Interview

Interview with PCO Usec. Atty. Claire Castro – Unang Hirit (GMA 7)


Event Media Interview - Press Officer Usec. Castro

ARNOLD CLAVIO: Usec. Castro, magandang umaga po.

PCO USEC. CASTRO: Yes, good morning. Good morning sa lahat ng nanunood sa inyo.

ARNOLD CLAVIO: Opo. Unahin natin, mainit na panahon, paano po paghahandaan iyong epekto ng mainit na panahon sa agrikultura, sa supply ng pagkain, ngayong—ito sa manok, eh nagresulta na ng P30 na pagtaas sa kanilang presyo?

PCO USEC. CASTRO: Actually kahapon, Igan, nagkaroon kami ng pulong, pakikipagpulong kay Secretary Laurel sa DA. At napag-usapan na rin iyan dahil nagkakaroon talaga ng heat stress lalo na sa mga animals. Ang sabi sa atin ay karaniwan na po, lalo na iyong mga may big farms, na alam na nila papaano ito paghandaan, pero of course nandoon pa rin po ang ating pagtulong, pero po ang mga—mayroong big farms, pero iyong mga backyard farms ay alam na rin daw po kung papaano mabibigyan ng remedyo, kasi po nagkakaroon nga daw ng heat stress sa mga animals.

So, magkakaroon po talaga kami ng mga information dissemination lalo na para ma-lessen kung anuman ang magiging epekto nito sa mga producers, sa mga may-ari ng farms.

ARNOLD CLAVIO: Eh sa palengke po iyong pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mayroon din pong intervention dito ang ating DA?

PCO USEC. CASTRO: Yes, actually kahapon, especially sa pork, kinakausap ng DA ang mga pork producers, kaya po magkakaroon po talaga ng pagbaba ng presyo rito.

ARNOLD CLAVIO: Opo. Lipat tayo sa impeachment, medyo sabi ng ibang constitutional ‘ika nga, member ng ConCom ay may ‘unreasonable,’ delayed na po, ano po ang reaksiyon ng Palasyo rito?

PCO USEC. CASTRO: Pakiulit nga po, Sir Igan.

ARNOLD CLAVIO: Sabi po ng ilang mga constitutional ‘ika nga, framers natin, mga gumawa ng Saligang Batas, iyong July na schedule ng Senado, ‘unreasonable’, delayed na po. Sa panig po ng executive, makikialam ba kayo dito o mayroon ba kayong ‘ika nga ay nararamdaman din na masyadong matagal kung sa July sisimulan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte?

PCO USEC. CASTRO: Actually, Igan, hindi talaga namin napag-uusapan sa mga ilang araw ko na nakakasama ang Presidente, ang Pangulo, sa mga meetings, hindi po namin napag-uusapan iyan. Mas napag-uusapan po namin iyong mga agarang pagtatrabaho at agarang solusyon sa ibang mga problema. Hindi po kami makikialam – ang Pangulo po, ang Executive Department ay hindi po makikialam kung ano po ang magiging trabaho po ng Senado.

ARNOLD CLAVIO: Okay, dito naman po sa EDSA rehabilitation, Usec, mayroon bang mga huling utos ang Pangulo dahil puwedeng maapektuhan maging mga empleyado sa gobyerno?

PCO USEC. CASTRO: Iyon pong bus carousel po natin, tuluy-tuloy pa rin po iyan. Ang mangyayari lang po ay aayusin kung papaano ito hindi maka-cause ng traffic, pero tuluy-tuloy po iyan, hindi po iyan ihihinto para sa ating mga commuters.

ARNOLD CLAVIO: Tuloy ba iyong sinabi ni Ambassador Romualdez na planong pagpupulong o pagkikita nina Pangulong Bongbong Marcos at US President Donald Trump?

PCO USEC. CASTRO: Opo, they expressed their intention to pursue po a leaders’ meeting at an appropriate time. Wala pa po tayong definite kung anong timeline, pero nandoon pa rin po iyong intensiyon na ipagpatuloy po ito.

ARNOLD CLAVIO: Ano na po ang update o latest kay Secretary Jay Ruiz ng PCO kaugnay ng pag-divest po ng ilang mga kumpanya niya?

PCO USEC. CASTRO: Nagsalita na po siya tungkol sa kaniyang mga companies at sinabi nga po niya, ayon sa kaniya, itong Digital 8 ay hindi naman daw po sa kaniya at siya po ay authorized representative lamang po. So, iyon lamang po ang pinaka-latest sa kaniya.

ARNOLD CLAVIO: Maraming salamat, Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ingat po.

PCO USEC. CASTRO: Salamat, Igan.

 

###