Press Briefing

Malacañang Press Briefing of Palace Press Officer and Undersecretary Atty. Claire Castro


Event PCO Press Briefing with MPC
Location New Executive Building, Malacañang, Manila

PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw. Simulan natin sa magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa mga lungsod ng Navotas at Malabon ang nakatanggap ng bagong mobile phones mula sa Department of Social Welfare and Development katuwang ang Globe Telecom, GCash at G-Xchange Inc. Bahagi ito ng programang “e-Panalo ang Kinabukasan,” isang digital financial initiative ng 4Ps na naglalayong turuan ang mga benepisyaryo kung paano gamitin ang makabagong teknolohiya sa paghawak ng kanilang pera at ayuda lalo na sa mga nasa malalayong lugar. Isang hakbang ito patungo sa mas inklusibo at makabagong paraan ng pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan. Sa pamamagitan ng teknolohiya, mas magiging mabilis, epektibo at ligtas ang pagtanggap nila ng suporta mula sa pamahalaan.

Isa pang magandang balita: Inutos ng Department of Transportation ang pagpapalawig ng operating hours ng MRT 3 ng isang oras at ang pagdagdag ng mga bagon tuwing peak hours. Layon nitong mapabilis ang tinatawag na waiting time ng mga pasahero sa kanilang pagsakay at pagbaba lalo na tuwing rush hour. Ayon sa DOTr, magsisimula na sa susunod na linggo ang mas mahabang oras ng operasyon ng MRT 3 upang mas maging maginhawa ang biyahe ng mga pasahero.

At ito po ang mga good news natin sa araw na ito. Handa na po tayong sumagot sa inyong mga katanungan.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., good afternoon po. Usec., I saw the news nga, iyong kahapon about doon sa bagong pamamaraan ng DSWD sa pagbibigay ng ayuda specifically doon sa 4Ps. Usec., do we expect na iyong iba pang mga ayuda from the government ay idadaan na rin through digitalization?

PCO USEC. CASTRO: Iyon po ang balakin dahil sabi nga po natin, ang naisin po ng Pangulo ay magkaroon ng 90% na digitalization para po mabilis ang transaksiyon ng mga taumbayan sa pamahalaan.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: So, we expect na pati iyong mga TUPAD program idadaan na rin in due time?

PCO USEC. CASTRO: Opo at asahan po natin na kahit papaano po susunud-sunurin na po natin iyan sa abot ng makakaya ng pamahalaan.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., medyo lilihis lang ako ng kaunti, concerning fake news. During your presscon two days ago if I’m not mistaken, you made an assessment na tumitindi iyong pagkalat ng fake news after the warrant of arrest na nai-serve kay dating Pangulong Duterte. Iyon bang lumalalang situation ng fake news sa atin, do you see already a need for our concerned government agencies like NTC or DICT na gumawa na ng ilang mga polisiya particularly regulation sa paggamit ng social media?

PCO USEC. CASTRO: Opo, iyan na po talaga ang pinag-uusapan natin ngayon at kinakailangan din po ng pamahalaan iyong tinatawag nating whole-of-nation approach; hindi lamang po pamahalaan ang siyang magsasaayos po nito. Lahat po tayo ay dapat tulung-tulong para po maiwasan po natin, matanggal po natin ang lahat ng mga fake news, iyan po, kaya kakailanganin po talaga namin ang tulong ng social media, ng mainstream media para po masawata po natin ang mga kumakalat na ganitong klaseng fake news.

Tandaan po natin, kahit po ang Supreme Court ay nagrireklamo na rin po at aaksiyon na rin po patungkol dito sa mga fake news – na sinasabing sangkot pa nga daw ang Supreme Court tungkol sa mga pinapakalat na petisyon para po mag-resign ang Pangulong Marcos.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., ihabol ko na lang ito. Reaksiyon lang doon sa manifestation ni dating Senator Leila de Lima na mag-testify sa ICC kung iimbitahan siya ng International Criminal Court.

PCO USEC. CASTRO: Siguro kung iyan po naman po ay kaniyang boluntaryong gagawin at kung siya naman po ay papayagan sa ICC sa pamuno po ng prosecutors sa ICC, hindi naman po tayo tututol diyan.

ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Thank you po, Usec.

KENNETH PACIENTE/PTV: Good afternoon po, Usec. Usec., balikan ko lang po iyong sa DSWD, iyon pamamahagi po ng cellphones. May mga karagdagang programa pa po ba ang pamahalaan para masiguro na may alam po o nauunawaan nila iyong tamang paggamit po ng cellphone pati po iyong mga digital applications?

PCO USEC. CASTRO: Opo. Sa pamamagitan po ng DSWD, magkakaroon po tayo ng literacy activities. Tuturuan po talaga natin iyong mga hindi pa po sanay gumamit ng mga gadget na tulad po nito para po hindi naman po maging—maging posible po ‘no ang kakayanan po, maibigay po natin ang tamang kakayanan sa taumbayan, sa mga nangangailangan para po hindi naman po masayang iyong proyektong ito ng Pangulo.

CATHERINE VALENTE/MANILA TIMES: Yes, ma’am, good afternoon. Ma’am, hingin lang po namin kung same pa rin pa ba iyong stance ni Pangulo regarding sa pag-rejoin natin sa ICC, same pa rin ba na hindi tayo makikipag-cooperate or walang jurisdiction? So, ano po iyong napag-usapan na ba with the President?

PCO USEC. CASTRO: Pag-rejoin sa ICC? Wala pa po ngayon, hindi pa po namin napag-uusapan kung kailangan pong mag-rejoin ang Pilipinas sa ICC. Same pa rin po, wala pa rin pong jurisdiction sa ngayon ang ICC sa Pilipinas.

TUESDAY NIU/DZBB: Hello, ma’am. Kahapon nasabi po ninyo na nakarating na kay Pangulong Marcos iyong sentiment noong isang pulis kaugnay noong pag-aresto ng gobyerno kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayong umaga po, mayroong pahayag po sa PNP na pinatawag daw po sa Palasyo ni Pangulo si Police Brigadier General Jean Fajardo. May bago po bang instructions ang Pangulo kaugnay ng isyu na ito at ano po ba ang directives?

PCO USEC. CASTRO: Nakausap po mismo natin si General Jean Fajardo, hindi pa po sila nagkakaroon ng pag-uusap ni Pangulong Marcos. Mamaya po yata, tingnan po natin kung ano ang kanilang mapag-uusapan. Pero patungkol po dito sa pulis na nag-viral po, matagal na po pala ito – as of March, effective March 5 tinatawag na po siya na AWOL, nadeklara po siyang AWOL.

Kung sa inyo po, hindi po natin alam kung ito po’y nabanggit na po rin ni General Jean Fajardo na mayroon po palang talagang reklamo na dito sa pulis na involved, may red flag regarding sa kaniyang health condition kaya siya po ay—mayroon pong napakita, evaluation po ng neuropsychiatric division na siya po ay may mga mood swings po pala talaga as early as 2003 at siya nga po ay under medication hanggang October 2024.

At noong nakitaan na mukhang nagiging normal na siya, siya po ay pinayagan na makapagtrabaho nang normal pero mukhang umuulit po iyong mga episodes. At siya nga po ngayon ay kinasuhan na po sa prosecutor’s office ‘no ng kasong inciting to sedition.

TUESDAY NIU/DZBB: Dahil may mga ganitong mga incidents, ma’am, sa palagay po ba ninyo may pangangailangan na, na mas higpitan pa ng PNP iyong kanilang requirements in recruiting ng mga bagong PNP personnel dahil isa sa requirement ay iyong psychiatric evaluation?

PCO USEC. CASTRO: Kahit naman po noon ay talaga naman pong istrikto sa pagpili ng kakatawanin po ‘no ng PNP, ang pamunuan ng PNP. May mga pagkakataon din po siguro, mga isolated cases na nagkakaganito na habang sila po ay nagkakaroon ng kanilang serbisyo ay doon po lumalabas kung anuman iyong naging problema. So, kailangan naman po talagang maging istrikto sa pagpili ng kakatawanin po ng PNP.

ANN SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good afternoon. Reaction lang po from the Palace. Nagpahayag po kasi ang mga Makabayan bloc lawmakers na gagawa sila ng paraan para harangin po daw iyong paghingi ni Atty. Roque ng asylum sa Netherlands. On the part po sa gobyerno, may balak din po ba ang gobyerno na harangin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng rekomendasyon sa gobyerno po ng Netherlands?

