PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR.: Good morning, good morning. Ito nga nainspeksyon na natin nandito si Secretary Manny Bonoan para nga explain kung ano ‘yung nangyari dito.
Ang ending nito, ang puno’t dulo nito design flaw. It is a design flaw, mali ‘yung design.
Ang history kasi nito dapat ang funding nito was supposed to be – ang project cost nito is 1.8 billion.
So, binawasan to under 1 billion para makamura. Ayan inayos ngayon, ginawa ngayon ‘yung detail design, design is really weak. Dahil kung tutuusin ninyo this is supposed to be a suspension bridge, nakasabit. Nakaganyan – ‘yung arko na ganyan tapos ‘yung bridge suportado nung kable.
Ito lang ang suspension bridge na nakita ko sa buong mundo na hindi kable at iyan na mismo ang bumigay. Ayan oh, diyan bumigay ‘yung bakal.
Kung kable ‘yan, hindi dapat bumigay ‘yan. Tapos ‘yung pag-anchor nung support, tingnan ninyo doon lang sa baba. Dapat sa taas ‘yan eh, hanggang sa taas para — hanggang sa taas para ‘yung buong arch… Ito ang nagsu-support sa kanya… Iyan ‘yan ‘yung bakal na nakikita ninyo at saka ‘yung semento, iyan lang ang nagsu-support doon sa buong tulay.
So, mahina talaga ang design dito. Hindi natin… Malaking ano… Noong una pa ngang ginagawa ito kasi naging – umabot 900 million yata ‘yung original na budget, umabot ng 1.2 dahil nag-refit. Bakit nag-refit? Noong nagko-construction pa lang may nakita na na gumagalaw na mahina. Kaya kailangang balikan at refit.
So, the whole process is, the whole pro… Okay naman, now ‘yung construction, ‘yung contractor, sinundan naman ang plano. By the book naman ‘yung kanyang ginawa. So, up to specifications ’yung kanilang ginawa. Iyon lang ‘yung specifications mali.
So, this is a design problem. Tapos, this is a 44-ton bridge. Dapat 44 tons ang acceptable load.
Eh, ‘yung dalawang truck – ‘yan ‘yung naiwan ‘yung isa, over 100 tons ‘yan. Eh dalawa ‘yan ang dumaan.
Kaya ayan na nga ang nangyari Hindi talaga kaya. Ito yata ‘yung una eh. Ito ‘yung bumigay.
Wala ng plating. Ah ito, baka… Ah hindi sumunod na lang ito. Ito ‘yung una, ito ang una.
Oh, tama, tama, kaya naka ganyan ‘yan, hindi dito. Dahil tama, dito bumigay ganyan, hinila lahat ito.
So, wala, we have no choice. We have to go back. So, ‘yung nagtitipid tayo, tinipid natin sa 1.8 million, useless.
Ngayon, babalik na naman tayo. Gagastos na naman tayo nang malaki. Papalitan natin ‘yung mga support. Parang nagtayo na naman tayo ng bagong tulay.
Q: Sir, who will be held liable?
PRESIDENT MARCOS: Will… You know, I always have a saying, fix the problem not the blame.
Ayusin muna natin ‘yung problema. Believe me, we will find out who is responsible.
Who is responsible is basically who made the design ‘cause their design was poor. Look what happened. And then also, those trucks should never have been on the bridge. So, sinong liable diyan, province?
Official: Hindi ah, national to eh. National ano ‘to.
PRESIDENT MARCOS: We have to be more careful about monitoring ‘yung mga load kasi ganyan ang problema. Kung 44 tons ang sinasabi, sasakyan mo ng 200 plus tons, medyo hindi nakakapagtaka na ganito ang mangyayari.
All right. Okay. Thank you.
— END —