Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) Kick-Off Activity

Event Media interview
Location Tondo, City of Manila

Q: Ang Food Stamp beneficiaries po ay required na magtrabaho. Paano nito mababago ang kultura ng dependency po sa government aid?

PRESIDENT MARCOS: Yes, pero hindi naman mahirap ‘yun eh. Dahil talaga kagaya ng sinasabi ko na ilang beses, ‘yung mga Pilipino naman hindi talaga – ayaw nilang hindi sila nagtatrabaho kahit na nangangailangan. Siyempre tatanggapin nila kung ano ‘yung tulong na maibibigay ng gobyerno pero kung hindi sapat ‘yung ganoon na lang habang-buhay ay ganoon. Ang gusto ng Pinoy ay magkaroon ng trabaho.

Kaya’t may kasama tayong element dito na magbibigay sa inyo ‘yung DOLE na tent para makapagbigay ng trabaho para sa mga nangangailangan at alam mo naman lahat ng ito susuportahan talaga natin hangga’t mabigyan natin ng trabaho ang taong-bayan.

Kaya’t ito na muna. Pang ano ito pang-tiding over habang naghihirap pa. Pero I think that the – as quickly as possible, lalo na ang Pilipino ang naging experience ko, hangga’t makahanap ng trabaho, talagang ‘yun ang gagawin kaagad.

Q: Sir, follow-up lang po, dahil po sa food stamp puwede bang kalaunan sir ay ma-terminate na ‘yung 4Ps program po?

PRESIDENT MARCOS: Sana. Ibig sabihin kasi ‘pag kaya na nating itigil ‘yan ay sasabihin natin ibig sabihin wala ng nangangailangan. Maganda talaga kung maabot natin ‘yun.

Pero kahit papaano kung minsan tinatamaan halimbawa, tinatamaan ng bagyo, tinatamaan ng peste, tinatamaan ng kung ano-ano, kailangan pa rin tulungan.

So, ‘yung 4Ps ay ‘yun pantawid ‘yun. So, kung hindi na kailangang magtawid ibig sabihin may trabaho na, may kaya na ‘yung tao kahit man lang mapakain nang sarili ang pamilya ay sana umabot tayo sa ganoon.

Q: Sir, magandang hapon po.

PRESIDENT MARCOS: Good afternoon.

Q: Paano po natin masu-sustain ‘yung Food Stamp Program at saan po tayo kukuha ng pondo para ho rito?

PRESIDENT MARCOS: Well, mayroon. Hati-hati. Mayroon ‘yung ADB na tumutulong sa atin, mayroon ‘yung World Food Programme, at siyempre mayroon din tayong counterpart dito sa Pilipinas. At mabuti na lang at nandiyan nga sila at tumutulong sa atin at nakikita naman nila, sanay na sanay sila sa ganitong klaseng trabaho. Kaya’t nagpapasalamat kami sa kanilang lahat na tumutulong sila.

So, in terms of funding palagay ko, I think we will be able to sustain ito for as long as we need it. But kagaya nga ng aking laging sinasabi, dahan-dahan sana ay maayos na natin ‘yung ibang sitwasyon para hindi na nangangailangan ng tulong. But there will always be an element na may kailangan pa rin.

So, hindi talaga – you will never see na mawawala lahat ito, na hindi mo na makikita mo ‘yung programa, isasara ‘yung programa. Hindi siguro. Baka lumiit pagka maganda na ang takbo ng ekonomiya.

Q: Hi, sir. Good afternoon. Sir, clarify lang namin your earlier statement, you mentioned that the DOF Secretary should not be part of the Maharlika Investment Corporation but under the law he’s supposed to head the panel. Clarify lang, sir.

PRESIDENT MARCOS: No, what I said is that they could — he should not be the chair of the… Because that was the original… The original proposal was that the President be the chair.

Q: Sir, follow-up, sir, so you prefer to be the chair?

PRESIDENT MARCOS: No, no. The first proposal was that the President will be the chair. Ang sabi ko hindi naman siguro— I don’t think it should be that way because ako magpapatakbo nung— ako magpapatakbo ng fund. Hindi tama ‘yun dahil politika, nasa politika ako. Kailangan mawala na nga – mahiwalay sa politika.

So, ang sumunod ay sinabi ang ano, ang DOF ang mag-chair, ganoon din ang aking sinabi.

Ngayon, may interes talaga ang gobyerno sa Maharlika Fund kaya’t kailangan mayroon tayong representative doon. Kaya’t ang nangyari kung titingnan mo ‘yung batas, ang DOF as the ex-officio member. Kasi ang pera galing sa gobyerno. Kailangan mayroon tayong representative sa board but hindi sila ang magpapatakbo.

Ang importante sa akin, ‘yung aking nabanggit kaninang umaga ay napakasimple lang. Dapat ang mga desisyon na ginagawa ng mga namumuno ng Maharlika Fund ay hindi dahil sa politika, hindi dahil sa kung ano-ano pang ibang konsiderasyon, kung hindi kung ano ‘yung pinakamaganda para sa fund.

Kung ano’ng magpapatibay nung fund, ano ‘yung magpapalaki ng fund, ano ‘yung mga investment na magpapaganda doon sa fund. Iyon ang kanilang dapat iniisip. Hindi ang dapat iniisip may eleksyon bukas, may eleksyon in one year. Kailangan natin, ‘wag nating papasukan ‘yan kasi whatever.

No political consideration should be part of it. Otherwise, delikado ‘yan. It will not succeed.

Q: Sir, good afternoon. The former President, former President Rodrigo Duterte had a meeting with Chinese President Xi Jinping sa Beijing the other day. May imprimatur po ba ninyo ito? May basbas po ba ito?

PRESIDENT MARCOS: No. Nagpermiso pa – hindi naman. Hindi namang kailangan. Alam ko naman na pupunta siya. At magkaibigan sila, magkakilala sila.

So, I hope that napag-usapan nila ‘yung mga issue na ngayon, ‘yung mga nakikita natin, ‘yung mga shadowing, ‘yung mga kung ano-ano. All of these things that we are seeing now, I hope na napag-usapan nila para naman magkaroon tayo ng progress. Kasi ‘yun naman talaga ang habol natin ay ipatuloy ang pag-uusap.

Kaya’t I welcome any new lines of communication. If that is President PRRD, then good. Hindi importante sa akin kung sino, kung ano basta’t may makausap sila. Baka makatulong eh.

So, I hope — I’m sure that he will have a — hindi naman report but I’m sure he will be able to tell us what happened during their conversation and see how that affects us.

Okay. All right. Thank you. Maraming salamat.

 

— END —

 

SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)