Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Brigada Eskwela 2023

Event Brigada Eskwela 2023
Location Victorino Mapa High School in Barangay San Miguel, City of Manila

PRESIDENT FERDINAND MARCOS JR.: [inaudible]… Nakita na naman natin kung gaano kahalaga lalong-lalo na dito para sa Pilipinas na lahat pati ‘yung mga magulang, ‘yung mga teacher, kung sinoman mga volunteer pagdating sa ating mga anak, sa mga bata ay talagang buo ang loob natin na tumulong para gumanda naman ang kanilang experience dito sa pag-eskwela.

At ito siguro ay panibago na rin dahil nag-lockdown tayo, nakabalik tayo nang kaunti pero ito na siguro ang pinakaunang – ito na ‘yung pinakaunang pasukan na medyo normal after the lockdown. Normal pero marami tayong pinalitan, marami tayong inayos na mga naging reklamo at iyon ang pinagtitiyagaan at pinaghihirapan ng ating DepEd Secretary at saka si Vice President Sara Duterte.

O sige, let’s take a few questions.

Q: Mr. President, magandang umaga po.

PRESIDENT MARCOS: Good morning.

Q: In connection po sa Brigada Eskwela since preparation naman po ito sa darating na pasukan, Mr. President, any update po doon sa mga eskwelahan na nasira ng Bagyong Egay? Based po sa report na nakakarating sa inyo, puwede na po bang magamit ang mga classrooms na sinalanta ng bagyo?

PRESIDENT MARCOS: Hindi pa lahat. Kasi noong tumama ‘yung bagyo ay sabi namin ano ang magagawa natin sa isang buwan? So, so far basta’t kung ano ‘yung kaya nating gawin together with – kasama pa ‘yung ating mga LGU ay ginagawa ang lahat para maayos natin ‘yung mga nasira.

At patuloy naman dapat ang School Building Program pero talagang malaking sagabal itong weather natin. You want to add?

DEPED SECRETARY AND VICE PRESIDENT SARA DUTERTE: Yes, ‘yung mga tinamaan po ng Bagyong Egay, sila po ‘yung priority natin sa budget natin for repair this year. Pero kung hindi po umabot ‘yung repairs nila by opening ng August 29 ay immediately po i-implement ng ating mga paaralan ‘yung blended learning program natin dahil wala na pong learning disruption ang direction ng Department of Education. Lagi pong blended learning or in-person classes. So tutuloy-tuloy ang pag-aaral kahit mayroong problema sa classroom.

PRESIDENT MARCOS: All right. So iyon ang naging temporary solution natin. Balik tayo doon sa mga sistema na nabuo natin noong lockdown kung hindi pa magamit ‘yung mga school building, mga facilities.

Q: Salamat po.

PRESIDENT MARCOS: Thank you.

Q: Hi, Mr. President, good morning. Hi, VP Sara, magandang umaga po. Sir, can we get your reaction or comment on the launching of DepEd of the Matatag Curriculum, sir?

PRESIDENT MARCOS: This is very significant because here we are trying – ang sinusubukan nating gawin ay ayusin ang curriculum para maging mas bagay sa pangangailangan ng mga batang Pilipino.

Kasama na rin diyan, the Matatag Program includes all our efforts na para pagandahin ang mga international score natin, especially when it comes to STEM, tinatawag na STEM subjects.

At also, binibigyan natin ng pagkakataon ‘yung mga after 10th grade na mamili kung sila ay mag-vocational, magte-technical training o itutuloy nila.

So that’s more or less the big system changes that we are doing.

VICE PRESIDENT DUTERTE: Yes, opo. Itong Matatag Curriculum, this is the legacy of the Marcos administration sa basic education natin sa ating bansa. Lahat po nung nakita na problema ng mga international and local education experts natin in-address po namin dito sa bagong K-10 Program.

Una na dito ‘yung napakaraming learning competencies. So from approximately 11,000, napababa natin to 3,000 ang mga learning competencies. And sa key stages, Grade 1 to 3, dati seven subjects tayo, binaba natin sa five subjects with the focus on Math and Reading. And then ang Science natin papasok ‘pag Grade 4. Para na akong education expert ‘no?

Q: Thank you po.

Q: Hi sir, good morning po. Sir, sinusuportahan niyo po ba ‘yung pinapanukala ‘yung opening ng classes ibabalik sa dati sa pre-pandemic schedule? Thank you po.

PRESIDENT MARCOS: Ibalik ‘yung schedule ng pasukan? Pinag-uusapan nga namin. We were talking with the teaching staff here. Tinatanong ko sa kanila ano ‘yung preference nila.

Pinag-aaralan natin. The DepEd is in the process – sila sa kasalukuyan ay mayroon silang ginagawang study kung ano ba talaga ang pinakamaganda.

Siguro malaking tanong ‘yan. Hindi ganoon kasimple ‘yan kasi noong pinalitan natin, pinalitan natin ‘yung schedule dahil may pandemic, tapos ngayon naman climate change ang kailangan nating pag-usapan. Dahil sa schedule ngayon napakainit at pati ‘yung mga bata ay hinihimatay na. Kaya’t kailangan natin isama sa ating pag-aaral ‘yan kung ano ‘yung mga dapat gawin.

So, wala naman kaming preference, mas gusto namin ito, mas gusto namin ‘yun. Hindi naman. Titingnan lang talaga natin kung ano ‘yung pinakamaganda both for the kids, especially for the children, at saka sa mga teacher at saka sa mga administrative non-teaching staff. Dahil kailangan papapasukin natin sila mainit masyado, baka hindi na kayang gawin ang trabaho nila, magkasakit pa.

Q: Good morning, Mr. President. Sir, isa po sa mga ipinangako ninyo noong kampanya ‘yung pagtaas sa sahod ng teachers. Pero sa proposed 2024 National Budget po walang alokasyon para sa salary increase.

Kailan daw kaya ‘yung kanilang dagdag sahod?

PRESIDENT MARCOS: [inaudible]

VICE PRESIDENT DUTERTE: Yes, oo. Mayroon tayong increases sa Salary Standardization Law, in tranches ‘yun every year. And noong pagpasok namin last year, pag-upo ko, nag-utos si Pangulong Marcos na mag-procure ng study ng hindi lang yearly increase but the long-term outlook kung paano ba dapat ang increases ng suweldo ng ating mga teaching and non-teaching na DepEd personnel.

So, we are waiting for the result of that study na nandoon ‘yung increases and then nandoon din ‘yung pagkumpara niya sa inflation at sa mga economic indicators, forecast ng economic indicators sa mga darating na taon.

 

— END —