Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Atty. Jess Falcis, Atty. Bruce Rivera and Maeann Los Baños (Boljak-DWFM)

RIVERA: Sir, anong drama ngayon sa Malacañang at bakit parang may mga hurt feelings and mga ganiyan, ganiyan?

SEC. ANDANAR: Mala-telenovela.

RIVERA: Gustung-gusto ko ito mga ganito. Ano ba ang nangyari? First of all, ano na ngayon ang present situation with regard to—

SEC. ANDANAR: Ako mismo, nagulat ako mismo, Atty. Bruce, dahil galing lang ako ng isang maagang interview sa Makati kahapon tapos bigla akong nakatanggap ng balita nga na nag-leave of absence si Harry. So iyong susunod kong meeting sa Makati dapat ay napabilis dahil kailangan kong bumalik ng Malacañang.

And then, ang pagkakaintindi ko ay medyo nag-iisip-isip talaga si Harry sapagka’t alam mo, ano ito, matagal nang pangarap ni Harry na tumakbong senador at maging senador. Tapos this is one of the reasons why he joined the administration, para maging Spokesperson, dahil nga ito’y parang jumping board na rin to the Senate.

Tapos iyon nga, tinawagan ko kaagad si Executive Secretary Bingbong, at tinanong ko siya, “Boss, mayroon bang … itong leave ni Harry ay mayroon ba itong abiso sa atin, sa inyo?” Eh wala naman daw siyang natanggap na official letter na nagli-leave of absence na si … o nag-LOA si Harry so, therefore, hindi ito opisyal.

And then pagdating ko ng Malacañang, nandoon ako nang maaga dahil nga inaantabayanan ko kung ano ang magiging desisyon ni ES. Nalaman ko lang nandoon na si Harry sa opisina ni Presidente.

LOS BAÑOS: So he’s not on leave apparently?

SEC. ANDANAR: Tuluy-tuloy na. Pagdating ko doon sa Cabinet, lo and behold, nandoon na si Harry. Sabi ko, okay na siguro ito. Okay na.

LOS BAÑOS: Akala ko hindi siya magpi-press briefing, sir, in the days to come dahil naka-leave siya. So hindi na totoo iyon?

SEC. ANDANAR: Eh kasi kinakausap ko siya—magkatabi kami ni Harry sa [Cabinet meeting]. Sabi ko, “Harry, mag-press briefing ka na. Tama na iyang tampo mo,” sabi ko.

RIVERA: Tama ba iyong ano namin, sir, na parang nagtampururot siya dahil sa sinabi ni PRRD na mahihirapan kang manalo, tama ba? Doon ba iyong kinasakit ng puso niya?

SEC. ANDANAR: Hindi iyon eh. Ang sabi sa akin ni Harry, dahil hindi nga niya alam kung nasaan si Presidente.

LOS BAÑOS: He was out of the loop, tama, sir? He was out of the loop. Like noong Saturday, sabi niya nasa Davao si Pangulo, pagdating nung gabi, nasa Hong Kong pala. So hurt siya doon?

SEC. ANDANAR: Well, iyon sinabi niya sa akin na ‘hindi ko naman alam kung nasaan so ano pang silbi ko rito,’ parang ganyan. To paraphrase, kung wala naman siya sa loop eh mawawalan siya ng credibility.

RIVERA: Magmukha siyang tanga, tama, totoo.

SEC. ANDANAR: So sabi ko tama na. Sabi ko, “Tama na iyan. Pumasok ka na bukas.” Kaya siguro, nakinig din kaya may press briefing na mamaya.

LOS BAÑOS: Ah mayroon na. So hindi na siya mag-a-out of the country, sir? Kasi sabi kahapon, may report pa na mag-a-out of the country daw, mag-iisip. So hindi na rin?

SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung hindi na matutuloy iyan. Pero mayroon siyang press briefing mamaya, iyon ang sabi niya.

FALCIS: Sec. Martin, si Attorney Jess po ito. Ako naman, sir, ang tanong ko, moving forward ba kasi siyempre kung ako si Sec. Harry Roque eh gusto ko maging in the loop. Moving forward, may assurance ba si Sec. Harry Roque na he will be part of the loop from SAP Bong Go, from President Duterte as to, I think, ang pinaka-sensitive ay itong mga health vacations or kung nasaan si President? So may assurance ba, sir, moving forward?

SEC. ANDANAR: I’m sure there is. Kasi kinausap naman ni Harry si Presidente at kung anuman iyong nangyari sa kanilang ng usapan, eh sila na iyon; hindi ako privy doon. Pero I’m sure naman na mas maganda ang magiging sistema.

FALCIS: Matutuloy ba, sir, iyong re-organization? And kayo ba, sir, saan na kayo pupunta kasi nasabi ninyo na nga na willing naman kayong magparaya?

SEC. ANDANAR: Opo, tuloy na po iyong re-organization. In fact, kausap ko si ES kagabi. Sabi ko, “Boss, kumusta na iyong EO proposal namin na gagawin nang Office of the Press Secretary?” Sabi niya, “Ito, minamadali na nila. Malapit nang matapos. At lalabas na kung hindi this week, malamang bago mag-October 17 ay lalabas na iyon.”

LOS BAÑOS: Pero, Sec., naalala ko lang nung nag-budget hearing last week ano, si Senate President Sotto, doon sa interview, sabi niya pa na iyong pagri-revert back ng PCOO to Office of the Press Secretary, ikaw pa rin iyong nasa utak nila na magiging press secretary. So saan nanggaling na biglang si Secretary Roque? It’s the President’s ano ba, order, sir?

SEC. ANDANAR: Nag-usap kasi kami ni ES at ni SAP Go, and matagal na kasi naming kinu-convince si Harry na huwag nang tumakbo kasi nga si Harry kailangan namin sa communications. And it’s very rational, Atty. Bruce, Atty. Falcis and Maeann, na kung pag-iisahin natin itong opisina na ito at kailangan ni Harry na manatili bilang spokesperson dapat siya na iyong press secretary.

LOS BAÑOS: Teka muna, saan ka ngayon, Secretary Martin, kapag naging press secretary siya?

SEC. ANDANAR: Kahit na saan. Kahit na bumalik ako diyan sa Radyo Singko, puwede rin.

LOS BAÑOS: Huwag, mawawalan kami ng trabaho. Hindi ito, pa-confirm: Ikaw daw ang papalit kay—

FALCIS: Political Affairs.

LOS BAÑOS: Yes, political affairs. Kay Secretary Tolentino.

SEC. ANDANAR: Hindi ko naman ma-confirm iyan. Number one, nandiyan pa si Sec. Francis; number two, kailangan galing kay Presidente. Kung anuman ang plano ni Presidente, kung ako ba’y gusto niya pa sa gobyerno o hindi na. Tayo naman ay puwedeng tumulong sa administrasyon. In the same way that Attorney Bruce is helping the administration kahit na wala sa gobyerno.

FALCIS: And I’m helping too, sir. I’m helping the administration.

RIVERA: Thank God na wala ako sa administrasyon ‘di ba, baka ako iyong magsimula ng lahat ng drama diyan, naku.

Anyway, Sec. Martin, this is very chivalrous of you to be able to at least give in or give way to Spokesperson Harry Roque. Ano ba ang driving force mo? What’s your theory behind it? Kasi iyong iba, talagang kahit pagsisipa-sipain mo, ayaw nang umalis sa puwesto. Pero ikaw, binibigyan mo at nagpaparaya ka. Ano bang mayroon ang isang Martin Andanar na kailangan makuha ng iba? Delicadeza?

SEC. ANDANAR: Alam mo, Bruce, I’m really a very pragmatic person. And I think, I believe that I was able to bring government media, the infrastructure at least, to a certain level na kaya ko and kaya din ng sources ng PCOO family. And I think the organization needs a person na parang si Harry, parang si Harry Roque – the fire in the belly and to fight for more budget for this organization.

Alam mo, iyong talent naman natin ay may hangganan naman lahat iyan. Sometimes you’re needed to fix this organization at this day; and the next days, ibang talent ang kailangan. At alam ko na to bring this to a higher level, meaning, to get more budget from DBM, ay kailangan natin ng isang may experience sa Kongreso, mambabatas na mahilig makipag debate – something like that, something like that ‘no.

But of course, of course, it’s really country above self. Kung anong para kay Presidente, kung ano ang mas nakakabuti kay Presidente ay dapat iyon ang uunahin natin. Everything should be larger than us.

RIVERA: Sir, what is the percentage that Spokesperson Harry Roque will stay on in the government? Kasi alam natin na matagal na talaga niyang gusto ang maging senador. So sa tingin ninyo, are your charms that strong enough to make him stay?

SEC. ANDANAR: Palagay ko, Attorney, 50-50; fifty percent hindi siya aalis eh. So puwedeng oo, puwedeng hindi. But I pray that he accepts the job.

LOS BAÑOS: But—sorry, sir, ha. Medyo balikan ko. Medyo konektado kay Atty. Bruce. Ano iyong sagot niya sa’yo nung sinabi mo na tama na iyong tampo? So was he convinced na, “Sige na nga, babalik na lang ako sa press secretary or sa spokesperson,” na I’m needed here more than sa Senate.

SEC. ANDANAR: Well, you know, alam mo iyong parang nag-iisip talaga, nag-iisip.

RIVERA: Non-committal?

SEC. ANDANAR: Oo, non-committal. Mayroon siyang iniisip na malalim. Parang—kasi kung ang ambisyon mo naman talaga ay, ‘di ba, maging senador, kung nasa puso mo iyan at I know Harry has been going around the country, siyempre talagang mapapaisip ka talaga ‘di ba? Hindi mo alam kung itutuloy mo ba o hindi. Pero sabi ko naman kay Harry, “You know, Harry, just follow your heart kung saan ka Masaya.” At the end of the other day – just follow your heart.

LOS BAÑOS: Last on my part. May bearing ba kay Secretary Harry iyong sinabi mismo ng Pangulo sa kaniya na, “Huwag ka nang tumakbo, hindi ka naman mananalo,” kahit pa joke? Kahit pa-joke, may bearing ba sa kaniya iyon?

SEC. ANDANAR: Hindi ko masasagot iyan kung may bearing talaga.

LOS BAÑOS: But obviously he was hurt, sir? Kasi very specific iyong pagkasabi ni Pangulo na, “Iyong military, hindi ka nila gusto.” Kumbaga, hindi lang siya joke eh, parang may basehan si Pangulo nung sinabi niya na hindi ka mananalo tapos so and so, ito wala kang support dito. Tao lang naman si Secretary Harry, so nasaktan ba siya doon?

SEC. ANDANAR: Hindi ko alam, kasi hindi ko siya natanong about that. But knowing the President, ganoon talaga iyon, palabiro.

RIVERA: Tough love.

SEC. ANDANAR: Parang ano eh… parang endearment iyan ni President, kapag minura ka ni Presidente minsan, endearment iyon ‘di ba?

LOS BAÑOS: Oo, actually kay Secretary Panelo, ganoon siya, sir, ano. Talagang malala eh.

FALCIS: Binu-boljak niya iyong mga sarili niyang mga tao.

RIVERA: Sir, ako naman, last on my part, sir. Iyong advice ba ni President Duterte kay Spox Roque, binigay din niya kay Asec. Mocha?

SEC. ANDANAR: Hindi ko alam—hindi, ang alam ko kay—ang sabi ni President, ang alam ko lang at kinuwento sa akin ni Sec. Bong, to stay put, stay put. Pero si Mocha na mismo ang nag-resign.

RIVERA: Sec. Martin, pasensiya na po ha. Pinapatanong lang ng isa naming suki na nanunood sa FB Live, si Leila Gomez. Ang tanong niya: Patanong naman kay Sec. Martin kung totoong si Usec. Badoy ang nagpapa-resign kay Mocha kasama iyong walo pa from PCOO. Pasensiya na, sir, galing lang sa commenter.

SEC. ANDANAR: Wala kasi akong natanggap na letter, iyong letter na sinasabi na umikot na nag-circulate na nagprotesta. Hindi dumaan sa desk ko so hindi ko masasagot iyan.

LOS BAÑOS: Sec., thank you.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat. Thank you, Maeann. Thank you, Atty. Falcis. Atty Bruce, thank you. Mabuhay kayo. Mabuhay ang Radyo Singko.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

 

Resource