Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Orly Mercado (DWFM – All Ready)

Event Radio Interview

ORLY:  Secretary Harry, good morning.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga sa mga nanunuod sa atin.

ORLY:  Okay. We posed the question to you—teka muna, ano ba itong nangyari…Facebook ngayon we understand, nakikita naman natin. Kahit sa Estados Unidos, the spotlight is on Facebook. Ano ba ang pinaghuhugutan nitong problema nila?

SEC. ROQUE:  Opo. Well alam n’yo kasi bigla talaga kasing naging kabahagi ng buhay ng mga tao sa buong mundo itong Facebook. At bilang isang medium ng komunikasyon ay talagang ginagamit ng tao ito para makakalap ng mga impormasyon. At ang isang naging problema naman diyan na talaga naman dapat aminin natin ay dumadami iyong fake news diyan at ako mismo ay naging biktima, dalawang beses. Isang beses nabiktima ng fake news at iyong isang beses napaniwala ako sa isang balita na fake news naman pala.

Kasi talagang iyong mga web pages diyan sa Facebook ay nagbibigay din ng mga fake news eh, kung talagang babasahin mo parang totoo.

ORLY:  Professional ang pagkakagawa.

SEC. ROQUE:  Talagang professional ang pagkakagawa. So, talagang kinakailangan din na merong gawin.

Ang naging posisyon lang ng Malacañang at naging posisyon ko na rin ay tutol kami kung magsasabatas tayo ng solusyon dito sa fake news, dahil ito po ay ipinagbabawal ng ating Bill of Rights, no law shall be passed abridging freedom of expression. So napakalinaw po niyan, hindi magagawa iyan sa pamamagitan ng batas. So kinakailangan po talaga iyong mga medium of communication, iyong platforms na tinatawag gaya ng Facebook, sila na ang magbantay kung iyong kanilang platform ay ginagamit sa pagpapakalat ng fake news.

ORLY:  So iyong prinsipyong self-regulation na matagal na actually.

SEC. ROQUE:  Oo, self-regulation. So, kami ay sang-ayon doon sa ginawan ng Facebook na sila na mismo ang magbabantay. Ang hindi lang kami sang-ayon ay bakit naman ang kinuha ay talaga namang napaka-partisan naman. Alam naman natin na talagang anti-Duterte ang Rappler at saka ang Vera Files.

Ang hirap diyan, kapag ikaw ay isang partisan na anti-gobyerno ay lahat nung pabor sa gobyerno sasabihin mo fake news at lahat ng mga laban sa gobyerno lamang ang kikilalanin mong totoong balita. At malinaw naman po iyan, lalung-lalo na sa kaso ng Rappler.

ORLY:  So, in this particular case, wala naman tayong—mako-kontrol ba natin itong desisyon ng Facebook or is that… you know, doon sa mga merong reklamo katulad ng sinabi ninyo, what recourse do we have or is it just an appeal for you know, for a more what is… a more partisan—less partisan fact checker?

SEC. ROQUE:  Well, market forces po iyan, law of supply and demand. Kailangan ang mga Pilipino bilang number one sa penetration ng Facebook ay magreklamo, na bagama’t tama iyan na maglagay kayo ng truth police, ang ilagay n’yo naman iyong walang kinikilingan. Wag naman iyong halatang-halata na dilawan at magiging fake news ang mga sasabihin ng pro-Duterte dahil sila ay mga dilawan. So, iyon ang dapat gawin ng mga supporters ng Presidente: Iparating saFacebook na hindi katanggap-tanggap na partisan, dilawan iyong mga itinalagang fact checker or truth checker ng Facebook.

ORLY:  Meron silang statement na inilabas. Sinasabi nila na they are talking about reality based on facts, sabi nila that’s what keeps our conversation vibrant, sacred iyong facts. And sabi nila, it is not about Rappler, sabi niya, iyang to take giant—put in place mechanisms that would help weed out unfiltered lies that we have been getting in our social feeds from ano—

SEC. ROQUE:  Tama po iyon. Pero dito sa Pilipinas, wala pong magsasabi na patas ang Rappler at saka Vera Files. Sila po talaga ay kalaban ng Duterte administration, huwag na po tayong magpaligoy-ligoy pa. Kaya nga po ang kanilang persepsyon kung ano ang katotohanan ay nakukulayan ng kanilang paniniwala. Lahat ng pabor kay Duterte ay sa tingin nila ay fake news at ang ilalabas nilang balita lamang na totoo ay iyong mga laban kay Presidente Duterte.

ORLY:  Sinasabi nila ay hindi raw perfect nga iyong process, pero sila’y… they were established in 2012 and they believe in the ultimate wisdom of the crowd.

SEC. ROQUE:  Well, kaya nga po ang sinasabi ko doon sa mga supporters ni Presidente Duterte na gumagamit ng Facebook, iparating ang kanilang damdamin at kung hindi marinig iyan ay iyon na nga ay lumipat. Dahil sa buong daigdig naman napakalakas noong movement na ‘delete Facebook’, sa Amerika, sa ibang parte ng daigdig dahil nga doon sa privacy glitch na nangyari, ginamit ang impormasyon ng mga gumagamit ng Facebook na walang pahintulot. At dito naman sa Pilipinas iyong kanilang truth police ay dilawan.

So sa akin ay pag dumating sa puntong iyon, let market forces (unclear), tingnan natin kung saan mapupunta ang Facebook.

ORLY:  Pero sinasabi nila, meron daw mga state sponsored attacks against them.

SEC. ROQUE:  Hindi ko po alam kung paano mangyayari iyong mga state sponsored attacks, dahil ako mismo po inatake ng mga bloggers na pabor kay Presidente Duterte. Ang punto ko po, kung talagang state sponsored po iyon, dapat nakakumpas na si Presidential Spokesperson po hindi dapat inatake. Hindi totoo iyan. Talaga pong mga die hard supporters lang iyan at hindi mo madidiktahan iyang mga iyan kung ano ang gusto nilang sabihin.

ORLY:  Okay, well thank you very much, Secretary Roque at in fairness, kami we are saying that—we are trying to get in touch with Rappler para they can also bring out their side. But thank you very much.

SEC. ROQUE:  Oo, kasi naman po, kasinungalingan naman iyong sasabihin nila na hindi sila kalaban ni Duterte, halatang-halata naman. Sige po, maraming salamat.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource