Interview

Interview With Presidential Spokesperson Harry Roque By Maricel Halili (DWFM – All Ready)

MARICEL:  Sir, magandang umaga.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga; at naging maganda si Ka Orly ngayong umaga.

MARICEL:  Naging babae.

SEC. ROQUE:  Oo nga. Naku, wag kang male-late mamaya.

MARICEL:  Sec, hindi, on time tayo. Marami tayong issues na pag-uusapan. Pero, sir ngayong umaga magpo-focus lang po muna ako doon sa usapin ng fake news. Alam ko po you are very vocal about dito sa isyu ng fake news. Pero once again, napag-usapan na naman siya kahapon sa Senado and you have some concerns po pagdating po dito sa panukalang ito, tama po, sir?

SEC. ROQUE:  Madami po. Unang-una, iyan po ay labag sa Saligang Batas. Ang sabi po ng Saligang Batas, ‘there should be no law abridging on freedom of speech.’ Hindi naman sinabi doon na ‘except fake news’ ‘no.

Lahat po protektado ng ating Saligang Batas at hindi lang mga mamamahayag ang may ganyang kalayaan, dahil hindi naman sinabi na ang proteksyon ay para lamang sa freedom of the press, it’s no law shall be passed abridging freedom of the press and of expression ‘no. So iyan po ang aking unang-unang problema diyan.

Pangalawang problema ko po diyan, eh sino ang magsasabi kung ano ang fake news. Iyong isang kaso na nadesisyunan ng Supreme Court, ako po ang nag-argue diyan. Ang sabi doon sa kinuwestyun namin ‘is calling upon the police and military to deal with acts of terrorism.’ Eh sabi ng Korte Suprema, kung walang depinisyon nang terrorism—eh ang isang terorista ay pupuwedeng isang bayani ‘no sa isang tao at terorista sa isa. At ang ginamit na ehemplo ng ating Supreme Court iyong nagaganap na gulo ngayon sa Gitnang Silangan na ang mga Palestino minsan tinatawag na terorista ng mga Hudyo, tinatawag naman na mga martir at bayani ng mga Palestino ‘no.

So, ganyan din iyan lalo na kapag usaping pulitika. Siyempre ang katotohanan kung ano iyong tama, kung ano iyong mali eh, dedepende rin sa iyong paniniwala at dedepende minsan kung sino iyong… anong partido mo, kung ano ang alyansa mo ‘no. Sino ngayon ang uupong huhusga na sino ang nagsasabi ng katototahan.

Pangatlo, ang pagbibigay ng proteskyon kasi doon sa kalayaan ng malayang pananalita, eh para mapaprotektahan iyong malayang merkado ng ideya. Kasi ang mga tao naman matalino iyan, kaya nilang malaman kung ano iyong katotohanan, ano ang kasinungalingan.

So—dahil importanteng-importante ang malayang merkado ng ideya, kinakailangan hindi lang iyong actual na panunupil ang pinagbabawal, kung hindi kahit anong bagay na magiging dahilan para magkaroon ng chilling effect doon sa pag-exercise ng karaparatan na ipinagbabawal.

Kaya nga maski walang pagkakakulong, basta iyan ay criminal in nature pa rin at meron pa ring pinapataw na parusa ay puwedeng magkaroon ng chilling effect doon sa exercise of the freedom of expression. Dahil ang ating assumption kinakailangan debate talaga, malayang debate. So parang ang nangyayari sa Pilipinas, wala na tayong ginawa kung hindi magdebate ng magdebate ‘no hanggnag malaman natin kung ano ang katotohanan.

At siyempre iyong last na punto ko, eh bakit mo naman isi-single out ang gobyerno. Kasi alam mo, sa batas tinatawag na palatuntunan. Iyong tinatawag na rational basis din. So ang unang tanong diyan: is it germane to the purpose to the law? Sa Tagalog: ito ba ay alinsunod doon sa dahilan kung bakit binubuo ang isang batas?

Bakit tayo nagbubuo ng batas laban sa fake news, hindi para parusahan ang mga taong-gobyerno, kung hindi para itaguyod ang katotohanan.

Ang tanong: taong-gobyerno lang ba ang merong obligasyon na itaguyod ang katotohanan? Di ba lahat tayo may ganyang obligasyon. Eh bakit ang papatawan lang natin ng parusa eh taong-gobyerno? Hindi siya germane to the purpose of the law.

So, iyan po ay labag din sa equal protection of laws.

MARICEL:  Pero, sir, ano iyong tingin ninyo na paraan to resolve these issues on fake news. Kasi ang sinasabi nga po kanina ni Senator Trillanes siya mismo daw naging biktima, kung anu-ano daw iyong sinasabi sa kanya ni Presidente. So, paano natin ito tutugunan?

SEC. ROQUE:  Well, alam n’yo po, ako din naging biktima rin ng fake news. Alam mo naman iyan sa Malacañang Press Corps. Di dalawang halimbawa na iyong naiisip ko diyan ‘no.

Unang-una ‘no, meron naman talagang remedyo diyan, civil in nature, magkaso ka ng civil case para sa danyos. Pangalawa, puwede ka rin namang… kung talagang masama iyong mga sinasabi, puwede kang mag-injunction, puwede mong ipatigil, although mahirap makakuha niyan dahil nga doon sa freedom of expression.

Tapos iyong sinasabi ng mga mamamahayag, ‘it’s not legislation, it’s better journalism’ ‘no. Magkaroon ng mas malawakang training hindi lang naman sa mga mamamahayag kung hindi sa taong gobyerno rin. Kung ang mga mamamahayag ay binibigyan ng training on better journalism, eh di let’s do trainings also for better government service lalung-lalo na iyong mga involved sa government communication.

MARICEL:  Ayon, okay, sir. Maraming-maraming salamat po sa inyo.

SEC. ROQUE:  Ay, see you later, Maricel.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource