Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ted Failon (Failon Ngayon-DZMM)

TED: Sec. Harry, good morning, sir.

SEC. ROQUE: Manong Ted, magandang umaga po at magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa atin ngayon.

TED: Sec, meron pong binanggit ang ating Pangulo upon arrival po sa NAIA from Seoul. Iyon daw pong there will be changes in the coming days, including public order and security. Ngayon po sa pahayagan, meron pong sinasabi iyon pong national emergency declaration, meron na pong mga ganoon haka-haka. Sir, can you inform us, ano po ba itong pinanggagalingan ng Presidente at kailan kaya ito at saan po tayo patungo rito?

SEC. ROQUE: Well siguro po, iyon po ay sintemyento ni Presidente na hindi pa sapat talaga ang ating nagagawa para doon sa problema ng kriminalidad, peace and order and corruption. So sinabi po nya iyang state of national emergency pero tayo po ngayon ay nasa martial law pa ano.

So tingin ko po ang sinasabi ni Presidente lalo pa niyang paiigtingin ang laban sa korapsyon at laban sa kriminalidad. Ang konteksto po kasi niyan—eh alam n’yo naman nagbabasa din naman ang Presidente ng mga bali-balita naambag ata si Presidente doon sa mga balita na may isang buntis na sinaksak nanaman ng isang tao na umamin na nasa impluwensiya ng droga. So parang—marami tayong ginagawa rito sa kampanya laban sa droga pero parang hindi pa ito sapat at lalong paiigtingin.

At kanina nga lang po nakipaghuntahan na ako kay General Albayalde kung ano ba itong mga bagong hakbang na gagawin natin para paigtingan nga itong krusada po laban sa kriminalidad.

TED: All right, sige po. Sir, ito ho maganda po siguro kayo na ho ang mag-react dito sa ating texter. I think iyong kanya pong tanong po ay ano, valid ho naman. Sa konteksto din po ng kanyang pag-unawa siguro nga dito po sa binanggit ng Presidente.

Galing po kay Ralph ng San Pedro, Laguna. Sabi niya, mismo si Pangulong Duterte nagsasabi na grabe raw po ang kriminalidad ngayon, nagbabala na naman siya ng isang plano. Ibig sabihin tanggap niya iyong failure niya sa bagay na ito na kanyang ipinangako during the campaign to curb criminality?

SEC. ROQUE: Hindi naman po, pero ito po ay pagkilala talagang isa po ito sa kanyang pinanindigang pangako na talagang tapusin itong laban sa droga, ipinagbabawal na droga at i-promote nga at ipatupad ang ating batas.

So siguro po ang tinatanggap niya ay merong room for improvement at ang sinabi nga niya binabalaan niya lahat ng mga criminal, eh parang you ain’t seen nothing yet ‘no. Parang hindi talaga ginagamit ng lahat ng lahat-lahat ng gobyerno ang kapangyarihan at pagkilos sa problemang ito.

TED: Well said, sige po. Sir, as a lawyer, bilang abogado. Ano ho ba ang mga grounds para po magdeklara ng isang national emergency?

SEC. ROQUE: Well, linawin ko lang po. Kasi tatlo po iyang kapangyarihan ng Presidente bilang Commander-in-Chief: iyong calling out powers na tinatawag, iyong suspension of the writ of habeas corpus at saka iyong declaration of Martial Law.

Ang pinaka-least intrusive, iyong pinakakaunti po na magkakaroon ng epekto eh iyong calling out powers, kasi tinatawag lang natin iyong Hukbong Sandatahan para gawin iyong mga trabaho ng mga civilian na mga kapulisan.

At iyong Martial Law nga po ay talagang pupuwedeng substitute talaga ang mga militar doon sa mga civilian institution, pero mayroong mga [unclear] po diyan, iyong invasion at saka iyong mga rebellion.

So ang state of national emergency lang po, kung meron pong threat of lawless violence. Pero ang sabi ko nga po siguro parang hyperbole nanaman po iyan kasi ngayon po eh pinapatapos lang po natin ang Martial Law ‘no, so ito na po iyong pinaka-intrusive sa lahat kapangyarihan ng ating Presidente. Pero to highlight na ang focus naman ngayon ay kriminalidad, hindi lamang po doon sa nagaganap na rebelyon doon sa Mindanao, eh nagbabala na naman po ang Presidente na talagang itigil na iyan at gagawin lahat ng kapangyarihan ng gobyerno.

TED: Sige po, salamat sa paliwanag Attorney. Huli pong punto, sir wala bang bagong sisibakin?

(communication cut)

SEC. ROQUE: (garbled)

TED: Sir, ang tanong ko po, meron po bang naka-schedule na naunsyo, meron po bang bago?

SEC. ROQUE: Wala po pero asahan po ninyo iyan, parang kabahagi ng ating pang-araw-araw na buhay at sa dami po ng mga nasisibak talaga.

TED: I see. So abangan na lang po namin siguro ‘no. Kasi nga sabi ninyo doon sa Customs, oh ito, meron pala siyang mga intelligence officers po sa mga government agencies. Salamat, Sec. Mabuhay po. Thank you.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, magandang umaga po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource