Maraming salamat po.
Anong sabi ni Andrew E? Labindalawa! [Crowd: Alyansa!] Labindalawa! [Crowd: Alyansa!] Para sa? [Crowd: Kaunlaran!] Para sa? [Crowd: Kaunlaran!]
Magandang hapon po sa inyong lahat! Good afternoon po, Bicol!
Maraming-maraming salamat sa inyong lahat ay kayo’y nakarating dito sa aming kaunting rally para ipakilala po at magpakilala ang aming mga kandidato para sa Senado sa darating na halalan na darating sa Mayo.
Alam niyo po kapag ako’y sumasama po sa kanilang mga lakad ay sinasabi, “ikampanya mo naman kami.” Alam niyo po napakadali para sa akin upang iharap sa inyo ang ating mga kandidato para sa Senado. Bakit po?
Dahil po tingnan naman ninyo ang naka-line up ng Alyansa para sa Senado ay kung iisa-isahin po natin ay bawat isa… Narinig niyo po silang magsalita, narinig niyo po sila na kung ano ang kanilang nagawa, narinig niyo kung ang kanilang pinaplano kapag sila ay naluklok sa mataas na office ng Senate.
Iyan po ay kaya naman at isa-isa ay sasabihin natin madaling sabihin de-kalidad po itong ating mga kandidato. ‘Pag pinagsama mo eh halos ito na ‘yung dream team kung tatawagin – para sa politika, ito na ‘yung dream team para sa Senado.
Kaya po nais namin muli na iharap sa inyo ang ating mga kandidato ng Alyansa. Kung pupunahin po ninyo ang kadalasan kapag may kampanya, lahat po ng mga kandidato isa lang ang suot na kulay. Kung titingnan niyo po kami ay iba-iba po ang aming suot. Dahil po iba-iba po ang pinanggalingan namin na mga political party. Kaya po natawag po kami na Alyansa dahil po kahit na…
Lahat po tayo ay may sariling pananaw sa mga sitwasyon sa ating minamahal na Pilipinas. Lahat sa atin ay may sariling pananaw kung ano ang mga solusyon para sa Pilipinas. Ngunit tayong lahat, bawat Pilipinong nagmamahal sa kanyang kapwa Pilipino pare-pareho ang iniisip: kailangan nating tulungan at pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino; kailangan nating pagandahin ang Pilipinas.
Kaya naman po nagkaroon po tayo ng Alyansa na nanggaling po sa iba’t ibang mga political parties. Dahil sa kanilang pag-iisip, sa kanilang hangarin ay makabuti, makatulong. At kahit na sino ang tutulong na magkapit-bisig po sa amin ay sinasama po namin para isama po natin sa pagtulong sa pagpapaganda ng buhay ninyo, para sa pagbibigay ng trabaho, para sa pagpapaganda ng inyong pag-alaga sa inyong kalusugan.
Pinag-exercise pa kayo ni Senator Pia. Tingnan niyo hanggang sa rally pa lang mayroon na siyang ano – mayroon na siyang nagawa na health para sa inyong lahat.
Ito po ang ating… Kaya po ay madali po masabi na kami po ay ang tunay na Alyansa na nagsama upang pagandahin, upang tumulong, upang magserbisyo sa taong-bayan.
Tingnan po natin kung ano ‘yung ating mga kandidato. Walo po sa kanila ay nanggaling na po sa Senado. Nandiyan po si: Senator Cayetano, Senator Lacson, Senator Lapid, Senator Marcos, Senator Pacquiao, Senator Revilla, Senator Tolentino, at Senator Sotto.
Ngunit si Senator Sotto rin — ay lahat po sila ay matagal ng naka – naging legislator at marami na silang nagawang – magsusulat ng magagandang batas.
Bukod pa roon, si Senator Sotto ay naging Senate President pa. Masasabi ko dahil sa sarili kong karanasan dahil po noong senador ako, siya po ‘yung Senate President namin. At alam na alam ko kung paano siya magpatakbo. Kahit po nagtatalo kaming mga senador — alam niyo naman kami mahilig kaming magdebate — si Senate President namin ay talagang nahahanapan niya ng paraan na mag-agree po lahat.
Kaya po ‘pag sila ay nabalik na sa Senado, alam na po nila ang gagawin nila, alam na po nila ang trabaho. Alam na po nila ang mga problema na kailangang bigyan ng solusyon, at alam nila kung papaano patakbuhin, papaano gamitin ang pamahalaan upang magdala ng serbisyo sa taong-bayan.
Sa katunayan, ito po naman ay galing po sa House of Representatives, naging congressman po. Nandiyan po: Congressman Abalos, Congressman Binay, Congressman Marcos, Congressman Cayetano, Congressman Pacquiao, Congressman Tulfo, Congressman Villar.
Iyan po ang mga record nila. Nakita niyo po ay very experienced po at alam po nila kung papaano ang mga pasikot-sikot sa gobyerno. Alam po nila kung papaano paandarin nang mabuti ang ating pamahalaan dahil hindi lamang sa mababang kapulungan, kundi pati na sa house of the Senate ay may experience silang lahat. Kaya po pagka sila ay naupo muli ay pabayaan na ninyo — ipapaubaya na po natin sa kanila.
Ako po sa palagay ko, ako na ang pinakamapalad na Pangulo kung sila ay mahalal lahat. Dahil kung ‘yan ang mga kasamahan ko napakarami po nating magagawa, napakarami po kayong mararamdaman na benepisyo na galing sa national government. [palakpakan]
Apat naman ang nagsilbi, kung hindi sa Gabinete ay tinatawag na Cabinet-rank, bale secretary sila. Nandiyan po: si Secretary Abalos ng DILG, ng local government. Dahil po noong ako’y umupo at iniisip ko sino ba ang maganda siguro nakakaunawa sa mga isyu ng local government, ay may balita ako na mayroon daw magaling na mayor dati sa Mandaluyong na maraming natanggap na premyo. Kaya’t sinabi ko, ayan marunong ‘yan, nakakaintindi. Kaya’t DILG secretary noon, si Secretary Benhur Abalos.
At si Erwin Tulfo naman naging secretary po ng DSWD. Ganoon din po ang aking pag-iisip. Noong umupo po ako bilang Pangulo, sabi ko, “Sino ba ang kilala ko na walang ginawa araw at gabi kung hindi tumulong sa mga ating mga kababayang nangangailangan?” At kaagad naisip ko po. Kilala ko yan, kaibigan ko ‘yan. Naging partner ko pa sa radyo ‘yan. Ang ating magiging senator, Senator Erwin Tulfo.
Nandiyan din po si Senator Tolentino na nanggaling po sa MMDA, ‘yung Metro Manila Development Authority. Napakahirap po na trabaho ‘yan dahil po isipin ninyo lahat ng mga lungsod ng Metro Manila ay kailangan pagka-isahin, magsama-sama upang magtulungan na pagandahin para pa maayos ang mga problema ng trapik, problema ng tubig, ‘yung problema ng kuryente, lahat po ‘yan ay siya po ang namahala niyan.
At ngunit kahit ang ahensya niya ay Metro Manila Development Authority ay masasabi ko po, dahil po pagkatapos po ng — pagdaan ng Yolanda doon sa Samar, at saka sa Leyte, at saka sa Visayas, nandoon po ako at panay ang hingi po namin ng tulong sa national government, at mabagal po ang response. Ngunit ang una pong dumating na ahensya – hindi po namin akalain – ang unang dumating na ahensya sa Tacloban, sa Leyte, hanggang sa lahat ng Samar na tumulong na may dala na heavy equipment para mahanap po namin yung mga survivor po, para malinis po namin ang aming lugar – ang unang dumating po ay ang MMDA na hindi lang po Metro Manila ang sinisilbihan. Eh siya po nandoon po, nagkita po kami ni Senator Tolentino doon sa Tacloban at nakatulong siya nang napakalaki.
Si Senator Lacson naman ‘yun din. Siya ay naging Presidential Assistant for the Rehabilitation and Recovery ng Yolanda, Yolanda Rehabilitation, si Senator Ping Lacson.
Siya po pagkatapos nang pagdaan ng bagyo, lahat po ng mga tulong na hinihingi namin, na ibinigay ng iba’t ibang ahensya ay diyan po nanggaling. Lahat… Diyan po nanggaling sa rehab — rehabs –‘yung ating presidential assistance for rehabilitation for Yolanda. Ito si Senator Ping Lacson, nagpatayo – sila ang nagplano, nagpatayo ng bahay, nagdala ng mga relief goods, nagdala ng lahat ng pangangailangan, nagbigay ng trabaho para sa mga nasiraan ng kanilang hanapbuhay. Iyan po ang ating naging – naging rehabilitation czar ng Yolanda.
Ngunit bukod pa po diyan, si Senator Lacson po – siguro naman maalala ninyo, Senator Lacson po ay naging hepe ng PNP, chief ng buong PNP ng buong Pilipinas. At ipinagmamalaki po niya eh ang unang pagpasok niya sa pagka-chief PNP, ang una daw kanyang ginawa ay sinukat daw niya ‘yung mga tiyan nung mga pulis at siniguro niya na walang matatabang pulis para madaling makahabol ng mga magnanakaw. Iyan po.
At noong panahon po niya na chief PNP siya, ‘yung approval rating ng pulis ay napakataas po. Hanggang ngayon po, hindi na napantayan ‘yung approval rating na nakuha ni Chief PNP na ating butihing Senator Lacson.
Alam po nila ang trabaho from every level, mula po sa House of Representatives, mula po sa lokal, mula po sa – hanggang po sa Senado, alam nila ang gobyerno ay kung papaano patakbuhin.
At nakikita po natin sa naging performance po nila sa nakaraan, kitang-kita naman po natin, sila ay nandiyan upang tumulong. Hindi sila tumatakbo sa Senado upang manggulo. Nandiyan po sila at nakikita mo po sa record nila na wala silang ginawa sa buong buhay nilang lahat kung hindi tumulong po sa tao.
Tatlo naman po sa kanila — nabanggit ko, local government — tatlo po sa kanila ay naging gobernadora ng mga iba’t ibang mga probinsya.
Ang nauna po ay ‘yung ate ko, si Governor Imee. Naging gobernador po doon sa amin sa Ilocos Norte. At marami pong – yumaman po ang mga Ilocano noong dumating po si Gov. Imee. At gumanda ang Ilocos Norte at nakita po natin ang effect ng magaling na gobernador.
Isa pang magaling na gobernador, Governor Lito Lapid ng Pampanga. [palakpakan at hiyawan] Aba, maraming — maraming fans si Pareng Lito ah. [palakpakan at hiyawan]
Eh ‘di kilala niyo naman pala ang ating kaibigan at alam niyo naman kung — matagal… Siyempre kinikilala natin siyang artista pero baka — action star. Hanggang ngayon, action star pa rin. [hiyawan]
Pero po, sasabihin ko po sa inyo dahil sumabay — sabay din po kami na senador, masasabi ko po sa inyo, baka hindi niyo nakikita ang ginagawa niyang trabaho, ang ginagawa niyang pag-aaral upang ulit, makasulat ng magagandang batas, upang gawin ang lahat upang makapagserbisyo po sa taumbayan.
At ang isa pa… Naku, siguro kilala niyo ito. Ang governor ng probinsya ng Cavite, Governor Bong Revilla. [hiyawan]
Pagka — pag — [hiyawan] pagka naririnig ko, naririnig ko kayo, naiisip ko mali yata ang pinasukan kong trabaho, dapat nag-showbiz na lang. [tawanan]
Pero isa pa ‘yon, kilala niyo siya dahil nakikita niyo sa television, sa sine, action star din. Hindi niyo po masasabi — pero hindi niyo po alam noong gobernador… Kung titingnan niyo po, kung kayo po ay nakakadayo, nakakabisita sa Cavite at nakita ninyo ang Cavite noon at tingnan po ninyo ang Cavite ngayon, makikita niyo napakarami ang ginanda ng probinsya ng Cavite dahil po sa trabaho na ginawa ng Governor Bong Revilla. [palakpakan at hiyawan]
Oh, dito lang po tayo – dito lang po tayo sa local government. Tatlo naman sa ating kandidato ay naging mayor ng iba’t ibang lungsod, tatlo po.
Mayor Abalos ng Mandaluyong City. [palakpakan] Siya po ay siguro sa lahat ng mga siya ay isa – isa sa mga mayor ng lungsod, city mayor na nakatanggap ng napakaraming premyo, napakaraming pagkikilala dahil sa kanyang mga ginawa, dahil sa kanya — sa dami ng kanyang natulungan. At bukod pa roon, sa kanyang mga bagong patakbo, bagong sistema na ginaya po namin ng ibang local government. Ganyan po, ‘yan po ang dating mayor, Mayor Abalos ng Mandaluyong. [palakpakan]
Nandiyan din po ang naging mayor ng—alam niyo po ito, alam niyo po, City of Tagaytay. Sinong naging mayor dito sa kasama natin? Senator Tolentino po naging mayor. [hiyawan] Kita ninyo, hindi niyo alam.
At ganoon din at siya ay nakapag-serbisyo bilang mayor ng Tagaytay. At tingnan po naman ninyo ang Tagaytay ang ganda-ganda po ng development. At alam niyo po sa lahat ng nakasama ko po na senador, ito po ang – hindi po mahihila ito dahil laging nag-aaral, laging nagbabasa, laging nag-iisip, laging nagkukumperensya kung ano pa ang puwedeng gawin para pagandahin ang kanyang pagsulat ng batas, para bigyan ng solusyon ang mga problema na hinaharap natin.
At ang mayor ng pinakamayaman na lungsod sa buong Pilipinas. Ano ang pinakamayaman na lungsod sa Pilipinas? [Crowd: Makati!] Sinong mahiwagang mayor ng Makati? [Crowd: Binay!]
Oh, kita mo. Alam niyo po na kaming lahat na nasa local government noon tinitingnan namin ang Makati. Sabi namin, “sarap naman maging mayor ng Makati. Ang yaman-yaman ng Makati City.”
Ngunit hindi po — ginamit po niya ‘yung yaman na ‘yun para ulit tulungan ang tao. Ang dami po sa Makati halos lahat na ng serbisyo, lahat ng benepisyo libre na eh.
Kaya’t lahat kami gusto namin lumipat sa Makati pero hinihintay pa lang namin ‘yung 100 years old namin na binibigyan kami ng cake. Pero ‘yan po ang patakbo nila. Iyan po ang patakbo sa Makati. Lahat po ng serbisyo na ninanais ng tao galing po sa lungsod ay halos lahat po ay libre na dahil tama po, hindi winaldas ang yaman ng lungsod; ginamit para tulungan ang taumbayan. [palakpakan]
Baka akalain po ninyo na kinakalimutan po natin ang mga kababaihan. At hindi po, maliwanag na maliwanag naman po ay sa line up po namin, apat po dito ay babae. At hindi pangkaraniwang mga babae po ito. Kilala ko silang lahat. Wala nang kasing tapang, walang nang kasing sipag, wala nang mas malaking malasakit, mas malaking puso kaysa sa apat nitong mga ating kandidato para sa Senado.
Kaya’t asahan po ninyo, kapag nandiyan sila sa Senado, ang apat na kandidato natin ay sila’y mama — titiyakin nila na malakas ang boses ng kababaihan na ipagtatanggol ang karapatan ng ating mga kababaihan. Iyan po ang ating mga lady senators. [palakpakan]
At baka akalain po ninyo na ang ating mga senador ay taga-Maynila lahat. Eh hindi naman po siguro tama ‘yun dahil maraming iba’t ibang lugar na kinakailangan na naunawaan ng mga senador kung ano ang mga pangyayari doon, ano ang lagay doon, kung maganda ba ang sitwasyon, kung may kailangan ayusin.
Kaya’t marami po sa ating mga kandidato kung saan-saan po galing sa Pilipinas. Unahin na po natin, ang ating champion, si Senator Manny Pacquiao [hiyawan] ng Bukidnon, Sarangani, GenSan. Alam niyo kilala niyo naman si Sen. Manny. [Crowd: Manny! Manny! Manny!]
Ayos! Manny! Manny! Sen. Manny, baka hindi mo alam noong nagbo-boxing ka, nanonood kami sa telebisyon, ganyan pa rin ang sigaw namin, “Manny! Manny! Manny!” [Crowd: Manny! Manny! Manny!]
Si Erwin Tulfo naman ay Dabawenyo dahil doon siya po lumaki sa Davao at saka sa Sulu kung saan po nadestino ang kanyang ama na naging bayani ng ating bansa. Iyan po si Erwin Tulfo po. [hiyawan]
At palagay ko hindi niyo na naabutan ito. Ngunit hindi niyo siguro alam ito, ang unang Senator Sotto ay galing po sa Cebu. Kaya po ang ninuno ng ating SP, Senator Tito Sotto ay galing naman, Bisaya man galing sa Cebu.
At alam niyo naman kami, kaming dalawa ni Sen. Imee, kilala niyo po ang aming ina, si Imelda. Si Imelda ay Waray-Waray man. Kaya’t ‘yan po talagang makita ninyo eh kung saan-saan po – at sila nakaikot na kung saan sila pinalaki, kung sa – kung paano nila nauunawaan ang sitwasyon sa bawat lokal.
At ito siguradong hindi ninyo alam, ang pinakabata po natin na – na kandidato rito… Pinakabata pero pinaka – siguro pinaka – isa pa sa pinakamasipag ito, pinaka – mabait at mabuting tao ito, si Camille Villar. [hiyawan]
Ang ninuno po niya – siya po ay Ilongga. Kaya’t ‘yun pong mga ninuno niya doon po nanggaling at marami na po siyang ginagawa doon na maraming – bilang congressman at kahit noong private citizen lang.
Mga kababayan, malinaw po ang direksyon ng aming grupo ng Alyansa na ito. Ito ay para sa kaunlaran, para sa kapayapaan, at hindi para ito sa pag-aaway-away at sa pag-aapi.
Ang kailangan po natin para tayo ay umunlad, hindi po ang pananakot o paninigaw. Ang kailangan po natin ay solusyon, hindi mga mainit at maaanghang na salita na wala namang kabuluhan at wala namang kinalaman sa pinag-uusapan.
Ang mga kandidato ng Alyansa ay kasama natin sa pagpapataguyod ng interes at kapakanan ng bawat Pilipino.
Ipaglalaban po namin ang ating soberanya at karapatan sa pamamagitan ng diplomasya at dignidad.
Hindi po natin isusuko ni isang pulgada ng ating teritoryo at hindi tayo kailangan sumunod sa kahit na sino pang dayuhan. [palakpakan]
Tayo po ay may ganap na karapatan at dapat makinabang sa yaman sa ating sariling bayan.
Sa laban kontra sa krimen at droga, hindi nating kailangan dumaan sa madugong solusyon. Wala kaming paniniwala na ang solusyon sa krimen at sa droga ay ang pumatay ng libo-libong Pilipino.
Mga tamang paraan para tiyakin ang kapayapaan at kahusayan – kaayusan ay ‘yun ay sa pamamagitan ng mga buong pusong suporta sa ating mga kapulisan at sa ating mga local government.
Pagdating naman po sa ekonomiya, sa trabaho, hindi po nating kailangan umasa sa mga iligal na operasyon kagaya po ng POGO na naging pugad ng krimen at karahasan.
Ang solusyon po ay tunay na trabaho, kabuhayan,
suporta sa maliliit na manggagawa, sa maliliit na mga – ating mga magsasaka at mangingisda.
Magkaisa po tayo kagaya po ng aming pagkakaisa. Magkaisa po tayo at tayo’y magsasama muli. At tayo’y magsama-sama upang maabot natin ang ating pangarap, ang ating pinapanaginip na magandang Bagong Pilipinas! ‘Yan po ang hangarin ng Alyansa, ‘yan po ang hangarin ng aming pagsasama. Kaya po kami nagsama upang palaguin, pagandahin ang serbisyo ng gobyerno.
Kaya po, pagdating po sa Mayo, pagdating po sa Mayo at kayo ay pupunta na at boboto, ‘wag na kayong magdalawang-isip, tingnan niyo po ‘yung Alyansa, 12-0 po. I-shade niyo na kaagad para sa Alyansa!
Mabuhay ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas!
Mabuhay ang Bicol!
Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat! [palakpakan]
— END —