PCO USEC. CASTRO: Sa ngayon po, siguro’y nabalitaan ninyo na po na hindi na po makakasama si Atty. Harry Roque bilang parte ng legal team ni dating Pangulong Duterte. Siguro po o kung sinabi man niya na nandudoon siya, hindi siya uuwi dahil iri-represent niya ang kaniyang presidente, mas maganda po siguro na unahin niya munang i-represent iyong sarili niya, ipagtanggol ang sarili niya bago magtanggol ng ibang tao.

Well, anyway patungkol po sa kaniyang asylum, kapag po siguro mayroon nang warrant of arrest at kung siguro pong may kaso na po talaga siyang kriminal na kakaharapin po sa korte, diyan lang po na magri-react ang Palasyo.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: Hi, Usec. May mga lumutang po na mga panibagong kahina-hinalang pangalan na diumano ay nakatanggap noong confidential funds ng OVP and base po sa isang report, dalawampu’t apat na in total iyong mga pangalan. Ano po iyong reaksiyon o komento ng Palasyo sa development na ito?

PCO USEC. CASTRO: Kung ito man po ay nadiskubre po, siguro po mas paigtingin pa po talaga ang pag-iimbestiga patungkol po dito. Bakit po? Kasi karapatan po ng taumbayan malaman kung saan po talaga ginagasta ang pera ‘no, ang pondo ng bayan, ang kaban ng bayan kung saan po nadadala. Kung ito man po ay nadiskubre po, dapat po rin patunayan kasi as of the moment, sasabihin pa rin po nating may presumption of regularity patungkol diyan. Pero, since naku-question nga po ito ay dapat lamang pong patunayan ni VP Sara kung ang mga resibong ito ay totoo o hindi.

CHRISTIAN YOSORES/RADYO 630: May efforts po bang gagawin din ang gobyerno para mapauwi po si VP Sara dito sa Pilipinas bilang may mga ganito nga pong complaints na kinakaharap siya and nasa Netherlands po siya ngayon?

PCO USEC. CASTRO: Tingin ko dapat po isipin po niya na kailangan din po siya ng Pilipinas bilang Bise Presidente. Siya po dapat ay nagtatrabaho hindi lang para sa kaniyang ama although na acceptable po at maiintindihan po natin sa ngayon ang kaniyang nararamdaman pero tandaan din po niya, sinasabi niya po milyon na Pilipino ang bumoto sa kaniya at kailangan din po niyang pagsilbihan ito.

MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: Good afternoon po, Usec. Sa isa pong Facebook live kagabi, nabanggit ni Davao City Mayor Baste Duterte or dinescribe [describe] niya na parang binabanggit niya na mahirap iyong sitwasyon daw nila ngayon na parang sini-single out sila ng Presidente and parang targeted daw po sila ng Marcos administration.

PCO USEC. CASTRO: Sinabi po ba niya na ‘parang’?

MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: Bisaya kasi pero ang pagkakabanggit niya is ‘mahirap talaga na targeted daw sila and mahirap kapag sini-single out ka ng presidente’ – parang ganoon iyong pagkakasabi niya.

PCO USEC. CASTRO: Okay. Kapag ba sini-single out ibig po ba sabihin gusto niya mas marami pa ang madamay? Tandaan po natin, sa warrant of arrest ang dating Pangulong Duterte ay dinescribe [describe] bilang indirect co-perpetrator. So, ang nais niya po ay dapat hindi lang ang ama niya ang maaresto dahil may mga diumano pang kasabwat?

Well, anyway ang ibig pong sabihin nito, gusto naman po niyang iparating sa taumbayan na kawawa na naman po ang mga Duterte dahil sini-single out. Ang warrant of arrest po ay para lamang po kay dating Pangulong Duterte, wala pa po ang ibang mga co-perpetrators na nakasaad doon. So, hindi po tayo makakaiwas na si dating Pangulong Duterte lamang po ang i-surrender sa ICC.

Tandaan po natin, ang kasong ito, uulit-ulitin natin, hindi po ito naisampa sa panahon ni Pangulong Marcos, ni PBBM; panahon pa po ito mismo ng ama niya, ni dating Pangulong Duterte. Umalis lamang sa ICC para iwasan na masampahan ng kaso. Tandaan natin bakit nagsampa sa ICC because, sa ICC po hindi po kinikilala ang immunity from suit kaya ito naisampa sa ICC.

So, walang sini-single out dito. Ang nangyayari dito, iyong mga kasong tungkol sa crimes against humanity kagagawan din po ng kaniyang ama na ibinibintang sa kanila.

MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: And another po, Usec. Binanggit niya din na parang diversionary tactics lang daw po ng Marcos administration iyong pagpapaaresto sa kaniyang ama para daw makalimutan ng publiko iyong issue sa PhilHealth and iyong GAA 2025?

PCO USEC. CASTRO: Ang PhilHealth po ay madali nating mai-explain. Bago nga po nangyari po ito ay nakausap po natin, katulad ng ipinangako ko sa inyo bago po nangyari itong pag-aresto at pag-surrender kay dating Pangulong Duterte ay kakausapin mismo natin ang taga-PhilHealth. Mayroon na po kami, hindi lamang po namin ipinapalabas ngayon dahil nga po ang issue ngayon ay patungkol po dito sa ICC at baka hindi po maintindihan ng tao kapag ibang issue ang pinag-uusapan pero madali pong i-explain kung ano pong nangyari sa PhilHealth; at iyong tungkol po sa GAA, hayaan po natin dahil ang sabi po natin, sumusunod tayo sa principle – enrolled bill principle.

Hindi po ito diversionary tactic, okay! Ang hindi na nga po napag-uusapan ngayon ay iyong tungkol sa confidential funds. Buti nga po at lumabas nga rin pong muli itong mga sinasabing mga fake na receipts dahil mukhang makakalimutan na ng mga tao kung nasaan na nga ba iyong mga confidential funds na ipinagkatiwala mismo kay Vice President (VP) Sara.

So, walang diversionary tactic dito, diversionary issues na pag-uusapan, bakit? Nangyayari lamang po eh, ito po ay nangyayari, day-by-day may nangyayaring news. So, hindi po diversionary tactic ito.

MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: Thank you po.

MELVIN GASCON/INQUIRER: Good afternoon, Usec. May we get an update from Malacañang on earlier pronouncements that “heads will roll” in the collapse of the Sta. Maria-Cabagan Bridge in Isabela considering that it has been two weeks since the President personally inspected the structure?

PCO USEC. CASTRO: Yes po. According to Secretary Bonoan, they already created a special committee to conduct an investigation on the collapse of Sta. Maria Bridge. The [report’s] due date should be April 25. So, we will just check what will be the update, at the latest would be April 25.

MELVIN GASCON/INQUIRER: Just a follow up lang, Usec. Last week po the Senate Blue Ribbon Committee pointed out a question kung bakit wala daw pong nalalapatan ng preventive suspension kung talaga pong gusto po ng Malacañang na magkaroon ng isang honest-to-goodness investigation?

PCO USEC. CASTRO: Preventive suspension, siguro po kung mayroon po dapat na bigyan, patawan ng preventive suspension kaya sa ngayon po ay nagkakaroon tayo ng pag-iimbestiga, mahirap naman pong pabigla-bigla tayong magkaroon ng order of preventive suspension kung ang mga tao na involved ay wala naman sa gobyerno, hindi po siya magiging subject of preventive suspension.

MELVIN GASCON/INQUIRER: Secretary Bonoan is still in office?

PCO USEC. CASTRO: Yes, pero kung hindi pa po natin nakikita na siya po iyong pinaka-involve, hindi po natin siya mapapatawan ng preventive suspension. Titingnan po natin. Hindi naman po natin ito, katulad ng ating sinabi, kung sino iyong dapat managot ay mananagot.

MELVIN GASCON/INQUIRER: Thank you, ma’am.

GILBERT PERDEZ/DWIZ: Magandang hapon po, Usec. Nagkausap na ho ba sina Pangulong Marcos at SolGen Guevarra mula noong mai-file iyong manifestation before the Supreme Court?

PCO USEC. CASTRO: Sa personal ko pong pagkakaalam – hindi pa po. Siguro po mamaya kapag nagkaroon po ako ng pagkakataon na makausap ang Pangulo, itatanong ko po kung sila po ay nagkaroon na ng pag-uusap after na naglabas po ng manifestation ang SolGen.

JELBERT PERDEZ/DWIZ: Thank you po.

EDEN SANTOS/NEW 25: Good afternoon po, Usec. Sinisigaw po ng mga Duterte supporters iyong agaran na pagpapadala or pagsusuko ng gobyerno kay FPRRD sa ICC sa pamamagitan ng Interpol na inyo pong binabanggit. Under this administration po, hindi po ba iyong mga kaso na ibinabato sa dating Pangulo, iyong crimes against humanity, EJK hindi po ba puwedeng dito muna sana dininig bago siya pinadala doon? Ito po ba ay parang pag-amin or parang tinatanggap ba ng ating administrasyon o gobyerno na may problema po sa ating justice system kaya walang nangyaring mga pagdinig muna dito bago sana sa ICC na wala pong jurisdiction sa Pilipinas gaya po ng sinasabi ng ating Pangulong Marcos?

PCO USEC. CASTRO: Walang jurisdiction after the withdrawal, we have to be clear on that, okay. Now, siguro po kung mayroon mang issue patungkol sa hindi pagsampa ng kaso dito sa bansa patungkol sa crimes against humanity mas magandang tanungin natin iyong nakaraang administrasyon dahil November 2021 humiling ang gobyerno, ang administrasyon mismo ni dating Pangulong Duterte at ito naman ay naka-record na ipahinto muna ang pag-iimbestiga ng ICC prosecutor at dahil magsasagawa sila ng pag-iimbestiga, magsasampa ng kaso na dapat isampa – that’s November 2021. Lumipas ang panahon, June 2022 hindi pa po nanunumpa si Pangulong Marcos, sinabi po ng ICC prosecutor na hindi nagampanan ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte iyong pangako, iyong undertaking na sila ay magsasagawa ng pag-iimbestiga at magsasampa ng karampatang kaso kaya po ipinagpatuloy muli ang pag-iimbestiga ng ICC prosecutor.

Kung mayroon po sigurong dapat sisihin kung bakit nagpatuloy ang ICC iyon na rin po ay ang dating administrasyon, dahil hindi sila agad kumilos patungkol dito sa mga kasong ito na nirireklamo patungkol sa madugong war on drugs.

EDEN SANTOS/NEW 25: Opo, iyan nga po iyong parang pinupunto ko ‘no po. Kung hindi po naisagawa noong panahon nga ni dating Pangulong Duterte nandito na po iyong bago nating administrasyon through President Ferdinand Marcos Jr. Noong nag-request po ang ICC sa ating pamahalaan, hindi po ba iyon ikinonsidera ng administrasyon na magsagawa rin po muna ng sariling imbestigasyon bago nga po iyong nangyaring pagsuko kay FPRRD sa ICC through Interpol na sinasabi po ninyo?

PCO USEC. CASTRO: Muli ibabalik po natin, hindi po ba dapat sila nga muna ang nagsimula para kung mayroon pong dapat na ipagpatuloy ang administrasyong Marcos patungkol sa pag-iimbestigang iyan ay dapat nasimulan na po. So, huwag nating ipahid ang kasalanang ito sa administrasyon ni Pangulong Marcos.

EDEN SANTOS/NEW 25: Last na lang po. So, wala pong kapangyarihan ang administrasyong ito para mag-utos ng pag-iimbestiga ulit doon sa mga kaso ng EJK at doon sa mga biktima ng war on drugs?

PCO USEC. CASTRO: Kaya po nasimulan ang paghi-hearing sa Quad Comm at doon natin nalaman at doon naibulaslas kung ano ba ang nangyari sa panahon ni dating Pangulong Duterte.

Okay. Bago tayo magtapos, ulitin po natin ang mga good news: Ilang benepisyaryo ng Patawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula sa mga lungsod ng Navotas at Malabon ang nakatanggap ng bagong mobile cellphones mula sa Department of Social Welfare and Development katuwang ang Globe Telecom, GCash at G-Xchange Incorporated. Bahagi ito ng programang e-Panalo ang Kinabukasan, isang digital financial initiative ng 4Ps na naglalayong turuan ang mga benepisyaryo kung paano gamitin ang makabagong teknolohiya sa paghawak ng kanilang pera at ayuda lalo na sa mga nasa malalayong lugar.

Isang hakbang ito patungo sa mas inklusibo at makabagong paraan ng pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan sa pamamagitan ng teknolohiya. Mas magiging mabilis, epektibo at ligtas ang pagtanggap nila ng suporta mula sa pamahalaan.

At dito po nagtatapos ang ating briefing; maraming salamat, Malacañang Press Corps, at magandang hapon para sa bagong Pilipinas.

 

###