Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Tutok Erwin Tulfo- Radyo Pilipinas)

ERWIN: Magandang umaga po, Secretary Roque, sir.

SEC. ROQUE: Magandang umaga na Lodi Erwin at magandang umaga rin po sa mga nakikinig sa atin ngayon.

ERWIN: Sir, reaksiyon ninyo lang—bilang abogado ha, not as Secretary kundi as a lawyer. Tama po ba iyon, iyong naging desisyon ni Maria—ni Conchita Carpio Morales na usurpation instead of malversation na isinampa ng Bayan Muna at Bayan laban kay Noynoy Aquino, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, unang una, Erwin, ako po iyong nagdala sa Korte Suprema para mawalang bisa iyang DAP at tayo naman po sinang-ayunan ng Korte. Ang nakapagtataka nga lang po siguro apat, limang taon na ang nakalipas eh bakit ngayon lang nagkaroon ng kasong ganito ‘no. Para bagang ang gustong sabihin ng Ombudsman Morales na bago ako umalis sinampahan ko si Noynoy Aquino. Pero ang kasong isinampa niya ay kung mako-convict, pagkakakulong ng 6 months na probationable, ibig sabihin walang kulong.

At tama po kayo, ang sabi naman ng Korte Suprema ‘no, hindi lang nag-usurp ng authority noong ginastos ang pondo na hindi sangayon sa General Appropriation budget. Sa tingin ko dapat mayroon ngang malversation. Kasi ang malversation hindi naman kinakailangan talaga na sa lahat ng pagkakataon mayroon kang monetary benefit ‘no. Puwede naman nating ipakita na dahil nga ito ay ginamit pambili ng boto laban sa dating Chief Justice at para bumili ng kakampi na iyan ay kontribusyon din at pupuwedeng dapat naging basehan ito malversation.

ERWIN: Tingin ng ilan Secretary Roque, sir, na ito ay maneuver ito ni Conchita Carpio Morales para ma-absuwelto si Pinoy at hindi makulong dahil kung masasampahan ulit ng kaso hinggil dito ay baka ma-double jeopardy na, Secretary?

SEC. ROQUE: Hindi ko na po siguro alam iyan at ako mag-eespeculate. Ang sa akin naman po, for what it’s worth, mayroong nagsampa rin ng kaso laban kay Pinoy bagama’t nais nating mas malakas sana ang kaso at mas seryoso sana ang kaso ang isinampa. Mayroon pa rin for the record na lumabag sa Saligang Batas ang dating Presidente ‘no. So siyempre mas ginusto sana natin kung talagang makukulong siya doon sa kaso na isinampa laban sa kaniya kung mapapatunayang siya ay guilty. So lahat naman po iyan may due process, hindi pa naman siya guilty, hayaan nating madepensa ang sarili niya. Pero sa tingin ko dapat talagang pag-aralan kung walang malservation dahil sa tingin ko mayroon pa ring benepisyo na natanggap ang Presidente maski hindi siya nakatanggap ng pera doon sa DAP dahil suporta naman para sa kaniya ang natanggap niyang konsiderasyon.

ERWIN: ‘Di po ba sir—matanong lang kita Attorney, kayo ho ay naging professor din, Secretary, sa law school. Technical malversation kahit na wala kang binulsang pera pero minis-appropriate mo, ibig sabihin hindi mo ginasta iyong pera ng gobyerno sa paggagastahan, ginasta mo bagama’t another project din. That’s considered technical malversation?

SEC. ROQUE: Well, wala po kasing krimen na technical malversation; pero tama po kayo iyong spending of funds na hindi sang-ayon sa national budget, iyan ay a form of malversation na dahilan para siya ay dapat litisin for malversation at hindi dapat usurpation Dapat po dalawa iyan – malversation at usurpation.

ERWIN: Sir, maiba tayo, quickly lang ha. Iyong ipinag-utos ng Pangulong Duterte na bilisan na itong resolution dito sa hinawakan ninyo ring kaso itong sa Maguindanao massacre. Ano ho ba iyon?

SEC. ROQUE: Ang marching order niya sa mga fiscal ay siguraduhin naman na itong taon na ito ay matapos, magkaroon ng desisyon laban sa ilan sa mga nasasakdal diyan. Alam niyang napakahirap na ma-convict iyong halos almost 100 na mga nasasakdal pero siguro naman isa, dalawa, tatlo ‘no; at ang kinakailangan lang naman natin isa para makulong silang lahat. So gawin ang lahat na puwedeng gawin ng prosecution para mangyari ito.

ERWIN: Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson. Sir, maraming salamat. Magandang umaga. Mabuhay po kayo Secretary.

SEC. ROQUE: Maraming salamat lodi.

ERWIN: Thank you.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource