Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Ricky Rosales (DZMM – Kabayan)

Event Radio Interview

RICKY:  Spox magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga, Ricky, galing dito sa napakagandang syudad ng Tangub, Misamis Occidental kung saan kagabi po ay sila ay nagdiwang ng kanilang golden anniversary. Happy Anniversary Tangub at maraming salamat kay Mayor Philip Tan at sa kanyang maybahay si Joanna at saka siyempre si Congressman Henry Oaminal.

RICKY:  Opo. Sec, napatawag kami… I don’t know kung nakarating na sa Pangulong Duterte itong… well sa anggulo ng balita, ito ay hamon; pero puwede rin itong sabihing panawagan ng ilan pong mambabatas na pangunahan na ng Pangulong Duterte ito hong pag-aayos ng gusot sa isyu po ng Dengvaxia, ito po ay sila Representative Gary Alejano ng Magdalo.

Ito ho ba ay nakarating na sa Pangulong Duterte at may posisyon na ho rito ang Pangulo, Attorney?

SEC. ROQUE:  Nakapagtataka dahil sa mulat-mula naman may posisyon ang Presidente rito. Ang sabi ng Presidente, ituloy ang proseso ng pangangalap ng katotohanan at kapag merong ebidensiya na dapat panagutin ang Sanofi at iyong mga nag-implement ng program na ito, panagutin. Pero never naman na ang Presidente na walang paninindigan dito.

Ang sabi lang niya habang wala pang resulta ang imbestigasyonkay Presidente ng mga panahon na iyon – dahil siya nagka-dengue, nagka-dengue iyong anak niya – siguro gagawin din niya iyon, kasi nandiyan iyong vaccine. Pero talagang alamin natin kung alam na ng Sanofi nung panahon na ibinenta sa atin itong vaccine na ito kung merong itong serious effect dahil kung ito ay alam na nila, hindi lang civil liability, criminal negligence criminal act talaga iyan, homicide ang krimen.

Pero kung hindi negligence ito, ano lang, civil at saka [unclear]. Iyon nga, sa akin si Congressman Alejano na walang sinabi ang Presidente. Malinaw na malinaw po, meron. Sinasabi ng Presidente, hayaan nating umusad ang imbestigasyon, huwag tayong maging hysterical dahil napakadami na ngang problema ng magulang, tapos dagdagan pa natin ang kanilang pag-aalala.

RICKY:  Ang pananaw po dito ng ilang eksperto, as this issue is going on Spox, maaring kapag nagpatuloy itong… well, bangayan, itong conflict between the Public Attorney’s Office na inatasan po ng DOJ na mangalap nga po ng ebidensiya rito and yung seeming… kasi sa hearing din kahapon, parang ayaw mag-share. Ang sabi in Atty. Acosta, parang ayaw ng mga parents nai-share iyong information doon sa DOH officials na mga eksperto rin naman.

Parang ang pananaw ho rito, baka lalong humina ang maging kaso ho natin kung saka-sakali sa Sanofi and maybe they are lucky right now, dahil kahit tayo nagkakagulo ho rito. Ano ho ang posisyon dito ng Pangulong Duterte sa ganoong usapin, Attorney?

SEC. ROQUE:  Alam ninyo abogado si Presidente at lahat ng opisyales na involved dito sa Dengvaxia, dapat alam nila na bilang taong-gobyerno eh may batas na umiiral. (communication cut)

RICKY:  Secretary, naputol tayo kanina.

SEC. ROQUE:  Oo nga, bulok talaga ang telecom system, antayin na natin ang telcoms provider.

RICKY:  Secretary, you were saying kanina doon sa tanong ko na anong posisyon po dito ng Pangulo sa apparently nagbabangayan ang PAO and DOH baka makapagpahina lalo sa kaso sa pagkukuha ng mga ebidensiya. You were… ano,abogado ang Pangulo, ano ho ang kanyang posisyon dito?

SEC. ROQUE:  Ang pananaw po niya ay may mga batas na umiiral dito ano. At ito ay hindi lang iyong anti-graft law, kung hindi iyong misconduct at [unclear] … iyon po ipinagbabawal ganyang asta na kumbaga ay nagkakaroon ng danyos ang publiko dahil ayaw gawin ng ibat-ibang taong-gobyerno ang kanilang katungkulan.

Sa akin po, importante na mapatuloy ang fact-finding at imbestigasyon, dahil kung tayo ay magsasampa ng kasong kriminal, ito po ay proof beyond reasonable doubt. So kinakailangan lahat ng taong-gobyerno nagkakaisa para masigurado na mabigyan ng katarungan iyong ating mga kabataan na naturukan nitong Dengvaxia na ito.

Pero siguro po hanggang doon na lang muna tayo at alam siguro ng mga taong-gobyerno ang mensahe galing po sa Palasyo.

RICKY:  Parang wait and see while the investigation is going on.

SEC. ROQUE:  Ang panawagan nga po ay kinakailangan lahat magtulungan. Dahil hindi naman po puwede na ilang taong-gobyerno lang ang nais makapanilbihan sa taumbayan, hindi naman ata kapani-paniwala iyon. Ang kinakailangan lahat talaga nagtutulungan, lahat talaga isinusulong ang interes ng publiko at kung meron naman silang reklamo na sa tingin nila ay may isang ahensiya na nagiging traydor sa ating publiko, di isumbong nila sa Palasyo.

Pero hanggang walang ganyang ebidensiya naman, inaasahan ng Palasyo lahat nagtutulungan, dahil matindi rin ang kalaban dito, isang multinational company. Kaya habang nagbabangayan, siguro natutuwa iyong multinational company na iyan. So dapat kapit-bisig po tayo ngayon, dahil napakadami – 800,000 na mahigit ang mga magulang ang hindi makatulog ngayon, dahil hindi nila alam kung ano ang estado ng kanilang mga anak. Tulong-tulong po sana.

RICKY:  Iyon din ang sunod kong itatanong, Secretary. Panay-panay ngayon ang mga ulat tungkol sa mga batang namamatay and of course, as we know it na iyong pangamba ng mga kababayan po natin, lalo na po nung mga magulang na maaring hindi pa reported pero naturukan ng Dengvaxia. And ang mga public hospitals naman ay talagang may mga lane na nakahanda ho rito.

Meron bang karagdagang parang pag-uutos po ang Pangulo o anong masasabi niya rito, para at least, iyong ganoong pong panig sa ating mga kababayan, Sec.?

SEC. ROQUE:  Well, alam nyo po, si Secretary Vit Aguirre nagsalita na rin po tungkol sa mga ganito, ang NBI naman po ang ahensiyang nag-i-imbestiga at kanilang mga ekspertong pathologist ang mag-aaral ng data hindi pupuwedeng mabalewala ang mga case na naririyan na galing man sa UP-PGH, galing man kay Dr. Erfe [unclear] nagtutulungan nga.

Dahil ang mandato ng Presidente imbestigahan nga. Paano naman matatapos ang imbestigasyon kung hindi nagtutulungan. So iyon po ang panawagan natin.

RICKY:  Okay, final point, Sec, at tatanungin ko na rin sa inyo, isa pang isyu ngayon itong sa National Food Authority na kulang ang buffer stock and kahapon sa committee hearing sa Senado ay may panawagan sa Pangulo ang committee chair, si Senator Cynthia Villar, na baka puwedeng iyon hong mga smuggled rice  mabigay po sa NFA at siya pong maibenta ng mura sa ating mga kababayan. Ito ho’y nakarating na sa Pangulo, Secretary?

SEC. ROQUE:  Alam mo matagal ng patakaran naman iyan at hindi naman ito gaya ng mga kotse na sinisira para magsilbing leksyon. Ito naman talaga, dahil ito namay pagkain, baka naman kinakailangan ay magamit ng mga nagugutom sa ating taumbayan.

Pero diyan po sa NFA, malinaw po na parang nagkakaroon ng hidwaan na naman sa mga taong gobyerno ano; pero ako po bilang isang Spokesperson ng Palasyo, kami po ang kakatigan namin diyan si Cabinet Secretary Evasco. Tama po ang posisyon nila na ang desisyon na kung kailan mangalap ay desisyon po iyan ng National Food Council at iyong desisyon po nila na kumalap ng 250,000 na ginagamit ng pribadong sector, iyan po ay pinaninindigan din ng Palasyo bilang solusyon.

Dahil unang-una, hindi naman pala totoo iyong sinasabi nila na wala na talagang bigas ang ating bayan. At tama rin naman iyong posisyon ni Senator Villar na hindi dapat nagsasabi, nagdedeklara ng mga ganoong bagay, dahil nagkakaroon tuloy ng panic ang ating taumbayan.

So panawagan uli sa mga taong-gobyerno lalo na ang mga tinalaga ni Presidente Duterte: Nandiyan po tayo para manilbihan sa taumbayan at kung nahihirapan po tayong manilbihan ay siguro po pupuwede nang i-konsidera ang ibang karera sa pribadong sector.

RICKY:  All right. So ang sinasabi ninyo, itong mga smuggled rice talaga namang may ganoong polisiya na puwede itong ibigay sa NFA?

SEC. ROQUE:  Puwede po iyan ibigay nahindi lang ibigay sa NFA, baka puwede nga ibigay libre iyan sa mga mahihirap. So doon sa ating 4Ps, dahil namimigay din tayo ng libreng bigas sa ating 4Ps. So iyon po siguro ang isang bagay na ilalabas natin sa susunod na Cabinet meeting sa a-singko ng Marso.

RICKY:  Oo nga. Kasi kung sa dami ng mga smuggled rice na iyan, sabi nyo nga hindi naman parang kotse iyan na sinisira, iyong prediction na baka makapagbenta pa uli ng NFA rice sa June na, baka naman hindi mangyari sa June na. At iyong mga kababayan natin sa lalong madaling panahon, may mabili na 27 pesos per kilo, Secretary.

SEC. ROQUE: Tingnan nga natin kung puwede nang ipamigay iyan. Alam sa Gabinete, napakaganda po ng usapan doon, sa mga isyu at ako siguro maninindigan ibigay na lang iyan. Siguraduhin lang na wag mabenta muli ng hindi pagkakakitaan ng mga smugglers.

RICKY:  Oo. At saka mga isyu sa loob, Sec., parang dati na naman. Iyung binabanggit ninyong iyan, hidwaan din, isyu din between council and the NFA. So kahapon nga sa isang palatuntunan, sabi ko, wala bang gugulong ulit na mga sibakan sa mga susunod na araw, Secretary?

SEC. ROQUE:  Well, Ricky, alam mo desisyon iyan ng Presidente. Pero sa sandaling ako ay nanilbihan kay Presidente, pag nalaman ni Presidente na merong kababalaghan, kahit gaano kang kalapit, sibak ka. In fact, ang katunayan wala pong nasisibak na hindi malapit kay Presidente ano.

So ang sa akin lang po, kung talagang gusto n’yo pang manilbihan sa gobyerno,  gawin po ang tama at ang Presidente wag n’yo pong i-underestimate, lahat po iyan nakakarating sa kanya, lahat po iyan pinag-aaralan. Tahimik lang iyan, lumalabas na lang isang utos sa akin, i-announce mo sibak na itong si ganito.

So iyon lang po ang aking panawagan talaga sa gobyerno, mga taong gobyerno, seryosong-seryoso po ang Presidente. Wag nyo na pong antayin na ma-anunsyo ko na kayong susunod na sisibakin.

RICKY:  Okay. Spox, maraming salamat sa inyong oras ha, good morning.

SEC. ROQUE:  Maraming salamat, good morning.

 

###

SOURCE: PCOO – NIB (News and Information Bureau)

Resource