Interview

Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Alvin Elchico and Doris Bigornia (SRO-DZMM)

Event Interview
Location SRO-DZMM

 

ALVIN ELCHICO: Secretary, magandang gabi po sa inyo.

DORIS BIGORNIA: Good evening, sir.

SEC. ROQUE: Ay naku, Alvin at Doray magandang gabi sa inyo—

ALVIN: Busog na busog?

SEC. ROQUE: At sa inyong mga nanonood at nakikinig, busog na po.

DORIS: Anong peri-peri, Sec.?

SEC. ROQUE: Huwag baka mamaya ay hindi naman nagbayad ang advertisement. [laughs]

DORIS: Oo nga may tama ka diyan, Sec., okay, oo basta masarap—

ALVIN: Basta masarap iyon lang iyon. Let’s start kasi maraming issues. Unahin natin iyong isyu po ng Rappler. Marami na po ang naglabas ng statement NUJP, FOCAP. Ang turing po nila ito ay isang uri ng pagsikil sa freedom of the press dahil daw po sa desisyon ng Securities and Exchange Commission na tanggalan ng—

DORIS: I-revoke—

ALVIN: Itong Rappler, anong sagot ng Malacañang, Secretary?

SEC. ROQUE: Unang una, wala pong katotohanan iyan dahil ang Saligang Batas naman po ang nagsabi na hindi pupuwede na mag-ari ang mga dayuhan kahit isang share of stock sa isang negosyo ng mass media. Kinakailangan niyan 100 percent Filipino. Bagama’t nariyan po ang karapatan ng malayang pamamahayag, ang sabi din ng kaparehong Saligang Batas, dapat Filipino lamang ang nagmamay-ari. Nagdesisyon naman po ng Securities and Exchange Commission, bagama’t umano daw mga Filipino daw ang nag-aari ay pumasok sila sa isang global depositary receipt na nagbibigay ng control sa isang dayuhan. Kaya nga po ang sabi nila nalabag iyong Constitutional provision—

DORIS: Hindi po ba Secretary—maputol lang kita. Hindi po ba naglabas na ng mahaba at maliwanag na paliwanag ang Rappler noong una silang nabira ng Malacañang tungkol po sa kanilang ownership?

SEC. ROQUE: Well unang una po, hindi naman po sila may hurisdiktion para magdesisyon sa mga bagay na ito. Hindi naman po mga abogado iyang mga taga Rappler, iyan naman po ay mga peryodista. Yung mga nagdesisyon naman po sa SEC, hindi naman po iyan mga appointees ni Presidente Duterte. Iyan po ay mga tao na walang kadudaduda ang integridad at iyong kanilang pagkakaalam sa Corporation Law, Tess Herbosa. Sa katunayan po sa lahat ng mga Commissioners at Chairman diyan, iisa lang po ang appointee diyan ni Presidente Duterte. Bakit naman po—palibhasa labag sa—kontra sa kanila ang desisyon, hinahaluan nanaman ng pulitika, mayroon daw paglabag ng karapatan ng malayang pamamahayag. Malayong malayo po iyon sa katotohanan.

ALVIN: Siguro Sec., in the context na dahil iyong Rappler has always been critical of the administration. So may antecedent, may nangyari prior itong desisyon?

SEC. ROQUE: Well unang una po, Saligang Batas po ang nalabag. Hindi po kami ang sumulat ng Saligang Batas, ang taong bayan, Filipino po ang nagbigay ng bisa diyan sa Saligang Batas. At hindi rin po ang Presidente ang nagsabi na Rappler ay lumabag diyan. Iyong SEC na hindi po namin kaalyado. So bakit po ang pinagbubuntung hiningahan ay ating administrasyon, wala po talaga kaming kinalaman diyan—

DORIS: Pero hindi rin ho natin maitatatwa Secretary na for several—in several occasion sa kaniyang mga speech ay isa po ang Rappler sa kaniyang mga binabanatan… ni Pangulo po?

SEC. ROQUE: Patas lang naman po iyan. Binabanatan ng Rappler ang Presidente; bakit hindi pupuwedeng bumanat din sa kanila ang Presidente? Wala na bang karapatang ang malayang pananalita din ang Presidente? Pero pagdating sa bagay pong ito ay kinakailangan masunod naman ang Saligang Batas at nagsalita na po iyong ahensiya na mayroong hurisdiksyon at kapangyarihan na mag-determine kung talagang labag o hindi labag sa ating Saligang Batas iyong pag-aari ng Rappler.

ALVIN: So do you categorically say then that Malacañang did not pressure in anyway iyong Securities and Exchange Commission to decide against Rappler?

DORIS: Walang fingerprints ang Malacañang dito?

SEC. ROQUE: Naku iisa lang po ang appointee diyan ni Pangulo at iyong Chairperson at iyong karamihan ng Commissioners appointees po iyan ni Pangulong PNoy.

DORIS: So ano hong mangyayari ngayon sa—sorry ha. Bilang abogado naman sir. Ano naman ang puwedeng gawin ng Rappler ngayon, puwede pa silang mag-operate?

SEC. ROQUE: Well hindi ko po alam sa kanilang gagawin. Pero alam ninyo po medyo masama naman talaga ang—tatapatin ko po sa inyo, masama po ang loob ni Presidente na pinagbibintangan siya dito. Dahil ang sabi nga ni Presidente, ‘Bakit ang Rappler napakagaling pumula? Napakagaling magsalita na ang mga taong gobyerno, lalo na iyong kaniyang administrasyon, diumano ay lumalabag sa Saligang Batas at sa mga batas. Pero ‘pag siya naman pala ay binusisi at pinulaan na lumalabag sa ating Saligang Batas siya ay nagrereklamo ng paglabag ng karapatang malayang pamamahayag. Ang sabi nga niya ‘di ba? Ang pamamahayag naman ay mayroong public trust. Kapag may public trust iyan ibig sabihin lahat ng mamamayan kasama na iyong mga peryodista mismo, dapat karapat-dapat iyan sa public trust at hindi po karapat-dapat ang—magkaroon ng public trust sa isang entity na lumalabag sa Saligang Batas. At iyan po ang desisyon ng Securities and Exchange Commission.

ALVIN: Doon po sa sinasabi naman nila na ito ay magsisilbing babala sa lahat ng mga media na kritikal kay Pangulong Duterte. This can also happen to you. Parang in other words, it send a chilling effect on other media entities?

SEC. ROQUE: Wala pong katuturan iyan. Napakatagal na pong naglilingkod sa gobyerno si Presidente Duterte ni minsan hindi nga iyan nagdemanda ng libel. Alam po niya kung paano makipag-ugnayan at makipagtrabaho sa media. Alam niya na indispensible po sa isang demokrasya ang media. Kaya nga po irere-consider na this is foul, kasi in the first place sino ang mga nagsabi sa kanilang pumasok na ang Global Depositary Receipt? Alam mo iyang tinatawag na GDR na iyan ay nakakapagtaka nga na isang internet-based news agency may ganiyan pa. Ginagamit lang iyan kapag bilyon-bilyon talaga ang mga investment. At saka bakit mayroon pang mga offshore companies na kinakailangang mag-ari noong mga ilang mga shares. Kung mayroon talaga silang—kung wala talaga silang itinatago.

Talaga naman pong kung titingnan ninyo talaga iyong desisyon ng SEC mauunawaan ninyo naman talaga na talagang obvious, bagama’t napakahirap intindihin noong GDR kung iisipin po natin na ang GDR po ay kumbaga parang security iyan, parang security iyan na mabayaran o mapangalagaan iyong investment sa isang entity. Bakit naman—bagama’t mayroon kang ganiyang GDR ay ibibigay mong control doon sa pinagkakautangan mo o iyong pera na nag-invest sa iyo. Napakadami ko na ring GDR na nakita. Iyan lang naman ang kauna-unahan kong nakita na GDR na nagbibigay ng control doon sa nagpautang o nag-invest ng pera sa isang korporasyon. So huwag po sana nilang sabihin na si Presidente ang may kasalanan diyan. Tingnan po nila ang sarili nila, ano ba ang itinatago nila? Bakit kinakailangan pa ng GDR? Bakit kinakailangan pa ng mga offshore companies para mag-ari ng ilang mga shares ng kanilang kumpanya kung wala silang tinatago?

ALVIN: Nabanggit mo iyong GDR Secretary, para siguro as an education sa mga nakikinig ano po. Ang sinasabi po ninyo, hindi ibig sabihin na walang kinatawan sa Board itong may hawak ng GDR, hindi ibig sabihin hindi sila nagmamay-ari? Kasi if you look at the Board noong Rappler, wala namang foreigner doon, puro Pinoy.

SEC. ROQUE: Alam mo, tatapatin ko kayo ha. Kinausap ko po itong Chairman ng SEC, at siya nag-explain sa akin. At uulitin ko po, ito po’y appointee ni Presidente Noynoy. Ang sabi po sa akin ni Chairman Herbosa, kasi itong GDR, bagama’t ito’y investment, ang tanong nila bakit binigyan ng power of control iyong investor sa mga polisiya noong kumpanya kung saan sila namuhunan. Kung pautang lang talaga ‘yan, walang ganiyang probisyon. Kaya nga nagkaroon sila ng desisyon na mayroong paglabag, kasi kaya naman nililimita natin sa mga Pilipino ‘yan para sigurado na iyong control ng mass media, nasa kamay ng mga Pilipino. Ito sasabihin nila, nasa kamay nga ng Pilipino pero sunud-sunuran sa mga dayuhan – dahil doon sa GDR nila nakasulat doon, binibigyan nila ng control iyong mga dayuhan.

ALVIN:So kahit hindi represented sa Board, kahit ang mga miyembro ng Board ay mga Pilipino, nakalagay pa rin doon na ang may control sa kanilang policies ay iyong sinong holder ng GDR.

SEC. ROQUE: ‘Yan po ang desisyon ng SEC – at kakaiba talaga—

DORIS: At nangingialam…

SEC. ROQUE: At nangingialam… Kaya nga po sabi nila may paglabag. Sabihin mo nga lahat Pilipino nagmamay-ari diyan, mga tau-tauhan naman pala at kumukuha ng dikta sa dayuhan, ‘di ganoon din.

ALVIN: Okay. Puwede ba ibang topic? Samantalahin natin Partner, kasi madaling magpa-interview naman ‘to, kasi busy’ng-busy.

DORIS: Napaka-bising tao nito…

SEC. ROQUE: Bakit naman ako magpapa-interview, taga-riyan ako. (laughs)

ALVIN:(Laughs)Tungkol lang dito… linawin nga natin. Si CHEd Chairperson Licuanan ba ay nag-resign? Kumbaga inunahan niya, o talagang sinibak na siya bago pa siya nag-resign?

SEC. ROQUE: Ay, nagkausap po kami ni Presidente mga ala sais, sa telepono. At nalinaw ko naman po, na alas otso pa lang natanggap na ng Palasyo iyong resignation ni Licuanan. At iyong kaniyang televised speech sa Davao kahapon ay parang hindi nasabi sa kaniya na nag-resign na, kaya sinabi niya na sinibak niya. Pero nasabi ko po sa kaniya iyon, na nagkaroon na po ng resignation bago iyong pag-anunsiyo niya sa Davao na sinisibak niya si Licuanan.

ALVIN:So para malinaw lang, inunahan niya? Nauna siyang mag-resign kaysa sa anunsiyo ng Pangulo.

SEC. ROQUE: Ibigay na po natin iyon, na nag-resign po si Chairperson Licuanan.

ALVIN: Kasi may ganoon lumabas na hindi, hindi siya nag-resign, sinibak siya. Hindi po. Nililinaw ni Secretary Roque, nag-resign siya.

SEC. ROQUE: Nilinaw ko yata, nagkausap po kami ni Presidente tungkol diyan.

DORIS: Okay, hindi lang na-inform agad si Pangulo…

SEC. ROQUE: Opo, nasa Davao po.

ALVIN: Sino iyong papalit po?

SEC. ROQUE:Wala pa po, pero wala naman pong vacuum ‘yan. Kasi iyong pinaka-senior na Commissioner siya po ang tatayong Acting Chairperson.

DORIS: Uhum… Available po si Alvin. (laughs)

ALVIN: (Laughs)Susmaryosep, hindi po. Susmaryosep, dito na’ko sa ABS-CBN.

SEC. ROQUE:Ikaw Doray, dapat Department of Social Works ka nga…

ALVIN: Oo, bagay ba siya doon Sec.?

DORIS: Ay, hindi ho ako kuwalipikado. Wala po akong qualifications na tamang—

SEC. ROQUE: ‘Pag ikaw nag-secretary doon, mag-a-apply akong Usec. (laughs)

DORIS: Ganoon…

ALVIN: Made-demote siya doon, Secretary na siya. Sa issue muna noong ano… isa pa, may issue pa ako. Kasi ang mga tao, umaaray doon sa taas ng presyo ng petrolyo. Naku, ang daming nagagalit sa social media – ang tawag, ‘TRAIN WRECK’. How do you address that? Papaano kaya natin ma-address iyong concern na mga ‘yan?

SEC. ROQUE: Well sa totoo lang, hindi ko pa alam kung gaano kataas iyong tinaas nila. Pero hindi po ‘yan dahil sa TRAIN lamang. ‘Yan po siguro ay dahil tumaas talaga ang halaga ng petrolyo, dahil napakaliit lang naman po ng pinapataw na buwis doon sa petrolyo. So hindi po dapat na ganitong kalaki o… hindi ko po alam kasi kung magkano iyong sinasabi natin dahil iba’t iba naman po ‘yan, wala naman po tayong price control—

ALVIN: Tatlong piso po, Sec. Tatlong piso kada litro.

SEC. ROQUE: Oo, pero hindi ko po memoryado kung ilan iyong dapat na excise tax na pinapataw, dahil alam ko iba ang diesel, iba ang gas. At hindi ko po memoryado ngayon. Pero kung totoo po na mas mataas pa ‘yan doon sa nakasulat sa TRAIN, ay ibig sabihin po, ibang dahilan kung bakit tumaas pa diyan. At kung walang dahilan, dapat ding tingnan ng gobyerno. Dahil ang dapat lang na dahilan ng pagtaas ay iyong presyo sa merkado at saka iyong karagdagang excise tax, na hindi po dapat na ganoon kataas.

ALVIN: Sa palagay po ba ninyo, ito’y makakabawas sa approval rating? Ano pa iyong isang rating na mataas ni Pangulo?

DORIS: Satisfaction…

ALVIN: Satisfaction rating, kasi maraming mag-aalburoto.

SEC. ROQUE: Well unang-una po, ito namang alburoto nila ay isipin nila iyong kanilang susuwelduhin mula itong buwan na ito, mas malaki na. Kasi iyong mga 250 thousand and below, wala na pong silang income tax withheld dahil libre na ang kanilang income tax. So sa tingin ko po, mas maraming matutuwa na mas malaki ang kanilang pay check kaysa doon sa kakaunti lang naman. Alam ko naman talaga lahat tayo ayaw nating tumaas. Pero ang katotohanan, kinakailangan natin ‘tong additional na pondo na ito para magkaroon din tayo ng mas mabuting imprastraktura at habang ginagawa itong mga mas mabuting imprastraktura na babayaran ng Build, Build, Build, – mas marami ring trabaho at mas maraming economic opportunities na maibibigay sa ating taumbayan.

DORIS: Pero Sec. ang sabi ng iba, sagasang-sagasa na sila kasi mayroon na pong mga nakaambang pagtaas ang presyo ng mga basic needs.

SEC. ROQUE: Well ang sabi ko nga, ang sabi po ng Department of Finance ay overall wala pa pong 1 percent ang epekto nito sa inflation. So mayroon naman pong mga benepisyo na makukuha diyan. Naku, bigyan ninyo po ang tseke ninyo ngayon, ang inyong mga pay check, at tingnan ninyo po kung gaano naman ang nabawas doon sa income tax withheld.

ALVIN: Sige partner… Alam mo ang Presidente tutulak ng India, nabalitaan mo na ba?

DORIS: Ah, oo, oo… mayroon.

ALVIN: Kasama ka ba, Sec.?

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po alam kung sasama ang media. Ako naman po ang mandato ko, kung mayroong miyembro ng Malacañang Press Corps ay sasama din po ako. So pasamahin ninyo po iyong mga taga-Malacañang Press Corps para ako’y makasama. (laughs)

ALVIN:Hindi pa sure na open for media ang trip?

SEC. ROQUE: Well tingin ko naman po, it will be open for media. Sa lahat po naman po ng state visit na pinuntahan—lalo na po ito, ito po’y isang ASEAN-India Summit. At kaya nga po natanggap na ni Presidente ito, unang-una, noong nagkaroon daw po ng Commemorative Summit noong 2012 ang Pilipinas lang ang tanging bansa na hindi pumunta iyong Head of State. Ang pumunta po noong 2012 si dating VP Binay. So talagang nagsalita na po iyong Ambahador ng India na baka naman ngayon ay pupuwede nang sumipot ang Head of State ng Pilipinas nang makumpleto naman iyong mga ASEAN Heads of State na a-attend ng Commemorative Summit na ito.

DORIS: Baka po may peri-peri doon.

ALVIN: Sec., paminsan-minsan daan ka dine, para personal.

DORIS: Oo nga, nami-miss ka na namin.

SEC. ROQUE: At dahil sinasabi mo naman ‘yang brand na ‘yan, siguro naman magpapadala sila ng… sa atin. (laughs)

ALVIN: Thank you, Secretary. Maraming salamat po.

DORIS: Thank you, Sec.

SEC. ROQUE: Sige po, maraming salamat po. Magandang gabi po.

ALVIN: Secretary Harry Roque.

###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource