MS. WENG DELA FUENTE:Good morning po sa inyo, Sec. Jay.
SEC. RUIZ: Hello. Good morning, Ka Weng. It’s nice to hear your voice, although hindi kita nakikita eh.
MS. DELA FUENTE: Ayan, thank you so much.
SEC. RUIZ: Kumusta? Unang-una, kapatid na—Ka Weng, unang-una nagpapasalamat ako sa panahon na ibinigay mo sa akin para makapagpaliwanag dito sa KAPITBAHAY. At siyempre nais kong batiin ang lahat ng mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, sa lahat ng mga nakikinig hindi lamang sa buong Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Nais ko ring batiin po ang Tagapamahalang Pangkalahatan na si Kapatid na Eduardo V. Manalo, maging ang kapatid [unclear], good morning po sa mga programa ng Presidential Communications Office dito sa iyong programa, Ka Weng.
MS. DELA FUENTE: Opo, Sec, medyo ano ha, nagga-garble lang po ang inyong audio pero umo-okay naman siya. Anyway, una po siyempre, paano ba kayo napapayag na tanggapin ang trabaho? Alam ninyo naman as a media person mahirap katrabaho ang mga kasama natin sa hanapbuhay ‘di ba, makukulit ang mga iyan.
SEC. RUIZ: Hindi, kasi alam mo, Ka Weng, alam ninyo naman po ako ay isang… Magmula sa pagiging broadcast journalist, naging war correspondent at sa Defense Press Corps ay naging consultant po ako sa Office of the Senate President.
Tapos magmula noon, may nangyari kasi sa aking buhay noong 2011 na nangailangan ako ng tulong at nagsumikap po ako; nangailangan po ako ng tulong, nagkaroon ako ng problema, ang mga mahal sa buhay ko nagkasakit, so na-ICU at talagang bumagsak po ako.
So, naisip ko habang nagri-reporter ako para makabangon ay ako naman po ay nagninegosyo. So, napunta po ako sa larangan ng negosyo. Alam ninyo naman, I think it’s a common knowledge na magmula pa noong nagri-reporter ay nagninegosyo na rin po ako. May ice cream store ako, mayroon akong restaurants, at iyong build and sell business ko mayroon din po akong ganoon at the same time, nagninegosyo na ako, tahimik na ang buhay ko for the past seven years or eight years yata ganoon na ang ginagawa ko.
Minsan nga napapa-tune out na rin ako sa balita dahil nga [garbled] na rin ako sa pamilya. Kasi nga ‘di ba ang puso natin noon at damdamin ay makatulong sa bansa, ito iyong “in the service of the Filipino” sabi nga.
So, noong siguro last two weeks ago, two weeks ago, three weeks ago, nagkaroon ako ng pagkakataon na muling manilbihan sa gobyerno. Tinawag po tayo at sinagot natin ang tawag na iyon na magsilbi muli sa bayan.
Inisip ko talaga, “Bakit ako babalik diyan eh nanggaling na tayo diyan?” Mahirap, mahirap maging public servant, oras mo, panahon mo, at talagang magdadalawang-isip ka eh. Alam mo naman ang intrigahan, ang talangka na mentality sa loob, at iyong mga pananaksak ba, ‘yung – papaano ba ito? Siguro iyong gustong manatili sa puwesto kahit na wala, kahit hindi na – I mean, kasi – kahit hindi na kailangan. Ibig sabihin, dahil may bagong uupo na.
So, naisip ko rin naman, Ka Weng na siguro subukan ko muli, kumbaga, last hoorah ko na ito na muling magsilbi sa bansa kasi para akong na-disillusion eh. Noong sa panahon ko, bilang broadcast journalist, sa panahon ko bilang consultant ng iba’t ibang mga opisina, na-disillusion ako na parang wala na yatang mangyayari sa bansa natin, talagang ganiyan talaga, tanggapin mo na lang, Jay, tanggapin mo na lang.
Pero namulat ako dito sa panahon na ito na medyo kinakabahan na ako ngayon sa proliferation ng fake news, ito iyong maling pagbabalita o iyong kasinungalingan na bumabaha sa ating online media. Ito kasi sa aking paniniwala na ang laban ngayon ng henerasyong ito ay itong fake news at hate speech at iba’t iba pang hindi magaganda na nangyayari ‘di lamang sa online, kung hindi naitatawid ito sa tunay na buhay. Kasi dalawa na ang mundo ngayon ng tao ‘di ba, kung iisipin mo, ito iyong tinatawag na real world, nabubuhay tayo sa totoong mundo, pero may isa pang mundo na ginagalawan ang tao ngayon.
MS. DELA FUENTE: : Iyong virtual.
PCO SEC. RUIZ: Yes, virtual/cyber world na kung saan ay mas madalas pa ang tao ngayon na nasa cyber world na. Ang epekto po nito, kung ano po iyong nangyayari sa cyber world ay napupunta sa totoong mundo. Kaya nga ang nangyayari, masyadong nagiging divisive ang tao, imbes na maging magkaisa, imbes na maging mapagmahal, mas nagiging vengeful at nag-aata-atake parati. So makikita natin na hindi talaga maganda iyong nangyayari online. Nakakadulot ito ng—kasi mahalaga ang impormasyon sa tao, ‘di ba? So, ang kinakailangan natin [unclear].
MS. DELA FUENTE: Parang nagha-hang iyong signal ninyo, Sec. Pero ang isa sa sinasabi mo nga na marching order sa iyo ng Pangulo ay iyong paglaban sa fake news at iyon din naman ang dahilan kaya tinanggap mo iyong posisyon dahil doon sa pangamba mo na sa paglala ng fake news. Paano natin pakikiharapan iyong ganitong reyalidad na ngayon na nangyayari sa industriya?
PCO SEC. RUIZ: Ang sigurong pinakamahalagang gawin po natin, una magsama-sama po tayo. Hinihikayat ko iyong mga vloggers, iyong mga social media influencers na magkaroon tayo ng kung hindi regulation, at least a code of ethics, na kung sinasabi natin na dapat bawal o ipagbawal natin iyong kasinungalingan sa online media, iyong hate speech sa online media, iyong paninirang-puri sa online media. Ang hirap kasi nito, maparatangan ka ng kahit ano, eh sa dami ng sumasakay, nalulunod na nga iyong totoo eh.
So, iwasan po natin, kami ang gagawin namin sa PCO, magkakaroon kami ng mga fact-checking teams, itong mga fact-checkers na ito, sisiguraduhin natin na iyong mga lumalabas online lalung-lalo na tungkol sa national security, tungkol sa mga polisiya, tungkol sa programa ng gobyerno na ito ay totoo. Kasi ang pundasyon dapat ng mensahe ng Presidential Communications Office ay—ang pundasyon ay truthful facts, ibig sabihin, totoo talaga ang pundasyon niya katotohanan eh. Ano ba ang programa ng gobyerno, let’s say tungkol sa health, tungkol sa sinasabi mong dengue, paano ba ito mapipigilan, iyong pagkalat ng dengue. Paminsan-minsan, mayroong mga maling impormasyon na nakakatakot, kunwari, may magsasabi, may mag-o-online, sasabihin, mag-ingat kayo, may panibagong COVID, tapos kumalat ito, natakot iyong mga tao na ayaw ng magsilabasan.
Tayo naman sa PCO, nakikita pa rin natin kasi may mga social monitoring tools naman tayo eh, social listening post, ibig sabihin nakikita natin iyong mga nagti-trending online. Ano ba itong nagti-trending na ito? ‘Uy, boss ito, mayroon’. May nagsabi na ganito, na magkakabomba sa ganitong lugar, ‘ha, sino iyan?’ Tingnan natin, sino ba iyan. We will shine truth to the darkness. Iilawan po natin ang kadiliman ng kasinungalingan, iyon ang dapat nating gawin. Hindi pupuwedeng manaig ang kasinungalingan sa katotohanan.
MS. DELA FUENTE: Sa atin, sa propesyon po natin as broadcast journalist at doon sa mga sabihin nating graduate sila ng mass comm and journalism courses, alam natin iyong code of ethics eh, pero paano natin i-impose iyon doon sa mga vloggers na ang kanilang intention is to create content para kumita.
PCO SEC. RUIZ: Okay, ganito iyan. Kapag nagiging public information ka, public information at public information content creator ka, kinakailangan dapat iisipin mo rin ang responsibilidad mo sa tao. Kasi kapag public information iyan dapat pakinabangan ng tao; parating tao and dapat nating isipin. Hindi naman puwedeng—sinasabi nila freedom of speech.
Oo, freedom of speech pero kahit na anong kalayaan dapat may kaakibat na responsibilidad iyan. Hindi puwedeng ‘wild, wild West’ tayo dito. Dapat mayroon tayong sinusunod na code of ethics. Kung hindi tayo susunod sa code of ethics, at least may regulation. Hindi tayo puwedeng malaya na kahit na anong sabihin natin. Eh ngayon parang—kung anu-anong sinasabi tapos kapag sinakyan ng iba, o paramihan na lang ng views. Dahil maraming views itong taong ito, pakikinggan natin ito.
Eh, kung mali naman ang sinasabi niya, kung pagpapakalat naman ng fake news ang sinasabi niya, anong gagawin natin? Wala bang kapangyarihan ang gobyerno to shine the light of truth? Dapat ang gobyerno guardians ng katotohanan, hindi ka purveyor of fake news. Dapat ang gobyerno puro katotohanan ang sinasabi lalung-lalo na sa mga programa at polisiya nila.
WENG DELA FUENTE: Iyon. Sec., medyo—
PCO SEC. RUIZ: Hindi ko naman pinipigilan iyong mga tao na mag-investigate on—Hello?
WENG DELA FUENTE: Opo. Sec., medyo magdi-devil’s advocate ako – would it not entail censorship?
PCO SEC. RUIZ: Hindi naman. Ang kuwan lang diyan is with great power, comes great responsibility. May responsibilidad tayo sa taumbayan na magsabi ng totoo. May responsibilidad tayo sa ating mga tagapakinig na magsabi ng katotohanan.
Tulad mo kunwari ‘di ba isa kang—Ka Weng, isa kang radio announcer, isa kang broadcaster, pinagkakatiwalaan, puwede ka bang magmura diyan sa iyong programa?
WENG DELA FUENTE: Siyempre hindi, may standards tayo na sinusunod.
PCO SEC. RUIZ: ‘Di ba? Puwede ka bang magsabi ng kasinungalingan diyan? Puwede ba? Tanong ko sa iyo, puwede ka ba—?
WENG DELA FUENTE: Siyempre hindi.
PCO SEC. RUIZ: ‘Di ba? The greater… kung anuman iyan, [garbled] sarili mo ‘di ba [garbled] na ibinigay mo, ibinalita mo – tanggal ka kaagad.
WENG DELA FUENTE: Oo, may vetting process na tinatawag.
PCO SEC. RUIZ: [Garbled] ‘di ba? Naibalita mo sa… nagkamali ka, manghihingi ka ng paumanhin on air din. Eh ito, nagmura ka puwede… kaliwa’t kanang mura inaabot, okay lang ‘di ba? Pansinin mo, pansinin mo online… tingnan mo iyong mga vloggers kung papaano—hindi ko sinasabing lahat iyan ha, sinasabi ko lang na dapat ma-regulate lalong-lalo na iyong nagbibigay ng disinformation/misinformation/kasinungalingan ng public information.
Ganito na lang: Kunwari ako, vlogger ako, sabi ko okay, dahil mainit ang panahon, lahat ngayon walang pasok. Eh dahil isang milyon ang kanilang followers at nakikinig sa kaniya at nagtitiwala sa kaniya, hindi sila pumasok. Eh wala namang announcement ang gobyernong ganiyan. Nasaan ngayon ang kaniyang responsibilidad? Ano ngayon ang kaniyang kaparusahan sa pagpapakalat ng fake news? Nasaan iyon?
Hindi pa natin nati-test iyong cyber-libel case dito dahil ang tagal bago magkaroon ng desisyon kung anong magiging hatol sa nagpakalat ng cyber-libel case. Makikita natin iyan, tungkol doon sa hiwalayang Dominique Roque at Bea Alonzo. May nagpakalat, sabi nila itong mga congressman na ito, itong mga third party sa hiwalayan ni Dominique Roque at Bea Alonzo. Naniwala ‘di ba, dahil nga dinumog na ng tao.
Ngayon, iyong mga biktima ng fake news sa takot naman, hindi man lang nag-file ng cyber-libel dahil sabi wala namang—congressman ang mga iyon na inakusahan nang hindi totoo. Kasi nga walang regulation eh.
Ganito iyan, Ka Weng: ‘Di ba sa pagpapalaki ng anak mo, kapag nagpapalaki ka ng anak, gusto mo ba ang anak mo o ikaw ba sinasabihan mo ba ng kasinungalingan iyong anak mo? How do you raise your children, ‘di ba?
Anyway, partner, aside from that po – ang Pangulo po, ang unang order po niya, “Jay, gawin natin dapat walang kumakalat na fake news.” Sabi po ng Pangulong Bongbong Marcos, ang laban ng ating henerasyong ngayon is the fight against fake news. So iyon lang po ang ginagawa po namin dito sa Presidential Communications Office. Isa lang iyon po sa programa naming inilatag kay Pangulong BBM.
WENG DELA FUENTE: Sabi ninyo, magbubuo kayo ng mga fact-checkers ano, iyong fact-checking team. Makikipag-partner ba kayo doon sa mga institutions sa media like KBP and other organizations na makakatuwang ninyo dito sa ano – o private sector – na makakatuwang dito sa fact-checking?
PCO SEC. RUIZ: Opo, kinakailangan. Kinakailangan po, it’s a whole-of-nation approach kasi kinakailangan may suporta ka sa publiko. Kinakailangan sabihin ng tao, “Tama na, sumobra na kayo.” Kinakailangan nating i-regulate or bigyan ng code of ethics at the least itong mga tao na nagpapakalat ng fake news sa internet.
Kasi ngayon, sabi nga ng Pangulong Marcos ‘no, “Jay, grabe na. Grabe na ito. Hindi na ito tama, itong pagpapakalat ng fake news…” lalong-lalo na sa kaniya, kay President BBM. Iyong tao, siya, nagtatrabahong maayos pero kung anu-anong mga kasinungalingan ang ipinaparatang sa kaniya. So siya mismo, bilang Presidente, biktima rin ng fake news.
So, maraming ganiyang klase na kung iyong mga taong nakaupo nga ay biktima ng fake news, papaano pa iyong mga ordinaryong tao?
Ngayon, pangalawang programa po ng ating Pangulong BBM dito sa atin ‘no, ang order po sa amin – ito iyong ibaba sa taumbayan iyong [garbled] at polisiya ng gobyerno. Dapat at impormasyon ng Presidential Communications Office ay naririnig at nakikita at nararamdaman ng taumbayan. Dapat ang mensahe ng gobyerno ay mensahe na nandito kami para sa tao. Ito po iyong mga programang ginagawa namin.
Alam ninyo po, bilang war correspondent from 1999 to 2010, [garbled] po ako ng Pilipinas mula Batanes hanggang Tawi-Tawi. So, nakita po natin kaya nagkakaroon ng insurrection at nagkakaroon tayo ng New People’s Army dahil sa mga lugar na hindi nararamdaman ang gobyerno – iyon ang [garbled] …
WENG DELA FUENTE: Sec., medyo nawawala po iyong audio ninyo?
PCO SEC. RUIZ: Doon sila nakakakuha ng recruitment [inaudible] medyo makapal iyong wall dito, ‘di bale ipapaayos ko po ito. Okay na po ba tayo?
WENG DELA FUENTE: Siguro one last point na lang Sec., pinag-submit ninyo po ng courtesy resignation lahat ng appointees noong nakaraang kalihim ano, napasyahan na po ba kung tatanggapin lahat iyon o may mga appointments na ba kayo to fill in doon sa mga nag-courtesy resignation?
PCO SEC. RUIZ: Mayroon po, sa ngayon po mayroon na pong lima na tinanggap po namin, so kabilang po diyan iyong general manager ng PTV4, mayroong isang undersecretary, may tatlong assistant secretary na po na aming tinanggap ang kanilang courtesy resignation. At patuloy po ang aming evaluation at tinitingnan namin iyong mga nagawa nila at hindi namin tinitingnan kung anong kulay ka, basta ikaw maayos ang trabaho mo puwede po kayong kasama dito po sa aming bagong administrasyon dito sa Presidential Communications Office.
Hindi natin sinasabing hindi naging maayos iyong iba, kasi maaayos naman pong lahat, iyong iba—karamihan naman po maayos. Pero siyempre dito po ay trust din, trust and confidence, kasi ang pinipirmahan ko po dito ganito kataas ang papel na dumadaan sa atin. Ayaw naman natin na pagbaba natin dito sa posisyon na ito ay magkaroon tayo ng kaso sa Ombudsman.
So, siyempre, obviously iyong dalawang abogado kailangan ko na akin talaga na pinagkakatiwalaan ng buong buhay na protektahan naman nila ako. So, it’s also a position of trust, lahat ng mga tao dito, since binigyan ka niya ng ganiyang kapangyarihan, na-evaluate mo, isang maling pagkakamali mo sa appointment, baka madamay tayo ‘ah, si Sec. Jay, ang nag-appoint diyan or isa sa mga nagpa-appoint diyan. So, tinitingnan, tiniyak… yes, Ka Weng.
WENG DELA FUENTE: When do you expect na ano, makukumpleto ninyo iyong bagong team ninyo?
PCO SEC. RUIZ: Sa ngayon, kasi po sa gob— well, marami kasing proseso po eh, at actually iyong mga tao na kasama ko dito, unang-una mahirap mag-regroup ng magagaling na tao, maaayos na pumasok sa gobyerno dahil nga iba ang kultura eh, kapag galing sa private sector ‘di ba. At saka siyempre presidential appointee tayo, at sinasabi ko sa kanila ‘oh lahat tayo presidential appointees dito, kapag ako nawala, lahat tayo magko-courtesy resignation’. We serve at the pleasure of the President, so walang stability itong trabahong ito – anytime we can go, anybody can go, that should be our mindset; iyon ang akin. Every day, puwede kang matanggal anytime.
So ganoon po ang ginagawa namin, tinitingnan din namin iyong efficiency ng opisina kasi medyo napalaki na masyado, masyado ng malaki iyong opisina. At ito pong PCO may sampung attached agencies po ito, nandiyan po ang PIA, nandiyan ang NIB, nandiyan po ang NPO, APO, nandiyan ang PTV4, Channel 13 at lahat ng mga local government station sa buong bansa at marami pang iba. So, it takes a while to come up with a process and workflow kung papaano i-unite iyong messaging ng gobyerno.
Dalawa kasi po iyan: Integration and the unified messaging. Paano mo ipaparating sa taong bayan iyong mensahe ng Pangulong Marcos sa ordinaryong Pilipino, sa pinakamababa mula sa pinakamataas hanggang pinakamababa, dapat marinig, makita at maramdaman ng tao ang mga polisiya ng gobyernong Marcos hanggang sa barangay. Iyon po ang naging marching orders ng Pangulong Marcos sa amin.
WENG DELA FUENTE: Sec. Jay, thank you ha, kasi we will not take too much of your time dahil alam namin busy po kayo sa mga trabaho ngayon pero maraming salamat sa panahong binigay ninyo sa amin. Hopefully, this will not be the last time. Pero baka may mensahe kayong gustong iparating sa ating tagasubaybay? The floor is yours po.
PCO SEC. RUIZ: Naku po, ang akin po, samahan ninyo po ang Presidential Communications Office. Ang gobyerno ay para sa tao. The government—ang Marcos administration was [garbled] for [garbled] people, by the people of the Philippines. So, ngayon po sa Presidential Communications Office, ang gagawin namin is people-centered messaging. Ibig sabihin, tao muna bago ang lahat. Dapat ipakita natin, Presidential Communications Office, na kami dito sa PCO inuuna namin iyong real life impact sa mga ordinaryong Pilipino.
Sa ngayon kasi masyadong nasa micro level eh, [inaudible] kailangang gawin nating micro iyong nakikita ng bawat pamilyang Pilipino ay natutugunan ang kanilang mga pangangailangan, lalung-lalo na sa panahon ng crisis at trahedya, iyon po ang mensahe po namin sa PCO. Nandiyan po ang gobyerno para sa inyo at nandiyan po ang gobyernong Marcos para sa inyo. Sana po, samahan ninyo kami, tulong-tulong po tayo para sa mga programang ito ay mapakinabangan ba ng tao.
Ito bibigyan kita ng example, Ka Weng ha, kahapon may good news eh, nagpunta dito ang Clark Development Authority, sabi niya ‘Jay, may dalawang libong bakanteng trabaho, kaso walang nag-a-apply hindi yata nila alam, puwede pa ba nating i-announce mamaya o hapon’. So, in-announce natin na sa Clark Development Corporation, may dalawang libong bakanteng trabaho ngayon na kung—iyong detalye nga lang na-discuss kahapon, kasi hindi ko alam kung bakit.
WENG DELA FUENTE: Hindi nakakarating sa tao.
PCO SEC. RUIZ: [inaudible] ang pina—hindi, kasi ang pinapaboran kasi ng balita sa Pilipinas negatibo eh, 9 out 8 or 8 out of 10 of the stories ay negative, puwede naman—kasi ang supposedly ang balita ‘di ba hindi naman tungkol sa saksakan, holdapan, scam or corruption or whatever. Balansehin po natin dapat – kung may negative news dapat mayroon din tayong positive news, ‘di ba. Hindi naman iyong 8 out 10 ng binabalita natin ay masasama.
Kita mo, kung may anak ako kunwari, kung may anak ako kunwari ‘di ba, gusto mo ba iyong anak mo, araw-araw mo sinasabi na may magnanakaw, may rapist, bobo ka. O ganito – pinakamababa ka, pinaka-corrupt ka, kung ano iyong pinakamasasamang quality o value ng Pilipino iyon ang hina-highlight natin, hindi totoo iyan.
Ang Pilipino ay magaling, ang Pilipino ay tapat, ang Pilipino ay nagbabayanihan, ipagmalaki po natin ang pagiging Pilipino natin hindi lamang dito sa Pilipinas kung ‘di sa buong mundo, magsama-sama po tayo. Hindi naman pupuwedeng— You know, the greatest enemy of the Filipino is himself, bakit? Dahil watak-watak tayo eh, hindi dapat ganoon. Magsama-sama po tayo para mapakinabangan itong mga programa natin sa gobyerno. Hindi kaaway ang gobyerno, kakampi iyan dapat ganiyan, suportahan po natin ang programa, polisiya at iyong mga magagandang balita na nanggagaling sa Presidential Communications Office. Ang trabaho po namin, marinig ng malalakas ang katotohanan sa mga programa at polisiya ng gobyerno na mapapakinabangan ng tao. Iyon po, so sana po—yes, Ka Weng?
WENG DELA FUENTE: Thank you so much, Sec. Jay, sa panahon na binigay mo sa amin.
PCO SEC. RUIZ: Salamat din sa iyo, Ka Weng.
WENG DELA FUENTE: Hopefully, this will be not be the last time po.
PCO SEC. RUIZ: It won’t be, promise. Especially po sa Net25, kakampi po natin iyan.
WENG DELA FUENTE: Sige, thank you so much for your time.
PCO SEC. RUIZ: All the time, Ka Weng.
WENG DELA FUENTE: Ang ating pong nakapanayam ay si Secretary Jay Ruiz ng Presidential Communications Office, at natalakay natin iyong mga programang inilatag niya ‘no para sa kaniyang pangangasiwa sa PCO na batay naman sa instruction sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos. So, hopefully ay maging successful lalo na iyong pagbaka sa fake news.
###