Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Tutok Erwin Tulfo)

TULFO: Magandang umaga po, Secretary Harry Roque, sir.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Erwin. At sa ating mga tagapakinig, magandang umaga po.

TULFO: All right. Sir, tama po iyong ginawa ng Pangulo, so ibig sabihin nito, totally hindi na tayo magdi-deploy ng mga OFW sa bansang Kuwait na iyan, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, ang nangyari po ay nagkaroon tayo ng total deployment ban. At ang inaasahan para ma-lift iyang ban na iyan ay iyong kasunduan, iyong MOU. Eh dahil mukhang wala pong kasiguruhan na mapipirmahan iyan, so mananatili po ang deployment ban papunta sa bansang Kuwait.

TULFO: Lahat po ito, Secretary? Hindi lang po iyong domestic helper, kung hindi lahat po ng trabaho ay hindi na tayo magpapadala? Tatapusin na lang ba ang kontrata ng mga iyon, sir?

SEC. ROQUE: Well, lahat po ngayon, hindi na tayo magpapadala hanggang wala pong MOU. Iyan po ang binitawang salita ng ating Presidente.

TULFO: Ano po ang nag-trigger, Secretary, may I ask? Ikaw po ay laging nasa tabi ng Pangulo at kayo po ay spokesperson, ano po ang nag-trigger dito na suddenly—hindi ho ba naka-ready na tayo ng MOU signing, etc., everybody is upbeat na okay na, naayos na itong gusot with Kuwait. Pero what triggered the President to make such a tough decision, sir?

SEC. ROQUE: Well, alam mo, kung maalala mo ay humingi na ng paumanhin itong si Secretary of Foreign Affairs kung mayroon man tayong kakulangan kasi hindi naman tayo nag-sorry doon sa pagpuprotekta sa ating mga kababayan, katungkulan iyan ng estado. Iyon lang, kung anuman iyong tingin niya na mayroon tayong pagkukulang ‘no, iyong mga video-video na iyan. Pero ang punto, hindi natin pupuwedeng isara ang mga mata natin doon sa mga pag-aabuso.

So bagama’t nag-sorry na at nagkausap na iyong Ambahador at saka iyong ating Presidente, akala natin plantsado na lahat ng gusot, inanunsyo ko na sa Malacañang na wala ng problema, eh nagulat tayo na pinauwi iyong ating Ambahador. So ito po iyong punto na sabi ni Presidente, ‘Ayaw kong makipag-away sa Kuwait.’ Mahinahon naman siya, hindi niya inaaway ang Kuwait. Nagpasalamat pa siya sa lahat ng tulong na ginawa ng Kuwait, iyong mga trabahong binigay niya sa atin. Pero talagang hiningi na niya sa ating mga kababayan, umuwi na kayo. Kasi kung wala ho tayong MOU ay wala talaga silang proteksyon doon sa Kuwait ‘no. So iyan po ang mga puno’t dulo ng mga pangyayari.

TULFO: At ini-scrap na ho yata, I mean, ng Pangulo, tinabi na itong MOU sana na pipirmahan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, sabihin na lang po natin, hindi natin malalaman kung ano talaga ang mangyayari diyan at dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari diyan, hindi pa tayo pupuwedeng magpadala ng mga manggagawa sa Kuwait.

TULFO: All right. Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson. Sir, maraming salamat. Magandang umaga. Mabuhay po kayo, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Erwin.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource