Interview

Interview with Presidential Spokesperson Salvador Panelo by Henry Uri (DZRH – ACS Balita)

URI:  Atty. Sal, magandang umaga po sa inyo; Henry Uri here.

SEC. PANELO:  Good morning, Henry.

URI:  Opo at siguro ay expected na ninyo ang ilan sa ating mga katanungan. Pero ang unang-una pong gustong malinawan po ng ating mga kababayan, Sec, wala na talagang unilateral ceasefire o hindi na tutugunan ng gobyerno, tama ba, ang holiday ceasefire ng NPA?

SEC. PANELO:  Ang pagkakaalam natin ang rekomendasyon ni Defense Secretary Lorenzana ay nandoon pa rin na walang ceasefire.

URI:  Walang ceasefire. So iyong operasyon ng militar ay hindi mahihinto at iyong anumang pakikipaglaban sa mga NPA kung saka-sakaling may engkuwentro ay wala na talaga pong puknat ito?

SEC. PANELO:  Ngayon, iyon ang desisyon.

URI:  Okay. Kasi sinasabi nga po ng Pangulo, talagang… sa talumpati niya sa Davao kung hindi ako nagkakamali, kagabi sinasabi niya ay kung maari lang isang araw, dalawang araw, tatlong araw ay ubusin na at pulbusin na ang NPA eh, ano ho. May ganoong statement, Secretary ano?

SEC. PANELO:  Hindi ko narinig iyong speech niya kahapon.

URI:  Pero iyon ho iyong, I think, isa sa content ng kanyang speech. Dakuhan natin iyon pong pinag-aawayan pa ring Road Board. Sec, for educational purposes lang. Bakit ba—para saan ba ginawa iyang Road Board na iyan at bakit tila maganda naman ang intension, eh nahaluan po ito ng anomalya?

SEC. PANELO:  Eh ang problema kasi nagagamit nga iyong pondo roon eh, kumbaga sa—ginagawa ng mga pulitiko sa ano ‘yan eh, ginagamit sa… like for instance sa eleksyon gagamitin nila iyan, sa halip na dapat mapunta sa mabuting proyekto, doon napupunta eh.

URI:  Tama ba, iyong Road Board na iyan ay ginawa, binuo para iyan ang mangasiwa ng pondo at implementasyon ng mga proyekto na ang perang gagamitin ay galing doon sa tinatawag na Road User’s Tax?

SEC. PANELO:  Kaya iyan ginawa para ma-maintain mo iyong mga daanan natin; at iyong Board na iyon, yun ang nangangasiwa sa pagdesisyon sa paglalabas ng pera.

URI:  Pero pinakikialaman po ito ng mga pulitiko, ika ninyo at ginagamit para sa mga pangsariling interest lamang?

SEC. PANELO:  Di ba sabi nga ni Secretary Diokno, iyan ang tinatawag niyang “cow cash,” “cash cow,” di ba pareho lang iyon. Cash cow, cow cash ganundin iyong dating doon. Ibig sabihin, iyong salita nating iyon ang ginagatasan, kinukuha ng mga pulitiko.

Sabi nga ni Presidente, ‘masyado nang malaki iyong pera diyan eh, ibalik na lang iyan doon sa Treasury. Kung gusto ng Kongresong gamitin iyon eh, ‘di gumawa sila uli ng panukalang batas, gumawa sila ng appropriation, para gamitin nila kung saan.’

URI:  Pero itong pondong ito ay hindi ho ito kaya mas mabuting i-divert na lamang, i-diretso sa DPWH, para sila na lamang ang magpatupad ng mga proyekto lalung-lalo na at ito naman ho ang flagship project ng gobyerno, iyong build, build, build, Secretary?

SEC. PANELO:  Hindi pupuwede sapagkat merong—iyong batas na iyon, specifically for maintenance purposes ng mga roads. Ang paggamit kasi ng pera kailangan ng Kongreso ang nagsasabi kung saan, meron kang specific law appropriating that fund for a specific purpose.

URI:  Eh kung bubuwagin po iyong Road Board, sino na ang mangangasiwa noong mga proyektong nakahanay po doon sa intension nung Road User’s Tax?

SEC. PANELO:  Di gumawa ng panibagong batas.

URI:  Ang Kongreso dapat ang gumawa ng panibagong batas.

SEC. PANELO:  Kongreso, kasi nga iyong pondong iyon, ibabalik mo sa Treasury eh, hindi pupuwedeng kumuha ng pera doon ng walang specific appropriation law galing sa Kongreso.

URI:  Pero iyong mga sangkot sa anomalya at sangkot sa korapsyon dito, sangkot sa paglustay ng pondo nito, ano ang gagawin ng Malacañang diyan, magi-imbestiga po ba at sasampahan ng kaso ang mga dapat sampahan ng kaso kung sino man po ang mapapatunayang lumustay ng pera?

SEC. PANELO:  Hindi ba iyon nga ang trabaho ng Departamento ng Katarungan, sila ang nagpa-file ng mga kaso laban sa mga naglabag, lumabag sa batas.

URI:  Marami, Secretary, sa inyong pagkaka-akala maraming mga pulitiko talaga ang nakinabang na riyan?

SEC. PANELO:  Iyan ang sinasabi ni Secretary Diokno, wala akong personal knowledge.

URI:  Kanina sa report nung aming reporter sa Kongreso. Sabi in Congressman Danny Suarez, hindi daw naman nila binastos si Secretary Diokno at wala daw silang intensyon na ganoon—

SEC. PANELO:  Alangan namang sabihin niyang binastos namin. Siyempre hindi niya rin aaminin iyon.

URI:  Nakausap n’yo na ba ng personal si Secretary Diokno at ano ang sabi niya sa inyo tungkol sa bagay na ito, nang pambabastos na ito?

SEC. PANELO:  Hindi. Hindi naman kailangan niyang sabihin sa atin; siguro naman napanuod mo iyon, Henry.

URI:  Yes.

SEC. PANELO:  It’s the manner by which they were asking, throwing questions to him and the manner by which they reacted to the answers, di ba iyong mga making faces, tapos may mga pasaring, ang dami eh.

URI:  Ang pagkakatanda ko pa roon, may binanggit pa si Congressman Suarez, na buti walang kidlat dito, parang ganoon?

SEC. PANELO: Hindi naman dapat sinasabi iyon.

URI: Ano ang inyong expectation sa isang co-equal body, kapag humaharap iyong mga taga-executive sa legislative, papaano dapat nila tinatrato kayo na mga miyembro ng ehekutibo?

SEC. PANELO:  Eh siyempre kailangan respeto. Ang respeto naman eh magagawa mo naman iyan sa pagtatanong. Hindi ba? Madali lang namang magtanong ng hindi mo hinihiya ang isang tao, hindi mo mina-mock, hindi ka gumagawa ng mga galaw ng mga mukha mo na nagpapakitang… pinagtatawanan mo siya, nabubuwisit ka sa kanya, di ba.

URI:  Sec, isang tanong na lang. Sa tingin ninyo nagmamalinis lamang itong mga congressman na ito?

SEC. PANELO:  Hindi. Ang tingin ko diyan—kasi naumpisahan iyan ni Senator Lacson, noong   binulgar niya iyong sa paniniwala niya insertions o actually amendments; na sa akin naman eh hindi naman masama iyon. Hindi ko malaman kung bakit siya nagre-react doon eh. Kasi iyong budget, iyon eh prinepara noong executive; at ang trabaho naman nila iyon ay repasuhin nila, titignan nila kung ano ang mga maling alignments. Ngayon, may nakita si Senador Lacson na may nilagay silang malalaking – sa akala niya ha – malalaking alignment doon sa pondo ng dalawang miyembro, nag-react naman sila. Hindi ko nga maintindihan bakit siya nagre-react eh. Eh trabaho ng Kongreso, ng House, para gumawa ng mga pagwawasto sa akala nila ay mali.

URI:  Check and balance.

SEC. PANELO:  They reacted to that. Noong ni-react nila, isinalang naman nila si ano… pinagbabato na nila si Diokno.

URI:  Check and balance kumbaga, trabaho ng senado rin iyan. Anyway, Secretary Sal, holiday na tayo, may briefing pa ba tayo sa mga susunod na araw?

SEC. PANELO:  Mamaya, kaya dapat present ka.

URI:  Oo, may economic briefing mamaya with Secretary Diokno rin ano.

SEC. PANELO:  Hindi ko alam na naimbitahan si Secretary—

URI:  Meron tayo mamaya. Anyway, Secretary Sal, maraming salamat sa inyo, see you later.

SEC. PANELO:  Sige, salamat, Henry.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)