Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Junry Hidalgo and Neil Badion (Radyo Patrol Balita – DZMM)

Q: Good morning po, Secretary.

SEC. ANDANAR: Hello, good morning Junry at good morning din kay Neil Badion at sa lahat ng nakikinig sa atin dito sa DZMM. Good morning po.

Q: Nandiyan po kayo sa PMA graduation, Secretary?

SEC. ANDANAR: Opo, dito po naririnig ninyo iyong pag-a-announce ng mga graduate ng PMA, napaka-historic pala itong graduation na ito dahil pinakamaraming babaeng kadete na grumaduate.

Q: Ilan ho ba sila ngayon Secretary, iyong ga-graduate?

SEC. ANDANAR: If I’m not mistaken 282 tapos 75 iyong female cadets na ga-graduate ngayong araw na ito.

Q: Eh ibig sabihin iyong speech ni Presidente baka mamaya pa iyon ano ho?

SEC. ANDANAR: Oo mamaya pa, mamaya pa iyong speech.

Q: Kasi kinukuwento noong pag-akyat ng isang kadete para kamayan ni Pangulo ay 15 seconds. Sa 200 na kadete 50 minutes, ito 200 pa pala. Eh ‘di mamaya pa?

SEC. ANDANAR: Oo tapos ano pa eh. Ang ginagawa pa ni Presidente ay kinakausap niya bawat kadete.

Q: Oo nga ho—

Q: So matagal-tagal iyan.

Q: Oo nga ho, iniisa-isa talaga. Anong sinasabi ni Presidente?

SEC. ANDANAR: Hindi ko ma—nasa likod ako hindi ko makita iyong bibig ni Presidente eh pero nagbibigay siya ng komento parati sa bawat kadete.

Q: Iniisa-isa talaga eh at saka kung makipag-usap ay eye to eye—

Q: Parang personal talaga niyang kinakausap.

Q: Eye to eye, oo. Para bang tatay nagpa-graduate. Parang ganoon!

Q: Hindi kasi iyong mga katulad ng mga dating nagdaang na may PMA graduation. Bati lang tapos alis. Ito magtatagal ng mga ilang segundo.

SEC. ANDANAR: Ito personal talaga na kinakausap. Actually ganito rin nangyari last year eh, kinausap din ang bawat isang kadete eh. So makikita mo talagang—well as the Commander in Chief ‘di ba, siya naman talaga iyong [overlapping voices].

Q: Tama naman iyong ganoon.

Q: Eh kaya kami napatawag, Secretary.

Q: Isingit ko lang. Sec., nakikita—ito sa live video namin. So ito kakamayan niya, kakausapin niya. Doon ho ba sa pagkamay hindi ho ba masakit ang kamay ni Pangulo?

Q: Iyon nga ho ang itatanong ko. Kaya kami napatawag, Secretary, kakamustahin namin ang kamay ng Pangulong Duterte. [laughs].

SEC. ANDANAR: Alam mo pag military pupuntahan ni Presidente, ang Presidente talagang makikita mo na very—alive na alive, buhay na buhay, enthusiastic, very energetic. Iba ang pagmamahal ni Presidente sa militar, kita naman natin.

Q: Sabi ho kasi ni General Bato noong isang araw ay namamaga iyong kamay ng Pangulo, napasuntok sa dingding eh. Totoo ho ba iyon?

SEC. ANDANAR: Wala ako doon kung nangyari talaga iyon, hindi ko nakita. Pero—

Q: Pero napapansin ninyo ba ang kamay ni Pangulo? Kamusta ho ba?

SEC. ANDANAR: Okay naman, hindi ko naman napansin na may maga. Okay naman pero—

Q: Baka sa pagkakataon na ito na maraming pagkamay, baka diyan mamaga. [laughs].

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko sanay si Presidente sa…kumbaga sa boxing, parang sanay, kaya hindi siguro namaga.

Q: Hindi ininda.

Q: Secretary, kamusta na po iyong programa ninyo tungkol sa satellite receiver sa mga barangay. Nailatag na po ito?

SEC. ANDANAR: Ito po ay kasalukuyang naghahanda iyong nagbigay ng kaniyang unsolicited proposal. So ang aming target po dito ay mailunsad ito ngayong Hunyo 2018 bago mag-SONA ni Presidente. Kasi alam mo, we are talking about 42,000 barangay, eh napakadami noon. Pero bago pa man iyon mangyari, tayo po ay nag-iikot na sa buong Pilipinas para nga ipaliwanag sa ating mga kababayan especially sa mga information officers ang kahalagahan ng kampanya natin laban sa disinformation. So ito po talaga ay napakaseryosong laban na ito para sa gobyerno, sa media at pati posa sambayanan. Kaya ako ay natutuwa na during the National Information Convention nasa 1,800 ang sumali at sila po ay committed para labanan ang fake news.

Alam naman natin na kakatapos lang noong hearing ng committee ni Senador Grace Poe at doon nga natin na… ipinaliwanag muli ang ating posisyon na hindi natin kailangan ng bagong legislation para sa fake news at mayroon tayong mga batas na mag-a-address dito sa mga libelous o slanderous at mga iba pang mga paninira na pananalita or pagsusulat, mayroon na pong batas diyan: So ang kailangan po natin dito ay magtulong-tulong para magkaroon tayo ng media literacy program number one; Number two para makalikha tayo ng magandang online tool para makita natin kung alin iyong fake at alin iyong hindi at kung alin iyong mga websites na dapat iwasan.

And of course number three, kailangan po nating ipagpatuloy na protektahan ang ating freedom of press, freedom of expression and freedom of speech at lahat po ng mga proseso para po magkaroon ng isang malayang pamamahayag.

Q: Kakambiyo lang po ako ng topic, Secretary. Iyon pong pagsasailalim kay Ma’am Jenny Napoles sa witness protection program. Ang binabanggit po ng mga taga oposisyon ay mukhang magagamit si Ma’am Jenny para balikan itong mga taga oposisyon! Ano po ang pahayag ng Malacañang doon?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko ang mahalaga dito Neil at Junry ay iyong ihayag ni Napoles ang lahat ng nalalaman niya sapagkat ang isyu ho talaga dito ay korapsyon. Ang korapsyon ho, ang kampanya laban sa korapsyon ay corner stone program ng ating mahal na Pangulo at wala hong ibang magsasabi nito kung hindi iyong mga taong mayroong involvement sa korapsyon. So whether siya ay ang pinaka-qualified na witness or hindi pinaka-qualified na witness, para ho sa akin ay kailangan ho magsalita na at sabihin lahat ng katotohanan at ang lahat po ng may alam diyan.

Q: Parang ang sinasabi ho kasi—ang tono ho kasi ng mga taga oposisyon ngayon mukhang tinatrabaho na sila eh, parang ganoon ho eh.

SEC. ANDANAR: Alam mo kung wala ka namang tinatago, kung hindi ka naman guilty, bakit ka matatakot ‘di ba?

Q: Opo, Secretary kung iyong—

SEC. ANDANAR: Oo iyon lang naman iyong sa akin.

Q: Opo iyong kay Napoles po ay kung noon ay ang alam natin ay siya iyong pinaka-brain child, mastermind tungkol diyan. Eh ngayon kung under WPP po siya ay mayroon ho siyang mga isisiwalat. Ibig sabihin hindi siya iyong mastermind. May mga marami pa siyang ituturo?

SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung ano ang isisiwalat niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya, basta again going back to what is important, the truth is important and whether she is the least guilty or the most guilty or the least credible, the most credible, ang mahalaga ho sa kaniya iyong katotohanan, lumabas. Now for those who are not involve in corruption, eh bakit ka naman matatakot? Kung involved ka sa corruption ay talagang dapat kang matakot. ‘di ba?

Q: Oo.

SEC. ANDANAR: Pero mayroon naman tayong proseso, mayroon namang batas, mayroon naman tayong judiciary at iyon naman ay dadaan sa tamang legal process. So para doon sa mga guilty aba’y maghanda na kayo ng inyong mga abogado. ‘Di ba, iyon lang iyon!

Q: By next week ba Secretary ay may iaanunsiyo ang Pangulo hinggil po sa sibakan sa Gabinete?

SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung mayroong announcement kasi ang nangyari naman doon is nagkaroon ng meeting doon sa Malacañang, nandoon nga ako sa meeting na iyon at may nagtanong kung satisfied ang Pangulo sa Cabinet niya. Tapos may nagtanong kung mayroong papalitan at ang sinabi ni Presidente, oo. Pero wala naman binanggit kung sino—

Q: At ilan?

SEC. ANDANAR: So alam mo—at ilan, walang binanggit. Pero alam mo Junry at Neil, kami lahat sa Cabinet, we serve at the pleasure of the President. So whether kami ay payagan ng Presidente na ipagpatuloy ang trabaho o hindi, nasa kaniya iyon. What we must do sa Cabinet is that we must work hard every day as if today is the last day. Kasi ito naman ay isang privilege na ibinigay sa amin ng Pangulo na magsilbi para sa buong bayan. Ito po ay mandato na ibinigay din sa amin ng Pangulo at ng Commission on Appointments. Kasi sapagkat iyong mga Senador at Congressman nagbibigay sa amin ng full powers para i-exercise iyong aming responsibility as Cabinet members.

So once the President loses his trust and confidence then kung sino man iyong ano—dapat umalis na sa Gabinete kung ayaw niya. So that—ang lesson ho diyan is that we must really work hard every day as if today is the last.

Q: At saka ano, kung sinabi ng Pangulo na ayaw nang katiwalian ay huwag ka nang susubok.

SEC. ANDANAR: Oo wala namang—alam mo, ano naman ito. Dapat ho, hindi naman tayo kapit-tuko sa puwesto ‘di ba? Eh kung ayaw ng Pangulo sa ano, sa iyong mga performance. Then it’s really the President who can only judge, who can measure the performance of Cabinet members. We must all work very hard.

Q: Opo, Secretary, marami ng mga… May mga nananawagan na rin katulad nga po niyang naging sa kaso nila Kerwin Espinosa at Peter Lim, ay may mga nananawagan para nga mag-resign itong si DOJ Secretary Aguirre.

Q: Kababayan ko pa naman iyan.

Q: Oo eh sabi ni DOJ Secretary ay mayroon lang mga nag-iisyu sa kaniya at siya naman ay handa kung ano man ang magiging desisyon ng Pangulo.

Q: Handa umano?

Q: Oo handa umano na pag siya ay inalis eh kung magkakaroon man ng mga revamp ay iyan nga po iyong mga nagiging palaisipan. Baka masama po si Secretary, si Aguirre pero sa tingin ninyo ho ba ay… [laughs].

Q: Kumbaga ang rate ay 1 to 10, masasama ba?

SEC. ANDANAR: Hindi ho ako makakasagot diyan. Lahat kami as a Cabinet member ay nanganganib na matanggal. Kasi kung mayroon talagang revamp eh wala talagang excuse, lahat kami. So ayaw ko naman papangunahan, ayaw ko rin na mag nitpick kung sino dahil pati ako posible ‘di ba? Lahat kami posible! Ang mahalaga ho dito we just must all work very hard. At kung anong utos ng Pangulo, gawin lang namin. And kung mayroong matanggal, that is really the prerogative of the President.

Q: Oho, oho. Secretary, kilala ninyo itong nagpapatanong, tinatawag ito sa pangalang Leo Lumaban Palo III. Si Leo Palo—

SEC. ANDANAR: Oo okay.

Q: Ang tanong po ni Leo Palo III, may panawagan ba siya sa tigil-pasada na naman bukas. Ibig sabihin kayo daw ho may panawagan kayo sa tigil-pasada?

SEC. ANDANAR: Ay wala ho akong impormasyon pa diyan. Pero I will ask later pagkatapos po nitong graduation rites dito sa Philippine Military Academy.

Q: May follow up pa si Leo Palo. Sec., sa Davao City day nung Friday, lahat po ng traffic light ay naka-go. Mukhang hindi na mapipigilan. All the way na ba talaga ang Special Assistant to the President sa kandidatura sa pagkasenador? Aba.

Q: Iyon, iyon nga iyong gusto kong itanong. [laughs].

SEC. ANDANAR: Oo very overwhelming ang support na natatanggap ni SAP Bong Go na tumakbo for the Senate. Hindi lang ho sa amin sa Gabinete. Hindi lang ho doon sa mga nagpunta doon sa Ready Set Go na event-Manila, ay maging sa Baguio City iyong mga local government leaders dito, mga private individuals, civil society, mga nakakausap gusto ho talaga siyang tumakbo.

Now it is really up to SAP Bong Go if he runs or not. If he should take the challenge, dahil pati ang ating mahal na Pangulo ay nagsabi na na susuportahan niya si SAP Bong Go hanggang sa huli. Ganoon din po si Mayor Inday Duterte at lahat-lahat po ng mga kaibigan, lahat po ng nandito. So we will see pero para sa akin uulitin ko, he is very qualified, number one. Number two, he is very dedicated and number three, he is a very humble person and ang kaniyang mga paa ay nakaapak po sa lupa kahit na siya ho ay nasa Executive branch na, and one of the most powerful Special Assistant—one of the most powerful members of the Cabinet—

Q: Oo, hindi ho kaya mapipilay ang—

SEC. ANDANAR: Iyon po ang—

Q: Hindi ho kaya mapipilay ang Pangulong Duterte kung sakaling mag-Go na nga si SAP Go?

SEC. ANDANAR: Sa palagay ko naman hindi sapagkat sinabi naman ni SAP Bong na hindi niya pababayaan ang ating mahal na Pangulo lalong-lalo na iyong kaniyang pribadong buhay, hindi niya pababayaan. Siguro magkakaroon lang ng kaunting adjustment sa private, sa public life ni Duterte pero knowing the President whose a very-very excellent manager, I don’t think that will be an issue. But it’s up to the President now and Special Assistant to the President to discuss this and of course the family and the President.

Q: Opo. Secretary, wala tanong ko lang ito ha. Parang medyo hindi ko naririnig ngayon ito eh, kumusta po si Ma’am Mocha Uson? Parang lately parang hindi ko naririnig siya eh. Kamusta ho siya ngayon?

SEC. ANDANAR: Okay naman siya, tuloy-tuloy naman ang kaniyang trabaho at tuloy-tuloy iyong kaniyang pag-produce ng mga shows for Presidential Communications. At tuloy-tuloy din ang pag-submit niya ng kaniyang accomplishment report sa opisina. So Mocha is doing good, she’s doing great.

Q: Pero may nabasa ako noong isang araw diyan si Asec. Mocha. Totoo ho ba iyon Secretary naka-walong biyahe sa loob ng sampung buwan?

SEC. ANDANAR: Iyan po ay itinanong din sa akin ng Philippine Daily Inquirer at sinabi ko naman iyong dahilan kung bakit ho siya bumiyahe. And of course si Mocha ay very… in demand itong si Mocha eh. Kasi hindi lang ho sa PCOO, kung hindi sa iba’t ibang mga ahensiya ng gobyerno na gusto ng presensiya ni Mocha – lalong-lalo na kapag mayroon silang mga inilulunsad na mga programa, kailangan – gusto nila nandoon si Mocha talaga. Number one diyan si Secretary Allan Cayetano na madalas ay kinukumbida si Mocha, isinasama sa kaniyang official contingent, oo. So, kaya siya napapasama kay Senator Cayetano, ayon kay Secretary Cayetano!

Q: Ah, Sec., ito na lang po. panghuli po. Kamusta na ho iyong pag-uusap between the Kuwaiti government at saka ang gobyerno po natin. May memorandum of understanding na po ba? Ano na ho ba ang latest po?

SEC. ANDANAR: Iyong sa isyu po ng Kuwait at ng Philippine government ay ipapaubaya ko ho iyan kay DOLE Secretary Silvestre Bello sapagkat siya po naman ang opisyal na dapat magbigay ng update tungkol diyan.

Q: Okay. Maraming salamat po, Sec. Martin Andanar ha.

SEC. ANDANAR: Salamat Neil at salamat Junry. Mabuhay kayong dalawa.

Q: Happy Sunday po.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po ang DZMM. Happy Sunday po sa inyong dalawa. Salamat po. Thank you.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource