Interview

Interview With Presidential Spokesperson Harry Roque By Erwin Tulfo (Radyo Pilipinas – Tutok Erwin Tulfo)

ERWIN:  Idolo ko ito eh, nakikipagsagutan ito. Walang iba kung hindi si Secretary Harry Roque. Magandang umaga po Secretary Harry Roque, sir.

SEC. ROQUE:  Erwin magandang umaga; at magandang umaga sa lahat ng nakikinig sa atin.

ERWIN:  Alright. Sir, eh marami pong nangangamba at natatakot dito sa pagbitiw ng Pangulo ng ika nga iyong warning na ‘radical change in the coming days’. Ano raw ho ba ang ibig sabihin ng Pangulo nito, ito po ba ay martial law na naman o ito po ba ay matinding kapangyarihan, kamay na bakal? What is this Secretary Roque, sir?

SEC. ROQUE:  Well unang-una, lininaw na po ng ating Presidente na ang martial law po nationwide ay out of the question. Sabi niya, ‘that is too complicated.’ So ang martial law po limitado pa rin hanggang Mindanao lamang.

Pangalawa po, iyong state of national emergency na ipinataw noong 2016, hanggang ngayon po ‘yan po ay hindi pa nali-lift ‘no. So tayo po ngayon ay nasa state of national emergency pa rin, at dahil po riyan ay tinatawagan o binibigyan ng papel ang ating Hukbong Sandatahan para po doon sa mga bagay-bagay na dati kapulisan lang ang pupuwedeng manghimasok ‘no.

So ang sinasabi lang po siguro ng Presidente ay paiigtingin pa itong krusada laban sa kriminalidad, dahil nahabag po talaga si Presidente doon sa pagpatay doon sa mga piskal natin, lalung-lalo na iyong babaeng piskal ‘no… ano nga bang pangalan—anyway, iyong babaeng piskal po ng Ombudsman na limang buwan pong buntis ‘no. At ang pumatay, as usual drug addict na naman. So parang—bagama’t tayo po ay walang hupa sa kampanya laban dito sa mga drug addicts, mga drug pushers eh patuloy pa rin nagkakalat ng lagim ‘no.

Kaya ‘yan po ang konteksto ng sinabi ni Presidente na there will be major efforts naman na gagawin ‘no para po labanan ang kriminalidad at iyong mga krimen na dulot ng ipinagbabawal na gamot.

ERWIN:  Napapansin po siguro ng Pangulo din, sir—eh kayo rin ho, ano po ang reaksiyon ninyo; mukhang sunud-sunod din po itong accomplishments ng PNP lalo na po doon sa NCR, iyong mga tulak ng droga? Kanina may patay na naman, nanlaban; iyong mga holdaper din sa Timog na nambibiktima ng mga gumigimik napatay din ng mga otoridad dahil armado ho sila at sunud-sunod po itong accomplishments ng PNP-NCR under its new leader na si Gen. Eleazar. Ano po ang reaksiyon ninyo rito, Secretary?

SEC. ROQUE:  Nagagalak naman po kami ni Gen. Albayalde, at talagang napapatunayan niya na siya po’y maaasahan. Kaya naman po, kampante si Presidente na pupuwede tayong magkaroon na naman ng mga major efforts ‘no laban sa mga kriminalidad dahil no non-sense po talaga itong si Gen. Albayalde.

ERWIN:  Sir, panghuli na lamang, I will ask you this as a lawyer. Sinabi po ni Gen. Albayalde kahapon na itigil na raw iyong pagpaparada ng mga suspek sa mga press conference dahil nilalabag daw po nito ang karapatan nila… ang karapatang pantao, and of course iyong mabigyan sila ng due process. Ano po ang basa ninyo rito, as a lawyer, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, respetado po natin kung ano ang desisyon ni Chief Albayalde ‘no. Sa akin po either way puwedeng ma-justify ‘yan. Pero kung si Gen. Albayalde ay ganyan ang polisiya, siya naman po ang hepe ng Kapulisan, eh respetuhin natin ang kaniyang polisiya.

ERWIN:  Sir, panghuli na lamang ano po. Ang sabi po ni Gen. Oscar Aquino, they are asking for more time para ma-revalidate and validate iyong kanilang bagong listahan po ng narco-list na according to some sources, eh mayroon daw pong ilang mambabatas na kasama doon sa listahan. Ano ho ang take ninyo dito, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, sa tingin ko eventually ang Presidente isasapubliko ‘yan, pero sabi niya pag na-validate. [Baka] tayo ay mapulaan sa pag nagkamali ‘no. At para rin maprotektahan iyong mga biktima siguro ng pagkakamali. Pero tingin ko matapos ma-revalidate ‘yan, may karapatan ang taongbayan malaman kung sino ‘yong nasa listahan na ‘yan.

ERWIN:  Secretary Harry Roque, maraming salamat po. Happy Independence Day, Sec.

SEC. ROQUE:  Happy Independence Day, Erwin.

ERWIN:  Thank you po. Alright, si Secretary Harry Roque po bayan…

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource