Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Distribution of Certificates of Land Ownership Award and E-Titles to Farmers in Koronadal City

Event Media Interview
Location South Cotabato Gymnasium and Cultural Center in Koronadal City

Q: Magandang umaga po, Mr. President. Good morning po! Paano po ba matitiyak na karapat-dapat na mabigyan ang mga benepisyaryo ng CLOA at e-title sa DAR?

PRESIDENT MARCOS: Dahil ‘yung mga qualified na beneficiary ay matagal na nasa amin ‘yung listahan. Hindi lang talaga nagawa ‘yung pagbigay ng titulo.

Ang nangyari, nagbigay ang — nagbigay ang gobyerno noong nakaraang admin — noong panahon pa yata ni FVR, nagbigay ng tinatawag na consolidated CLOA. ‘Yun lamang ‘yung sa consolidated CLOA maraming may-ari ng lupa. Hindi nila alam kung saan ‘yung kanilang isasaka na lupa. Kaya’t nagkakagulo, hindi nila matrabaho nang mabuti.

Ito, ‘yung titulo maliwanag na kung ano ang survey, kung saan ang area, kung saan ang bawat may pag-aari ng bawat beneficiary.

Kaya’t makaka… Iyong mga — sa qualification, matagal ng nasa amin ‘yung listahan, ngayon pa lang namin gagawin, aayusin lahat ng titulo para lahat ng beneficiary ay alam nila kung alin, nasaan, gaano kalaki ang kanilang lupa at kung ano ‘yung isasaka nila. Kaya’t ‘yan ang aming ginagawa namin ngayon.

So, palagay ko patuloy lang ito, tuloy-tuloy lang ang aming gagawing ito para matapos ito na lahat ng beneficiary na dapat nabigyan ng titulo ay mabigyan bago matapos ang aking term.

Q: Good morning, Mr. President.

PRESIDENT MARCOS: Good morning!

Q: Ang katanungan ko po: Ano pa pong mga programa ng gobyerno ang naka-plano po para umangat po ang pamumuhay ng mga magsasaka po, Mr. President?

PRESIDENT MARCOS: Mahaba-habang tanong, mahaba-habang sagot ‘yan. Marami tayong ginagawa. Siyempre, pareho sa production side, pinapaganda natin ang produksyon natin, naghahanap tayo ng mga bagong varieties para mas matibay na hindi masyadong maapektuhan ng mga bagyo, number one.

Pangalawa, ‘yung PhilMech binibigyan natin ng makinarya, ang ating mga magsasaka para ‘yung mga processing ay nasa kanila na. At ang paglabas hindi sila nagbebenta ng palay kung hindi bigas na para lahat ‘yung kita hindi mapunta sa trader, sa middleman, mapunta talaga sa magsasaka.

Tapos, ‘yung bagong ginawa natin ay ‘yung inaamyendahan natin ‘yung RTL, ‘yung Rice Tariffication Law. Ito’y ginawa natin para ma-control natin ‘yung presyo ng bigas dahil masyadong mabilis tumaas ang presyo ng bigas.

Kaya’t kung pagbibigyan tayo ng ating Kongreso na makapag-import na, makikipagsabayan… Ito naman talaga ang unang — kung bakit tinayo ang NFA.

Tinayo ang NFA para ayusin ang presyo, price stabilization. Kapag nag-aani, mababa ang presyo ng bigas, bumibili ang NFA para hindi naman masyadong mababa ang presyo ng bigas. Kapag naman tagtuyot o talagang pag summer, walang ani, magbibitaw sila ng supply para hindi naman tumaas masyado. Iyon ang gagawin natin ngayon.

So, para sa consumer, ‘yun ang ating ginagawa. At, inaayos natin ‘yung mga puerto, inaayos natin ang mga FMR, inaayos natin lahat para maging mas madali at mas mura ang pag-transport ng produkto hindi lamang bigas kung hindi lahat ng produkto ng ating mga magsasaka at saka mangingisda.

So, kailangang buuhin ‘yung sistema. Noong kampanya, pinag-uusapan ko ‘yung value chain ng agrikultura. Iyan ang ginagawa natin ngayon. Binubuo natin, malakas ang production, palalakasin natin ang production bibigyan natin ng makinarya ang mga farmers, bibigyan natin sila ng market intelligence, pati technical information ibibigay natin.

Mayroon tayong tulong sa fertilizer, mayroon tayong tulong sa pesticide, mayroon tayong tulong pagka nabagyo, mayroon naman nakahanda rin tayo para magbigay ng ayuda, magbigay ng AICS.

‘Yan po ay… Hanggang — from the farm… Iyong talagang farm-to-market. Hanggang market sana ang… Lahat ng kinikita sa bawat hakbang na papunta sa merkado, ang bigas at saka ang produkto ng agrikultura ay lahat ng kita na ‘yun mapupunta sa farmer kaya’t ‘yan ang aming ginagawa. Kaya ‘yung value chain nga ang aming binubuo.

Q: Paano po natin, Pangulo, masiguro na ang lupang ipamimigay ay hindi isasangla o ibebenta?

PRESIDENT MARCOS: Paki-ulit.

Q: Paano po natin masiguro na ang lupang ipanamigay ay hindi isasangla or ibebenta at magagamit para sa kabuhayan ng magsasaka?

PRESIDENT MARCOS: Well, hindi sila — hindi nila puwedeng ipagbili at hindi natin — hindi nila naman gustong ipagbili ‘yan.

Ang naging lesson ng unang pagpasok ng agrarian reform, hindi sapat na magbibigay ka ng titulo kasi wala naman, wala naman siyang — hindi siya marunong mangutang, wala siyang pang-production loan, hindi siya marunong kumuha, walang perang bumili ng binhi, walang perang pambili ng fertilizer, ng lahat ng inputs.

Kaya naman, sinasabi balik na lang natin doon sa dating may-ari. Balik tayo sa dating sistema.

Kaya naman, ang programa ng DAR ay hindi lamang nagbibigayng titulo. Natuto na tayo. Kung titingnan ninyo, ang programa, patuloy ang suporta. Suporta sa pamamagitan ng mga makinarya, suporta sa pamamagitan ng technical services, suporta sa pag-monitor, at lahat ng support services ay gagawin pa rin ng Department of Agrarian Reform para sa mga beneficiary.

Kasama na diyan siyempre ang DA. Marami silang programa. Maraming programa ang DA para maging successful, maging matagumpay naman ang pagsasaka nila ng kanilang bagong lupa na may hawak na sila ngayong titulo.

Q: Good morning!

PRESIDENT MARCOS: Good morning.

Q: Good morning po, Mr. President. Mr. President, napansin namin na kayo po mismo ‘yung lumalapit sa mga tao. Sa pag-iikot-ikot niyo po Mr. President, may nakikita po ba kayo na dapat pang ayusin?

PRESIDENT MARCOS: Marami. Marami pa ang dapat ayusin. ‘Yun na nga, ‘yung halimbawa ‘yung sa supply chain, kailangang ayusin. ‘Yung transport cost kailangan nating ibaba, kasama diyan hindi lamang ‘yung FMR, pati na ‘yung mga ports, agricultural ports kasi napakamahal. At saka ‘yung mga cold storage, ‘yun ‘yung mga — para hindi naman masira ‘yung isda, hindi masira ‘yung mga ibang produkto na inaani ng ating mga magsasaka.

Kaya’t mayroon — marami pa rin tayong kailangang gawin. We have to fix the supply chain para sa farmer at kailangan din nating na ipagsama ang private sector at saka ‘yung gobyerno kasi ang private sector, ‘yung contract farming, maganda rin ‘yun pagka magkaroon ng contract farming.

So, isa ‘yun, parang kasama na ‘yun sa sagot na tinanong kanina na ‘yung pag may kontrata siya ng contract farming, hindi talaga niya ipagbibili ‘yung lupa at gagamitin talaga nila dahil may kita sila, mayroon silang hanapbuhay.

So, parang nalusaw lahat nung sistemang ito for the last many years. Kaya kailangang buuhin uli natin.

Q: Sir, unahin ko po muna si Secretary Estrella. Sir, gaano tayo ka — are we sure na matatapos natin ang pamamahagi ng lupa before the end of term ni President Marcos?

DAR SECRETARY CONRADO ESTRELLA III: Susundin namin lahat ng utos ng Presidente. At sa tingin ko dahil — iba ito. Kasi itong programang ito talagang nandiyan sa likod namin ng ating Pangulo. Kaya magagawa natin ‘to. Ma-i-di-distribute natin ‘to.

Kung hindi kaya ng mga mga register of deeds ng Banko Sentral ng Pilipinas na mag-print ng mga titulo, i-outsource natin ito. Basta kailangan bago bumaba ang ating Pangulo, ‘yung utos niya. Gusto ko ‘yung isang milyon na titulo maipamahagi lahat ‘yan bago tayo bumaba. Kaya ang lalim na ng mata ko. Hindi na ako nakakatulog.

PRESIDENT MARCOS: Hindi na bale, pagka tapos puwede na tayo — saka tayo puwede magpahinga. Pero saka na ‘yan.

Talagang pipilitin natin. Siyempre ang ambisyon ko talaga matapos sa term ko. Pero hindi ito titigil hanggang talagang matapos lahat ng beneficiary na qualified, mabibigyan ng titulo. Kahit na wala na ako, titiyakin natin na patuloy pa rin ang programa na pagbigay ng titulo.

All right. Maraming salamat. Thank you! Thank you!

 

— END —