Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Lorenz Tanjoco (Radyo Pilipinas – Radyo Pilipinas News Nationwide)

TANJOCO: Sec. Mart, alam nating first time itong magkaroon ng government agency na nakiisa dito sa Undas. Ano po bang nagtulak sa inyo para gawin ito?

SEC. ANDANAR: Kasi, taun-taon naman natin itong ginagawa sa private media. At this year nga, sabi ko ay kailangan magkaisa lahat ng government media – kayo, sa Radyo Pilipinas, Philippine News Agency, ang PTV, ang Presidential Communications Operations Office proper – para makiisa tayo sa ating programa ng PTV, na pagbibigay-pugay. Ngayon, taun-taon itong ginagawa nating lahat, mga Pilipino, maganda at nakikita ng ating mga kababayan ang presensya ng government media dito sa Manila North Cemetery.

Why Manila North Cemetery? Dahil ito ay isang symbol ng ating pagbibigay-pugay sa ating mga yumao sa buhay. At alam naman natin na taun-taon ay dinadagsa ito ng milyon na tao; tapos nandito rin ang mga dating Presidente, iyong mga national artists, mga sikat na nilibing dito sa Manila North Cemetery.

TANJOCO: Sir, last na lang. Will this be a yearly event na po para sa PCOO?

SEC. ANDANAR: Hopefully, this will be a yearly event. And I will really encourage our government media na makisali every year dahil na rin para ipakita sa publiko na napakahalaga nitong tradisyon na ito na nagbibigay tayo ng ano pugay… kinu-commemorate natin iyong mga mahal natin sa buhay, iyong mga nauna sa atin na nagsakripisyo; at tayo naman ang nagtatamasa ng demokrasya, nagtatamasa kung ano ang mayroon tayo ngayon sa bansang ito.

TANJOCO: All right. Thank you so much. Si Secretary Martin Andanar dito pa rin sa Manila North Cemetery.

##

Resource