Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr (Erwin Tulfo on Air with Niña Corpuz)

Event Live interview - Radyo Pilipinas' Erwin Tulfo On Air

MR. TULFO: Magandang umaga po, Mr. President, sir.

PRESIDENT MARCOS: Magandang umaga Erwin, ang aking dating partner. Magandang umaga rin Niña at magandang umaga sa lahat ng mga nanunuod at nakikinig. Good morning po sa inyong lahat.

MS. CORPUZ: Good morning po.

MR. TULFO: Opo, maraming, maraming salamat po for joining us. Hindi ko na po patatagalin pa, Mr. President dahil alam kong busing-busy at punong-puno itong schedule ninyo. Ang tanong ko po ay kumusta na po kayo sir at marami pong nangungumusta sa inyo, gayon din po ang inyong pamilya, sina ma’am at ang inyo pong mga anak, sir. Kumusta po?

PRESIDENT MARCOS: Mabuti naman at siyempre bigla kaming naging napaka-busy. Pati na ‘yung bata at marami na silang ginagawa mga project ngayon.

Pero okay lang naman at ‘yan naman expected naman natin, ganyan naman ang talagang trabaho sa serbisyo publiko at hindi nawawala, hindi nauubos. Walang oras. Walang bakasyon kaya’t nasanay na naman tayo diyan. Kaya’t okay lang naman, basta’t pacing-pacing lang para naman hindi masyadong mapagod.

MR. TULFO: Opo. Sir, noong last tayong magka-tandem, bago po kayo maging Pangulo at aba eh marami ho kayong nagagawa, nakakapunta kayo kung saan-saan, I mean freely, you can go wherever you want. Ngayon, medyo nalimit na ho ‘yan ngayon. Ano ho ‘yung mga nagagawa ninyo noong kayo po ay sibilyan pa lamang at versus ngayon po na hindi na po ninyo nagagawa? Ano po ang namimiss ninyo Mr. President, sir?

PRESIDENT MARCOS: Siguro ‘yung mga bigla-bigla na may magyayaya, halika, bisitahin natin si ganito o mag [inaudible] tayo ng party, ‘yun wala ng mga ganun. At saka siyempre, punong-puno ang araw.

Kasi lahat kailangan planuhin pagka presidente ang gumalaw. Hindi simple lang na basta’t sasakay ka ng — tawagin mo ‘yung kotse, sasakay ka at pupuntahan mo ‘yung pupuntahan mo. Kailangan may advance party. Siyempre ‘yung mga escort, kailangan naka-ready, alam nila kung saan pupunta. Gagawa sila ng ruta.

Eh naging komplikado na ang lahat. Ngunit kailangan talaga ‘yan. Hindi natin maiiwasan at expect again, gaya ng pamumuhay na nasa Palasyo, talagang expected naman natin ‘yan.

Eh suwerte kasi ako, dahil mapalad ako, dahil ‘yung mga pangyayari bilang pangulo at ang ginagawa ng isang pangulo ay matagal ko nang pinagmamasadan dahil nga sa aking ama.

Kaya’t noong nakaupo — nang ako’y naupo na bilang Pangulo ay sabi ko, ganito ang magiging ang buhay ko. So ganun na nga. Talagang…

Mabuti lang naman at talagang — ang aking maganda na nagagawa at sa aking palagay the real privilege of being in this position is that talagang marami kang magawa at marami kang natutulungan and ‘yun lang naman ang hangarin natin ay makatulong.

Mabuti naman… Kaya’t sinasagad ko. Ang pagbilang namin ng — parang countdown sa anim na tao hindi ko binibilang ‘yung taon, hindi ko binibilang ‘yung buwan, binibilang ko ‘yung araw. Ilan na ang natitirang araw bago tayo matapos dito para tiyakin na pagkakasiyahin natin doon sa iilang araw na natira lahat ng kailangan natin na tapusin.

MS. CORPUZ: Okay, Mr. President. Naimbag a bigat sa inyo ‘no.

PRESIDENT MARCOS: Naimbag a bigat.

MS. CORPUZ: Ako po taga-Batac din tulad ni Erwin at ninyo po. Magkapitbahay po tayo sa Batac City, sa Ilocos Norte, Mr. President. Yes…

PRESIDENT MARCOS: Oo nga. Kakalagay lang natin — galing lang kami sa change of command ng PNP at ‘yung ating bagong PNP Chief ay galing sa atin.

MS. CORPUZ: ‘Yun nga.

PRESIDENT MARCOS: Kaya’t marami talagang tumutulong sa atin.

MS. CORPUZ: Yeah. Mr. President, speaking of the new PNP Chief ano. ‘Yan po ay sinasabi ng iba ay hindi nila talaga masyadong inaasahan sa lahat ng mga pangalan na nag-float. Sabi nga ng ibang media, parang dark horse daw siya. Ano po ang dahilan kung bakit siya ang napili ninyong bagong PNP Chief? Ang ating kababayan diyan sa Ilocos.

PRESIDENT MARCOS: Dahil sa ngayon, kailangan natin, dahil nga maraming nangyayari sa ating kapulisan, marami tayong tinitingnan, marami tayong — nagkakaproblema tayo kaya’t kailangan na kailangan ay maglagay tayo ‘yung maaasahan natin na commander ay ‘yung ating bagong PNP Chief si Benjie Acorda is somebody who is well-known to me.

At kaya’t alam ko na ang kanyang kakayahan, alam ko naman ang kanyang reputasyon sa loob ng PNP. Although, siguro kahit na nakikita ko ‘yung mga report-report noon, ay hindi masyadong lumalabas ‘yung pangalan niya, pero dito sa amin sa loob, his name was always part of the shortlist, that he was — he had been — he is well recognized within the police force at saka kahit na sa civilian, ‘yung mga civilian leadership natin, lalo na ‘yung mga pinagdaanan niya na – nag-PD siya, nag-RD siya. Lahat ‘yan ay — siyempre naririnig na namin ang pangalan niya at maganda naman ang mga report sa kanya kaya’t sabi ko siguro siya ang pinakabagay sa ngayon. Para pakalmahin natin ang sitwasyon ngayon na umiiral sa police.

Dahil marami nga tayong pinapalitan, marami — mayroon tayong ginagawang housing, mayroon tayong — inaayos natin ‘yung pension. Tinitingnan natin, iniimbestigahan natin kung sino ‘yung mga involved sa sindikato ng droga. Lahat ‘yan ay sabay-sabay natin ginawa dahil kailangan na talagang ayusin. Kaya’t sa aking palagay very steady naman ito, ang ating bagong PNP Chief.

Kaya’t makakalma niya ‘yan hangga’t matapos ang trabaho.

MR. TULFO: All right. Sir, maiba po tayo. Last December inilunsad po ninyo ang Kadiwa sa Pasko, na ngayon ay naging Kadiwa ng Pangulo caravan. Ano po ang nagtulak sa inyo na gawing aktibidad po itong Kadiwa na ito? Kasi mukhang maganda pong pagtanggap ng mga kababayan natin. Talagang mura po. Lalo na po pagdating sa presyuhan ng bigas. ‘Yan na nga po, isa pa pong tanong ko sir ay 22 pesos ‘yung bigas po diyan sa Kadiwa. Sabi ng mga kababayan natin, ‘yung mga walang Kadiwa na store sa kanilang lugar, “Baka puwede naman na Erwin, pwede mo naman…”

PRESIDENT MARCOS: Oo nga…

MR. TULFO: “Bulong kay Pangulo na maambunan din kami ng 22 pesos per kilo.” Malapit-lapit na po ito sir sa inyong pangako, Mr. President, sir.

PRESIDENT MARCOS: Dahan-dahan natin paaabutin ‘yan. Ang aming ginagawa sa Kadiwa talagang pinaparami natin ‘yan. Ang nangyayari ay kailangan na rin talaga nating bantayan ‘yung supply ng mga agricultural commodities dahil kinukuha nga natin lahat nung mga mura, dinadaan natin sa Kadiwa. Eh very popular sa tao, siyempre at mas maganda talaga ang presyo kaysa sa ibang lugar.

Kaya’t ang nais namin gawin paparamihin natin ‘yan. Ngayon, ang kailangan na kasabay diyan para maiparami natin nang mabuti ‘yung Kadiwa is ayusin natin ‘yung production dito. Kasi hindi naman tayo maaring umasa na ilalagay sa Kadiwa kung imported. Kung minsan, masyado rin mataas pagka imported kaya’t sana manggaling dito sa local.

Kaya’t ‘yan ang pinapalakas namin. ‘Yun pa rin, hindi pa rin nagbago. Hindi pa tapos ‘yung pag-aayos natin ng Department of Agriculture. Ngunit, dahan-dahan alam na namin ‘yung kailangan natin gawin.

Alam na natin kung saan ‘yung matibay-matibay ang sistema, kung saan ‘yung medyo mahinang sistema, kung saan puwede talagang — kailangan talagang tulungan, ‘yun ang aming mga tinitingnan ngayon.

Kaya’t siguro naman ‘yung 20 piso, siguro down the road mapapaabot natin ‘yan. Ngunit mas mahalaga kaysa sa — ‘yung mga specific na produkto ay makaabot ang Kadiwa sa maraming lugar.

Sa ngayon ang operating Kadiwa is about 300 plus. Kaya’t mula noong Kadiwa ng Pasko, tinuloy-tuloy namin ‘yan.

