Interview

Media Interview by President R. Marcos Jr. at the Presentation of the Implementing Rules and Regulations (IRR) of the New Agrarian Emancipation Act (R.A. No. 11953)

Event Presentation of the Implementing Rules and Regulations (IRR) of the New Agrarian Emancipation Act (R.A. No. 11953)
Location Department of Agrarian Reform (DAR) Central Office in Quezon City

PRESIDENT MARCOS: …upon Executive Order No. 4 dahil mayroong mga ibang beneficiary na hindi maisama sa moratorium kung tapusin na natin ngayon at kailangan natin silang alalayan kaya’t may extension and that’s what we did today.

Q: Good afternoon po, Mr. President. May we know po ‘yung update nitong price ceiling po natin or ‘yung impact po ng price ceiling natin sa mga — particularly sa hoarders kasi may mga nagsasabi po na instead na ilabas po ‘yung supply…

PRESIDENT MARCOS: We just had a meeting about that this morning and so far, the implementation and enforcement is going as well as we can expect.

Siyempre, nag-aalangan din ‘yung mga ibang retailer at hindi natin puwedeng sisihin dahil nga hindi sila nakakatiyak nga doon sa ating ibibigay na kapalit.

So, we are continuing to do that. Last Saturday nagsimula na sila na magbigay ng tulong sa ating mga retailer at parang nagkaroon naman ng effect na ‘yung iba na ayaw magtinda muna ng kanilang bigas ay dahan-dahang lumalababas na dahil nakakasiguro sila na kahit papaano mayroon silang matatanggap para kapalit doon sa kung malulugi sila dahil sa pagbili nila ng mataas na presyo at saka sa pagbili nila sa ilalim ng price cap na ginawa natin. Thank you!

 Q: Hi, sir. Good afternoon po.

PRESIDENT MARCOS: Alam ninyo pag sinabi, may sinabi akong sagot diyan, ‘yung presyo susunod ‘yan. Lahat ‘yan… Pag sinabi ko na whatever, mag-a-adjust-adjust lahat kaya’t hindi magiging effective ‘yung price cap. So, tingnan na lang natin kung papaano ang takbo.

 Q: Hi, sir. Good afternoon po. Sir, question lang, how will the extension of the Agrarian Debt Moratorium enhance the capabilities of farmer beneficiaries, sir?

PRESIDENT MARCOS: Well, right now, hindi sila nasama doon sa moratorium — sa condonation I’m sorry. Hindi sila nasama doon sa condonation, kaya’t ang ginawa — dahil nandoon sila pagkatapos ng expiration ng — may cutoff date para doon sa moratorium, hindi na nila naihabol bago dumating itong IRR kaya’t nasa gitna sila. Sila ang matutulungan doon sa extension ng moratorium ng EO No. 4

Q: Sir, last na lang. Ano po ‘yung inyo pong birthday wish na lang sir?

PRESIDENT MARCOS: Maging maayos na ang agrikultura at malaman na natin kung ano ba talaga ang weather. Wet season ba o dry season? Para naman matulungan natin ‘yung mga farmer natin. Iyon lamang naman ang aking panalangin pa rin hanggang ngayon.

Maraming salamat.

— END —