Maraming salamat kay Secretary Anton Lagdameo [magsiupo po tayo] sa iyong introduction.
At nandito naman ang – nandito ang ating Top 3 senators. Nandito si Senator Francis Tolentino, [palakpakan] nandito si former DILG Secretary Benhur Abalos, [palakpakan] and Senator Manny Pacquiao. [palakpakan] Nandito’t makipagsama-sama para sa atin upang ay tayo… Dahil ito na eh katapusan na ng Enero at iilang araw na lang mag-start na ‘yung campaign period.
Kaya’t baka ito na ang pinakahuli nating pagkakataon na makapagsama-sama at makapagkonsulta sa isa’t isa. And this might be the last chance for some of us to be able to bring to the national leadership of the party the issues that are facing the – all of you, kayong mga governor, kayong mga mayor, ating mga senador na kandidato. Baka ito ang last chance natin na makapagpulong-pulong na para naman lahat ng mga ating mga inaalala, lahat ng ating mga kinakailangan na hindi pa natutugunan ng ating partido ay maidala sa leadership ng PFP.
And that is the purpose of these very important meetings and these very important conferences that we have.
Ngunit bago pa tayo, siguro tama rin ang nabanggit ni Gov. Jun Tamayo na tayo siyempre pagka dating na ng campaign period masyado na tayong busy, marami tayong iniisip, marami tayong pinupuntahan. Ngunit bago tayo magsimula huwag nating kakalimutan kung bakit tayo ay nagkaisa sa ilalim ng bandera ng PFP.
Dahil kung – kailangan lagi natin maalala na sa nakaraang halalan ang mga PFP – kahit na ‘yung iba sa inyo hindi pa official members sa PFP pero tumutulong na sa amin. But all of us together, tayong lahat ang ating naging hangarin, ang ating ipinaglalaban ay ang pagkakaisa. At sina…
Kaya naman itong PFP ay sinama natin lahat ng maaaring maisama natin. Hindi upang maging malaki at upang maging pinakamalaking partido, upang maging pinakamalaki at pinakamalakas na partido. Well, that is important also kailangan na matibay ang partido natin.
Ngunit ang tunay na dahilan kung bakit ipinagsama-sama natin lahat ng nakakaunawa sa ating hangarin ng pagkakaisa upang lahat ng tutulong sa atin sa pagpapaganda ng Pilipinas ay kasama natin at mayroon tayong sariling plano, mayroon tayong isang sinusundan na hangarin at layunin para sa ating bansa.
Kaya tayo lumalaban, kaya tayo pumasok sa pulitika. Galing lang ako sa graduation ng Development Academy of the Philippines. Nag-graduate ang mga ibang public servants sa kanilang mga post grad na kurso. At ipinaalala ko sa kanila at ipapaalala ko rin sa inyong lahat kaya tayo nag-serbisyo publiko.
Eh siyempre sa bawat kandidato, sa bawat na umupo na opisyal ay may sariling dahilan. Ngunit sa aking palagay ang isang katangian na lahat ng ating mga kandidato, lahat ng ating mga miyembro, lahat ng ating mga naging opisyal ay pumasok sa ganitong klaseng trabaho upang tumulong sa taumbayan, upang tulungan ang inyong constituency, upang tulungan ang iyong bayan. Nag-start sa barangay hanggang sa probinsya. At ang ating mga national candidates ganoon din, magiging senador.
Lahat naman talaga ay makikita ninyo na kahit iba-iba ang pinanggalingan, kahit iba-iba ang pinagdaanan, laging nandiyan sa likod ng pag-iisip ng bawat miyembro ng PFP na tayo ay nagsasama at nagkakapit-bisig upang tulungan ang taumbayan, upang pagandahin ang Pilipinas.
Kaya naman tayo pumapasok sa ganitong klaseng serbisyo dahil wala namang magsasabi na ang pamumulitika ay madali. Kahit na napakayaman mo, kahit na napakaganda ng pangalan mo, kahit napaka – kilala ka ng buong constituency mo, ay mahirap pa rin ang trabaho.
Kahit mahalal ka na, hindi natitigil ang trabaho. At lalong-lalo na sa ating mga local government official ay alam naman natin na kapag ikaw – kayo’y umupo bilang local government official ay talaga naman bubuhos ang mga iba’t ibang isyu – hindi ko tinatawag na problema – ang iba’t ibang mga isyu na dumadating sa pang-araw-araw ng buhay natin.
At iyon naman ay ginagawa natin. At talagang nagtitiyaga tayo, nagsasakripisyo tayo at kung minsan tinitiis lang natin ang mga masasakit na salita, at mga maaanghang na mga bitaw na mga kalaban natin dahil tayo’y naniniwala sa ating ginagawa. Naniniwala na ang ginagawa natin – itong sakripisyo man natin, itong – kung mayroon man tayong dinadaanan na kahirapan, ito ay hindi para sa ating sariling kapakanan, kung hindi para sa ikabubuti ng ating mga kababayan. [palakpakan]
Kaya naman po — kaya’t ngayon kailangan na ngayon natin dahil tayo ngayon ay — tayo naman ay nagkakaunawaan, nagkakaintindihan tayo na ‘yan ang ating gagawin, ‘yan ang ating ipaglalaban.
Ngayon, how do we make those principles into reality? And that’s what these elections are all about.
That is why it is important that those like-minded candidates — kayo, mga miyembro ng PFP, ‘yung mga ibang opisyal… At hindi pa ito ang kumpleto na membership, this is only from dito sa area natin, dito sa bandang NCR at saka ‘yung mga malalapit na lugar. Gagawa pa rin tayo ng mga ibang klaseng mga convention na ganito sa iba’t ibang lugar upang kailangan marinig [palakpakan] ng ating liderato ang pangangailangan ng ating mga kandidato habang maaga pa, habang may pagkakataon pa tayo na makipagpulong-pulong lahat.
So, let us use this opportunity that we have here now today to put together the… Well, I’m sure everybody has their own plans on how they will conduct their own campaigns.
Hindi ang leadership ng PFP ang magsasabi sa inyo kung papaano patakbuhin ang kampanya ninyo. Mas alam ninyo sa amin ‘yan.
Ngunit, ang kailangan malaman ng liderato ng PFP – kung ano pa ang aming maitutulong dahil ang partido ay nandiyan upang tulungan ang lahat ng mga miyembro. [palakpakan]
At asahan ninyo, hindi — tayo naman — asahan ninyo na kung ano ang kayang gawin ng partido, kung ano ang kayang gawin ng ating mga supporter, ng ating mga kaibigan na naniniwala rin sa pagkakaisa ay kung ano ang kayang gawin nilang lahat ay gagawin namin upang tulungan kayo. [palakpakan]
Ang nais naming maging resulta — siyempre ang lagi naming iniisip, dapat talaga sa unang-una, sa Senado 12-0 dapat, ‘yan ang habol natin. [palakpakan]
At sa mga local naman, dapat 100 percent dahil ‘yang mga miyembro natin ‘yung pinakamagagaling naman talaga sa local. Kaya’t dapat maipakita natin na itong pagsasama na ito, ito ang pagka — pagsanib puwersa nating lahat dito sa ilalim ng PFP.
At bukod pa doon, sa ating mga coalition at pag-aalyansa sa iba’t ibang partido na ipinagsama natin dahil sila rin ay naunawaan ang ating hangarin ng pagkakaisa ay lahat ay pinagkaisa natin ‘yan. Kaya’t palagay ko naman ay napili natin ang pinakamahusay, pinakamagagaling, at pinakamatibay hindi lamang sa eleksyon kung hindi sa serbisyo publiko.
Kaya’t dahil ganoon kataas ang quality ng miyembro at ng kandidato ng PFP, dapat… Basta kami sa leadership ng PFP sinasabi natin: hindi — walang dapat matalo dito sa ating mga kandidato dahil ‘yan ang pinakamagagaling. [palakpakan]
Kaya’t gagawin natin lahat na — kailangan gagawin natin lahat. Siyempre nandiyan ang… There are many — maraming mga aspeto ang eleksyon. Mayroong national, ‘yung ating mga senatorial candidate, mayroon siyempre sa local at sa lahat ng levels sa probinsya, sa city, sa municipality. At lahat ‘yan ay titingnan natin kung ano ‘yung pinakamainam na gawin.
Kaya’t let us take this opportunity to get together to solidify our plans for the future. At tingnan naman natin kung papaano ang pinakamainam at pinakamagandang gagawin para tayo ay magiging very effective dito sa eleksyon na ito.
At we have gathered, I believe, the best people and the most effective public servants in the Philippines under our umbrella ngayon sa PFP at sa buong alyansa. At hindi natin masasabi na wala — hindi masasabi ng sinuman na ating mga katunggali, hindi masasabi na ang hinaharap natin ay napakahina, hindi marunong, walang alam. Walang ganyan dito sa PFP. Walang ganyan sa alyansa. [palakpakan]
Kaya’t ‘yan ang ipalaman natin — dapat maunawaan ng taumbayan ‘yan, ng ating mga magiging voter sa darating na Mayo.
At ‘wag nating kakalimutan na nandito ang partido sa likod ninyo. Hindi lamang ang partido, lahat ng mga miyembro, lahat ng nandito, nandito na kasama natin, lahat ng mga miyembro na hindi nakarating ngayong araw at ngunit nandiyan at nagbabantay, at nag-aabang sa mga gagawin natin, sa mga plano natin sa darating na campaign period hangga’t sa halalan ay lahat ito ay kasama ninyo, kasangga ninyo.
At kung ano ang magagawa hindi lamang ng partido kung hindi ang inyong kapwa miyembro ng PFP ay tutulungan kayo. Kaya’t ‘yan ang kailangan nating gawin. [palakpakan]
Dahil ‘pag nagtulungan ang… Isipin ninyo, isang grupo na ganito. ‘Pag lahat tayo iisa ang ating pag-iisip at pare-pareho ang ating tinutunguhan at pare-pareho ang plano na ating sinusundan ay sino naman ang tatalo sa atin? [palakpakan]
Wala naman puwede siguro na makaharap sa atin at masasabi na mas marunong at mas maganda ang kanilang ginagawa.
Kaya’t isapuso natin ‘yan. Huwag nating kakalimutan kung bakit tayo nandito. Huwag nating kakalimutan kung ano ang nagdala sa atin dito—ang ating hangarin; ang layunin na pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino; na pagandahin at ipagtanggol ang Pilipinas. At ‘yan sa palagay ko basta’t ‘yan lagi ang ating pinapangarap ay laging magiging tama ang ating ginagawa. Magiging tama ang ating tutunguhan. [palakpakan]
Kaya’t, ready na kayo? Okay, sige. At good luck sa inyong lahat. Kagaya ng sabi ko, nandito kaming lahat upang makinig sa inyo kung ano ba ang mga nagiging issue doon sa inyo, kung ano ‘yung mga kailangang gawin.
At asahan ninyo, the PFP is the strongest party in the country today. [palakpakan]
And the PFP—that strong party is behind you all the way. [palakpakan]
Good luck! [palakpakan]
— END —