At ang katotohonan niyan ‘yung Kadiwa, hindi bagong idea ‘yan. Dati nang ginagawa ‘yan noong tayo ay nag — matibay na ‘yung ating value chain noon, agricultural value chain na tinatawag. Noong panahon pa noong aking ama, ‘yun binuhay nila ‘yung Kadiwa para mula sa mga nagsasaka hanggang sa mga namimili ay almost direct ang ruta, hindi na dumadaan sa middle man. Hindi na masyadong dumadaan sa…

At lahat ng mga added cost, halimbawa ‘yung sa gasolina, dahil siyempre ay nagkaka — magulo ang presyo ng gasolina ngayon, ang krudo. Lahat ‘yan kailangan natin tingnan na tulungan ang ating mga farmer kaya mayroon tayong binibigay na subsidy sa mga apektado, sa pagbago-bago ng presyo ng langis.

Kaya’t lahat ito ay kailangan natin pagsama-sama at pag nagawa natin ‘yan ay magiging, tataas ang ating production. Hindi lamang sa mga sistema, pati ‘yung mga variety ng bigas, variety ng mais, lahat ‘yan, lahat ng high value crops. Lahat tinitingnan namin nang sa ganun ay mas maganda naman…

Kasi lagi natin kung minsan, nakakalimutan natin, lagi natin iniisip pataasin‘yung production. Kailangan din, sabi ko, huwag niyong kakalimutan na maganda ang kinikita ng magsasaka. Kaya natin ginagawa ito para may magandang hanapbuhay ang mga nagsasaka.

Kaya’t ‘yun ay dahan-dahan ay pinapaganda natin at sana ay hindi lang — darating ang oras na hindi lang tayo sa Kadiwa nakakaramdam ng mababang presyo kung hindi sa lahat na ng mga palengke, dahil marami na tayong supply, marami na tayong produksyon. Hindi na tayo umaasa sa importation lamang.

MS. CORPUZ: Okay. Magandang balita ‘yan Mr. President. Inaantay na nga ng lahat ‘yung malapit na, from 22 pesos, 20 pesos daw.

PRESIDENT MARCOS: Onti pa.

MS. CORPUZ: Dalawang piso na lang. Konting kembot na lang ‘no partner Erwin. Ayan, bukod po sa Kadiwa, Mr. President, major activity niyo rin ang pagpunta sa mga probinsya po at mga rehiyon na namamahagi po kayo ng government assistance. So far kumusta po ang response diyan Mr. President?

PRESIDENT MARCOS: Well, ang talagang sadya namin ay siyempre pag dumadating ako, tinitiyak ko lang na talaga na ‘yung mga pangangailangan, ayuda, kung may AICS man, TUPAD, kung ano ‘yung mga binibigay, ito mga subsidy, itong mga fertilizer subsidy, fuel subsidy, lahat ‘yan ay tinitiyak lang namin na talagang — tinitiyak natin na talagang nakakarating sa tao.

At pinupuntahan ko lagi ang mga halimbawa disaster areas para maitanong sa kanila, “Ano bang kailangan ninyo? Ano po ‘yung kulang?” Kasi kung iba-iba naman ang nagiging sitwasyon, kung bagyo, kung lindol, kung dinaanan ng baha, iba-iba ‘yung pangangailangan kaya ako pumupunta at…

Kasama na lang ‘yung pagbigay para alam ng tao na mayroon tayong binibigay. Pero ang talagang sadya ko sa mga pag-ikot ko ay tinitingnan na talagang naibababa ‘yung tulong para doon sa mga nangangailangan.

Maganda kasi para sa akin ‘yung nakakausap ko ‘yung mismong mangingisda eh, makausap ko ‘yung mismong magsasaka para… “Ano nangyari dito? Kumusta na kayo rito? Anong kulang dito?” Pati ‘yung weather. “Ano na ‘yung weather ninyo dito? Tama ba ‘yung pagdating ng ulan o masyadong tuyot na? Ano bang mga…?”

‘Yan ang mga dapat — kailangan natin malaman. At maganda rin siyempre, importante ‘yung mga report na binibigay. Pero importante ‘yung talagang mga nagsasaka nga, nagtatrabaho nga, malaman, kailangan malaman natin ano ba ang talagang — ang talagang kailangan ninyo.

Dahil siyempre halimbawa ‘yung mga mangingisda, sinasabi halimbawa ‘yung pinuntahan ko sa — nung sa oil spill, sa Pola. Sinasabi nila maganda nga nagbigay kami ng bangka pero sabi nila kailangan na kaming lumayo baka maliit pa itong bangka na nakuha namin dahil sa pangmalapit lang ito.

Kaya’t sabi, o sige kung ganun, magde-design tayo ng mas malaki para makalayo kayo at hindi na sila makadikit sa shoreline.

Unang-una, dahil marami ng — dinaanan na nga, hindi puwedeng mangisda doon dahil dinaanan na nga noong langis at mahina na ang huli nila kaya’t gusto nilang lumayo.

‘Yung mga ganyang klaseng bagay na hindi mo talaga malalaman hangga’t pinuntahan mo at nakausap mo ‘yung mismong mangingisda, ‘yung mga cooperative, ‘yung mga irrigators association. ‘Yun ang mga pangangailangan nila.

Pati ‘yung sa agrarian reform, kung minsan hindi nare-release, hindi pa — hindi mabigyan ng titulo dahil mayroon pang inaayos na dokumento, ‘yung mga ganun lumilitaw ‘yan kahit iba ‘yung pinuntahan mo, mayroon kang matututunan na pangangailangan na dapat tugunan.

Kaya’t very important — para sa akin very important part na makalabas ka ng Palasyo, kausapin mo ‘yung pangkaraniwan namamamayan.

Dahil siguro nakasanayan ko ‘yan bilang governor talagang masarap kausap kasi ‘yung tao at marami ka talagang matututunan, malalaman ko talaga anong sitwasyon doon sa kanilang lugar.

MR. TULFO: Sir, how do you manage all these? Kagaya ho ngayon schedule ninyo. Sunod-sunod, dikit-dikit. Pagkatapos kagaya ho rito, ‘yung sinasabi niyo, pagbigay, pag-distribute ng mga ayuda and then here comes kailangan mo rin isipin, resolbahin itong issue sa El Niño at iba pang mga bagay. How do you handle these? At the end of the day ho ba, pinaplano niyo na? Gabi pa lang na ito ang gagawin ko, ito ang gagawin ko bukas. Ito ang ipa-priority natin. Lahat ho ito kasi parang napakagulo sir eh. Pero nagagawa naman ninyo, natatapos ho ninyo maghapon.

PRESIDENT MARCOS: Well, ganun lang naman tayo. ‘Yun na nga, tama ‘yung nabanggit mo. Prioritize. Kailangan magbigay — ito talaga ‘yung kailangan ayusin natin kaagad. Importanteng-importante ito. Mag-meeting tayo bukas o kung puwede mamaya. ‘Yun, ganun.

Pagka ginawa mo naman kasi ‘yun, I have to meet the group na businessman o kailangan ko makausap tungkol sa sugar, kailangan ko kausapin tungkol sa importation, kailangan sa mga CREATE law, ‘yung mga iba’t ibang detalye. Titingnan, ipa-priotize mo talaga ‘yan.

At habang sasabihin mo, sasabihin mo, mag-set ka ng meeting. O sige gagawin sa makalawa. Before you know it, punong-puno na ‘yung schedule mo, dahil lahat ito kailagan mo gawin at ‘yung prioritization kailangan mo talagang mamili kung ano ‘yung uunahin mo dahil kung hindi marami kang ginagawa na naiiwanan ‘yung sa iba — ‘yung mas immediate na concerns.

So ganun lang talaga. Pero wala kang magagawa, marami talagang kailangan gawin at kagaya nga ng sabi ko, hindi mo naman puwede basta’t i-postpone, kasi ang isang natutunan ko rito mula nung umupo ako, everything is important, everything is urgent.

Kaya’t kailangan mo talagang tutukan kaagad. No choice ‘yan. Kailangan umagang-umaga pa na alam mo na ‘yung mgapangyayari, ano ‘yung mga bagong development, pati ‘yung sa abroad, para malaman mo kung ano ‘yung mga kailangan pag-isipan, kailangan pag-usapan, kailangan pagmitingan.

‘Yun ang ating ginagawa ngayon. So, so far naman, may pagka-efficient. Pero ang pinaka-problema kung minsan hindi mo naman pwede… Halimbawa, ‘yung mga importanteng bagay, hindi mo naman puwedeng madaliin. Hindi mo puwedeng sasabihin, “O sige bilis na, tama na.” Hindi, kailangan talaga isa-isahin mo, detalyado, malaman mo nang tama.

Kasi kung hindi, kung magkamali ka ng desisyon, naapektuhan milyon na tao eh. Kaya’t hindi ka dapat magkamali talaga.

You have to be very, very conscious and very, very sensitive about the needs of everyone. So binabalanse mo lahat ‘yan and that’s how you prioritize the — ‘yung mga appointment, ‘yung mga caller, ‘yung mga pupuntahan mo, ‘yung mga trips na ganyan.

MS. CORPUZ: Okay. Mr. President, last week po pinulong niyo ang inyong Gabinete para talakayin ang impact ng El Niño po sa bansa. Ano na po ang update ninyo sa efforts ng ating gobyerno tungkol sa El Niño sir?

