Speech

Speech by President Ferdinand R. Marcos at the Distribution of Various Government Assistance

Event Distribution of Various Government Assistance
Location Covered Court, DPWH Kilometer 6 in Panacan, Davao City

Thank you very much to Secretary Anton Lagdameo. Nandito ang ating host, Mayor Baste Duterte. Kasama ko ngayon dinala ko dito si Secretary Erwin Tulfo. [applause] Alam niyo kung saan talagang papalakpakan ninyo nang malakas ano. [laughter] Mabuti ‘yan marurunong talaga ang mga tiga-Davao eh. [laughter]

Magandang hapon po sa inyong lahat. Kami nandito nag-groundbreaking lang kami doon sa tulay na ilalagay between Davao and Samal Island. [applause] Malaking bagay ‘yan at mabubuksan lahat ito at kasama ‘yan sa isa pang kalsada na ginagawa na ‘yung bypass road na — Davao Bypass Road — para maging mas mabilis ang patakbo.

Kaya’t patuloy ang aming ginagawa. Nandiyan kanina kasama namin, nandiyan si Secretary of the Public Works and Highways, si Secretary — ito si Sec. Manny Bonoan. Siya ang nag… [applause] Siya ang nagtrabaho para makaabot tayo sa ganito.

Kaya naman ay sabi nila mayroon tayong mga beneficiaries na bibigyan ng ating kaunting tulong na galing sa gobyerno. Eh alam naman natin na ako’y nandito para tiyakin, makasiguro na maayos naman ang aming tuluyang programa para pagtulong sa ating mga kababayan na nangangailangan.

Dahil alam naman natin eh tayo’y dumadaan pa rin kahit na hindi na tayo gaanong nagkakasakit, kailangan pa rin talaga pa natin magpa-booster shot. Kaya’t nandiyan pa rin ang COVID.

Ngunit eh kaya’t kailangan kahit papaano na kilalanin ng national government at saka ng mga local government na ang ating — na kayo ay may pangangailangan pa rin. At hindi pa kumpleto na makatayo sa inyong sariling paa sa ngayon.

Darating din tayo doon. Dahan-dahanin natin at gawin natin ang lahat para maging mas matibay ang hanapbuhay, maging mas matibay ang ekonomiya, maging mas maganda at mas malinaw ang ating kinabukasan dito sa Pilipinas.

Kaya ito’y sa isang bahagi ng pagtulong ng gobyerno at sana naman mabigyan kayo ng kaunting ginhawa. At least for a while, may masimulan kayo. At ito’y mga — ito’y magandang partnership na pagsasama ng national government dahil ito ay programa ng national government. Pero hindi namin magagawa ito kung walang tulong ng local government officials hanggang sa barangay officials. Kaya’t barangay-based halos itong ating mga ibinibigay na tulong na ibibigay ngayon.

Kaya’t kailangan talaga natin. Tama ang nabanggit ni Mayor. Sabi niya, talagang kailangan magtulungan. Kaya’t ‘yun ang ating ikinampanya, unity, pagkakaisa.

Ito nakikita natin kapag talaga ating [isasabuhay] ‘yang mga salitang ‘yan ay magiging mas maganda talaga ang resulta dahil tayo’y nagtutulungan. Mas marami tayong magagawa, mas marami tayong matutulungan.

Kaya’t I am happy to be here today to be with you and to know that in our — we are — that the national government continues to provide the assistance that we know that you need.

So I hope that this will somehow mitigate the shocks. Kasi ‘yung mga pangyayari, ‘yung pagtaas ng gasolina, ‘yung taas ng sa lahat ng produkto ng petrolyo ay galing talaga sa labas ‘yan.

Ngunit ang Pilipinas, mabuti-buti kung ikukumpara natin sa ibang bansa, mas maganda ang takbo. Ngunit mahirap kasi talaga lahat ang buong mundo, kahit na — lalong lalo na ‘yung mga bansang malalaki at mayayaman ay sila ngayon ay mas nasa mas delikadong posisyon kaysa sa isang bansa kagaya ng Pilipinas. Dahil ang lagi nating inaasahan ang ating mga kababayan na Pilipino na napakagaling, napakasipag, napakatiyaga. At dahil diyan ay magiging — maliwanag sa akin na magiging tuloy-tuloy ang pagbabangon natin.

Maraming salamat at magandang hapon sa inyong lahat. [applause]

 

 

— END —

 

SOURCE: OPS-PND (Presidential News Desk)