Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Maeanne Los Baños, Atty. Bruce Rivera and Atty. Jess Falcis (Boljak-DWFM)

Q: PCOO Secretary Martin Andanar. Lodi, magandang umaga.

SEC. ANDANAR: Ito naman si Andanar, nasa tabi-tabi lang. Lodi Maeanne, Atty. Bruce. Alam mo sabi ko—Atty. Bruce, di ba sabi ko sa iyo puwede kang maging senator. Alam mo noong ilang araw na napanuod ko si Atty. Falcis sa CNN… sa CNN ata iyon. Sabi ko, puwede na rin itong maging senador or maging Congressman. Dahil (overlapping)

Q: Pero ang gusto ko lang kasi, sir, maging housewife, joke lang. [laughs]

SEC. ANDANAR: [laughs] Ito si Danton Remoto ay napakadaming na-inspire talaga.

Q: Hindi naman siya ang nag-inspire sa akin, sir, iba kaya.

SEC. ANDANAR: Ah, hindi ba? [laughs]

Q: Eh ang tanong ko, puno na ba ang line up mo? Baka naman kulang ka ng dalawa, meron ako ditong pambato.

SEC. ANDANAR: Ipasok kaya natin iyan… ibulong natin kay Senator Koko.

Q: Wag mo akong bigyan ng problema, Secretary. Secretary may question ako. Ano bang ginawa ninyo sa gumawa nung mali?

Q: Winston Gatchalian daw, sir, saka Norwegia.

SEC. ANDANAR: Alam mo—ito alam ito ni Maeanne, na it’s really frustrating iyong mga ganitong klaseng problema and it happens even to the best news organization. Talagang ano—for example, iyong kay Senator Win Gatchalian… si Senator Win is a friend, he is a Senator it shouldn’t happen to him, lalung-lalo na if it’s coming from government media. If you try to search that name, iyong maling pangalan na Winston, makikita mo na meron ding mga Philippine newspapers na gumagamit ng Winston.

So, it’s not only an isolated problem of the government, although I am not saying that this is an excuse. It is as frustrating for me as it is for our readers. Ganundin iyong isa pang pagkakamali, iyong kay Congressman Roilo Golez. Alam mo, even if you type that name—during that day it was used by ABS-CBN, it was used by GMA, it was used by Business World. You know if you are coming from the news industry, frustrating talaga iyan. And it is not an excuse, it should not happen lalung-lalo na if you are a government news portal.

So kami, of course, we are adjusting our standard operating procedures until such time na maging acceptable sa industry. But then again, na talagang ano siya, talagang hindi mo maiwasan din iyong human error at meron talagang dapat maparusahan din and at the same time, ina-adjust din dapat iyong proseso ng paggawa ng balita. Remember that—yes, go ahead.

Q: Secretary Andanar, si Atty. Bruce po. Sir, sino ba iyong ano—before a news comes out or is disseminated to the public, sino ba iyong last say noon? Meron bang, for example—di ba usually dadaan iyan sa proseso, dadaan iyan sa simula, iyong pinakamababa na gagawa, tapos dadaan iyan—ilang tao ba ang pinagdadanan, before iyan nailalabas?

SEC. ANDANAR: Okay, unang-una—for example, ganito muna. Let me lay down the context of the organization. Ang PCOO merong mga ilang outlets na news, nandiyan iyong Philippine News Agency, nandiyan iyong PCOO website, nandiyan iyong PTV, Radyo Pilipinas. So ngayon, unang-una, maggagaling iyan sa writer ng agency, for example, on the case of… for example Congressman Golez, manggagaling iyan sa isang writer, tapos ipapasa iyan sa editor, pagkatapos ng editor, ipa-publish na iyan, okay.

So, in this case, nagkaroon ng oversight hindi lang doon sa writer maging doon sa editor. So, ang gagawin natin ngayon, meron na tayong writer, meron na tayong editor, meron pa tayong head editor na ilalagay.

Q: Head editor.

SEC. ANDANAR: It’s the same process that we did for Philippine News Agency. Meron ng mas mataas na editor. So iyon din ang gagawin natin ngayon dito sa Presidential News Desk at iyon din ang gagawin natin dito naman sa mga nag-a-upload ng mga captions at mga photos sa PCOO social media sites and websites.

Q: Pero, Sec, marami ho ang nagtatanong at curious po ano. Ano ho ang ginagawa ninyo tuwing merong ganitong blunder, iyong Norwegia, iyong Rogelio, iyong Winston, nasu-suspend po ba sila, natatanggal po ba, paano po ba, sir?

SEC. ANDANAR: Opo. Meron na pong nag-resign—sa lahat po ng mga blunders po ay meron na pong either nag-resign, merong na-suspend, meron pong nakasuhan administratively. Ayaw ko na lang pangalanan kasi na—

Q: Of course, of course, yes.

SEC. ANDANAR: Kasi nakakaawa rin eh. Pero gumagawa po tayo ng mga administrative… kahit papano punishment sa mga nagkakasala, lalo pag napatunayan talaga na talagang nagkaroon ng neglect doon sa trabaho. But at the same time, you know, alam mo wala namang gustong magkamali di ba, nobody wants to make a mistake. So ang ginagawa po natin ay bukod doon ay binabago rin natin iyong sistema ng specific agency or specific organization. So para po lahat ay masolve po natin at ma-minimize.

So, it is a frustrations—as much as this is a frustration for our friends in the private media, ganundin po sa government media lalung-lalo na we are still in the verge of strengthening government media after so many years of… alam mo na, siyempre napabayaan, iyong mga suweldo nila mababa, etcetera. So we are adjusting.

Alam mo mula kasi noong—after noong 1986, ito po ang gusto kong malaman ng lahat. After 1986, nagkaroon po talaga ng pagbagsak ng government media; so iyong mga magagaling na mga editors o mga writers umalis, lumipat ng private media.

Nagkaroon po tayo ng demokrasya sa ilalim po ni Tita Cory, so umusbong po, lumago ang negosyo ng media sa pribado, kaya nagsilipatan po; ayaw na pong bumalik. So ngayon po nagkakaroon tayo ng massive training and of course it is part of the birth pains ika nga.

Q: Sec. Andanar, si Atty. Jess po ito. Sa dami daw po ng blunders ng PCOO, may mga iba napapa-isip, incompetence lang ba ito or intentional na either may nananabotahe or talaga pong ginagawa intentionally para ma-cover up iyong ibang balita. I don’t know. So, incompetence po ba talaga or?

SEC. ANDANAR: Alam mo, Atty. Jess, ako napapaisip din ako minsan eh, na ano ba ito sinasabotahe ba ako as Secretary—

Q: Sec. Martin, Atty. Bruce. Ako naman, Sec. Martin, meron akong suggestion. Kasi ang dami mong Asec diyan na wala namang ginagawa di ba, saka iyong mga consultants mo na wala din namang ginagawa. Baka naman palitan natin ng totoong talagang magaling magbasa, talagang nag-iisip, di ba?

SEC. ANDANAR: Tama ka, Atty. Bruce. Iyong mga consultants po natin, iyong mga hinire po natin na mga contractual ay lahat po sila ay siniguro po natin na may ginagawa. Ngayon iyong iba pong talagang walang silbi ay hindi na po natin nire-renew.

Q: Ah kaya pala hindi na-renew iyong isa, okay, good. Siyempre nakikita mo, kapag consultant hindi ba dapat ano, talagang nagtatrabaho di ba.

Q: Pero, Sec, ituloy mo iyong sagot mo kay Atty. Jess. Iyong sabi mo na pati ikaw feeling mo sinasabotahe ka. Go ahead, Sec.

SEC. ANDANAR: Hindi kasi siyempre, marami tayong mga kaibigan, halimbawa si Atty. Falcis, sinabi niya na baka may nanabotahe. Siyempre napapaisip din ako, maraming nagsasabi niyan katulad ni Atty. Falcis. Pero ako kasi, as a technocrats, mas gusto ko lang isipin na it’s really an organizational problem and we should keep at fixing the problem and finding the right solution, a lasting solution; iyon po talaga dapat.

Q: Good attitude, sir.

SEC. ANDANAR: Kung iisipin ko araw-araw na may nanabotahe, may nanabotahe, eh mababaliw ako. I would not fit to function. Kasi masyadong political eh.

Q: Tama. Ako naman napansin ko lang Secretary Martin ‘no, di ba for a time nagkasunod-sunod din iyan months ago, iyong mga maling pictures and all, tapos napahingan, medyo nakahinga kayo, di ba medyo walang blunder. Tapos ito na naman siya sunud-sunod na naman. Bakit ganoon? Parang may pattern kayo, iyong pag nagkamali once, hindi puwedeng once lang, sunud-sunod talaga siya.

SEC. ANDANAR: Oo nga po, parang Murphy’s Law di ba. Pero kung mapapansin mo rin, pag nagkakamali, nagagamit sa isang ahensiya; tapos pag nagkakamali ulit, may ibang ahensiya naman. So noong una nangyari po sa PNA. Tapos ang PNA ay meron pong sister… kumbaga kung sa private, may sister company, may sister agency po siya sa News and—itong International Press Center, so nakasuhan na din yung tao doon. Then ito pong nangyari recently, meron pong galing—ibang ahensiya naman, ibang ahensiya naman, itong—or ibang division, the Presidential News Desk and then meron po iyong mga nag-a-upload ng social media. So, iba-ibang divisions nangyayari.

So—you know, siyempre kapag kumakalat po, sa pag nangyari sa ibang division ay aayusin natin iyong division na iyon, para hindi po maulit iyong problema. But rest assured, ito po ay in-assign ko kay Undersecretary Lorraine Badoy at kay Undersecretary Marvin Gatpayat. So, ngayong araw na ito ay meron pong pagpupulong na mangyayari, tapos meron pong mga SOP, standard operations procedures, meron pong mga sistema na i-implement para hindi na po mangyari, para maiwasan po iyong mga ganitong mistake.

Q: Secretary Andanar. Sir, actually kausap ko din kanina si Usec. Badoy, si Lorraine. Iyon nga sabi niya, totoo ba po nag-apologize, nag-isyu na kayo ng erratum or nag-apologize na kay Senator Sherwin Gatchalian?

SEC. ANDANAR: Totoo po iyon. Alam mo, Atty. Bruce, it is normal for—it’s really normal for newspapers organizations to issue an erratum or errata—

Q: Iyon ang importante, na mag-sorry talaga. Tama iyon, di ba?

SEC. ANDANAR: Opo, tama po kayo. So nag-isyu po kami at ako mismo, I messaged Senator Gatchalian. Sabi ko na ako ay humihingi ng paumanhin sa nangyari and rest assured that we are fixing the problem.

Q: Secretary, bago ka namin pakawalan, siguro ikaw na ang sumagot noong aming Boljak question of the day at tanong din ni Senator Winston Gatchalian ay may pag-asa pa raw ba ang PCOO, sir? Ang daming nagtatanong, pati netizens.

SEC. ANDANAR: Of course, kailangan nating bigyan ng… or mas hikayatin pa ang ating mga kasamahan na magtrabaho ng husto, baguhin iyong organisasyon. We must continue to improve it… kung ano natin siya nadatnan, dapat pag-alis natin ay mas maganda na, lahat po ng ahensiya kasama po ang Philippine News—iyong Presidential News Desk, kasama po iyong News and Information Bureau, Bureau of Communications Services, kasama po iyong PTV, Radyo Pilipinas, PNA.

Lahat po niyan, kailangan pag-alis po natin dito sa ating puwesto, pag-alis po natin, after this administration ay mas maganda po iyong madadatnan ninyo na PCOO organization and I am sure na nararamdaman n’yo na rin iyong mga pagbabago na ginagawa natin sa PCOO. Iyong PTV mas malakas, Radyo Pilipinas, FM 1, FM2, nagre-rate na iyang mga iyan.

Q: To be fair, opo. PTV 4, mas nape-feel ko ang presence.

SEC. ANDANAR: Opo. Tapos iyong social media presence ng Presidential Communications kita n’yo naman napakalakas na, every time magsasalita ang Presidente, nasa socmed agad at marami sa mga kababayan natin, umamasa na po diyan.

So talagang marami pong gains iyong – Mindanao Media Hub na mga 30% nakatayo na po iyan state-of-the-art communications facilities sa Mindanao. Visayas Media itatayo po iyan next year dito po sa Cebu. So lahat po ng ito ay kasama po sa build, build, build program ni Pangulong Duterte. We are building infrastructure, kalye and bridges; we also building communications infrastructures.

Iyong mga pagkakamali po natin dito sa content, iyan po ay a work in progress, we will solve it, we will make sure that pag-alis po natin dito sa PCOO ay mas maganda na po iyong communications ng ating mahal na Pangulo at ng bayan.

Q: And I can only imagine, Secretary, gaano kasakit ang ulo mo each time may mga ganito. Kasi kung tutuusin, Sec. di ba, hindi na ito dapat umaabot sa inyo, ang liit na bagay kung tutuusin. Pero talagang sa iyo ang—talagang ikaw iyong last na pupuntahan nito at ikaw ang mamomoroblema.

SEC. ANDANAR: Araw-araw padami ng padami ang viber thread eh.

Q: I can only imagine.

SEC. ANDANAR: At talagang normal lang ito, Maeanne, alam mo noon sa atin sa TV 5 nangyayari din ito, nangyari sa News 5 Everywhere dati. And we just—it is just in larger scale, because it’s government communication, government resources. And we are here to face those challenges.

Q: Saka, Sec, ingat lang tayo sa mga current officials, kasi iyong budget ninyo, baka magalit si Senator Winston sa budget hearing.

Q: Ay malapit na ang budget deliberation, sir, after SONA.

SEC. ANDANAR: Hindi mabait naman si Senator Win Gatchalian. Si Senator Win ay kaibigan ko at I am also one of his supporters and talagang from the bottom of our hearts, we are really sorry for what happened.

Q: Okay. Sec, maraming salamat sa inyong oras ha, as always salamat po.

SEC. ANDANAR: Mabuhay kayong tatlo, Senator Bruce. Alam mo—itong si Atty. Falcis ‘no, alam mo hindi nanalo iyong kaibigan ko si Danton Remoto sa partylist niya, baka pag nagtayo ka ng partylist, baka manalo ka.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource