Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Anthony Taberna and Gerry Baja (DZMM – Dos por Dos)

BAJA:  Hello, Sec.

SEC. ANDANAR:  Hello Gerry and Anthony, magandang gabi sa inyong lahat.

BAJA:  Magandang gabi po.

TABERNA:  Magandang gabi.

SEC. ANDANAR:  Salamat sa tawag at alam ninyo talagang—it’s really very frustrating for me as much as it is frustrating for our readers itong mga bloopers na nangyayari.

Unang una, iyong kay Senator Win Gatchalian ay naging Winston imbes na Sherwin. Alam ninyo talagang—matagal na tayo sa pagbabalita, matagal na tayo sa news industry. Hindi po ito excuse na magkamali lalong-lalo na doon sa mga pangalan ng ating mga Senador, mga Congressman, mga public servants. At alam ninyo po, it happens even to the best news organization – it happens to ABS-CBN, nagkamali ang GMA, TV5, lahat. Lahat po nangyayari po ito pero hindi po ito excuse para sa atin lahat, lalong-lalo na kami na nasa gobyerno na we are being paid by taxpayers’ money.

So itong lahat po ng ito ay ginagawan po natin ng solusyon until such time na umabot po tayo doon sa acceptable standards po ng ating news industry. Hindi po ito katanggap-tanggap but then again it happens, as I said. For example iyong kay Congressman Roilo Golez – Rogelio, even if ABS used Rogelio also, ganoon din po ang GMA. As I said talagang nangyayari po ito at hindi po ito excuse para sa atin.

TABERNA:  Pero kung ang tinutukoy ninyo po siguro iyong may point of comparison sa mga nasa mainstream media at bilang former journalist as you are ay nasasabi ninyo na natural namang nangyayari iyan.

Kaya lang para mangyari po ang tatlong insidente sa loob ng isang linggo, parang ganoon po ang pangyayari. Eh hindi po ba alarming para po sa inyo iyan?

SEC. ANDANAR:  Alarming ho talaga but—pero nais ko lang po ilagay doon sa konteksto, Tonying, kasi alam ninyo po ang PCOO, we are handling different media agencies, hindi lang po isa. Halimbawa na lamang—Pero again I’d like to tell you, hindi po excuse po ito pero sinasabi ko lang na sa laki po ng organisasyon, for example mayroon po tayong Presidential News Desk at doon po nangyari iyong pagkakamali sa pangalan po ni Senator Gatchalian; at mayroon din po tayong isang division na nagha-handle po ng pag-a-upload ng mga news mula po sa Malacañang sa online po natin at ibang division din po iyon. At iyong pangalan po naman ni former Congressman Roilo Golez ay na-upload po ng ibang division din.

So you know this is really a problem, a challenge that we must all face sa PCOO. As I said kanina, it’s very frustrating, siguro kung kayo Tonying, kung kayo ang nasa puwesto ko, Gerry, you will also be frustrated.

BAJA: Eh kaya nga ho Secretary, ang iniisip na ho namin dito ay baka sinasabutahe na kayo diyan eh. Wala ho kayang nananadya diyan para si Secretary Martin Andanar ay ipahiya?

SEC. ANDANAR: Marami ho nagsasabi Gerry na ganoon eh. At ako naman ay—of course pinapakinggan natin lahat ng nagsasabi sa akin kung ano iyong posibleng dahilan pero ayoko pong isipin na sabotahe sapagka’t kung iisipin ko po na ganoon parati ay siguro hindi na ako makaka-function as head of PCOO.

But what we can really do right now is really to just listen to the criticisms constructively and do our best to improve the processes sa loob po ng PCOO, sa loob po ng PND, sa loob po News and Information Bureau, PTV, Radyo Pilipinas and up to the point na umabot po tayo sa mga standards po na katanggap-tanggap ng news industry at least—

BAJA: Secretary, hindi po kasi ito ang first time eh—

SEC. ANDANAR: Opo, hindi po.

BAJA: Kaya kung babalikan po natin isa-isa mula noong sa DOLE logo na sinundan ng iba pa. Mayroon na bang na-pinpoint na may pagkukulang at sino ang dapat na may responsibilidad sa pangyayari?

SEC. ANDANAR: Totoo po iyan. Kung mapapansin ninyo po ay nangyayari ito, usually kapag nangyari sunod-sunod. Pero kung titingnan ninyo po ng maigi iba’t ibang division po nangyayari. So for example iyong sa Philippine News Agency, iyong nangyari sunod-sunod po iyon. Iyon po ay ginawan natin ng solusyon, sa awa ng Diyos ngayon hindi pa po nagkaka-blooper. At iyong—ngayon naman ay itong sa Presidential News Desk, mayroon din po iyong in charge ng Presidential Communications Social Media at mayroon din po iyong in-charge na galing doon sa Presidential Photographers na nandoon po nanggagaling iyong mga pangalan, iyong mga captions. So itong lahat po na ito ay of course (COMMUNICATION CUT)

BAJA: Secretary?

SEC. ANDANAR: … do our best to at least—when we accept this job sa PCOO, the PCOO will be a stronger government communications arm.

TABERNA:  So wala po kayong na-reprimand o naboldyak man lang? Na suspinde?

SEC. ANDANAR: Mayroon na ho. Mayroon na ho.

TABERNA:  Mayroon na po?

SEC. ANDANAR: In fact, doon sa PNA mayroon hong mga nag-resign dahil sa kahihiyan. Mga lumang empleyado po ito, mga na-inherit po natin ito, namana po natin ito. Mayroon din pong na-reprimand, na-suspend. Ganoon din po iyong pagkakamali noong IT doon sa International Press Center ay mayroon din pong nag-resign, mayroon din pong mga na-reprimand. Lahat po ito ay—lahat po ng puwedeng—basta lahat po Gerry, Anthony dumadaan po sa isang administrative na paraan. Of course hindi naman puwede na kaso lang tayo nang kaso, tanggal lang tayo nang tanggal, kailangan po natin talagang imbestigahan ng maayos. We have to be fair to everyone.

TABERNA:  Pero sa isang banda, in fairness to you, ay kung mayroon naman pong ganoong mga aksiyon, may nananagot ika nga ay isang magandang umpisa po iyon. Speaking of responsibility kampanyero may tanong ako sa PCOO—

BAJA: Alright, alright. Oo.

TABERNA: Eh naalala ko lang iyong tungkol doon sa—

BAJA:  60 million.

TABERNA: 60 million ano, doon sa pondo ng Department of Tourism na idinaan sa PTV4 na ibinayad po doon sa isang private company na kapatid po ni Secretary Wanda Teo ang may ari. Ano na po ba ang update doon sa sarili po ninyong imbestigasyon sa parte po ng mga tauhan ng PTV4?

SEC. ANDANAR: Sa pagkakaalam ko, ito kasi iyong pinaka-update talaga Tonying, ay hinihintay natin iyong imbestigasyon ng COA.

TABERNA:  Opo.

SEC. ANDANAR:  At iyong latest report sa akin na nagkaroon ng disallowance at itong disallowance na ito ay ipinadala sa Department of (COMMUNICATION CUT) at binigyan po ng (COMMUNICATION CUT)

BAJA: Naku napuputol—

TABERNA:  Ah Secretary?

SEC. ANDANAR:  Ah isyung iyan. Pero pagdating po sa imbestigasyon ng PTV, ang ginawa po ng PTV ay nag-comply po sila sa lahat ng mga kailangan ng COA, nakasulat po doon sa AOM.  So iyon po iyong responsibilidad ng PTV; at hinihintay po natin iyong sagot po naman ng COA doon sa mga isinumite na papeles ng PTV.

TABERNA: Opo. Kayo po ay matagal namang mamamahayag. I’m sure alam ninyo rin po iyong kalakaran sa mga tinatawag na blocktime ano. ‘Di ba kapag tayo ay nagba-blocktime sa isa pong network, tayong blocktimer ang may direktang kontrata doon sa network ano. At tayong blocktimer ang bahala na maghanap po ng advertiser ano. Tama po ba iyong pagkakalatag ko?

SEC. ANDANAR:  Opo. Kapag ang isang blocktimer po ay pumasok sa isang network, iyong blocktimer po talaga iyong maghahanap ng kliyente para sa sarili niyang programa.

TABERNA:  Sa kaso po ba na ito ay ganoon ang nangyari?

SEC. ANDANAR:  Ang pagba-blocktime po ng kumpanya ni Ben Tulfo ay wala pong pinagkaiba doon sa pagba-blocktime ng iba pang mga producers, tulad na lang ni Rey Langit at iba pa. Wala hong ipinagkaiba iyon at sila ho ang maghahanap ng kliyente.

TABERNA: Okay. Ang tanong ko po: Nagbayad po ba ang kumpanya ni Ben Tulfo sa PTV4?

SEC. ANDANAR: Mayroon pong… mayroon pong singil ang PTV sa Bitag at doon po sa kumpanya ni Ben. Of course kailangan pong magbayad, kailangan pong magbayad ni Bitag sa PTV noong oras ho ng binili niya.

TABERNA: Yes, yes. Natanong ninyo po ba kung magkano po ang kontrata doon? Iyong kontrata ng Bitag sa PTV?

SEC. ANDANAR:  Wala ho sa akin ngayon iyong detalye, Tonying at Gerry, pero puwede ko pong ipasa sa inyo.

TABERNA: Opo, please po.

BAJA:  Importante iyon.

TABERNA:  Kasi po iyong sinabi ninyo po ngayon ay napakalaking bagay doon sa imbestigasyon na ginagawa po ng DOT, kasi ngayon lumilitaw na ang may transaksyon talaga ay ang DOT at saka iyong Bitag. Tama po ba iyon?

BAJA: Hindi ang DOT at Channel 4…aah PTV4?

TABERNA:  Hindi po. DOT at saka Bitag po ano?

SEC. ANDANAR: Ang pagkakaalam ko kasi, Anthony at Gerry, ay mayroon hong… mayroon hong kontrata rin ang DOT at ang PTV. Mayroon din hong ganoong kontrata. Pero kailangan ko pong makita iyong aktuwal na contract tapos para maibigay ko po sa inyo.

BAJA:  Paki-check ninyo ho dahil ang lumalabas nitong nakakaraan, noong mga unang pinag-uusapan ito, DOT to PTV4, PTV4 to Bitag na—

TABERNA:  Para nga irregular—

BAJA: Medyo irregular para sa isang set up na blocktime?

SEC. ANDANAR:  Well, i-che-check ko iyong naging findings ng COA. Kasi ang pagkakaalam ko gaya ng nabanggit ko kanina Anthony at Gerry ay mayroon ng disallowance na ibibigay ang COA. Although wala pa akong kopya pero iyon ang ni-report sa akin ng PTV, ni General Manager Dino Apolonio. Ang disallowance ay ibinigay po sa DOT at binigyan po ng kopya iyong PTV.

TABERNA:  Ang PTV4, okay.

SEC. ANDANAR:  Opo, opo.

TABERNA:  Secretary Martin, maraming salamat po sa inyong oras at magandang gabi po. Paki—kami po ay nakikisimpatya po sa inyo. Kasi bawat pagkakamali po ng mga tao o opisina under your office eh sa inyo po bumabalandra iyon eh. Kami po ay nahahabag na sa inyo, hindi ninyo naman diretsang kasalanan… opo.

SEC. ANDANAR: Salamat.

BAJA: Thank you. Thank you, Secretary.

TABERNA:  Thank you po sa inyo.

SEC. ANDANAR:  Mabuhay kayong dalawa. Mabuhay po ang DZMM. Thank you po.

TABERNA: Magandang gabi po.

BAJA:  Si Secretary Martin Andanar.

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource