Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Vic Lima (Pasada Sais Trenta-DZMM)

VIC LIMA: Sec., magandang hapon po, si Vic. 

SEC. ANDANAR: Magandang hapon, Vic at magandang hapon sa lahat ng nakikinig po ng inyong programa dito sa DZMM. 

VIC: Alright. Kayo ho ba ay kasama sa Lunes na haharap o papaano ho ang mangyayari? 

SEC. ANDANAR: Ako po ay kasama doon, sa mga mag-o-observe at sasamahan ko si Special Assistant to the President Bong Go. At napakaganda nitong Senate hearing na mangyayari sa Lunes dahil alam mo Vic, mabibigyan talaga ng pagkakataon si SAP Bong Go na mapatunayan sa buong Pilipinas at sa bawat Pilipino na siya po ay inosente sa mga paratang sa kaniya. 

VIC: Kasi ito ho—kung hindi ako nagkakamali Sec., ito ho ay during the time pa of PNoy. Am I right? Itong deal na ito na plantsado na? 

SEC. ANDANAR: Opo, iyong frigate acquisition project ng Philippine Navy ay ito po ay nilikha noong 2013 pa, panahon pa po ni Presidente PNoy. At ito po ay pumasa doon sa kanilang post qualification noong Hunyo 2016. So bago ho umupo si Presidente Duterte as President, kampanyahan pa ho ay niluluto na po ng Aquino administration itong frigate acquisition program. At itong program po na ito Vic ay napakaganda ng program na ito para sa Pilipino. In fairness naman sa Aquino administration dahil—pero wala naman tayong frigate talaga, walang frigate ang Pilipinas, ang Philippine Navy at alam naman natin na ang problema ho natin ay kung papaano bantayan ang West Philippine Sea. 

VIC: At sa kapakanan po ng mga nakikinig, Secretary Andanar. Ano ho ba ang frigate? Anong klaseng sasakyang pandagat ito? 

SEC. ANDANAR: Ito po ay isang malaking sasakyang pangdagat na kaya pong maglunsad ng isang surface to air na missile, mayroon pong kakayahan na depensahan talaga ang ating karagatan. At kaya din po na kahit papaano ay magsakay ng ilang mga maliliit na bangka para panghabol din sa mga pirata. 

VIC: Oo ito iyong parang mga rubber boat, rubber boat na sakay niya na mabibilis? 

SEC. ANDANAR: Opo tama, so wala hong frigate ang Pilipinas. Ang mayroon ho tayo ay talagang mga makalumang sasakyang pandagat. And this is very good because ito talaga ay brand new na gagawin doon sa Korea. Ang nanalo kasing contractor diyan ay iyong HHI or Hyundai Heavy Industries. At sila iyong gagawa noong barko, at the same time nakasaad po doon sa kontrata na kung sino ang mananalo na kontratista, sila din po ang pipili ng contractor na gagawa ng CMS or iyong Combat Missile System.  

VIC: So papaano ho pumapasok ang pangalan dito ni Secretary Bong Go? 

SEC. ANDANAR: Nagkaroon po kasi ng problema itong CMS, ang nangyari po kasi ay iyong Vice Admiral doon na si Mercado na siyang FOIC siya po iyong Flag Officer in Command ng Philippine Navy noong 2016 and 17, gusto niya pong baguhin iyong combat—iyong CMS o iyong sistema na iyon. Now, dahil ang nanalo po sa kontrata ay iyong HHI at ang gusto po ng HHI ay iyong supplier na Hanwa, ito po iyong supplier na gagawa ng CMS at sila iyong Combat Management System at ang gusto po kasi ni FOIC Mercado ay ibang kumpanya. So ang nangyari dito, Vic ay nagkaroon ng delay ng 4 months— 

VIC: Dahil may ibang gusto si Mercado? 

SEC. ANDANAR: Oo, so dahil doon sa delay na iyon ay nagkaroon ng problema si DND Secretary Delfin at si Mercado so tinanggal niya si Mercado dahil nga mayroong lost in confidence. Pero kung tutuusin talaga ay iyong gusto ng gobyerno, iyong nakasulat po sa kontrata, iyong nanalo ho noong panahon pa ni President Aquino ay iyong Hanwa. Pero gustong baguhin ni FOIC Mercado. 

VIC: Ay magkakagulo nga kayo. 

SEC. ANDANAR: So doon nagsimula iyong gulo. Now mayroon pong inabot na—mayroon pong lumabas na diumano’y white paper tapos mayroon doong marginal note— 

VIC: Ni Bong? 

SEC. ANDANAR: Oo si… Hindi-hindi, si SND— 

VIC: Delfin, Delfin, sorry. 

SEC. ANDANAR: Si SND Delfin Lorenzana may marginal note at nakalagay doon na—sinulat niya iyong pangalan ni SAP Bong Go at sinabi niya na, please report or rebutt itong posisyon ng isang kumpanya na gustong—na sinasabi nila na four months na nga silang na-delay. Pero ang mali ho doon ay in-assume ni Secretary Lorenzana na galing kay Bong iyong dokumento pero hindi galing sa kaniya. 

VIC: Galing siya doon sa ano… Hanwa? Tama ba? 

SEC. ANDANAR: Hindi na matandaan ni Sec. Del kung kanino galing iyong dokumento. 

VIC: Kanino galing? 

SEC. ANDANAR: But now—hello? 

VIC: But the marginal note is addressed to Bong Go? 

SEC. ANDANAR: Hindi, the marginal note is addressed to—was addressed to FOIC Mercado. 

VIC: Ah ang akala ni Delfin kay Bong Go galing? 

SEC. ANDANAR: Oo pero wala, walang kinalaman talaga si Bong. Wala siyang kinalaman, wala siyang alam, wala siyang kinalaman, wala siyang pinakialaman, hindi nagbago, hindi nabago iyong kontrata, kasi nga tapos na nga ito. There’s no chance na makialam pa sa kontrata dahil panahon pa ni PNoy ay this is already signed or was sealed at pinirmahan ito ni—pinirmahan lang ito ni Del, parang ceremonial lang ang nangyari. But ito kasi ang kuwento doon. Nag-assume lang si Secretary Del Lorenzana na galing kay Bong pero hindi galing sa kaniya pero pinabulaanan na ni Sec. Del Lorenzana at pinabulaanan din— 

VIC: Even Mercado— 

SEC. ANDANAR: Oo, ni dating FOIC Mercado na ang sabi nila, wala talagang kinalaman si Bong dito sa isyu na ito.  Pero maganda ito Vic kasi sa Sunday— 

VIC: Monday— 

SEC. ANDANAR: Oo, sa Monday next week sa Senado alas diyes ng umaga ay pupunta doon si Special Assistant to the President Bong Go at maipapaliwanag na niya sa buong Pilipinas kaharap ang mga senador na talagang wala siyang kinalaman at talagang wala naman talaga siyang kinalaman dito. 

VIC: Ano naman ang kamandag ni Bong Go para pakialam iyong plantsado na noong panahon pa ni PNoy? 

SEC. ANDANAR: Iyon nga. [laughs]. 

VIC: Simple arithmetic ‘di ba? Sandali, bakit sino ka ba? Bong Go! O plantiyado na kay PNoy iyan. Anong problema hindi ba? Napakalaking isyu noon kung kinalkal niya iyon. 

SEC. ANDANAR: Oo at saka kung titingnan mo naman iyong kontrata na iyon ay talagang Hanwa pa rin. Walang binago, walang nabago, walang kinalaman, walang pinakialaman. 

VIC: Walang magic. 

SEC. ANDANAR: Walang magic. But in fairness to that contract of building on the constructing a ship ng frigate, this is a very good project by the Philippine Navy and in fairness to the Aquino administration magandang proyekto ito. 

VIC: Oo at bakit naman natin babaguhin iyan ay ako ay nagtatanong lang, Sec. Martin kung iyan ay ngayon sinasabi mo on the air, or nationwide radio program namin na magandang project ng PNoy iyan, bakit naman pakikialaman pa. At parang—hindi ba napakaganda. 

SEC. ANDANAR: Tama ka, Vic. As a matter of fact, in fairness din naman kay Secretary Voltaire Gazmin, hindi niya pinirmahan iyong kontrata kasi ayaw niya ring magmukhang midnight deal. So hinintay niya na makaupo iyong bagong gobyerno— 

VIC: That’s it.

SEC. ANDANAR: At noong nakaupo na iyong bagong gobyerno, si Sec. Del ceremonial na lang na pinirmahan niya iyong kontrata na inaprubahan noong panahon pa ni President Aquino at Secretary Voltaire Gazmin. 

VIC: Parang out of respect ni General Gazmin, Secretary Gazmin kay Secretary Lorenzana iyong ginawa niya. Hindi na niya ginalaw, let Delfin Lorenzana do the job. 

SEC. ANDANAR: Bakit hindi siya maakusahan na— 

VIC: Midnight… 

SEC. ANDANAR: Midnight deal, oo. 

VIC: At saka ang balita ko matagal ng hinihintay ni Bong Go iyang hearing na iyan para talagang maibulalas niya kung anong saloobin niya at ma-i-clear niya iyong sarili niya. 

SEC. ANDANAR: Ay naku talagang kung ano—talagang kating-kati na si Bong na pumunta doon sa Senado para ipaliwanag, para humarap mismo, para siya mismo ang magpapaliwanag sa buong bayan. Kaya magandang pagkakataon iyan Vic… 

VIC: Very good, very good. At saka Diyos ko, gawin ni Bong Go iyon, ‘di binigwasan siya ni Presidente ‘di ba? 

SEC. ANDANAR: Iyon na nga. So sa mga kababayan po natin, abangan po natin, manood ho tayo doon sa DZMM. 

VIC: Sec. Martin Andanar, maraming salamat po ha. Thank you po for your time para at least nakauna na kami. Pero we’ll air that on 10 o’clock on Monday, 10 o’clock on Monday. Sec. Andanar, thank you so much sir. 

SEC. ANDANAR: Salamat po, Vic, mabuhay ka. 

VIC: Mabuhay, mabuhay.

                                                                                 ###

Source:  PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource