PCO ASEC. DE VERA: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw, February 21.
Nanumpa na kanina kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Vince Dizon, ang bagong Secretary ng Department of Transportation. Si Secretary Dizon ay dati na ring nanungkulan sa gobyerno bilang President at Chief Executive Officer ng Bases Conversion and Development Authority. Ating makakasama ngayon si Secretary Dizon para pag-usapan ang mga direktiba ng Pangulong Marcos at kaniyang mga magiging hakbang sa pagpapabuti ng transportasyon sa bansa.
Good morning, Secretary Dizon.
DOTR SEC. DIZON: Good morning, Asec. Dale. Magandang umaga po sa ating mga kababayang nanunood at magandang umaga siyempre sa ating mga partners at mga kaibigan sa media, sa Malacañang Press Corps.
Siguro po, bago tayo tumanggap ng mga tanong eh unang-una, dapat siguro maintindihan natin bakit tayo nandito ‘no. Unang-una, ang public transportation ay isa sa mga pinakaimportanteng mga sektor ng ating lipunan dahil ito ang nagdadala sa ating mga kababayan mula sa kanilang mga tahanan papunta sa kanilang trabaho; mula sa kanilang tahanan papunta sa mga malls, sa mga lugar na pinupuntahan ng mga pamilya; mula sa kanilang mga tahanan papunta sa mga paaralan para sa ating mga estudyante.
Kaya napakaimportante na prayoridad ng gobyerno ang magbigay ng episyente at maayos na transport system para sa ating mga kababayan. At iyon ang unang-unang sinabi ng ating mahal na Pangulo noong kami’y unang magkita mga isa’t kalahating linggo ang nakalipas.
Alam ninyo, kapag titingnan natin ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga kababayan natin, from the moment that they wake up in the wee hours of the morning, most of our countrymen when they wake up 4 A.M., kaunting agahan, alis. Bibiyahe sila siguro dalawa/tatlong oras para magtrabaho. Magtatrabaho sila ng walo/siyam na oras, bibiyahe na naman ulit sila ng ganoon uli, dalawa/tatlong oras – minsan higit pa doon. Pagdating nila sa bahay, siguro mga alas diyes na ng gabi – tulog na ang kanilang mga anak, hindi man lang nila makasama sa gabi; iyong kanilang mga maybahay, iyong kanilang mga asawa pagod na rin, baka natutulog na.
So, kakain siya, tulog na ang kaniyang pamilya… siguro hahalikan na lang niya, iyong good night, matutulog siya – to do that again the next day and the day after, and the day after that. Paulit-ulit iyan, paulit-ulit na halos kalbaryo ang dinadanas ng mga kababayan natin ‘no dahil sa… nakikita naman natin ‘no dito sa Metro Manila – pipila ka sa Monumento, sa MRT o sa busway; kapag rush hour siguro dalawang oras iyan o baka mahigit pa. Sasakay ka, para kayong mga sardinas sa loob ng tren o sa loob ng bus. Bababa ka, pila na naman. Pagbaba mo umuulan, walang silong.
So, I think iyon ang purpose talaga ng kailangang gawin natin at gawin nating mabilis ang mga iba’t ibang imprastraktura na kahit papaano maiibsan itong mga hirap na dinadanas ng mga kababayan natin araw-araw. At iyon ang unang-unang sinabi ng ating Pangulo, we have to fast track all the ongoing projects of the past administration and also start the projects that are in the pipeline so that in five years, six years, ten years, fifteen years kahit papaano mababawas-bawasan na natin itong hirap na dinaranas ng mga kababayan natin araw-araw.
Alam ninyo, ang solusyon sa transportasyon, walang shortcut diyan – matagal iyan. Just to give you an example ‘no, iyong Tokyo Subway ‘no – sinimulan iyan noong 1925… 1925 can you imagine? Ang huling line na nagawa, nagawa lang noong 2003 so you’re talking about close to 80 years na tuluy-tuloy na pagsasagawa ng massive infrastructure project sa Japan.
Kaya magtataka kayo ‘di ba, marami sa inyong nagpunta na ng Japan, sa Tokyo. Ang Tokyo, ang populasyon ng Tokyo at ng Metro Manila pareho iyan – mga nasa 14/15 million people iyan. Pero bakit kapag sa Tokyo, parang ang aliwalas ‘di ba? Ang aliwalas, wala masyadong traffic, kahit rush hour maluwag, ang lalawak ng mga sidewalk, napakadaling gumalaw ng mga taga-Tokyo.
Ang reason doon, simple lang – kasi halos kalahati ng populasyon ng Tokyo ay nasa ilalim hindi ba? Wala sa taas, nasa ilalim – but that took almost 80 years to build. At tayo, nag-uumpisa pa lang tayo ‘no with the Metro Manila Subway kaya kailangan bilisan lahat iyan. Train system, kapag pumunta ka sa—kanina nga sinasabi ng ating mahal na Pangulo noong siya’y nag-aaral, nasa abroad siya, napakadaling mag-travel sa iba’t ibang … hindi lang lugar kung hindi bansa sa Europa because of the railway, because of the efficient railway system.
Tayo, nakakalungkot lang na tayo ang unang-unang nagkaroon ng railway system sa Asya – iyong ating Bicol Express, unang-una iyon sa Asya. Pero ngayon, dilapidated na and hindi na halos nagagamit – at nag-uumpisa tayo ulit with the North-South Commuter Rail na tinutulungan tayo ng Japan at ng ADB ‘no. Makakabiyahe ka mula Calamba, dadaan ka ng Laguna, papasok ka ng Metro Manila sa south, papasok ka ng Makati, Quezon City at dire-diretso ka hanggang Clark. Pero kailangan din nating bilisan iyon.
Kailangan nating bilisan hindi lang dahil gusto nating matapos pero dahil alam natin na kapag binilisan natin iyan, kahit papaano mapapabilis na maibsan iyong hirap ng mga kababayan natin – that’s the purpose. That’s the purpose of the Department of transportation, para gawin lahat iyan at iyon ang kabilin-bilinan ng ating mahal na Pangulo.
Ngayon, maraming mga balakid, maraming mga problema pero iyong mga problemang iyon, hindi na bago eh – nandiyan na iyan. Sa lahat ng mga infrastructure projects na ginawa noong nakaraan, nandiyan na iyong mga problemang iyon – right of way ang unang-unang problema.
Pero ang right of way, ang solusyon niyan hindi lang manggagaling sa Department of Transportation. Ang solusyon ng right of way manggagaling sa local government units, sa ating mga mayor, sa ating mga governor, manggagaling iyan sa ating private sector kasi marami sa mga lupang kailangang gamitin ay nasa kamay ng pribadong sektor and we have to work together ‘no, at manggagaling iyan sa mga iba’t ibang ahensiya ng national government.
So, kailangan talaga dito is whole-of-government/whole-of-society approach ‘no and kailangan maintindihan ng lahat ng mga partners natin sa gobyerno, sa local government, sa pribadong sektor na kailangan nilang mag-ambag dito sa mga kailangan nating gawing mga proyektong ito – at iyon ang gustong mangyari ng ating mahal na Pangulo.
So, with that, I think… mamarapatin namin in the next couple of days na habang nalalaman namin ang mga balakid, ang mga problema… na ang objective natin simple lang – pabilisin at ayusin para maging safe ‘no ang ating mga transport systems. At, importanteng-importante ito, and I think ito ang essence ng Build Better More, is we have to build better and we have to build more – meaning, hindi na puwede ang puwede na.
Alam mo, ang problema sa atin kasi, noong nakaraan kapag gagawa tayo ng infrastructure sinasabi natin lagi “Puwede na iyan, puwede na, okay na iyan…” without any regard for quality, without any regard for what are the benchmarks in the world. Kaya nakakalungkot ‘di ba kasi iyong mga… kamukha iyong mga OFW natin kapag pumupunta sila sa mga mayayamang bansa, nai-experience nila kung ano ba talaga ang world-class infrastructure, ano ba talaga ang world-class transport system. At iisa lang naman ang sinasabi nila eh, “Bakit sa atin walang ganiyan?” And I think, that is the whole of point of Build Better More, is to build better that what we have built in the past and to build more of that ‘no, and iyon ang kabilin-bilinan ng ating mahal na Pangulo. So, with that, I’ll be open to a few questions from everyone. Thank you.
ASEC. DE VERA: Thank you, Secretary Dizon. First question, Ira Panganiban, DZRJ.
IRA PANGANIBAN/DZRJ: Sec., I was just wondering, with all of these problems in transportation, has our government ever embarked on an actual study to find out a few factors like, number one, alam naman natin na almost 40% ng nagtatrabaho sa Metro Manila ay hindi nakatira sa Metro Manila. They come from the outside. They come into Metro Manila and work here in the day, and then—kaya iyong weekends usually, libre. Have we embarked on a study to find out where they’re coming from? Where they’re going? What time they’re moving? What roads they use? Kasi ang nangyayari, ang traffic solution natin, gawa tayo ng color coding, gawa tayo ng ganito but we don’t know where these people are coming from. We don’t know kung ilan ang nanggaling ng Cainta; ilan ang nanggaling ng Bulacan; ilan ang nanggaling ng Laguna; ilan ang nagpupunta ng BGC; ilan ang nagpupunta ng Ortigas; ilan ang nagtatrabaho sa Makati. Do you plan to start on doing this kind of study in order to at least put logic in our public transportation?
DOTR SEC. DIZON: Ang ganda ng tanong mo, Ira. Sa aking pagkakaalam, and this is based on my experience noong ako’y ginawang adviser on flagship projects, mayroong study na funded ng JICA, ng ating mga partners na Hapon. Ito ay isang transport study for greater Metro Manila – ano ito, very holistic ito, land, sea and air ito; lahat, water, land and air – Sinabi niya saan ba dapat magtayo ng bagong airport; sinabi niya, saan ba dapat magtatayo ng mga linya ng light rail, iyong urban rail natin, iyong MRT, LRT natin. Sinabi rin niya rito kung ano iyong mga dapat na koneksiyon palayo ng Metro Manila sa south at sa north.
At in fairness, itong mga proyekto ngayon, itong north-south commuter rail na umaabot hanggang Calamba, mula Calamba hanggang Clark. Itong Metro Manila subway, kasama iyan, kasama iyan doon sa masterplan na iyon. Ang pagkakaalam ko lang, hindi pa ito naa-update. So, tama ka, siguro para hindi naman tayo nagsisimula sa wala, nagsisimula sa zero, baka it’s time now to update that plan. And maybe I will raise that with our Japanese partners when I get to see them in the next couple of weeks kung puwede nating i-update iyan.
Pero tama ka, ang solusyon sa trapik, sa congestion, it cannot be patse-patse, ‘ika nga sa Tagalog ‘di ba, hindi puwedeng Band-Aid-Band-Aid dito, takip-takip dito. It has to be a short, medium and long-term solution that has been based on data on population growth, on urbanization, urban spread. So, tama iyon. So, magtatanong po ako sa Department of Transportation pagdating ko doon sa Lunes, at titingnan natin kung nandiyan pa ba iyong study na iyan at kung – ang tingin ko, matagal na rin iyan – kailangan nang i-update iyan.
IVAN MAYRINA/GMA7: Secretary, good morning. You pretty much described the daily commuter experience especially of those in Metro Manila, not just experience but ordeal. Nabanggit ninyo iyong dalawa, tatlong oras na commute. All of those things that our commuting public go through every single day. May nakikita ho ba kayong mga low-hanging fruits, like things that you can implement immediately so that we can create an impact sa commuter experience ng mga taga-Metro Manila specifically, for example, the MRT or the busway and all those things?
DOTR SEC. DIZON: Thank you, Ivan, very important question. Kagaya ng sinabi ko kanina, kailangan talaga short, medium, long-term – ganoon dapat ang pag-iisip natin lagi. And iyong short-term, iyong sinasabi mo ngang low-hanging fruit, hindi puwedeng wala eh – mayroon at mayroon eh. When I say low-hanging fruit, iyong magagawa natin within a year, within maybe even six months ‘no. Unang-una diyan, tingin ko and I still need to get a full briefing on this, is we need to make the busway carousel more efficient. We need to make the experience of the commuter better. I plan to go through this system in my first few days, gusto kong maranasan mismo ‘no. Kailangan kasi makita natin at maranasan natin iyong dinadaanan ng mga kababayan natin araw-araw eh. So, I’m sure mayroong ways to fix that and to make it more efficient. Hindi ko pa masasagot ngayon kung ano iyong mga iyon.
IVAN MAYRINA/GMA7: But off the top of your head, you have any idea?
DOTR SEC. DIZON: Unang-una, tingin ko diyan, kailangan may sistema ng dispatch at pag-release ng mga bus. Hindi ko alam kung mayroon iyan ngayon; aalamin ko. Pero kapag pumunta ka abroad, ang bus system may oras. At ang bus ay hindi iyan puwedeng huminto diyan ng lima hanggang sampung minuto sa bus stop, bawal iyon, at most, 30 seconds lang iyan. Kasi kailangan responsibilidad ng commuter na nandoon on time kasi may oras iyong bus eh, 11:15 for example ‘no, kaya nandoon siya bago mag-11:15 nandoon na siya, nakapila na siya.
Pero minsan napapansin ko at naririnig ko na minsan may mga bus tayo na tumatagal doon kasi alam mo naman, gustong mapuno iyong bus eh, ‘di ba. So dahil doon, nagkaka-clog iyong busway. So, that’s simple fix eh, enforcement lang iyon eh. Maglagay lang tayo ng timer doon, 30 seconds ka lang, 45 seconds ka lang. kapag nag-timeout, no choice ka, kailangan kang umabante ke puno ang bus mo o hindi.
So, those small things, I think they’re small, admittedly hindi ito mga major pero I think kahit papaano ay maiibsan iyong sitwasyon natin ngayon. Sa MRT, LRT, ang kailangang aralin natin diyan, una, kailangan nating dagdagan iyong mga bagon. Simple lang iyan eh, I mean, carrying capacity ang usapan diyan eh. ‘Di ba, X number of people lines up during rush hour ‘di ba, ilang ang tren mo? Ilan ang bagon mo? Ilan ang capacity ng isang bagon? Kailangan magdagdag tayo diyan. And hopefully, with the plans to tender out the operations and maintenance ng MRT 3, for example, alam ko this year iyan ‘no. Although, hindi pa ako sigurado kung kailan. Kailangan kasama iyon sa bagong mag-o-operate at magmi-maintain ng MRT 3 na kailangan dagdagan ang bagon. Same sa ibang mga LRT systems natin ‘no, kailangan ganoon din.
So, iyong matagal nang pinaplano at ADB funded na EDSA Greenways, iyan dapat magagawa natin iyan. Iyan naman, para sa ating walking commuters, iyong mga hindi naman kailangan talagang … iyong ayaw pumila nang matagal kasi maglalakad lang siguro ng isang kilometro. Ang problema, walang sidewalk sa EDSA, o kung mayroon man, baka dalawa tayo, hindi tayo magkakasya eh ‘di ba; at hindi safe, delikado.
So, may plano diyan ang ADB na elevated na greenway. Gusto kong balikan iyan at alamin kung bakit hindi pa nai-implement kasi sa pagkakaalam ko, in-approve na iyan noong previous administration at ADB funded iyan. So may pondo na iyan, so kailangang i-implement iyon nang mabilisan.
Ang isang tingin kong low-hanging fruit, although kailangan aralin ito nang mabuti – Pasig River Ferry. Dapat hindi mahirap iyan kasi magandang ferry lang, istasyon, at nandiyan na iyan dati eh. Noong panahon pa ng Kastila ay mayroon nang river ferry, may river system na ang Pasig eh. And kung pupunta kayo sa mga iba’t ibang siyudad tulad ng Bangkok, halimbawa, ‘di ba napakaganda ng kanilang ferry system. Hindi siya high-tech, hindi siya parang Japan o Korea but people use it ‘no. People use it to cross the river. People use it to get from point A to point B. Kahit nga iyong mga turista, iyon ang gustung-gustong ginagamit sa Bangkok eh. Bakit hindi natin magawa dito? Eh tingin ko sa Asya, tayo din ang unang naglagay niyan. So, tingin ko, iyon mga low-hanging fruit iyan. Puwede nating magawa iyan pero kakailanganin natin, as I said ‘no, ang suporta ng lahat. Hindi kaya ng DOTr iyan mag-isa. Hindi kaya ng MMDA iyan mag-isa. Kailangan natin ang tulong ng ating mga local government units, ng ating mga mayors sa Metro Manila, kailangang magkasama-sama tayo para planuhin ng tama. Kailangan din ng tulong ng private sector kasi tingin ko iyong mga transport systems na ito, kailangan talaga pribadong sektor ang nag-o-operate at nagmi-maintain nito eh. Dapat matuto na tayo na. Unfortunately, sad to say ‘no, it’s not because—may sinasabi akong masama tungkol sa gobyerno, pero in reality kapag gobyerno ang nagpapatakbo at nag-o-operate, hindi nami-maintain ng tama, hindi nao-operate ng maayos. So, kailangan tanggapin natin iyon, and the best way to solve that is to have the private sector do it.
Hindi naman iyan bago, ginagawa na iyan sa ibang bansa. Ginagawa na rin natin dito iyan at makikita natin halimbawa LRT-1, iyong unang-unang LRT system natin na itinayo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang tatay ng ating kasalukuyang Pangulo na si Pangulong Bongbong Marcos, it’s one of the best ran light rail systems in Metro Manila, it’s run by the private sector, it’s run by Metro Pacific and the Ayala Group. So, kailangan suportahan natin iyong mga ganiyang klaseng mga inisyatibo, and tingin ko iyan ang magiging pilosopiya natin moving forward. Kailangan talaga.
Low-hanging fruit, let’s make it easier to the consumer, for the commuting public and then we fast track the big ones – the Subway, the rails, iyong mga, iyong iba’t iba pang mga kalye na gagawin ng DPWH. Kailangang i-fastrack iyan kasi hindi natin puwedeng pabayaan na ganito na lang lagi ang nangyayari sa ating mga commuter.
PCO ASEC. DE VERA: Gerald dela Peña, TV5.
GERALD DELA PEÑA/TV5: Good morning, Secretary. We have several sectors – we have air, rail, land and water, ano po dito iyong magiging priority po ninyo? Second question, medyo mainit na usapin po iyong PUV modernization, ano po ang pagtingin po ninyo dito sa proyektong ito?
DOTR SEC. DIZON: Mahirap iyong sagot doon sa una pong tanong, ano ang priority, kasi parang lahat priority, kasi parang lahat priority ‘no. But I think we will have I think in the next couple of weeks, bigyan lang ninyo kami ng kaunting panahon, maglalabas kami ng plano, idi-divide namin into land, air and water. Idi-divide din namin itong planong ito into iyong sinabi ni Ivan kanina, ano ba ang low-hanging fruit, iyong magagawa na natin ngayon at ano iyong mga kailangan nating bilisan para magamit na at matuwa na ang ating mga kababayan kapag mayroon na tayong subway, mayroon na tayong tren papuntang Laguna, papuntang Clark. So, bigyan ninyo kami ng pagkakataon; ilang linggo siguro, bigyan ninyo kami at babalik kami sa inyo para mas detalyadong plano.
Sa PUV Modernization, walang puwedeng mag-argue sa modernization ng public transport, no brainer iyan, pero siguro kailangang pag-aralan ng mabuti. Aaminin ko, hindi ko pa masyadong kabisado ang mga issues pero sa nababasa ko sa mga ni-report ninyo in the past, ang kailangan talagang kausapin natin dito ay iyong mga transport workers, iyong ating mga operator, iyong ating mga driver. Kasi at the end of the day, kung ano ang dagdag na gastos, sila ang kailangang mag-bear noon, sila ang sasalo noon eh at kailangan kausapin natin silang mabuti. At iyon ang tingin ko na kailangan nating gawin, iyong masinsinang usapan.
Tingin ko naman, naniniwala naman po ako na ang ating mga jeepney operators, hindi nila hahadlangan ang pag-unlad, hindi nila hahadlangan ang modernisasyon. Pero sa tingin ko mayroon din silang lehitimong concerns na kailangang pakinggan ng gobyerno. So right now naman, as far I understand, it’s a status quo, pagkakaintindi ko. So, kailangang kausapin muna sila at pag-aralang mabuti kung ano ang magandang way forward. Pero kailangang umusad tayo, hindi naman puwedeng wala tayong gagawin. Kailangang maintindihan ng mga kasamahan natin sa transport sector na medyo may alinlangan dito sa PUV modernization na hindi puwede ring iwanan na lang natin sa kinagisnan natin iyong ating mga jeepneys at iba pang nandiyan sa kalye natin. Kailangang mag-improve iyon. So, give us some time, we will get back to you on our position on the PUV modernization program.
PCO ASEC. DE VERA: Raquel Bayan, Radyo Pilipinas.
RAQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Sir good morning po. Sir, binabanggit ninyo kanina iyong papel ng private sector dito sa mga effort na ito. Sir, since galing na rin kayo sa private sector, sir, may mga friends po kayo from private sector, can we expect greater cooperation between the DOTr and the private sector under your term?
DOTR SEC. DIZON: Alam po ninyo ang private sector lagi pong handa iyan, lagi pong nandiyan, lagi pong handang tumulong sa gobyerno. At tingin ko itong napakagandang polisiya ng ating mahal na Pangulo na talagang kailangang nating palawakin pa ang ating mga private-public partnerships, ito ang mga paraan talaga para masolusyunan natin ng mabilis ang mga problemang dinatnan na natin na ilang dekada ng nandiyan.
Sa public transport, tingin ko nandiyan ang ating private sector. Nakita naman natin ang kanilang dedikasyon para tulungan ang gobyerno, lalo na noong pandemya. Ang tingin ko nandiyan pa rin iyan, hindi mawawala iyan. Our private sector partners are patriots, they believe in helping the government and at the same time, kapag tinulungan ang gobyerno at umunlad ang buhay ng mga kababayan natin, makakabuti rin sa ating mga pribadong kumpanya iyon.
Kaya naniniwala ako na lagi silang nandiyan, kailangan lang nila sigurong mahikayat at magkaroon ng klarong plano para malaman nila kung saan sila puwedeng tumulong.
RAQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: And, sir, for clarification lang din po. When you mentioned kanina na ‘I plan to go through the system’ does that mean mai-experience ninyo first hand iyong nararanasan ng mga commuters?
DOTR SEC. DIZON: Iyan po ang gusto kong gawin, kasi alam po ninyo matagal na po akong hindi tumitira sa Metro Manila, at ako po ay probinsiya, ako po ay sa Pampanga na nakatira since 2018, and that’s been ilang taon na rin iyon napakatagal na, eight years na. So, kailangang makita natin para maintindihan nating mabuti at kung maintindihan nating mabuti at maranasan natin, then makakapagbigay tayo ng tamang solusyon.
RAQUEL BAYAN/RADYO RAQUEL BAYAN: So, sir, makikita ka po namin sa mga EDSA Busway sasakay?
DOTR SEC. DIZON: Hindi ko sasabihin sa inyo kung kailan ako pupunta. Hindi, huwag, huwag.
RAQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Sir, lastly na lang. Baka puwede kami makahingi ng update sa transition sa DOTr?
DOTR SEC. DIZON: Okay naman po. Nagsimula kami last week, noong Friday, nakakuha na po ako ng ilang briefing, pero ang dami kasi so tuluy-tuloy pa rin iyon hanggang sa susunod na linggo.
PCO ASEC. DE VERA: Chona Yu, People’s Journal.
CHONA YU/PEOPLES JOURNAL: Sir, iyong two to three hours na kalbaryo ng mga pasahero kada araw isang biyahe tapos pabalik ganoon din, ilang oras ang target ninyo na mabawas doon and how soon iyon na mararamdaman ng taumbayan?
DOTR SEC. DIZON: Chona, naman, kaka-oath ko pa lang. Mahirap magsalita, Chona, lalo na iyong mga ganiyang tanong. I appreciate the question and I know our people are really wanting for that kind of comfort but unfortunately, hindi pa natin malalaman. We will have to see, una, kung ano ba ang mga problema, kailangan madaanan natin iyan; pangalawa, kailangang mag-isip tayo ng mga solusyon. And doon pa lang natin malalaman kung gaano kaepektibo ito in terms of reducing travel time, reducing wait time, et cetera. So, bigyan lang po ninyo ako ng kaunting panahon at aabot din po tayo diyan
PCO ASEC. DE VERA: Jean Mangaluz, Phil Star.
JEAN MANGALUZ/PHIL. STAR: Good morning, sir. So, some of our metros are known to have the worst traffic in the world and we know that you just step into the role. But do you have general plans on how to address this traffic especially in central business districts like Ortigas, Makati and as a former BCDA Chief?
DOTR SEC. DIZON: Alam mo ang traffic kasi talaga, it’s one of the most difficult problems to solve because it’s a function of volume and limited space, right. Limitado ang kalye mo, padami nang padami ang tao, padami nang padami ang sasakyan, hindi ka naman maka-expand ng kalye. So hindi madaling solusyunan iyan. Pero gaya ng tanong ni Ivan kanina, mayroon kang mga puwedeng low-hanging fruit na gawin. Halimbawa BGC, dapat ang BGC, fully walkable, meaning kung ikaw ay nagtatrabaho sa Burgos Circle at gusto mong kumain sa SM Aura dapat mayroong sistema diyan na makakalakad ka, na nakasilong, hindi ka mababasa, safe ka, hindi ka masasagasaan para hindi ka na kailangang magdala ng kotse kumuha ng Grab mula Burgos circle hanggang SM Aura, ‘di ba, puwede ka na lang maglakad.
Ang problema, kulang tayo sa ganiyan, kulang tayo ganiyan. Slowly, especially through private sector initiatives like in Ayala for example, hindi ba iyong Ayala iyong mga covered walkways na ginawa ng Ayala napakaganda noon, iyong mga covered walkways na ginawa sa Ortigas napakaganda noon. Kailangan nagpaplano tayo ng ganoon at nag-i-implement tayo ng mga ganoon ‘no, that’s one. And that can be easily done whether through government, private sector or both. We can all work together to get those things done.
But the long-term solution, the ultimate solution to traffic is really mass transit, high-capacity, iyon ang pinakaimportanteng salita, high-capacity. Ibig sabihin ng high-capacity hindi ko kailangan magkotse, kasi ang kotse dalawa lang ang kasya doon o apat eh, ‘di ba. High-capacity, ibig sabihin daan-daan ang kasya doon, kaya kailangan ng train, kailangan nating dagdagan iyong mga MRT natin, kailangan ito, kailangan natin ng subway.
So, iyan ang mga ultimate solutions pero kailangan matapos ng mabilis ‘no, iyon ang kritikal diyan eh. Pero kung ang subway natin will take 15 years, eh matagal naman masyado iyon, so kailangan pabilisin natin iyan. Alam ko mahirap, hindi madaling gumawa ng subway ‘no, first time nating gumawa, first time natin, pasalamat na lang tayo ang mga partners natin na from Japan, from JICA ang gumagawa niyan and we all know that’s the best subway in the World, ‘no, that’s the best underground in the world. So, masuwerte tayo na may partners tayong ganoon.
JEAN MANGALUZ/PHIL. STAR: Actually, that leads perfectly into my next question. May transport advocates na nagki-criticize sila na masyado car-centric iyong Metro Manila. So, what’s your approach doon?
DOTR SEC. DIZON: Yes.
JEAN MANGALUZ/PHIL. STAR: Do you envision na more commuter-friendly metro?
DOTR SEC. DIZON: Absolutely, it’s true. In the past the solution to traffic has always build road. The problem with building road is, building roads attract more cars. That’s just how it is ‘no, gumawa ka ng mas malapad ng kalye, mas bibigyan ng—and iyong pagbili ng kotse, siyempre function din iyan ng pag-unlad ng mga kababayan natin. So, we have to veer away from that and I think we are veering away from that and that is what the President wants.
Remember the President, alam niya kung ano ang isang efficient mass transit system ‘no, noong nag-aaral siya abroad alam niya. Kaya talagang naiintindihan niya kung bakit kailangan natin gawin ito ngayon. Hindi ito puwedeng—kailangan ito madaliin talaga kasi ito iyong ultimate solution eh. Ang paggawa ng bagong kalye hindi iyan ang ultimate solution, ang ultimate solution is high-capacity mass transit, that’s the ultimate solution and also making the environment in the city conducive for people to walk, lalo na in this day and age where wellness is so important, especially to our young people ‘di ba. It’s so important, but how can they walk, when there is no infrastructure that allows them to walk. Kapag pumunta kayo sa ibang bansa, ang sidewalk mas malaki sa ano, mas malapad kasya sa carriage way ng sasakyan eh, ‘di ba? So, we have to think about those things also and we have to—bikes, we have to—the active transport, the active transportation bikes, walking, that’s very important and we also have to build that and we also have to plan for that.
Mahirap lang kasi sa Metro Manila, ang sikip na eh, unlike Clark you know where we built, you know dedicated bike lanes, a lane for BRT (Bus Rapid Transit), mas madali doon eh, kasi hindi pa siksikan eh, marami ka pang right-of-way access eh, pero sa Metro Manila mahirap ng gawin iyan. So, we just have to think out of the box and find ways like the green ways, that’s one innovative way of helping our commuting public those who want to walk.
JEAN MANGALUZ/PHIL. STAR: Last question. Sir, are you looking in to solution such as four-day work scheme or congestion fee or maybe work from home scheme?
DOTR SEC. DIZON: I don’t want to go there yet, una, it’s not my purview. My purview is to build – to build, better, build more ‘di ba, that’s my purview. I don’t want to going to those issues yet. There other agencies that are responsible for that and I’m sure they are, you know, they are looking at that and to help you know alleviate the situation of the metropolis.
PCO ASEC. DE VERA: Pia Gutierrez, ABS-CBN.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi, sir. Sir, you mentioned kanina iyong EDSA busway, you know na may issue with the plans of the MMDA to remove the EDSA busway once na tumaas iyong capacity ng MRT. So, can we get your thoughts on that sir?
DOTR SEC. DIZON: We need the EDSA busway, we need the EDSA busway. I’ve already spoken to Chairman Don, and actually sabi nga niya, na misquote lang naman daw siya, hind naman niya sinabing tanggalin ang EDSA busway. Kasi kailangan natin iyan and it work eh. You know, alam mo noong time ng pandemic, doon lang natin nagawa iyon, kasi walang sasakyan sa kalye ‘di ba. But I don’t know if naalala, I’m sure naalala ninyo pa, naalala ninyo naman noong panahon na walang busway ‘di ba, iyong mga bus sa EDSA halos naka-perpendicular, naka—practically, hinarang na iyong buong EDSA eh, hindi ba. Tapos ang dami eh, nawala iyon eh, hindi ba? And I think that is the value of the busway.
And not only that, the value of the busway is really for the commuter kasi dire-diretso na siya halos eh, kahit papaano, hindi pa perfect, pero kahit papaano medyo predictable na iyong travel time mo. Hindi kamukha noong unang panahon ‘di ba na wala pa iyong busway, hindi mo alam, it could be 30 minutes, it could be three hours ang daan mo sa EDSA. But at least with the busway the commuting public now has some predictability doon sa pag-alis at pagdating niya sa kaniyang patutunguhan, ‘di ba. Pero it is far from perfect, it is far from perfect, so we have to fix that.
And again, we’re going to be working with the MMDA and with DPWH to find solutions to make it better and to make it more efficient.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, you are coming in midway through the Marcos administrations, do you think that’s enough time for you to institute changes, lalo na sinabi ninyo din na ‘it takes time to address traffic’?
DOTR SEC. DIZON: Like I said, in my statement, we’re not going to fix in three years. We just have to accept that, we’re not going to fix traffic in five years, maybe not in even in 10 years. But we can do some things now to slowly alleviate the commuter and the motorists’ experience, while we are fast tracking the big-ticket infrastructure projects. That will be the ultimate solution to the traffic and congestion problem.
So, three years, obviously three years is not enough, but we have to do something now. And I think there are low-hanging fruits that we can do. It’s not going to make, maybe a huge difference but tingin ko kahit papaano maiibsan kahit papaano iyong hirap natin pang-araw, araw, and we have to start somewhere.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, on expediting iyong completion ng mga transportation infrastructure projects, how exactly you’re going to that? You mentioned kanina, addressing of right-of-way issues, pero ano po iyong mga plano natin and what particular projects are we talking about?
OTR SEC. DIZON: Again, napakahirap ng tanong mo ‘no, we have to zero in on the problems and what is the main problem, the main problem is right-of-way, it’s always been the perennial problem of any infrastructure project. But I believe that if the various agencies of government with the LGUs, with the private sector, if we can all come together and address each right-of-way problem, and when I say ‘each’ I’m talking about—ang right-of-way kasi dini-divide iyan into parcel, parang mga lote iyan eh ‘di ba, parcel A to—I don’t know Z or ZZZ siguro sa dami niyan ‘no, kailangan isa-isahin iyan.
Kailangan tutukan ‘no and kailangan hindi kayang solusyunan lang ng DOTr, kailangan makipag-ugnayan kami sa mayor napaka-importante ng role ng mayor diyan. Kailangan makipag-ugnayan kami sa—kung private nga iyan, kailangan makipag-ugnayan tayo doon sa ano, kung ang may-ari niyan ay isang negosyante or isang pamilya sa isang lugar, kailangan tinututukan iyan.
So, that’s the only way, iisa-isahin, tutukan kada problema. It’s not easy, napakahirap niyan. Of course, mayroon ding recourse ang gobyerno because of its power of eminent domain, puwede tayong mag-expropriate ‘no, at puwede natin gawin iyan pero mahirap din iyan. So, kailangang lahat ng tools ‘ika nga, na available sa gobyerno kailangang gamitin. Pero ang pinakaimportante diyan iyong tutok – kailangang tutukan. A problem will never solve itself ‘no, it will never solve itself. The first thing you need to do is find the problem, if there’s a right-of-way problem for the subway – what is that lot na may problema, sino may-ari niyan… tututukan natin ‘di ba? It will not solve itself. I mean, sorry, it’s a very generic answer but, you know, I’ll be able to give maybe more detailed solutions to all of you in the coming weeks.
PCO ASEC. DE VERA: Tristan Nodalo, NewsWatch.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Hi, sir, good morning. Sir, balikan ko lang iyong sa busway ‘no. Before po umalis si Secretary Bautista as Transportation Chief, na-float niya iyong idea ng privatization of EDSA Busway. Are you also open to privatize itong EDSA Busway system?
DOTR SEC. DIZON: You know, I absolutely agree with Secretary Bautista, that is the way to go. We need—these infrastructure projects really need to be operated well ‘no, nakita na natin iyon dito sa ating bansa eh. May gagawin tayong imprastraktura – airport, train, et cetera, et cetera – mapapabayaan lang eh, after a few years mapapabayaan eh. So, I absolutely agree and I really want to thank Secretary Jimmy for, number one, for really leading this push to privatize ‘no. I mean, napakalaking bagay po noong privatization ng NAIA ‘no.
And, I think that has really set the tone and Secretary Jimmy, under his stewardship and his leadership has really set the tone to ensure that the private-public partnerships for the transport sector are really given the priority that they’ve long deserve ‘no. So, thank you to Secretary Bautista for that and to his team ‘no. And I can assure the public that we will—and this is the directive of the President himself, that we will continue to push for PPPs especially in the transport sector, across the board – lands, water, air.
TRISTAN NODALO/NEWSWATCH: Sec., of course, pinakamalaking chunk talaga or talagang na-involve iyong DOTr sa mga commuter concerns, ito pong mga nararanasan but Coast Guard is also under DOTr. So, under your term, can the Coast Guard expect more support like sa pagdadagdag ng resources sa vessels dahil nga po sa current situation sa West Philippine Sea?
DOTR SEC. DIZON: Absolutely, absolutely. You know, I worked with the Philippine Coast intimately during the pandemic. Alam ninyo naman na sila ang nag-secure ng ating mga airports, mga ports, iyong mga ports of entry natin noong nagku-quarantine tayo and I’m very, very close to our men and women in the Philippine Coast Guard – mga bayani po natin sila and they deserve all the support that we can give. So, equipment, technology, personnel – they can expect all-out support from me and from the department. And, I know for a fact that the President has given them all-out support especially in protecting our territorial waters.
PCO ASEC. DE VERA: Jonnel Maribojoc, UNTV.
JONNEL MARIBOJOC/UNTV: Sir, how about sa mga plaka? May naisip po ba kayong paraan para mas maging efficient iyong paglalabas ng mga plaka especially sa mga motorsiklo? May lumulutang na panukala na dapat maglabas daw ng mga factory, ang manufacturer dapat may plaka na. Ano pong masasabi ninyo po dito?
DOTR SEC. DIZON: Wala pa akong sagot kasi hindi pa ako nabi-brief ng LTO tungkol diyan. Pero ito lang sasabihin ko, 2025 na – walang rason para ang plaka mo ay hindi mo makuha pagkabili mo ng sasakyan o ng motor, there is no reason. With technology, with… this is not—making a plate is not rocket science, it should not be ‘no.
So, alam mo sa ibang bansa, bili ka ng kotse may option ka eh – sabihin mo pi-pickup-in ko iyong plaka ko… usually ready na iyan in days, probably 24/48 hours nandiyan na iyan, ready na iyan eh. Pero may option ka rin na papa-courier mo na lang sa bahay mo eh. Bakit hindi magagawa iyon? Hindi ko naintindihan iyon eh. So, I’m really going to demand from our LTO to provide a better service for our motorists. It’s completely unacceptable that we have delays of… sa motorsiklo yata taon eh, taon o buwan, anim na buwan o sampung buwan… o, ten years na, Diyos ko.
Para sa akin nga, dapat ibalik iyong binayad ng mga nagmomotor natin eh doon sa plaka, bayad iyon eh. Isipin mo bayad tapos ten years wala ka pang plaka, para namang… sobra naman iyon ‘di ba. And I’m really going to demand from the LTO that this be addressed right away ‘no. There’s no reason, kung kailangang magdagdag ng factory, dapat magdagdag ng factory. Unacceptable iyon, unacceptable.
Lisensiya ganoon din, pero alam ko lisensiya medyo okay-okay na yata ngayon ‘no. Wala na iyong papel na natutunaw tapos six months pagbalik mo renewal, papel ulit ‘no—ay stamp, stamp. Pinagdaanan natin lahat iyon; buti naayos na iyon.
PCO ASEC. DE VERA: Sam Medenilla, Business Mirror.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Good morning, sir. Sir, magpa-follow up lang po ako doon sa tanong ni Ma’am Pia regarding doon sa three years na lang iyong remaining sa Marcos administration. During your talk with President Marcos, mayroon ba siyang nabigay na parang list of projects na he wants to be prioritized para maging legacy niya before he ends his term?
DOTR SEC. DIZON: Opo. We spoke at length about this ‘no and, alam ninyo po ang Pangulo, gusto niyang maibsan ang hirap ng mga kababayan natin sa transportasyon, sa lahat ng bagay ‘no – healthcare, education, agriculture. Pero iyong transportation araw-araw iyan eh, araw-araw iyan eh, parang ano iyan eh… iyong nagigising ka tapos parang panaginip tapos uulitin mo na naman. ‘Di ba, parang nightmare na uulitin mo every day and the President really feels the pain of our people.
And that’s why he said, the first thing he said, “All these projects have to be fast tracked.” So, ang sinabi niya unang-una, iyong mga ongoing na – subway, kailangan ngang bilisan iyan, game-changer iyan para sa mga kababayan natin. Ako talaga, wish ko lang na tayong lahat dito sa kuwartong ito at mga kababayan natin, in our lifetime ma-experience nating may subway tayo sa Pilipinas na maayos, na world-class – iyong talagang para kang nasa Tokyo, Hong Kong, Singapore. Kailangan nating bilisan iyon at iyon ang unang-unang priority ni Presidente.
Pangalawa, North-South Commuter Rail. Like I said ‘no, it’s very depressing na tayo ang unang-unang nagkariles sa Asya tapos ngayon, nagkukumahog tayo dito na wala man tayong connectivity sa ano. At by the way ha, iyong congestion sa Metro Manila, iyan din ang solusyon. Kasi kapag mayroon kang magandang connectivity via rail, halimbawa taga-Bulacan ka o Pampanga ka, nagtatrabaho ka sa Metro Manila – hindi ka na kailangan mag-apartment dito eh ‘di ba. Hindi ka na kailangan mag-apartment kasi isang oras na lang nandiyan ka na sa ano mo, nandiyan ka na sa Makati, nandiyan ka na sa BGC galing Pampanga o galing Bulacan eh ‘di ba.
So, NSCR, Metro Manila Subway… iyong ating regional airports kailangan iyan ‘no, kailangang maayos iyan ‘no lalo na iyong mga tourist attractions natin tulad ng Siargao, importante iyan ‘no; mga airports natin sa Palawan, importante iyan. Pero iyan, dapat iyan… our roadmap is really to privatize ‘no kasi iyon ang pinakamabilis eh. Kampante tayo na kapag nasa kamay ng pribadong sektor ang ating mga imprastraktura, basta siyempre maayos ang mga kontrata, protektado ang gobyerno, protektado ang mga pasahero – sigurado tayo na mami-maintain at maayos ang pagpapatakbo ng mga facilities na iyon.
Ang ating mga ports ‘no, kailangan talagang ano iyan, lalo—just today, the President wants to expand our port system especially our agricultural ports. Because one reason why the price of food is so high is because of connectivity, because of transport cost ‘no. So, iyon, pinagkabilin-bilinan niya sa akin iyon kanina lang na we have to focus on that. So, I’m going to make sure that our good GM in PPA, GM Jay Santiago, we are able to work with the Department of Agriculture and the other agencies to make sure we are able to establish these ports all over the country.
Sa mga turista, iyong mga cruise terminal, ang ganda-ganda ng mga isla natin. Pero, bakit ang mga cruise ship eh nagpupunta sa Thailand, sa Malaysia? Bakit sila ang pinipili, hindi tayo? Eh wala tayong infrastructure eh, wala tayong mga cruise terminal pero iyan, ginagawa na rin iyan ni GM Jay. So, iyon ang mga just some of the priorities that the President mentioned when he spoke to me.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Tapos, sir, regarding naman po doon sa right of way. Last January, na-mention po ni Secretary Bautista na may proposal daw to amend iyong right-of-way law para raw iyong 25 meters below ground na parang limit doon sa right-of-way, gagawing 50 meters kasi nga iyong sa subway. Are you proposing na ma-include siya doon sa priority legislation ng Pangulo?
DOTR SEC. DIZON: Tama si Secretary Bautista diyan. Napakarami nating kailangang mga i-amend at i-modernize na batas, and I think that is one of them ‘no because, I guess, noong ginawa iyong batas na iyon, hindi pa niya tinake into consideration iyong lalim ng subway ‘no. Kasi ang subway, kita ninyo naman, sa ibang bansa talagang akala mo halos buong building iyong height ng bababaan mo eh.
So, yes, but we have to study it. I want to see the proposal to amend the law, and then we will propose it to the President first. And then, if he approves, which I’m sure he will if it will fast-track and make it easier to claim right-of-way especially for the subway, and then we will present it as a priority.
SAM MEDENILLA/BUSINESS MIRROR: Tapos last na lang for my part, sir. Na-mention ninyo kanina na parang gusto ni Pangulo na mag-veer away from a car-centric solution tapos more on doon sa mga active transportation. Are you considering closing some roads within Metro Manila to cars?
DOTR SEC. DIZON: Alam mo, mahirap sabihin iyan. Kasi alam mo, hindi tayo puwede basta-bastang magdesisyon ng ganiyan kasi nga our problem with Metro Manila is so congested already. If this was a, you know, a city like, I don’t know, Clark for example—sorry, doon kasi ako nanggaling ‘no—madali iyan eh, madaling sabihin isara natin ito, isara natin ito, kasi nga maraming espasyo eh. Sa Metro Manila, wala ng espasyo at ang daming sasakyan. So, tandaan natin ‘no, ang trabaho ng gobyerno lagi kapag nag-iisip siya ng solusyon is paginhawain iyong publiko, hindi pahirapan ‘no.
Ang problema minsan, hindi natin iniisip nang mabuti, akala natin magandang solusyon, pero ang net effect, ang nagiging epekto noon, lalo pang nahihirapan iyong mga motorista, lalo pang nahihirapan iyong publiko. So, kailangan—mahirap mag-ano eh, ganoon na lang ‘no, isarado natin – bike, mahirap. Ako, biker ako, that’s my passion. I love to cycle. I’ve been cycling for so many years ‘no. I would love to have roads closed in Metro Manila just for bikes. I would love that, but is it a practical solution? I don’t know, maybe not. So, we’ll just have to find ways. We’ll just have to find ways to balance everything kasi it’s a balancing act eh.
MICHELLE GUILLANG/ALLTV: Hello, sir. Good morning. The DOTr recently approved the fare hike po sa LRT 1. Should we expect the same with other train lines?
DOTR SEC. DIZON: Hindi ko po masasagot, ma’am. I will have to see where we are with the other lines, if there are pending fare increases, we will see. I mean, the regulatory function of the DOTr mandates us to review all these fare hikes in order to protect the commuting public. So, we will have to see. I cannot make any comments on that as of now.
MICHELLE GUILLANG/ALLTV: Sir, another question po. After the Duterte administration, sir, you have been in the private sector since 2022, if I’m not mistaken. Can you tell us, sir, what made you accept the DOTr chief? Were you reached by the President or by Secretary Jimmy?
DOTR SEC. DIZON: I was asked ‘no, I think, it was the time when, I think, Secretary Jimmy had may be intimated already to the President that he wanted to wind down for health reason as was eventually announced. I was asked if I was willing to serve again. It was difficult decision. I will be very honest with all of you. Having been in government for a long time and now having experienced the private sector, it’s hard. It’s hard because obviously, you know, the pay is better, mas maganda ang suweldo, at the same time, iyong stress ay significantly lower especially ako, kasama ng iba kong mga kasama noon, COVID ang pinanggalingan natin eh. So talagang, I mean, burn out talaga ang pakiramdam ko noong 2022.
But you know, at the end of the day, if you are called to serve and the President calls you to serve, you have to answer that call. It’s a calling that we all have to answer once it is given to us.
MICHELLE GUILLANG/ALLTV: Sir, are you planning to bring some former transport officials to the DOTr?
DOTR SEC. DIZON: Yes, because, you know, gaya ng sinabi ninyo kanina, three years na lang, so there’s no room for—there’s no time to waste and there’s no room to learn the ropes, wala na tayong oras doon. So, we really need to bring in people who have the experience and who are professional. Remember, these people, even if they work in previous administration, these are professional people. These are people who joined government, who by the way, were already in the private sector and obviously enjoying the fruits of the private sector and the less levels of stress in the private sector, but they are professionals and they know what to do. Iyon ang pinakaimportante kasi we need to …ang sabi ni Presidente, you need to hit the ground running on day one because there’s no time, we’ve got to do this quickly, the people cannot wait.
MICHELLE GUILLANG/ALLTV: So, sir, can we say that we can expect a shake up in the DOTr?
DOTR SEC. DIZON: Yes, there will be several new undersecretaries coming in. I’m sorry I’m not at liberty to disclose that because obviously it will be the Office of the President that will eventually announce their appointments. But yes, there will be new usecs coming in. There are usecs that will stay, don’t get me wrong, there are usecs that are going to say and there are other officials who are going to say but there are new people who will be coming in for key positions in the DOTr. I apologize I’m not at liberty to disclose that at this point. It will have to come from the Office of the President once they are appointed.
IRA PANGANIBAN/DZRJ: I just want to ask this na because nobody’s asking it. EDSA, obviously, it’s the main artery of Metro Manila. It’s also the main road that connects Northern Luzon to Southern Luzon, that’s the reason why it’s totally congested. It is the perfect example of how not to build a road. Are we going to do something about it in your term?
DOTR SEC. DIZON: Okay. First of all, you know, EDSA … the purview over EDSA is multi-agency. You have MMDA there. You have DPWH there. You have DOTr there for the mass transit. So, yes, definitely! But right now, what I want to do is I want to coordinate very closely with Secretary Bonoan of DPWH and Chairman Don Artes of MMDA and his team.
Hindi puwede ang galawan dito ay kaniya-kaniya; kailangan ito coordinated lahat. Halimbawa, iyong repairs na ginagawa ng DPWH on EDSA, kailangan coordinated iyan sa MMDA, kailangan din coordinated sa DOTr. At kampante ako dahil napakagaling ni Secretary Bonoan. Sanay na sanay na, he’s been in DPWH for the longest time. He is a good friend. Kaibigan ko ring matalik si Chairman Don Artes; magkasama kami noong pandemic. So tingin ko ang key diyan, coordination. Kailangan lang nakalista – ito ang gagawin ng DPWH, ito ang gagawin ng MMDA, ito ang gagawin ng DOTr, tapos kailangan lang hindi magkaniya-kaniya. Kumbaga sa orchestra, kailangan maganda ang ano, maganda ang pag-conduct mo doon sa orchestra at hindi magiging magdidesintunado ang tunog natin ‘di ba. Iyon ang importante diyan.
Although, specifics, wala pa akong masasabi sa iyo ngayon.
IRA PANGANIBAN/DZRJ: I see. Anyway, if you drive EDSA on regular basis, you will know which parts are really problematic.
DOTR SEC. DIZON: Correct.
IRA PANGANIBAN/DZRJ: Alam natin iyon eh, I just can’t figure out why nobody tries to fix it. Are you going to try and identify it when you said dadaan ka mismo doon and you will try to figure out?
DOTR SEC. DIZON: Opo, iyon po ang gagawin natin. Iyon po ang gagawin natin, we have to—para maintindihan natin iyong problema ay kailangan maranasan natin eh. So, iyon ang unang-una kong gagawin.
IRA PANGANIBAN/DZRJ: May timeline tayo?
DOTR SEC. DIZON: Iyong pag-ikot ko sa EDSA, next week na iyan. Pero iyong timeline ng solusyon, siyempre hindi pa ako makakapagbigay sa iyo ngayon.
IRA PANGANIBAN/DZRJ: Thank you, sir.
DOTR SEC. DIZON: Pero ano, basta iyan, sabi ng Pangulo, bilisan lahat ng gagawin so iyon ang gagawin natin.
ASEC. DE VERA: Okay. Any last words, Secretary?
DOTR SEC. DIZON: Sorry, mayroon lang akong public service announcement. Nagtataka ako bakit walang nagtanong sa inyo eh. Ini-expect ko iyong tanong. Mayroong announcement ang TRB noong isang araw na magka-cashless ang NLEX at saka SLEX. I’m telling you right now, I’ve already told TRB to suspend that, iyong cashless. Cashless ibig sabihin wala nang cash, cash lane sa—and I will tell you why: Number one, naaalala naman natin siguro iyong nangyari noong unang sinubukan ito ‘di ba. This was tried already in the past, several years ago. And we probably all remember what happened in Balintawak and in other choke points on NLEX and SLEX – nagkabuhul-buhol iyan kasi I guess for whatever reason na hindi na-disseminate ang information, etc.
So, I want to, first, work with the two toll operators – MPTC and San Miguel – and tingnan muna natin iyong sistema. Is there a way to make it more efficient? Okay ba, lahat ba ng barrier gumagana, lahat ba ng RFID nababasa, ‘di ba? Kasi kung may problema pa tayong ganoon at hindi pa halos perpekto ang sistema natin, baka hindi pa panahon para bigla-bigla tayong mag-cashless.
Pero may isa pa akong rason: Para sa akin, ang personal kong pananaw, and I have communicated this already to TRB, having a cashless system is not pro-poor; it is anti-poor. Why? Tayo siguro dito, kasi kayo alam ko matataas ang suweldo ninyo, kaya ninyong mag-load sa Easytrip at saka sa Autosweep ng dalawanlibo, tatlong libo, limanlibo. Si Ivan baka sampung libo, ‘di ba. Pero paano iyong mga kababayan natin na sagad-sagad ang budget ‘di ba, hindi sila makaka-load. Oh, papaano kung sa pagod nila, nakalimutan nilang mag-load, negative iyong balance nila or zero. Ibig mong sabihin kapag cashless, anong gagawin nila? Kalbaryo na naman iyon. Pagpapahirap na naman sa tao iyon, hindi ba.
Dapat kasi sa tingin ko ay magkaroon ng change in mindset eh, ‘di ba. Naiintindihan ko iyong need to regulate, naiintindihan ko iyon ‘no. Pero kailangan, the need to regulate should not result in making the lives of people difficult. Dapat gumiginhawa ang buhay ng tao, hindi pinapahirapan. Itong cashless na ito, sa tingin ko pagpapahirap ito kaya hindi ako naniniwala diyan. Siguro pagdating ng panahon na perfect na ang system and then—pero right now, I don’t believe in it so I asked them to stop it. And I’ve already sent words to the toll operators that we’re not going cashless on March 15, and we’re not going cashless for the foreseeable future. Iyon lang po.
ASEC. DE VERA: Okay. Thank you very much, Secretary—
DOTR SEC. DIZON: Oops, sorry, last na lang. By the way, sorry, dalawang linggo ko kasing iniiwasan iyong media kasi hindi ako at liberty to speak eh. No, I just want to say that I want to do regular briefings for transport. When I say regular, hindi ko alam kung kada dalawang buwan o kada tatlong buwan, basta regular. And ang laman ng mga briefing na iyon ay update. Bibigyan ko kayo at ang publiko ng update on the status of each priority project, and detalyado. Ilan na ang accomplishment, ilang porsiyento na? Ano ang bagong timeline, etc.? So, I will be giving those updates regularly, maybe starting in April, that will be the first briefing and then moving forward, regular iyon.
Salamat po nang marami at God bless po. Thank you so much.
ASEC. DE VERA: Thank you very much, Secretary Dizon. At dito na po nagtatapos ang ating press briefing ngayong araw kasama si bagong Department of Transportation Secretary Vince Dizon. Thank you, Secretary Dizon. Thank you, Malacañang Press Corps, at magandang umaga po.
###