Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Henry Uri (ACS Balita – DZRH)

SEC. ANDANAR: (Recording starts)… at lahat ng mga plano ay nailatag na po ng ating administrasyon, ng kaniya-kaniyang departamento sa Gabinete. Ang mahalaga ho ngayon ay magkaroon tayo ng isang strategy na susundin natin iyong good experiences from the past, para itong mga plano na ito ay ma-implement nang wasto.

Pangalawa, ay kailangan din natin ng teyorya… of course you’d experience, you also need a theory—the theories to be able to implement all of the plans ng Duterte administration. At ano ba iyong mga plano na iyon? Tuluy-tuloy naman iyong Build, Build, Build… nandiyan pa rin po iyong mga anti-poverty plans ng ating administrasyon, huhupa iyong kahirapan at nandiyan din po iyong plano ng ating pamahalaan para masugpo na iyong iligal na droga, korapsyon… oh kasama iyon.

And then pangatlo, ay kailangan ho talaga natin gumawa ng sistema para iyong mga pagbabago na mararamdaman natin sa mga susunod na buwan, sa mga susunod na taon ay maging institutional conform, magiging sistema siya para makikinabang ang mga susunod na mga henerasyon – hindi lang po itong administrasyon na ito, kundi iyong mga susunod na administrasyon ay makinabang pa. So sa palagay ko, iyon po ang dapat na gawin ng ating gobyerno.

HENRY: Oho… Secretary iyong sa mga infrastructure, under Build, Build, Build Project. Ano na iyong mga sisimulan na ngayong first quarter po ng 2018?

SEC. ANDANAR: Well, hindi ko masasabi kung anong quarter, pero ang masasabi ko lang ang masisimulan ngayong taon na ito. Kasi iyong detalye ay nasa Department of Public Works and Highways, at sa DOTr… pero nandiyan po iyong mga bridge dito po sa Maynila na mga magdudugtong po ng Intramuros papuntang Binondo, pati itong… dito pong pagdudugtong sa Pasig at… actually Estrella at Mandaluyong; and then, nandoon din po iyong mga bridge sa Visayas at sa Mindanao.

Iyong Mindanao ay itong… itong railway dito sa Mindanao, itong railway dito sa Clark papuntang Tutuban – ganoon din po, mula Maynila hanggang Los Baños, Los Baños hanggang Bicol, at ganoon din po itong subway system natin sa Metro Manila. Iyon po ay doon lamang sa mga infrastructure projects na malalaki na masisimulan ngayong taon na ito.

Itong mga proyekto ho na ito ay maglilikha ng maraming trabaho. So ang ating ekonomiya po ngayong taon na ito ay mas magiging inclusive. Magti-trickle down ito sa baba, at samakatuwid ay mabibigyan po ng trabaho ang maraming mga kababayan natin – so iyon po ang magiging epekto niyan.

Of course, kailangan din nating tingnan ang magiging epekto ng TRAIN Law ngayong taon na ito. Marami ho sa mga kababayan natin, kumbaga 80% ang hindi na magbabayad ng income tax. Now iyong matitipid po nila doon, eh of course either ipon nila, ilalagay nila sa bangko or gagastusin nila, so iikot po iyong ating ekonomiya.

HENRY: Nabanggit ninyo Secretary iyang TRAIN, may mga reaksiyon din na kesyo bababa nga daw ho iyong buwis doon sa ilang mga nasa sektor ng pagawaan, pero tataas din naman ang presyo ng mga pangunahing bilihin pagka’t tatamaan naman iyong buwis sa langis ano ho at saka sa coal. Anong paliwanag ninyo riyan? Iyong iba’y talagang pinipilit na parang ang sinasabi eh, “Aba’y bale-wala naman ‘yan, pagka’t ibinaba lang iyong buwis, tataas naman iyong presyo ng bilihin na…” Paki-paliwanag ninyo nga po ‘yan, Secretary.

SEC. ANDANAR: Eh mas lumalaki po iyong pakinabang, mas malaki po—it outweighs—the positive… the pros outweigh vis-à-vis the TRAIN Law pagka’t ‘pag mayroon pong malilikom na mas malaking buwis ang ating gobyerno, ito po ay mapupunta rin sa iba’t ibang investments ng ating gobyerno at iba’t ibang mga proyekto tulad po ng nabanggit ko kanina. Ngayon kapag ito po ay napunta sa proyekto, ay maglilikha po ito ng trabaho.

Number two, hindi ho kasi… hindi lahat nakakaalam na marami hong mga taxes din ang mababawas sa… Halimbawa estate tax, mayroon din pong tax na mababawas doon sa mga gamot ng mga… tulad ng diabetes, high blood, etcetera. So itong TRAIN Law na ito ay maglilikha po ito ng malaking pondo para sa kaban ng bayan, which will go to the projects as I mentioned.

Now, 99% of all income tax payers, bababa ho iyong kanilang babayaran na buwis. More than 70% ng ating mga kababayan ay hindi na ho magbabayad ng income tax, kasi more than 70% ay kumikita ng 250,000 pababa. So, ang laki ho talaga ng tipid ng ating mga kababayan pagdating po sa pagbabayad ng buwis. Ngayon, halimbawa kung kayo po ay sumusuweldo ng kinse mil ‘no, wala ho kayong babayaran na tax. Ang matitipid po ng isang sumusuweldo ng kinse mil noon kada buwan ay P1,541 ho ang matitipid ninyo bawat buwan at hindi na ho kayo magbabayad ng tax.

Kung kayo po ay sumusuweldo ng beinte mil kada buwan, ang matitipid ninyo po ay P2,683 a month. Ibig sabihin, yung binabayad nilang P2,683 a month dati o last year, ngayon po ay hindi ninyo na ho ibabayad ng buwis iyon. You can take that home, you can… either save it probably in your bank account or puwede ninyo pong ibili iyon. kung kayo po’y sumusuweldo halimbawa dati ng—o ngayon ng P35,000… ang additional take home pay ninyo po ay magiging P4,197. Now kung dati rati binabayad po sa buwis… so kitang-kita po natin iyong pakinabang po ng ating mga kababayan.

HENRY: Oho. Secretary iyon hong… bagama’t—ipagpalagay na natin, for the sake of argument, tataas ang presyo ng ilang mga bilihin, tataas din naman ang buwis ng mga manufacturing company.

SEC. ANDANAR: Opo, opo…

HENRY: At, iyon ho’y… ano ba iyon, ang tutok ba nitong pagtaas ng buwis na ito o pagbabago ng taxing system na ito, is for the—ibabalik through basic services? Iyon ba ang napag-usapan, o naka-concentrate pa rin sa mga infrastructure projects, o talagang iyong mga basic social services pa?

SEC. ANDANAR: Hindi… first of all naka-stressed out na iyon sa pillars ng ating Pangulo, iyong basic services ‘no. Kasi—halimbawa ito rin ha Henry, kung matandaan natin na by 2018 ay napakadami pong tatanggap ng Conditional Cash Transfer mula sa ating pamahalaan – 10 million families ang tatanggap po ng dalawandaan, tapos by 2019—

HENRY: Ilan ho ‘yan, ilan? 10 million families?

SEC. ANDANAR: Ten million po, 10 million.

HENRY: On top of ano pa ‘yan, on top of the… iyong kasalukuyang nakakatanggap?

SEC. ANDANAR: Wait… kasi hindi ko—wala ho sa harapan ko ngayon iyong tiyak na listahan ng mga… ng mga tatanggap ng 200 pesos. Pero ang alam ko po ay P200, then the following year magiging P300 and this is on top of the zero (0) VAT doon sa mga may sakit ng diabetes, iyong may sakit ng mga—

HENRY: In other words, buo at walang matatapon… babalik sa basic services kung anumang makokolektang karagdagang buwis?

SEC. ANDANAR: Oo, at saka iyong… of course iyong trabaho na malilikha po nito, iyon po iyong mahalaga kasi marami pong nagrereklamo na walang trabaho, etcetera… So ngayon ho, ay makakaasa ho kayo na madadagdagan talaga ang trabaho ng ating mga kababayan.

HENRY: At saka kung hindi ako nagkakamali, narinig ko kasama raw yata din sa susustinihan niyang pondong ‘yan, tama ba… iyong mga libreng tuition fee sa mga state colleges and universities – na wala nang tuition fee, talagang zero. Zero tuition fee, wala nang babayaran iyong mga nag-aaral sa SUCs, at mapupunta rin ang makokolektang buwis under TRAIN sa kanila.

SEC. ANDANAR: Yes. Kasi ito naman ang pinirmahan ng ating mahal na Pangulo noong nakaraang taon, iyong free tuition ng mga state university and college students. Now, ang laki ho talagang tipid iyan sa ating magulang din ‘no, kasi dati magbabayad ka – eh. Ngayon, talagang walang-wala… wala ka talagang babayaran! So suddenly, it equalizes the playing field ng lahat ng mga batas dito po sa Pilipinas. So doon po kukunin iyang pondo na ‘yan sa system, sa malilikom ng gobyerno.

So therefore, ang sinasabi nga ng Fitch Rating na napaka-promising ng ating ekonomiya, napakalakas po ng bugso ng ating ekonomiya, at tayo po ay pinakamalakas sa Southeast Asia. At lalong-lalo na ngayong taon na ito na nandiyan iyong TRAIN Law, nandiyan iyong Build, Build, Build… lahat ng mga ingredients na pro-poor, lahat ng mga ingredients para umikot ang ating ekonomiya ay nandiyan na ho – wala na ho tayong hahanaping iba pa.

HENRY: Oo… Iyon nga lang Secretary, marami pa ring mga talagang tumutuligsa at marami pa ring mga…

SEC. ANDANAR: Oo naman…

HENRY: Ah, maari talagang kasama sa panunungkulan ‘yan ano ho. Pero iyan ba’y nakakaapekto sa galaw ng konsentrasyon ng gobyerno?

SEC. ANDANAR: Ah, hindi naman. Alam mo, kasama naman ‘yan sa demokrasya – iyong mga tumutuligsa, iyong mga critics, and of course kailangan po ay nandiyan ho talaga ‘yan, to also keep us in our toes, kami sa gobyerno oo… Saka ‘pag wala po ‘yan eh, hindi ho maganda iyong ating demokrasya, kapag hindi po natin hinahayaan ang ating mga kritiko at iyong mga kalaban sa pulitika na tayo po ay i-criticize… iyong ho talaga iyon.

By the way, gusto ko lang sabihin po sa ating mga kababayan, balikan ho natin iyong sa TRAIN – na iyong ating mga small and micro entrepreneurs, magkakaroon na po ng simplified tax rate ng otso porsiyento doon sa kanilang gross sales. At ito po ay i-implement in lieu of income and percentage taxes. At—

HENRY: Wait… 8% ang magiging tax ng nasa SMEs per annum?

SEC. ANDANAR: Ah, simplified tax rate of 8% opo, opo… And then iyong sa estate tax ganito ho iyon eh… from 20% to a fixed rate of 6% – ang liit noong binaba noon.

HENRY: Estate tax ‘yan…

SEC. ANDANAR: Estate tax, oo. Tapos iyong donors tax, iyong mga nagbibigay ng mga donasyon/regalo… from 15% to 6%…

HENRY: Oh, bumaba rin…

SEC. ANDANAR: Fixed rate… Tapos iyong… mayroon po tayong Value Added Tax, (VAT) Value Added Taxable na items na ibinaba ho natin iyong limampu’t apat na special laws ay ire-repeal po iyong mga non-essential na VAT exemptions. So for example, iyong mga may sakit na diabetes, cholesterol, iyong hypertension ay hindi na ho magbabayad ng VAT. Iyong mga perks din po ng mga senior citizens natin, iyong mga Persons with Disabilities na… wala pa rin hong VAT na babayaran. So iyong nabanggit ko kanina na 10 million households na tatanggap po ng P200 kada buwan, ay by 2019 ay P300 na ho ‘yan. So iyon po iyong mga dapat nating intindihin dito sa TRAIN Law ‘no.

Bukod po sa TRAIN Law, ito nga iyong Build, Build, Build… At sa amin din po sa PCOO, madami po tayong mga gagawing mga last marching projects. And as I mentioned earlier, tandaan po natin na magkakaroon po—kailangan po sa ating lahat, sa gobyerno ay magkaroon po tayo ng talagang implementasyon ng mga projects natin, dahil alam naman natin kung ano ang gagawin – susundin po natin iyong mga magagandang experience in the past administrations… iyong magaganda lang ho. And then iyong mga theories ho ay maa-apply ho natin, at the same time ay kailangan nating gumawa ng sistema para makinabang ho ang susunod na mga henerasyon—

HENRY: Lastly Secretary, ano ho ang aasahan ngayong taon sa kampanya ng Pangulo laban sa iligal na droga at saka po sa korapsyon?

SEC. ANDANAR: Ang kampanya ng ating Pangulo sa iligal na droga at sa korapsyon ay magpapatuloy. For the next four (4) more years of his administration ito po ay napakahalaga, dahil ito po ay confidence building measure, itong anti-corruption drive natin para mas madami hong mga investors na mahikayat na magpundar dito at maglagay ng kanilang pera dito. At iyong sa anti-drugs operation, law and order… ito po’y mahalaga para po makita po ng mga dayuhan, ng mga investors na kaya po nating magpatakbo ng gobyerno, kaya po nating magpatakbo ng isang bansa – at ang Pilipinas ho ay hindi lang po iyong laggard na bansa, ito po ay talagang tunay na tiger economy na po.

HENRY: Sa inyong nakikita Secretary at napapag-usapan, at naririnig din—napapag-usapan sa Gabinete at naririnig ho ninyo sa Pangulo, ano ang magiging kapalaran noong mga talagang mga sutil na ayaw pa ring tumigil sa pagtutulak at paggamit ng droga, at maging iyong mga ayaw pa ring tumigil sa pangungupit ng pera ng gobyerno?

SEC. ANDANAR: Alam ninyo na sa isyu na iyan. So iyong mga sutil, iyong mga patuloy na nagtutulak ng ipinagbabawal na droga, at para po doon sa mga patuloy pa rin na magnakaw—o magnanakaw ng pera ng kaban ng bayan… ay sila din po ay mayroon pong kalalagyan sa ilalim po ng ating batas.

HENRY: Oho, malinaw… mayroon silang kalalagyan at hindi sila talagang ito-tolerate ng administrasyong ito.

SEC. ANDANAR: Ah hindi, hindi ho talaga… hindi puwede Henry. Kasi nga, kasama ho ‘yan sa mga reporma na ginagawa ng ating gobyerno, ng ating Pangulong Duterte – at ‘yan po ay pangako, pangako po ng ating Pangulo ‘yan noong kampanyahan ng 2016.

HENRY: Alright. Teka pala, lilinawin lang namin bago namin kayo’y pakawalan. May lumalabas na balita na sinabi raw ninyo, na itong mga NPA na ito ay kino-consider na talagang ‘enemy of the state’, is it true Secretary?

SEC. ANDANAR: Opo. Kasi, ito po ay bunsod ng kanilang sinabi na ibabagsak po nila ang administrasyong Duterte. Ngayon ang sinabi ko po ay, kung ang isang organized group ay gustong pabagsakin ang isang gobyerno, ay nangangahulugan na gusto nilang—gusto rin nila pabagsakin iyong mga… sambayanan at iyong buong bansa. Now the President is a duly elected president of the entire nation, ibinoto ho ng tao… kapag ito po’y pinabagsak ng isang organized group, eh ibig sabihin ay kalaban po iyong organized group – therefore, they are enemies of the state.

HENRY: Ah, alright… Secretary Happy New Year, at baka mayroon kayong message sa sambayanan, go ahead please.

SEC. ANDANAR: Ah, mayroon po. Actually nakatanggap po ako ng isang paalala mula po kay Secretary Sonny Dominguez, at ang sabi niya po, iyong increase po ng langis is not expected to take effect immediately on January 1 sabi niya. Sapagkat, it takes a few days bago maubos iyong stocks noong 2017. Ngayon iyong excise tax sabi niya, ay binayaran po doon sa port of importation for refinery. Oh so therefore, kailangan po nating mag-ingat kasi baka mayroon pong mga kababayan natin na talagang mananamantala.

HENRY: In other words, iyong epekto ng TRAIN sa oil industry, hindi pa tatama beginning this month?

SEC. ANDANAR: Well hangga’t na hindi po nauubos ang imbak na langis. Kasi…

HENRY: ‘Ayun…

SEC. ANDANAR: Oo, kasi kailangan ubusin muna ‘yun eh, iyong stocks noong 2017.

HENRY: Oo. So sinabi ninyo na iyon, na wala pa namang TRAIN?

SEC. ANDANAR: Tama, tama… saka bayad na iyong excise tax, bayad na ho. O kasi port of importation, so bayad na ho iyong tax. So therefore, iyong stocks na iyon dapat hindi ho iyon kasama sa mai-increase-an ng presyo. Kasi parang… para kang niloloko lang po tayo—

HENRY: Kung sisipa ang presyo ng gasoline, dahil ikakatuwiran nila dahil sa TRAIN system, kung sisipa iyan ngayon buwan o sa mga susunod na buwan, pero ang…

SEC. ANDANAR: Ngayong linggo na ‘to…

HENRY: Oo, ngayong linggo na ‘to… bawal iyon.

SEC. ANDANAR: Eh kailangan—kasi napakaimposible naman naubos agad… naubos agad iyong stocks ng—January 1 naubos agad, napakaimposible naman noon. So…

HENRY: Paki ano nga, paki-address ninyo nga itong sinasabi ninyo galing kay Secretary Dominguez. Paki-address ninyo nga ngayon para mauulit-ulit namin. Paki-address ninyo sa mga oil players please.

SEC. ANDANAR: Opo. Ang gagawin po natin ay magre-release ho tayo ng statement kung hindi pa po nagre-release ang Department of Finance. I will call Secretary Sonny Dominguez para po ito ay maliwanagan lahat at maliwanagan din po iyong mga oil players natin, at iyong mga gasolinahan natin.

HENRY: Ano iyong kinakailangan maliwanagan? Ano iyong kinakailangang maintindihan nila? Okay, go ahead…

SEC. ANDANAR: The increase is not expected to take effect immediately on January 1… as it takes a few days for the 2017 old stocks to be used up this week because the excise is not levied as a port of importation or refinery.

HENRY: Okay, Secretary. Happy New Year, maraming salamat po sa inyong panahon.

SEC. ANDANAR: Happy New Year, Henry. Happy New Year, Ate Malou(?). Happy New Year sa lahat po ng taga-DZRH, at lahat po ng nakikinig ng programa mo Henry. Mabuhay ka.

HENRY: Thank you, Secretary. Si Secretary Martin Andanar…

###

 

Resource