Speech

Talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Pamamahagi ng Iba’t Ibang tulong mula sa gobyerno sa Northern Samar

Event Distribution of Various Government Assistance in Northern Samar
Location Provincial Capitol Grounds in Catarman, Northern Samar

Damo salamat, Governor. [Please sit down.]

Maupay nga adlaw sa iyo nga tanan! (Good day to everyone!)

Maraming salamat sa inyong pagsalubong.

It is always good to — lagi naman masaya basta’t naririnig ko ulit ‘yung Waray-Waray at parang kasama ko ‘yung aking mother kaya’t I’m very happy to be here today. [applause]

Mas lalo na dahil ang pinanggalingan namin ni Gov ay ‘yung pag-inaugurate doon sa kadulo-duluhan na ng circumferential road. Mabubuo na natin ‘yung circumferential road ng Samar.

Kaya’t malaking bagay ‘yan, kaya’t pinuntahan ko at makita ko na talagang maganda ang trabaho, maganda ang pagkagawa, at kung ano pa ang mga idadagdag.

Ngunit dahil nandito kami ay lahat ng puntahan namin ay naglalagay kami ng Kadiwa store para nga maramdaman naman ng ating mga kababayan na mayroong kaunting ginhawa na maibigay natin para naman mas abot-kaya na mga produkto.

Kaya po bukod diyan ay kung makita po ninyo sa labas, ‘yung Kadiwa ang buhay niyan ay ‘yung supply ng local. Hindi mabubuhay ‘yan kung hindi tayo makapag-supply sa ating mga kababayan.

Kaya’t kasama doon naman sa aming binigay doon sa rice program ng Department of Agriculture, mayroon kaming mga binigay na tractor, mga harvester. Nandiyan mga makina para maging mas maganda ang ating agrikultura.

Dahil nga dapat matuto na tayo sa nangyari sa pandemya na noong nagsara lahat, naging dependent na kasi tayo sa importer ng bigas. Kaya’t nagsara ‘yung Vietnam, nagsara ‘yung Thailand, ‘yung mga kinukuhanan natin nagsara lahat, bigla tayong nakulangan, tumaas ang presyo ng bigas.

Kaya’t alam na natin ‘yun, huwag na natin antayin pa na may mangyaring ganyan, paghandaan na natin. Iyan po ang aming ginagawa sa Department of Agriculture para pagandahin ang ani ng ating mga magsasaka, mabigyan ng suporta sa pautang, pati sa technical support.

Iyan po ang aming ginagawa para naman pagtagal, siguro mararamdaman na natin sa lalong madaling panahon, mararamdaman na natin na talagang gumanda na ang sitwasyon.

Hindi lamang sa production. Lagi kong paulit-ulit na sinasabi ito. Pag sinasabi natin, gusto natin palakihin ang produksyon, tama ‘yun. Kailangan natin ‘yan para kaya natin pakainin ang sarili natin.

Ngunit, bukod sa produksyon, kailangan maganda naman ang hanapbuhay ng ating mga magsasaka. Kaya’t ‘yung farmgate price naman ay nakakabawi sila doon sa kanilang mga ginawang utang, doon sa kanilang ginamit para bumili ng mga inputs.

Lahat ito ay kailangan suportahan ng pamahalaan. Iyan ang aming ginagawa sa Department of Agriculture, hindi lamang sa bigas, hindi lamang sa mais, pero pati na sa high value crops. Lahat sa fruits sa Mindanao.

Kasama din diyan ‘yung parami natin ng isda para hindi tayo nag-i-import ng isda. Hindi yata tama na ang Pilipinas na puro isla, na nakapaligid ang dagat ay nag-i-import ng isda.

Kaya’t kailangan paramihin natin ‘yung ating nursing grounds para sa mga… Tapos ‘yung ating problema ngayon para sa baboy at saka sa manok, ‘yun, lahat ‘yan ay tinitingnan natin.

Baka puwedeng bakunahan para naman ‘yung produksyon natin dito ay maging mas maganda at dumami ang produksyon natin, maganda ang kita, maganda ang hanapbuhay ng ating mga magsasaka at mura ang Kadiwa na ibibigay natin sa taumbayan.

‘Yun po ang plano. Tulungan niyo po kami. Kaya natin gawin ito pagka nabuo natin ang sistema na ‘yan. [applause]

At bukod pa roon, siyempre tayo’y lumalabas-labas na sa ekonomiya ng pandemya ngunit kahit na gumaganda ang mga numero, mayroon pa rin talaga sa atin na, mga kasama natin na nangangailangan pa rin ng tulong.

Lalo na ‘yung mga maliliit na negosyo, ‘yung tawag nating MSME. Kaya’t nandiyan naman sa labas din ang DTI, ang Department of Trade and Industry. Nandito ‘yung ating Kalihim, Secretary Fred Pascual ng Department of Trade and Industry.

Mayroon silang training kasama ‘yung TESDA, maging ‘yung TESDA scholar. Tapos binibigyan ng DTI ng mga starter kit para halimbawa sa labas, mayroong maliliit na pugon para magkapag-bakery nang kaunti.

Tapos ‘yung — pagka naman iba, ‘yung air conditioner, ‘yung air condition repair. Basta’t magkaroon lang ng hanapbuhay.

Kaya’t nandito po kami para matiyak na ‘yung mga talagang bumagsak, kasi talagang maraming tinamaan nang mabigat, naubos ang kanilang savings, nagsara ang kanilang negosyo, hindi na sila makabalik, ‘yun ang mga hinahanap namin para tulungan dahil ‘yan ang puno’t dulo ng ating ekonomiya, ang mga maliliit na negosyo, ang MSMEs.

Kaya’t kailangan natin pasiglahin at buhayin ‘yang sector na ‘yan. Kaya’t ‘yan po ang aming ginagawa ngunit kagaya ng sabi ko, mayroon pa ring nangangailangan ng tulong kaya tinitiyak din namin, mayroon din kami dito, na makapagbigay ng tulong sa ating mga cooperative. ‘Yung iba sa cooperative, ‘yung iba sa LGU, at saka ‘yung iba sa mga indibidwal na tao para naman, kahit papaano, mayroong pangkabuhayan.

At diyan din pala sa likod, hindi ko na nabanggit, ay mayroon tayong job fair. At alam naman natin ang lahat ng Pilipino ‘yan ang hinahanap, maghahanap ng magandang trabaho. [applause]

‘Yung mga mag-a-apply, good luck. At sana kahit papaano ay makatulong itong aming mga ginagawa.

Kaya’t ‘yun po ang sadya namin dito at hindi lang bibisita sa aking mga kapitbahay, kung hindi makita na ‘yung aming mga ginagawang proyekto na pinag-uusapan namin sa Maynila ay tinitiyak natin na hanggang dito sa grassroots level ay inaabot at nararamdaman ng tao.

Maraming, maraming salamat. Damo nga salamat! [applause]

 

— END —

 

SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)