-consolidate na po, ang mga numero pong ito ay dapat din pong malaman ni Secretary Jay para po kung anuman ang maging problema or issues hindi lamang po para sa commuters para po sa mga jeepney operators at drivers ay matugunan po agad-agad.

JEAN MANGALUZ/PHILIPPINE STAR: But will the Palace review the performance of LTFRB officials who were responsible for getting these numbers?

PCO USEC. CASTRO: I have not received any info about that. I have not received any directive on that matter but I will try to ask Secretary Vince Dizon.

EDEN SANTOS/NET 25: Usec., dahil po doon sa pahayag ni VP Sara na nangangamba sila na baka matulad ang dating Pangulo kay dating Senator Ninoy Aquino kung saan umuwi po dito. May we know po kung tuluy-tuloy pa rin iyong security details sa dating pangulo mula po sa Presidential Security Command?

PCO USEC. CASTRO: Ganito po iyan, noong umalis po siya mayroon siyang preferred security, noong dinala po siya sa ICC sa The Hague. As of the moment, hindi na po natin alam kung anong ipinag-uutos ng ICC patungkol sa kaniyang security but mayroon po siyang kasama nang siya po ay umalis – hindi po naman iyan tinanggal.

EDEN SANTOS/NET 25: Iyon pong kay Senator Bato, mayroon po bang reaksiyon ang Palasyo na parang sabi niya tinanggal na daw iyong security detail sa kaniya, kay Senator Bato?

PCO USEC. CASTRO: Nasaan po ba kasi si Senator Bato? Nakikita po ba natin? Hindi ko po alam, sorry po. As of the moment, hindi ko po siya nakikita. So, paano po natin siya mabibigyan ng seguridad kung hindi po siya nagpapakita?

EDEN SANTOS/NET 25: Sabi po niya pagdating niya from sa kaniyang kung saan man siya nagpunta, pagbalik niya wala na daw po sa kanilang place iyong mga security detail, pinag-report na daw po sa kanilang mga unit?

PCO USEC. CASTRO: Baka kasi po nawala po siya. So, hindi naman puwedeng tumambay lamang po iyong security nang wala po siya. Siguro po kapag siya ay nagpakita po, hindi naman po iyan magiging problema.

EDEN SANTOS/NET 25: Thank you.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Ma’am, mayroon na po bang mensahe o birthday message po ang Pangulo kay former President Duterte on Friday?

PCO USEC. CASTRO: Ako po may mensahe, kantahan natin ng happy birthday – iyon lang po. Siyempre birthday po iyon kailangan pong maging maligaya ang taong nagbi-birthday at wini-wish po natin siya ng happy birthday.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Salamat po. Ang Presidente po, wala pa po ba?

PCO USEC. CASTRO: Ipapaalala ko po sa kaniya na birthday po ni dating Pangulong Duterte sa March 28 baka po hindi niya po natatandaan.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Salamat po.

PCO USEC. CASTRO: Okay. Doon po sa batas na RA 5059, lumalabas po kasi na 40,000 ang pension kada taon – yes, that’s 1967. So, ni-raise lamang po siya kung hindi ako nagkakamali is 96,000. Iyon lang po ang nakita ko at ido-double check natin kasi ang napalitan lamang po ay iyong amount; kung iyong monthly or yearly, akin pong ido-double check kasi panahon din po iyon ni dating Pangulong Cory, siguro iyong halagang 96,000 ay malaki pa po. Bata pa po kasi tayo noon, wala pa po tayong mga muwang.

At dito po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat, Malacañang Press Corps. At magandang araw para sa Bagong Pilipinas.

 

###