PRESIDENT MARCOS: Ang lahat — ang puno’t dulo talaga ng El Niño ay tubig. At ‘yan ang pinag-uusapan natin kasi maapektuhan ang agrikultura, ang irigasyon, maapektuhan ang water supply, maapektuhan pati energy supply, lahat ‘yan.

Pagka naging — maging… Mawala na — magkulang na, maging kulang-kulang na ‘yung tubig natin. Sa ngayon pa lang, eh nararamdaman na natin dahil biglang uminit. Nakita naman natin ang nangyari. Kahit na umuulan eh pababa nang pababa ang mga dam natin, sa Angat, dito sa Maynila, pababa nang pababa.

At kung — anong effect nito sa power. Sa palagay ko naman ‘yung sa power, medyo maayos kasi mayroon tayong papasok na bagong power source during the El Niño period by next month siguro.

So ito lahat — ‘yun lahat maraming naapektuhan talaga. Every part of the — pati ‘yung health, mayroon tayong issue sa health dahil dadami ang sakit, mayroon nagkaka-heatstroke. Mayroon nagkaka… Dahil sa pag-iba ng panahon.

Lahat ng aspeto talaga ng buhay ay naapektuhan ng El Niño kaya’t ang ginagawa ngayon namin ay mayroon na kaming plano para mangolekta sa — ng tubig pagka umuulan.

Kasi ang problema natin, halos lahat ng tubig natin na iniinom natin, pangluto, panghugas, pag iniinom natin ay nanggagaling sa balon. Dapat talaga kumukuha tayo sa ilog dahil ang dami nating ilog naman at hindi naman masasabi na ‘yung Pilipinas ay kulang sa tubig.

Eh pagka bumuhos ang tubig dito, talagang sobra-sobra. Ang kailangan lang natin gawin kolektahin natin ‘yun. Pagka dumating ang drought, kapag dumating ang El Niño, mayroon tayong pagkukuhanan.

Ngayon, wala pa tayong ganyan pero dahan-dahan magkakaroon na tayo ‘yung tinatawag na mga collection pools kung saan-saan lalagay. Makakatulong…

Nagsimula pa nga ito sa flood control, pero makakatulong ito sa pagkolekta ng tubig para kahit na dumating na ang El Niño ay mayroon tayong pagkukuhanan ng tubig.

Kaya’t binibigyan natin lahat ng pagkakataon na gumawa ng kanilang sariling plano sa bawat probinsya, sa bawat bayan para kung papaano gagawin ‘yung kanilang water supply.

Eh malaking trabaho ‘yan kaya’t hindi matatapos agad ‘yan ngunit nasisimulan na natin at tutulong naman siyempre, tutulong — nandiyan ang head — ang head niyan ay ‘yung national government dahil mayroon na tayo ngayon, kakapirma ko lang ng Executive Order to create the Office of Water Management under the Office of the President.

Ito Office pa lang dahil mayroon na tayong mga proposed bill na nasa Kongreso para gawing Department of Water Management. Napaka-importante na itong problema na ito — this is one of the biggest…

Kasi alam naman natin pag walang tubig, walang buhay. Ganun lang kasimple ‘yan. So that’s — ganun ang approach namin na kailangan na magkaroon ng sapat na supply ng malinis, ligtas na tubig na kahit pag masyadong mahina ang ulan o nagka-El Niño, masyadong mainit ay magkakaroon tayo ng — mayroon pa rin tayong water supply.

Ngayon, kung talagang hanggang ngayon ay wala pa, kulang pa, ang gagawin natin siyempre pag-aaralan natin kung saan talaga ang priority. Saan ang uunahin? ‘Yung mga city ba, ‘yung mga agrikultura ba?

And again, bawat lugar ay iba. Iba siyempre, ‘yung mga urban communities, ‘yung mga siyudad. ‘Yung freshwater, ‘yung drinking water.

Sa mga rural areas, siyempre although drinking water, importante din ‘yung iniinom na tubig ay importante diyan ‘yung irigasyon. Kaya’t saan natin kukuhanin.

And so far, nakakahanp naman tayo ng para-paraan na mabawasan ang epekto. Pero mukhang ang nagiging problema talaga natin ay hindi mo maaasahan ‘yung weather. Hindi ba kagaya dati, alam natin kung kailan ‘yung tag-ulan, kailan ‘yung typhoon season, kailan ‘yung tag-araw.

‘Yung mga magsasaka alam nila kung kailan sila magtatanim, kailan sila mag-aani. Ngayon hindi na eh. Pa-iba-iba. Kaya’t, ‘yun isa pa ‘yan, pinapatibay natin ang kakayahan ng DOST, ng PAGASA para mawarningan (warning) naman talaga tayo nang mabuti na may parating na ganito.

So ang dami talagang element. Kasi tubig ang pinag-uusapan, marami talagang elemento na kailangan isama diyan sa usapan na ‘yan.

But we are slowly converting our dependence of water supply from underground water to surface water. ‘Yun ang pinaka-basic diyan and then the distribution systems.

‘Yung ating mga, kung pupuntahan mo ‘yung mga distribution system natin sa mga water authority, kung titingnan mo ‘yung mga ano, noong giyera pa ‘yung nilagay ‘yung ano — noong panahon pa ng giyera eh noong nilagay ‘yung mga tubo-tubo eh.

‘Yung sa atin sa — hindi sa Batac, sa Laoag, noong binuksan namin ‘yun ‘yung tubo, wala na ‘yung bakal, kinalawang na ang naiwan na lang ‘yung semento na humahawak doon sa tubo. Ganun kalala ‘yung — ganun kalala ang sitwasyon natin.

Nangyari ‘yan kasi nakita namin ang daming nagkakasakit. So hinanap namin, mayroon talagang leak, may tinutuluan doon sa labas.

Tiningnan namin, binuksan namin, wala na ‘yung tubo, nandoon na lang ‘yung semento na humawak doon sa tubo. Kaya’t ganun kalala ang problema natin. Matagal nating pinabayaan, matagal natin hindi pinag-usapan eh ngayon lang tayo nagsisimula na gawan ng solusyon.

MR. TULFO: Sir, I know you’re busy but can we still ask you about three or four more questions sir? Kagaya po nito…

PRESIDENT MARCOS: Yes, yes. Go ahead. Oo, of course.

MR. TULFO: Galing po sa netizen natin, nabanggit po ninyo kasi ‘yung tag-araw, tag-init. Ang tanong po nitong netizen natin sir, ibabalik daw po ba ang bakasyon sa Marso? Kasi naurong po ang bakasyon sa June, July dahil sa pandemic dahil sa COVID. Ngayon daw po, pag-aaralan po ba ninyo, ng DepEd with Vice President Sara kung ibabalik po sa Marso? Kasi parang feeling ng ibang magulang mas magandang ibalik na lang sa March kasi napakainit. At least ‘yung mga bata nasa bahay daw at siyempre ka-bonding ‘yung magulang, summer break, bakasyon, makakasama nila ‘yung kanilang mga anak sa pagbabakasyon, sir.

PRESIDENT MARCOS: Pinag-aaralan natin nang mabuti ‘yan dahil nga marami nga nagsasabi, puwede na tapos na ‘yung lockdown, karamihan na ng eskuwela face-to-face na. Kakaunti na lang ‘yung hindi na. At ‘yung ating ginagawa na sistema na hybrid system na mayroong — may pumapasok, mayroon nasa nagzo-Zoom o kung anong klaseng pag-remote na pag-attendance, ay lahat gusto talaga na makapag-attend dahil iba talaga ‘yung…

Siguro alam naman inyo,’yung mga bata, sila mismo nagsasabi ‘yung mga bata. Hindi ko makalimutan, noong lockdown, noong kabigatan nung lockdown ay kung tinatanong namin ‘yung aming mga pamangkin, mga apo namin. “Anong namimiss ninyo?” Sabi niya, “School. We miss school.” Namimiss nila ‘yung mga kaklase nila, namimiss nila ‘yung mga laro-laro nila.

Noong nagbalikan ay talagang parang naninibago sila dahil sa dalawang taon malaking pagbabago pag mga eight years old, seven years old. ‘Di nakita nila ‘yung kaklase nila, nag-iba na ‘yung itsura. So we want to — since hindi na tayo naka-lockdown eh balik na lang siguro natin sa dati.

But kung kailan kasi — kailan gagawin ‘yung actual na semester, kailan mag-uumpisa ang bakasyon ay hindi pa nade-decide dahil mayroon pa rin tayong mga cases na nakikita natin na COVID na umaakyat na naman, ‘yung replication rate ay umaakyat na naman. Hindi naman malala dahil ang pinanggalingan ay kakaunti lang. And we are better than most other countries.

Ngunit, mayroon pa rin tayong emergency. Sabi ng WHO, emergency pa rin. Hindi pa rin natatapos. ‘Yung Amerika, tinanggal na nila ‘yung emergency status. Tayo medyo binawasan na natin ang emergency status pero kailangan pa rin natin tingnan kung ano ang advice, ano ‘yung payo na binibigay sa’tin ng World Health Organization.

Pero palagay ko, ‘yang diskusyon na ‘yan madedesiyunan ‘yan very soon on what will be the — ano ‘yung tama. Binabagay kasi natin talaga ‘yan sa ano eh — binabagay natin ‘yan sa seasons eh.

‘Yun ang naging problema, kung ibabalik o hindi dahil hindi nga — hindi na masabi kung kailan mag-uumpisa ang ulan, kung kailan magiging mainit.

Nag-announce isang buwan, isang buwan na yata. Inannounce (announce) ng PAGASA na magkakaroon ng — officially it is summer. So uminit na, biglang uminit talaga.

Tapos winarningan (warning) tayo last week maghanda kayo dahil magkakaroon mabibigat na ulan. ‘Yung mga ganyang klaseng weather, ‘yun ang mahirap paghandaan eh. Kaya’t ‘yung global warming, ‘yung mga climate change, hindi na talaga biro kailangan na talaga natin gawin ang lahat para bawasan ang epekto ng climate change para sa atin dito sa Pilipinas at siyempre para sa buong mundo.

So it’s not a simple as you would imagine na akala mo, palitan natin dahil wala na ‘yung lockdown. Nagbago pati ‘yung weather eh. ‘Yun ang isa pang problema na tinitingnan natin na kailan…

Halimbawa this year — naging — uminit… Noong Easter, hindi pa mainit eh. Noong Holy Week, hindi pa mainit. Eh alam naman natin usually pag-Holy Week, kainitian talaga ng Pilipinas. But ganyan na talaga ang ating hinaharap kaya’t we have to adjust also accordingly.

MS. CORPUZ: Okay. Maraming salamat, Mr. President. Next week po biyaheng US kayo sir para kausapin si US President Joe Biden. Ano po ang mga tatalakayin niyo diyan, Mr. President?

PRESIDENT MARCOS: Well, siyempre liliwanagin natin ulit ang talagang mga treaty agreement sa gitna ng Pilipinas at saka ng Amerika at titingnan natin kung dahil nga maraming pagbabago ay ‘yung climate change ay naging malaking bagay at magpapatulong tayo na para ano bang mga puwedeng gawin, ano bang mga strategy na puwedeng gawin.

Mayroon silang binibigay na tinatawag na green bond. Ibig sabihin, magbibigay sila ng pondo para tulungan tayo para ayusin. Halimbawa ‘yung mga no build zone na ilipat dadalin sa — ilalayo sa dagat para naman hindi na tamaan ng ano, hindi na tamaan ng mabibigat na bagyo.

Tulungan tayo sa mga bagong variety. Tulungan tayo…

Meron din silang — meron na rin tayong ginagawa doon sa climate change na may value ‘yung gubat. Basta’t may gubat ka, may value ‘yun, puwede mong lagyan ng dollar value ‘yun. At ‘yun ay puwede mong gamitin, puwede mong gamitin na pag-invest para doon nga sa mga pondo na binibigay. So malaking malaking bagay ‘yun.

Pangalawa, ay siyempre ‘yung ating — ‘yung lalong — ‘yung napapagusapan ngayon is our — ‘yung VFA natin, the Visiting Forces Agreement and the treaty that we have, the Mutual Defense Treaty that we have with the United States.

Very — hindi naman ano ‘yan — we have to evolve it. It has to evolve dahil nag-e-evolve din, kailangan ina-adjust adjust din natin ‘yan dahil mayroon din talagang evolution, nagbabago rin sa sitwasyon na hinaharap natin dito sa South China Sea, sa gitna ng mga pangyayari, sa Taiwan, sa North Korea, lahat itong mga ano, na medyo umiinit ang sitwasyon dito sa atin.

Kung ano ‘yung mga — ano ‘yung partnership natin, kung ano ‘yung dapat natin — ano ‘yung mga puwede natin gawin upang bawasan naman ‘yung rhetoric.

Dahil ngayon medyo mabibigat na ang usapan, medyo nagkakabitawan ng mga maaanghang na salita na kaya’t siyempre inaalala natin ‘yan.

And the United States has always been our partner in terms of the special relationship between the Philippines and the United States. So ‘yun ang pag-uusapan namin.

And siyempre, marami tayong hihingin na tulong dahil tayo lahat naman ay nagre-recover sa pandemya.

At kung ano ‘yung mga — ganun din kagaya nung mga ibang biyahe na ginawa ko, kung ano ba ang mga partnership na puwedeng buuhin, ano bang mga puwedeng bagong teknolohiya na baka puwedeng dalhin dito sa Pilipinas na magagamit natin.

All of these — marami tayo… Kasi ang relationship natin sa America, sa United States, sa maraming iba’t iba na pinag-uusapan.

Hindi lamang militar. Hindi lang ekonomiya, pati ‘yung mga cultural exchange, pati ‘yun na nga ‘yung ngayon, ang matinding usapan is climate change.

Lahat ‘yan ay kailangan natin tingnan kung ano ba ang magandang partnership natin sa United States, ang magiging partnership natin.

Pag-uusap namin ni President Joe Biden kung ano ba talagang puwedeng — paano pa tayo patuloy na magtulungan.

And that it covers so many subjects, hindi lang — ngayon, siyempre napapag-usapan ‘yung sa military, dahil sa EDCA pero ang katotohanan ay hindi lamang ‘yun kung hindi pati nga sa ekonomiya, pati nga sa tourism, pati sa healthcare, lahat ‘yan eh.

Kasi sumikat tayo bigla eh. Ang Pilipinas ang pinakasikat ngayon dahil sa nangyari sa pandemya. Lahat ng makausap kong pangulo, prime minister, basta leader, hindi maiiwasan babanggitin nila, “puwede pa ba kami kumuha ng nurse diyan sa Pilipinas, kumuha ng doctor, kumuha ng med tech.”

Dahil talagang sumikat tayo noong ano, hanggang ngayon tayo pa rin ang number one na preferred na kanilang healthcare ano. Kaya’t isa ‘yan sa pag-uusapan natin dahil siyempre may problema sa immigration, may mga ganun, ‘yung training, all of those things.

So para mabigyan naman ng pagkakataon ang ating mga gustong mag-abroad para sila ay doon naman makahanap naman sila ng magandang puwesto. But these are the things — there are very, very many things that we will talk about.

Tinitingnan ko nga ‘yung schedule, sabi ko baka hindi natin mapag-usapan lahat, so gawa tayo ng — hindi ‘yung kami ni Joe Biden mismo, palagay ko siguro kailangan natin paramihin din ang contact, ‘yun ang sadya namin doon.

Hindi lamang kami ni President Biden kung hindi lahat ng mga —- may mga negosyante tayong kasama, mayroon tayo sa iba’t ibang departamento na kasama para talagang magkaliwanagan kung ano ba talaga ang partnership ng Pilipinas at saka ng United States.

MR. TULFO: Sir, with that, sobrang maraming, maraming salamat. At bago ko po makalimutan. Sir, congratulations talagang hindi po bumababa ang inyong rating sa mga surveys, ‘yung tiwala ng tao naroon pa rin Mr. President, despite the fact na may mga — ‘yung dolyar mataas, may inflation tayo…

PRESIDENT MARCOS: Oo nga eh…

MR. TUFLO: Mataas ang bilihin but then people still trust you. Hindi po bumababa ang inyong rating. Congratulations po, Mr. President, sir. And I know you’re working hard. Thank you po. Thank you.

PRESIDENT MARCOS: Salamat, Erwin.

At basta’t patuloy lang natin, alam niyo naman hindi — pagka pinag-uusapan ay isang buong ekonomiya, hindi lang naman basta may utos sa isang araw, makikita mo na kaagad ‘yan.

Kung minsan it takes a little time dahil buong estruktura ng ekonomiya ay binabago natin. Darating at darating ang panahon na maging kalma na ‘yan, mag-stable na ‘yan at ‘yun talaga ‘yung inflation rate napapababa na natin dahan-dahan ‘yan at nagbabantay tayo sa mga pangyayari sa ibang ekonomiya, ‘yung mga malalaking mga trading partner natin, ‘yung Amerika, ‘yung China, ‘yung Japan, South Korea, Singapore.

Lahat ‘yan ay tinitingnan natin para naman kung ano ‘yung mga kaalaman nila, kung ano ‘yung mga kakayahan nila baka mailipat, magamit natin dito sa Pilipinas.

So I’m very at kailangan na kailangan ko ang suporta ng tao dahil hindi madali itong ating ginagawa. We need for you to support the government and to continue to follow the plan para pagandahin ang Pilipinas.

MR. TULFO: Maraming, maraming salamat po sir PBBM. Magandang umaga po. Mabuhay po kayo, Mr. President, sir.

PRESIDENT MARCOS: Mabuhay ka, Erwin. Mabuhay ka. Thank you, Niña. Thank you very much for this interview.

MR. TULFO: Thank you po.

MS. CORPUZ: Salamat po. Dios t agngina, Mr. President.

PRESIDENT MARCOS: Hindi na kita puwedeng tawaging partner dahil ano na…

MR. TULFO: May bago po, may bago.

PRESIDENT MARCOS: Iniwanan mo na ako, may sarili ka — may iba ka ng partner.

MS. CORPUZ: Puwede po ba Mr. President ako muna?

MR. TULFO: Open pa naman po ito, sir. Open pa naman po. Anytime po, anytime.

PRESIDENT MARCOS: Salamat, Erwin. Thank you.

 

— END —

 

SOURCE: PCO-PND (Presidential News Desk)