Interview

Interview with Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar by Erwin Tulfo (Erwin Tulfo Live – Radyo Pilipinas)

Event Interview
Location Erwin Tulfo Live, Radyo Pilipinas

 

ERWIN: …Presidential Communications Operations Office. Secretary Andanar, magandang hapon sir.

SEC. ANDANAR: Magandang, hapon Erwin. At sa lahat ng nakikinig ng inyong programa, magandang hapon po.

ERWIN: Parang… hulaan ko sir, umaakyat ka sa hagdanan (laughs).

SEC. ANDANAR: Ang galing mo talagang manghula, parang ikaw ay isang manghuhula.

ERWIN: At ikaw ay naka-long sleeves ng kulay blue at may kurbata pa – at naka-salamin (laughs).

SEC. ANDANAR: Oo, talagang alam na alam mo… Siguro, ikaw iyong pinagmanahan ni Madam Auring.

ERWIN: Anyway bayan, aba’y ito, ito kasama ko mismo sa studio ngayon, si Secretary Martin Andanar. Welcome and good afternoon. Naku, maraming salamat po Secretary sa panahon ninyo with us na binigay po. Alam ko ay busy na busy ho kayo, at kayo ay—pero kayo’y pinagbigyan ninyo ho kaming madalaw, sir.

SEC. ANDANAR: Ay, magandang hapon Senator Tulfo… at sa lahat ng mga (laughs)—

ERWIN: Easy, easy… Easy sir… easy lang.

SEC. ANDANAR: —tagapakinig natin dito po sa inyong programa sa Radyo Pilipinas Uno.

ERWIN: Okay. Sir, diretso na ho tayo. Mamayang gabi raw, since hawak ninyo itong mga media, not hawak kundi itong mga news ng Pangulo, sabi po ng NUJP, nanghihikayat ang NUJP lahat ng mediaman, mga kababayan natin wala naman daw ginagawa, pumunta/sumama sa rally nila para ipakita daw sa administrasyong Duterte, sa gobyerno na hindi sila papayag na—at naniniwala sila na sinisikil na ang freedom of the press sa ating bayan.

SEC. ANDANAR: Well the fact na nakakapagsalita pa po ang NUJP ng ganiyan, at sila po ay puwede pang mag-rally, magtipon-tipon through peaceably assemble and to express their opinions and their opinions and their feelings ay nagpapatunay lamang na walang pagsikil po ng freedom of the press.

Ang issue po dito sa Rappler is plainly a legal issue, na nakitaan po sila ng Securities and Exchange Commission ng paglabag po ng Constitution.

ERWIN: Puwede ba sabihin Sec., na this is more of a corporate law—o corporate matter?

SEC. ANDANAR: Opo, corporate matter po ito dahil dalawang Philippine Depositary Receipts po ang pinag-uusapan diyan o PDR – ito po iyong ginagamit po ng mga investors ‘pag nag-i-invest sa isang kumpanya. At ang kaso po ay iyong PDR na binili or receipts na binigay po sa Omidyar Company ng—ang may-ari po niyan ay si Mr. Omidyar, Pierre Omidyar na may-ari po ng e-Bay. Iyong binigay po sa kanila na PDR ay hindi po iyong plain PDR.

Iyong—dalawa kasi ‘yan… Isang plain, ito po iyong hindi binigay sa Rappler; iyong binigay po ng Rappler kay Omidyar ay iyong PDR na mayroon pong condition – at iyong condition po doon na puwedeng makialam ang investor kapag mayroong babaguhin sa, halimbawa, articles of incorporation or anything na gagawin ng Rappler, at ‘yan po ay panghihimasok na ng desisyon sa isang media company dito po sa Pilipinas, na nakalagay po naman sa ating Saligang Batas, ay dapat po ay 100 percent Filipino owned.

ERWIN: Alright. So, puwedeng iyong ibang kumpanya sir, kunwari, restaurant, hotel, resort… puwedeng iyong foreigner mag—ang may-ari yata 30 percent po yata, 70 percent Filipino, puwede pero pagka—huwag lang iyong media entity, huwag lang media company.

SEC. ANDANAR: Oo, huwag lang po ang media company. Ang telco nga puwede ngang 40 percent, 40 percent foreign owned, foreigner… ang media po ay 100 percent Filipino owned. So again—

ERWIN: ‘Yan ay nakalagay sa ating Konstitusyon, 1987.

SEC. ANDANAR: Nasa batas po ‘yan. At ang sinasabi naman po ng SEC is that, iyong Philippine Depository Receipt po na ibinigay sa, itong foreign company ay mayroon pong kondisyon. Iyong kondisyon po na iyon ay puwede silang makialam, puwedeng mag-vet o puwede nilang tingnan muna kung mayroong mga pagbabago sa articles of incorporation itong media company na Rappler – which is really against the Constitution. Now kung iyong PDR po ay wala hong kondisyon, palagay ko wala namang problema. Nagkataon lang po na talagang nilagyan nila ng pangalan under ng kondisyon, nagtataka naman ako kung ba’t nila hinayaan na ganoon.

ERWIN: Oo, nakalimutan siguro Secretary.

SEC. ANDANAR: Siguro nakalimutan ng abogado nila na mayroong paglabag. So anyway, it’s purely a corporate legal matter, na dapat po ayusin ng—

ERWIN: Tuwirin… So ‘pag naituwid niya ito Secretary, kunwari o sige naalis na nila ang Omidyar sa kanilang grupo, at sila ng mga Pilipino, sila Ressa at kung sinu-sino pa, mga ‘dilawan’, mga Araneta, mga Roxas, magsama-sama na iyong pera nila diyan… puwede na ulit?

SEC. ANDANAR: Basta 100 percent Filipino—

ERWIN: Oo mga Filipino sila lahat.

SEC. ANDANAR: Oo, wala hong problema.

ERWIN: Hindi na sila ipapasara?

SEC. ANDANAR: Hindi na okay na, okay na.

ERWIN: Iyon naman pala, bakit ganoon?

SEC. ANDANAR: Pero ang problema kasi ngayon, nakitaan sila ni SolGen ng mga posibleng paglabag doon sa anti-dummy law.

ERWIN: Patay, kaso nga ho iyon.

SEC. ANDANAR: So criminal case ho iyon, so iyon po ang problema. Ito iyong punto partner. Ang punto diyan, sa ilalim ng administrasyong Duterte ay wala pong mahirap, walang mayaman, walang maliit na kumpanya, walang malaking kumpanya sa mata po ng ating batas.

ERWIN: Okay.

SEC. ANDANAR: Lahat po pantay-pantay. So ito lang po, kung mayroon kayong paglabag mananagot kayo.

ERWIN: Tama.

SEC. ANDANAR: Hindi lang naman sa Rappler, maging si Lucio Tan nagbayad ng 6 billion.

ERWIN: Oho, oho.

SEC. ANDANAR: Yung Mighty nagbayad ng 25 billion, iyong Rufino-Prieto sinauli iyong Mile Long. So lahat po ng ito ay nagpapatunay lamang na ang ating Konstitusyon, ang ating batas ay nangingibabaw sa lahat.

ERWIN: Wala ng pupuwedeng magpalusot, sir, ke mayaman, ke malaking kumpanya, kasi dati nakakalusot iyong—bakit iyong mga bilyonaryo alam naman, common knowledge pero walang nagagawa ang gobyerno? Finally ito na may nagagawa pati itong mga Rappler na ito, na mga diyaryo kasama na rin—

SEC. ANDANAR: Oo kasama.

ERWIN: Pantay-pantay na.

SEC. ANDANAR: At saka hindi po natin dapat ginagamit iyong freedom of the press argument na para… to advance our interests pagdating sa negosyo, hindi po iyon. Kasi hindi po iyon ang isyu. We have more than 1,000 or maybe more than 1,500 or 2,000 media agencies sa Pilipinas. Lahat naman libreng magsalita, lahat naman ay puwedeng mag-express ng kanilang… maybe ang kanilang satisfaction or dissatisfaction sa gobyernong ito. At sa gitna ng ingay po na ginagawa ng mga kritiko, critics that we encourage, kita naman natin na ang Pangulo po ay pinakamataas na rating na nakuha po sa SWS. Actually ano ito, talagang record breaking—

ERWIN: Excellent—

SEC. ANDANAR: Excellent, record breaker sa lahat ng Pangulo, pinakamataas si Pangulong Duterte, with 70 percent net satisfaction ng SWS. Ito po ay sa gitna ng ingay ng mga kalaban natin sa pulitika at sa gitna rin po ito ng mga bato o putik na tinatapon po sa administrasyong ito sa ngalan po ng freedom of the press.

ERWIN: Okay. Sir, reaksiyon lang ho bago natin puntahan itong breaking news, naku mukhang—alam ninyo ho ba ito? Kontrata daw ng Airport service provider ng MIASCOR pinapa-terminate na ni Pangulong Duterte. Bago natin papasukin iyong ating reporter si Alvin Baltazar, sir reaksiyon ninyo naman, iyong CHR nangialam na rin ha defend press freedom sabi ng CHR, Secretary?

SEC. ANDANAR: Again, wala namang pagkikitil ng press freedom na nangyayari. So siguro ang pinakamaganda ho talaga dito ay depensahan ng CHR, napakadaming mga violations at napakadaming mga kababayan natin na iyong kanilang karapatan, iyong kanilang human rights ay naapakan na, napakarami na… madami iyong mga sundalo na pinatay ho ng mga ISIS—

ERWIN: Right, right.

SEC. ANDANAR: Oo dahil hindi nabigyan ng hustisya. Maraming na-rape na mga kababaihan doon po sa Marawi. So bakit tinuldukan? Hindi ho talaga press freedom ang isyu dito. It’s really a legal issue. So sa palagay ko ay kailangan din mag-isip-isip ang CHR kung ano ba talaga ang pinaglalaban nila? Or is it dahil ang pinaglalaban ba nila iyong isinisigaw ng oposisyon, ng dilaw o ipinaglalaban ba nila ang talagang human right ng bawat Pilipino?

ERWIN: Oo, mukhang selective lang ho yata, Secretary, napapansin ko iyong human rights, selective. Kung puputok sa diyaryo, sa media, iyon na lang muna. May mga sundalo kasi na normal na raw mamatay ang mga sundalo. Kaya wala na ho silang pakialam.

SEC. ANDANAR:Iyon nga, maraming sundalo na napatay, maraming pulis ang napatay ng mga violent extremist. Maraming mga na-rape na mga kababaihan, na-rape ng mga drug pusher o mga nangangalakal ng droga. Maraming namatay, mayroong isang pamilya na pinatay ng isang padre de pamilya dahil sa droga o bakit wala bang karapatan itong mga ito?

ERWIN: Anyway, Sec., balikan ho natin iyan. Papasukin ho muna natin itong report ni Alvin Baltazar at mamaya-maya siguro, Sec., matulungan mo ako, itong problema ni SG habang ikaw ay nandiyan na rin ‘no matulungan mo ito, mapayuhan natin. Ibang klase itong problema niya pero parang narinig na natin iyan.

SEC. ANDANAR: [laughs].

###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)

Resource