Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Maeanne Los Baños, Atty. Bruce Rivera & Atty. Jesus Falcis (Boljak-DWFM)

Q:  Ito, kausapin na natin si PCOO Secretary Martin Andanar. Magandang umaga lodi.  

SEC. ANDANAR:  Lodi, good morning Maeanne, Atty. Jess at Atty. Bruce. Good morning.

Q:  Good morning, Sec. Martin. Ako ang una kong tanong—ito ang una kong tanong bago kay Bong Go. Kayo po ba, hindi kayo i-e-endorse ni President? 

Q:  Anong sagot mo, tawa lang?

SEC. ANDANAR:  [Laughs] Nang sinabi ni Presidente na, “I will support Bong Go to the hilt to run”…

Q:  To run…

SEC. ANDANAR:  Mayroong nag-comment doon sa isang mga ka-meeting namin. Sabi, “Mr. President, how about Secretary Andanar?” Tapos sabi ni Presidente, “Kung gusto niya.” 

Q: Gusto mo ba?

SEC. ANDANAR:  Hindi, hindi ko gusto. Ayoko [laughs]. 

Q:  Charot… Sa ngayon, sa ngayon… lagyan natin ng ganoon ha.

Q:  Ako, magtatanong ako: Siyempre si Secretary Andanar, PCOO siya ‘di ba? So nakita naman niya na—kasi ako Secretary, late ako dumating. Pero nakita ko na iyong suporta noong mga tao kay Bong Go, pareho din noong suporta kay President Duterte na kahit alam mo na may fraction or may partitions doon sa DEF base, pero ‘andun kami lahat. ‘Andun kami lahat na… plastikan paminsan-minsan pero—totoo, may mga tao doon na ayaw ko, na nandoon, pero nandoon ako because of Bong Go. And it is testament to how this person is, ‘di ba? 

SEC. ANDANAR:  Oo tama, tama si Atty. Bruce. And I saw you there Bruce, in fact nagkaroon tayo ng eye contact… 

Q:  [Laughs] Eye contact na may dalang ismid… parang late ako [laughs]. Sir ang tanong ko po… 

SEC. ANDANAR:  Hindi… kasi nakita ko si Bruce, hindi sila makalapit kasi sobrang busy… Pero ako, I’m a witness to that kasi maraming mga events na in-invite namin si Atty. Bruce pero hindi siya nakakapunta. But this time nagpunta siya, so I want to let you know Atty. Bruce that SAP really appreciates your presence. 

Q:  ‘Ayun… Ito sir, alam ko sir na si Bong Go ay—ito ha, insider ‘to pero ilalabas ko na. Kayo talaga iyong best friends diyan sa Kongreso—sa Malacañang. Alam ko sila talaga iyong best friends kasi sila iyong kasing-guwapo, sila iyong… oo, silang dalawa iyong mga lodi, iyong mga cute boys, ganoon. So sir, paano ‘pag sinabi ni Bong Go na, “Pare, samahan mo naman ako tumakbo, tutal…” Ano ba, mapapapayag ka ba ni Bong Go, lalo na’t sasabihin rin ni PRRD na, “Sige na, sama ka na.” 

SEC. ANDANAR:  Palagay ko Atty.  Bruce, Jess at Maeanne, mas magiging effective ako as a person who will help him in his campaign. Oo, kasi siyempre kung mayroong mga naniniwala sa akin, ikakampanya ko na si Bong ang iboto ninyo. 

Q:  Correct, ganoon din ako.

Q:  Ako may tanong, dalawang tanong Secretary Martin. Una—

SEC. ANDANAR:  Dapat si Bruce ang tumakbo [laughs]… 

Q:  Secretary since sobrang close nga kayo ni SAP Bong Go, kayo magsabi sa amin. Ilang percent na ba na—siya ba’y… gaano na siya kakumbinsido na it’s really time on… kailangan na niyang magsabi, huwag nang magpa-ano-ano pa. 

Q:  Tumpik-tumpik… Kumanta na si Jimmy Bondoc. 

SEC. ANDANAR:  Oo, kasi ilang… siguro mga 15 months ko nang kinukumbinsi si SAP Bong Go na tumakbo. 

Q:  15 months…

Q:  Anong sabi niya? 

SEC. ANDANAR:  15 months na. Tapos… kahapon of course, the event was to encourage him, hikayatin na tumakbo si Bong. Pero noong… siyempre hindi pa ako sigurado, mga 50/50 noong time na iyon, 50/50 pa iyong chance na tumakbo para sa akin. Pero noong nagsalita na siya, may statement siya, sabi niya—lalo na dulo sabi niya, “Siguro naman, may ibang kahulugan naman iyong SAP.” Senator and Assistant of the President saka SOP, Senator of the Philippines. So sabi ko, “Ito 75 percent na ito may chance na tumakbo.” 

Q:  75 percent na, okay isa pa. Ang sinasabi niya sir kahapon, talagang gusto niya pa talagang maglingkod sa Pangulo. May nabasa pa akong text: sabi niya, Paglilingkuran ko ang Pangulo hanggang kamatayan. So I guess sir—

Q:  Si Philip Salvador nagsabi noon.

Q:  Oo pero—hindi, mayroon siyang text din. Tapos ang sinasabi niya—I mean sa huli, siyempre Sec. Martin, talagang si Bong Go pa rin ang magdedesisyon niyan.  Pero napakalaki rin siyempre noong epekto ng pagkukumbinsi sa kaniya ng Pangulo. 

SEC. ANDANAR:  Oo. Of course: Ng Pangulo; ng pamilya ng Pangulo; si Mayor Inday Sarah Duterte… Alam mo kung ikaw ay tumatakbong senador, congressman o mayor… ano pa bang endorsement ang kailangan mo? Si Mayor Inday in-endorse ka na. Si Presidente mismo, iyong pinakamataas na opisyal. So palagay ko dito, ang magiging printer nito Maeanne, Bruce at Jess would be the result of a scientific survey. 

Q:  Ito, sir… Ako sir, alam mo naman tsismosa ako at magaling akong mag-mind games. Sa palagay mo ba, anong partido [laughs] ang tatakbuhan o saang partido—?

Q:  PDP-Laban…

Q:  Hindi… Puwede kasing Hugpong ng Pagbabago…

Q:  Hindi natin alam ‘yan…

Q:  Hindi, si Senate President Pimentel kasi kahapon nagsabi na siya, ready na silang kunin si Bong Go. 

Q:  Si Bong Go ba, ready siya sa kanila? Si Mayor Inday Sarah “Hugpong!”

Q:  Ito… ano ang tsismis Secretary being the PCOO? 

SEC. ANDANAR:  Sa palagay ko ganito… kasi kung sa manok pa sa Bisaya, sa sabong – inilog – pinag-aagawan. Llamadong-Llamado iyong manok natin, llamadong-llamado! Talagang pinag-aagawan siya, in-demand. So ngayon naman, a vote for Bong Go is a vote for the President, right? 

Q:  Yes, yes… 

SEC. ANDANAR:  Kaya nga sabi ko, ang magiging placement ni Bong sa Senado would be 1, 2, 3 lang sa palagay ko. So therefore, ang partido—

Q:  Wow,Fearless forecast…

Q:  Ito sir, ito question ko. Ilang month before naglabas na ng list ang PDP na wala si Bong Go. 

Q:  Kasi I think, hindi pa naman siya open noon.

Q:  Oo, pero siyempre wala din si Inday Sarah. So ang tanong ko po sir is, are we sure that the President would be PDP-Laban or the President would just keep quiet? 

SEC. ANDANAR:  Very crucial ang magiging partido ni SAP Bong. Because we know that SAP Bong is the ultimate alter ego of the President. So therefore—

Q:  Ultimate alter ego… Sec. Martin sa balita din kasi, may mga ibang Gabinete na posible daw tumakbo: Nababalita si Secretary Harry Roque saka si Political Adviser Francis Tolentino.

Q:  Saka si Sec. Bello.

Q:  Okay. Sec. kay SAP Bong Go nakarinig na ‘ko kay President Duterte na susuportahan daw niya. Ito bang ibang miyembro ng Gabinete nakapagsabi na si President na susuportahan niya? 

SEC. ANDANAR:  During the meeting two nights ago, binanggit din ni Presidente si Harry Roque na susuportahan niya. So during that meeting, so it’s Bong Go and Harry Roque… at saka ang alam ko si Francis Tolentino. 

Q:  Okay. Sir paano ninyo naman sasagutin siyempre, may mga intriga diyan na “Masyado naman maaga, baka hindi na makapag-concentrate magtrabaho ‘yang mga ‘yan dahil ini-endorso na para tumakbo.” Ano masasabi ninyo doon, sir?

SEC. ANDANAR:  Si Bong, hindi naman siya nagpapaapekto. In fact, kita naman, tuluy-tuloy pa rin iyong trabaho niya in assisting our President. 

Q:  Lima pa iyong telepono niya [laughs]… 

SEC. ANDANAR:  At alam mo, ito naman lahat ay pag-uudyok ng mga sumusuporta, mga kaibigan ni Bong. So I don’t think na electioneering o maaga. Sa palagay ko, ito’y—kasi pag-uudyok pa lamang ito, hinihikayat pa lang natin si Bong, so it’s really up to him. But alam mo naman sa bansa natin, pagdating sa pulitika piyesta talaga… 

Q:  Sinong nag-umpisa niyan sir? Si Pangulo ba talaga iyong gustong, gustong, gustong patakbuhin siya o kayo na mga nasa paligid dahil nakikita ninyo na talagang mukhang may potential?  

SEC. ANDANAR:  Personally gusto ko siyang tumakbo, ako gusto ko. Sabi ko nga, 15 months ko nang kino-convince. Pero iyong talagang kung kailan nag-snowball, noong biniro ni Presidente, “Itong si Bong Go, puwedeng maging senador ‘to,” ‘di ba… one of the events. Oo, tapos ‘di ba nagpakita siya doon sa Senate hearing, lalo siyang sumikat doon. After that, nag-snowball na eh. So we will see kung hanggang saan ito, pero palagay ko naman ay tuluy-tuloy na ito sa 2019. 

Q:  Teka… Sec. Martin mayroon lang nag-text sa akin, ito mataba rin ang utak. Baka daw kaya nag-iisip si SAP Bong Go na tumakbo ay para maprotektahan ang sarili niya just in case magkaroon ng mga kaso daw tungkol sa frigate deal at iba’t ibang mga issues.

SEC. ANDANAR:  Hindi naman. Alam mo ang eleksiyon naman ay of course, ang pinakadulo niyan ay iyong mga botante. Kapag binoto ka ng taumbayan – so ibig sabihin kailangan ka ng taumbayan na manilbihan. 

Q:  Oo. At saka iyong Smartmatic kung gaano kagaling iyong ano… papaano natin aanuhin iyon, ‘di ba? 

Q:  Sila Asec. Mocha Uson sir, hindi ba time na—

Q:  ‘Ayun, bakit mo na-mention iyon?

Q:  Naalala ko kasi, dahil nauna sila na sinasabing supposedly or posibleng tumakbo. Pero ‘yan ba, may usapan sa inyong inner circle kung kasama siya sa susuportahan ng Pangulo? 

SEC. ANDANAR:  Ako personally, palagay ko mananalo si Mocha. But then again, we will have to wait for the survey of course. And kung talagang nandoon si Mocha sa survey, ‘di mas maganda, mas masaya ang eleksiyon. 

Q:  Ako ha, natuwa ako noong sabi mo na ang confident mo sir noong sinabi mo na si Bong Go could only land 1, 2, 3. Kasi grabe ang babanggain ninyo diyan mga reelectionists and the likes of Grace Poe, na nangunguna ngayon sa survey. So ganoon ka ka-confident, Sec. Martin. 

SEC. ANDANAR:  Oo, very confident. Kapag tumakbo si Mayor Inday… palagay ko siya magna-number one. Tapos… basta ang mag-aagawan lang niyan – Mayor Inday, Bong Go at Grace Poe. 

Q:  Iyon… talaga naman ha. 

Q:  Saan si Mocha Uson? 1 to 10? 

SEC. ANDANAR:  Si Mocha palagay ko, nasa 1 to 5. 

Q:  1 to 5… Wow… Go! 

Q:  Alam mo sana may bet tayo diyan, libre mo kami kapag talo ka [laughs]…

Q:  Ang tanong, kapag si Martin Andanar ang tumakbo, ano kayang ranking? Ano sa palagay mo, sir? 

SEC. ANDANAR:  Baka nasa treinta [laughs]. 

Q:  Sus, pa-humble pa.

Q:  Hindi… baka nasa number sex— six pala. 

Q:  Grabe ka… 

Q:  Basta sure ‘yan, top 10. Ay naku, nakakaloka ang pulitika. 

SEC. ANDANAR:  Ang gusto kong maging senador si Bruce, kasi… 

Q:  ‘Ayan na naman tayo. Aatakihin na naman ako ng mga ano niyan… Pero sir, actually sir masaya ako na at least si Bong Go tatakbo, si Sarah pinipilit ko din tumakbo pero at this point parang ayaw pa. So sana po ay… at least gusto ko kasi iyong mga bagong mukha naman kahit papaano.

Q:  Ay sandali may tanong pala ako Sec. Martin. Paano kapag matuloy si SAP Bong Go na tumakbo, paano si Pangulo? Ready na ba siya, of course hindi na siya maaasikaso ni SAP Bong Go. Sino ngayon ang papalit, sobrang trusted ng Pangulo si Bong Go. 

SEC. ANDANAR:  Sa palagay ko naman Maeanne, hindi naman totally mawawala si SAP Bong Go sa gilid ng ating Pangulo. Alam mo mayroon namang aspeto ng buhay sa Presidente na personal, mayroon ding buhay na public ‘di ba? So sa palagay ko doon sa personal life ni Presidente ay hindi mawawala si SAP Bong. 

Q:  Saka ako sir ha, isa na lang on my part. Ang ganda noong sinabi ni Pangulong Duterte. Sabi niya, “I want him to grow also.” So parang ang gusto niya ay: “Hindi lang ako ‘to, dapat ikaw din!” 

SEC. ANDANAR:  Oo, napakaganda niyan Maeanne ha… Alam mo napakagandang anecdote niyan, kasi noong that night noong tinanong si Presidente, kasi mga 11:30 na iyon eh, tapos nagtanong sa kaniya ang isang kolumnista. Biglang nag-glow ang mukha ni Presidente, it lit up tapos biglang nabuhayan—nabuhay siya. Sabi niya, “Gusto kong mag-grow si Bong.” In other words: “Gusto kong mag-level up siya. Matagal na siyang naninilbihan sa akin, at kung… if Bong decides then I will support Bong Go to the hilt.” 

Q:  Alam mo ako, testamento ako niyan. Si President Duterte kasi mahilig mag—iyong matutulog na kahit nakaupo or nakaano lang natutulog, nakaidlip. Pero si Bong Go katabi niya, hindi talaga natutulog. 

Q:  Saka kasama niya talaga sa lahat-lahat. And Secretary Martin, I think you’re going to the Senate for the fake news hearing this morning? 

SEC. ANDANAR:  Oo, mayroong fake news hearing si Senator Grace Poe at invited ako, invited din si Sal Panelo. 

Q:  Ingat-ingat sir, sa fake news hearing. Baka mayroon na namang mga mag-aaway diyan. 

Q:  Actually hindi si Sec. Martin, iyong mga nasa paligid… Anyway sige sir ha, we will let you go dahil mukhang… (overlapping voices) sa hearing. Salamat ha, lodi. 

SEC. ANDANAR:  Oo, punta ka doon Bruce para may kakampi ako.

Q:  [Laughs] Good luck sa’yo.

Q:  Salamat, Sec. Martin. Thank you. 

SEC. ANDANAR:  Salamat.

Q:  That was PCOO Secretary Martin Andanar.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource