Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the celebration of the National Peace Consciousness Month 2023 and Declaration of Palawan Island as insurgency-free

Event National Peace Consciousness Month and Declaration of Palawan Island as Insurgency-free
Location Citystate Asturias Hotel Palawan, Puerto Princesa City, Palawan

Thank you very much to the OPAPRU Secretary, Secretary Charlie Galvez Jr. [Please take your seats]

Secretary Ivan Uy of the DICT and currently the Cabinet Officer for Regional Development and Security Task Force ELCAC MIMAROPA; our partners now in the peace process, one of the evolutions of our new approach to the peace process in the Philippines; of course, the Palawan Governor, our Governor, Governor Victorino Dennis Socrates [applause]; and Puerto Princesa Mayor, Mayor Lucilo Bayron [applause]; and my fellow workers in government; distinguished guests; ladies and gentlemen, magandang umaga po sa inyong lahat.

It brings me a great joy to be able to be with you to preside over the pronouncement of Palawan as an insurgency-free province and to lead the opening ceremony of this year’s National Peace Consciousness Month.

I cannot think of a better way to open the celebration, the commemoration of the National Peace Consciousness Month then to also at the same time be able to announce and to declare Palawan Island as insurgency-free. [applause]

I recognize, of course, the collaborative and inclusive efforts of the regional and provincial task force ELCAC, Provincial Peace and Order Council, its partner agencies, and the people of the province
for the successful implementation of the whole-of-nation approach to end local communist armed conflict. This has led to the achievement of this insurgency-free status for Palawan Island.

The milestone that we celebrate today epitomizes the commitment that you have put to end the decades-long insurgency in the area through the provision of national reintegration programs for former rebels and promotion of the island’s peace and security.

At habang pinapakinggan natin ang mga paliwanag na ibinigay sa atin ng ating mga butihing local government officials, si Governor Socrates and Mayor Bayron, ay nakita naman natin kung bakit naging matagumpay itong ating peace process, hindi lamang dito sa Palawan, kung hindi sa iba’t ibang lugar sa bansa.

And these are the certain elements. Kung nakita ninyo noong nagpapasalamat tayo sa mga na-involve dito ay napakarami ang pasasalamatan. At nandiyan siguro ang sikreto kung bakit naging matagumpay ito dahil lahat ng buong lipunan ay kasama na ngayon sa peace process.

Kung dati ay nakita natin ay ang kaharap lamang ng mga rebelde ay sundalo at saka pulis, kaya’t napakahirap na maabot ang pagkakaintindihan at maibalik sa ating lipunan ang mga naging rebelde.

Ngayon, ito ay marami ng dinagdag na mga tinatawag na features that have helped us bring us to this day where we can commemorate the announcement or the declaration of areas in the Philippines as insurgent-free.

Unang-una diyan ay ‘yung tinatawag nga natin na whole-of-nation approach. At hindi lamang ang sundalo ang kausap, hindi lamang pulis ang kaharap ng mga rebelde kung hindi pati na lahat ng ahensya ng pamahalaan ay kasama diyan sa pagdudulot, pagdadala ng serbisyo, ng imprastraktura na kinakailangan doon sa mga komunidad na ‘yun.

Kaya naman ‘yan ang pinaglalaban dahil alam naman po natin ay mamumundok ang isang magiging rebelde dahil sa kanilang palagay hindi sila tinutulungan ng kanilang pamahalaan, hindi sila tinutulungan ng kanilang mga opisyal, they are neglected and have lost hope in a peaceful life, in a peaceful society, and that is why they resort to violence, and they resort to fighting in the different forms.

So, that is the first thing that we need to attend to. Kailangan maramdaman ng bawat Pilipino na nandito, hindi lamang ang pamahalaan, kung hindi pati na ang local communities, pati na ang local government, pati na ang mga pulis, pati na ang mga sundalo, pati na lahat ng bahagi ng ating lipunan ay nandiyan upang suportahan at pagandahin ang kanilang buhay.

Kapag natupad natin ‘yan, natupad natin ‘yang pangako na ‘yan ay makikita natin na magiging mas madali ang usapan na papunta sa kapayapaan.

Isa pang bahagi nito ay ang ating pagpa-partner sa ating mga local government officials na ngayon, pati local government ay maaaring makipag-usap sa mga lokal na rebelde dahil alam naman natin kapag tayo’y galing sa isang lugar ay kilala naman natin, mga kamag-anak natin ‘yan, mga ka-eskwela natin ‘yan dati.

Kaya’t mas madaling lapitan ng mga local executive. Malaking bagay po ito. Ito ay malaking bahagi dito sa NTF-ELCAC. Kaya’t nagbago ang patakbo ng peace process dahil isa sa bahagi diyan ay ‘yung pagsama ng local government at ng lahat ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, ng national government upang tulungan at suportahan ang pagbalik ng mga naging rebelde sa ating lipunan.

And that is why it is gratifying to see because we have seen the success of this principle, of this concept, all around the country.

Kaya naman ay nandiyan ‘yung ating Secretary ng OPAPRU ay nakakapangako na siya na sinasabi niya insurgency-free na, magiging insurgency-free na ang MIMAROPA at malapit na ay masasabi natin ‘yung mga natira pa ay tinatrabaho natin, dahan-dahan ay bumabalik na — ang mga dating lumalaban sa gobyerno ay bumabalik na sa ating lipunan upang magkaroon sila ng magandang hanap-buhay, maalagaan nila ang kanilang mga pamilya, at bukod sa lahat na mayroon silang pag-asa para sa kinabukasan na ang kanilang buhay ay may pag-asang gumanda, na ang kanilang buhay ay maaari nilang mas maganda magiging buhay ng kanilang mga anak kaysa naging buhay nila.

Lahat naman tayo ganyan ang ating mga pangarap, ganyan ang ating panalangin. Kaya’t dahil diyan nakita natin ang naging matagumpay ang ating peace efforts na sinimulan natin ng napakatagal na.

Ngayon pa lamang nakikita na talagang may pagbabago at gumaganda ang mga magiging pagkakataon, ang mga opportunities na dinadala natin sa ating mga kababayan dahil nakamit na natin ang kapayapaan doon sa kanilang mga komunidad.

Kaya’t muli pasalamatan natin lahat ng kasama dito sa peace process na ating pinagdiriwang ngayong araw na ito dahil sa Peace Consciousness Month, at ang pagdeklara ng Palawan na insurgent-free.

Congratulations sa inyong lahat. Ipagpatuloy ninyo ang inyong nasimulan at nang sa ganon ay maging mas mapayapa ang Pilipinas at maging mas mapayapa ang buhay ng bawat ng Pilipino.

Maraming salamat po at magandang umaga po sa inyong lahat. [applause]

— END —