Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live-Radyo Pilipinas)

Event Press Briefing
Location Malacañang Press Briefing Room, New Executive Building

 

ERWIN: Samantala, nasa linya rin po si Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson. Magandang umaga po, Secretary Roque!

SEC. ROQUE: Magandang umaga. Yes, magandang umaga po.

ERWIN: Sir, eh pinapalayas na raw iyong ating Ambassador. Ano po ang aksiyon na gagawin dito ng pamahalaan? Susunod po ba?

SEC. ROQUE: Eh, wala pa po akong nalalaman na susunod na aksiyon, bagaman at tayo po ay nababahala at akala natin naayos na ang gusot dahil si Presidente na mismo ang nakipag-usap sa Ambassador ng Kuwait. At humingi naman ng tawad pa si Secretary of Foreign Affairs Alan Cayetano, kaya ang buong akala natin ay we can move forward doon sa ating samahan. Pero ang pangyayari pong ito ay talagang nakakagulat, at ang problema po ngayon kasi, lahat po kami papunta ng Singapore at si Presidente po konting mahuhuli kasi mayroon pang speaking engagement sa mga Mason sa Davao.

So wala pa pong malinaw na marching order kung anong susunod na hakbang ng ating gobyerno, bagama’t sa tingin ko po eh naintindihan din natin ang mga pangyayari, dahil alam naman natin na—kaya nga kinakailangang humingi ng paumanhin eh medyo nasaktan nang kaunti siguro—hindi lang kaunti, nasaktan talaga iyong mga Kuwaiti. Hindi natin sinasabi na tama o mali tayo, dahil ang ating Presidente naman eh talagang pinaninindigan niya iyong kapakanan ng ating mga OFWs. So, iyan po ay non-negotiable naman din. Pero siguro iyong mga pamamaraan, eh pupuwedeng magkaroon ng improvement sa mga susunod na mga pagkakataon.

So sa akin po ay—ako naman po ay kampante na makakausad tayo pagkatapos nito. Siguro ho ay kinakailangan talagang magkaroon lang ng ekspresyon iyong kanilang damdamin sa pamamagitan ng recall ng ating Ambassador. Oo, pero hindi pa po ako sigurado kung ano iyong susunod na hakbang. Iyong narinig ko po yata kay Congressman Bertiz na reciprocity, ay wala pa po akong naririnig na ganiyang balita. Huwag po tayong magbitaw ng salita dahil ang tanging makapagsasalita sa bagay na iyan ngayon ay si Secretary of Foreign Affairs, si Alan Cayetano.

ERWIN: Alright. Sir madagdag ko lang, matutuloy pa rin ba iyong pirmahan ng MOU, Memorandum of Understanding? Eh hindi ba papatulak si Pangulo sana doon?

SEC. ROQUE: Well ang pagkakaintindi ko, kahapon eh naayos na nga ang gusot at ang parehong panig ay [choppy line]…magpipirma ng Memorandum of Agreement. So ngayon po, iyon pa rin ang pagkakaalam ko [choppy line]… So, hahayaan lang natin siguro na huminahon, na mga otoridad ng Kuwaiti at pagkatapos na huminahon na sila ay tingin naman, pareho tayong magpapatuloy sa ating samahan.

ERWIN: Maraming salamat po Secretary Harry Roque, Presidential Spokesperson. Mabuhay po kayo, Sec.

SEC. ROQUE: Ay bago ko makalimutan, pinatawag din ni Secretary of Foreign Affairs iyong Ambassador ng Kuwait para magbigay din ng eksplanasyon dahil ang buong pagkaka—[choppy line]…

ERWIN: Tama, tama. Eh para patas lamang. Eh maraming salamat po, Secretary Harry Roque. Good morning po.

SEC. ROQUE: Good morning po.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource