Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Dexter Ganibe (DZMM – Pasada Sais Trenta)

DEXTER GANIBE:  Secretary, magandang hapon.

SEC. ROQUE: Dexter, magandang hapon at congratulations sa raket mo ngayong hapon at wala ka dito sa DFA. [laughs].

DEXTER: Hindi napaghandaan iyon. [laughs]. Pero Secretary kidding aside, iyong—ito medyo—sabagay may mga nasagot na ho kayo kanina doon sa press briefing natin kanina. Para doon sa mga kaka-tune in lamang po ngayon sa DZMM. Doon sa statement ninyo po kaugnay doon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagsita sa mga tambay. Go ahead Secretary.

SEC. ROQUE: Well, ang sinasabi lang naman po ni Presidente, kinakailangan ma-increase ang visibility ng kapulisan at mapatupad iyong mga umiiral na mga ordinansa. Mayroon kasing mga lokal na pamahalaan na nagkakaroon ng curfew para sa mga menor de edad. Iyan po ay ipapatupad ng pulis at ang ninanais lang naman niya, siyempre kinakailangan may impormasyon naman iyong mga pulis kung sino iyong mga huhulihin na mga tambay. Hindi naman pupuwede na nakatayo lang na wala namang criminal record o hindi naman kilalang mga tao na talagang tumatambay lamang ay hindi po huhulihin ng walang dahilan. So ang layunin lang po talaga ng Presidente ay maiwasan ang krimen sa pamamagitan po ng increase of police visibility.

DEXTER: Maglalabas po ba ang Malacañang ng isang Executive issuance para dito, para mabigyang linaw iyong… tawag dito… iyong papaano ang diskarte, papaano ang ‘pag-deal sa ganitong sitwasyon lalo na doon sa utos na pagsita sa mga tambay?

SEC. ROQUE: Hindi po inintindi ng Presidente iyan, nandiyan na po iyong DILG o hindi naman kaya PNP.

DEXTER:  So it’s either DILG na lang ang pupuwede?

SEC. ROQUE:  Oo at kanina iyong tanong nga eh iyong paano naman iyong mga posibleng paglabag sa karapatang pantao ‘no. Eh mayroon naman po tayong Saligang batas diyan na sinusunod ng lahat, so kinakailangan po kung mayroong maling ‘pagkakadetina o pag-aresto eh pumunta kaagad sa hukuman o hindi naman kaya maghain ang Presidente iyong tinatawag na ‘Writ of Amparo.’

DEXTER:  Secretary, may mga lumalabas ho na mga haka-haka, hindi ito pe-prelude na sa martial law?

SEC. ROQUE: Hindi po dahil iyan naman po ay problema sa tambay at talaga naman pong matagal na pong problema ng mga lokal na pamahalaan. So sa akin po remote naman po iyang posibilidad na iyan. At gaya ng aking sinabi ang Presidente po ay abogado, hindi naman niya layunin na taong lalabag sa batas dahil lalung-lalo na siya, alam na alam po niya ang criminal law dahil sampung taon po siyang naging fiscal bago maging mayor.

DEXTER: Sa ibang usapin naman po, Secretary, alam ko parang dumating na yata si Pangulong Duterte diyan sa DFA? Ito lang kumustahin lang natin iyong peace talks, mayroong reaksiyon ho kayo doon sa binabanggit na draft proclamation on amnesty?

SEC. ROQUE: Well, ang lahat po iyan iaanunsiyo kung magkakaroon po ng katuparan. Pero ang pakiusap ko lang, hayaan naman natin na ang gobyerno ang mag-anunsiyo niyan. At sa ngayon po wala pa pong ibinibigay sa akin na instruction na isapubliko ang kahit ano tungkol diyan sa peace talks.

DEXTER:  Okay. So far sa ngayon wala munang peace talks? May consultation lang?

SEC. ROQUE: Well, hindi naman po ‘no. Ang sabi po ng Presidente ituloy iyan sa Hulyo ‘no. At naniniwala po ako na seryoso naman ang Presidente na ituloy iyan sa Hulyo pero ang gusto nga po niya dito po sa Pilipinas ang usapin.

DEXTER: Okay. Secretary, may aasahan ba tayong bagong pronouncement ang Pangulo sa kaniyang talumpati diyan sa DFA in a while?

SEC. ROQUE:  Well, ito po ay magiging major pronouncement siguro po dahil alam naman natin ang DFA ang ahensiya para sa panlabas nating relasyon at siyempre po usaping West Philippine Sea. So inaasahan po natin na major pronouncement siguro po ‘no dito sa 120th Anniversary ng DFA.

DEXTER: Okay, maraming salamat po, Secretary. Alam kong si Pangulong Duterte ay patungo na diyan ngayon sa DFA. Maraming salamat po at makikibalita kami mamaya po sa inyo.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, Dexter at magandang gabi po sa inyong lahat.

DEXTER: Magandang gabi po.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

 

Resource