SEC. ROQUE: Maayong udto sa inyong tanan. Naa ta sa Davao kung saan po magkakaroon ng Talk to the People ang ating Presidente mamayang hapon.
Inaprubahan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte ang rekumendasyon ng inyong IATF ng lifting ng temporary suspension ng mga nurses, nursing aides at nursing assistance na kasama sa POEA Governing Board Resolution # 9 Series of 2020. Sa kaalaman ng lahat, nag-isyu noong Abril ang POEA ng kanilang Governing Boards Resolution #9 kung saan naglabas ng listahan ang health care workers kabilang ang nurses, nursing assistance, nursing aides na pansamantalang suspendido ang kanilang deployment sa ibang bansa. Nagkaroon ng ganitong desisyon dahil sa umiiral na national state of emergency at COVID-19-related travel restrictions.
Inaprubahan din ng Pangulo ang paglalagay ng annual deployment ceiling na 5,000 new hires for health care workers sa lahat ng bansang kanilang pupuntahan simula a-uno ng Enero ng susunod na taon.
Pinag-aral itong mabuti ng Presidente at ng inyong IATF, ipinairal ang balancing of interest kung saan tinignan ang pangangailangan sa bansa ng mga nurses, nursing assistance, nursing aides habang ikinunsidera rin ang pagkakilala ng talento ng mga Pilipino sa ibang bansa at demand sa ating mga kababayan sa ibayong dagat.
Ang pagtanggal ng ban sa deployment ng health workers ay sang-ayon sa polisiya ng pamahalaan na magkaroon ng full employment, itaas ang standard of living at pagandahin ang quality of life ng lahat.
Sa pag-alis ng ban, maaari nang mag-practice ang health care workers ng kanilang propesyon habang napapabuti nila ang buhay kanilang pamilya at nakakatulong sa ating lokal na ekonomiya.
Ngayong araw, November 23, ating inaalala po ang Maguindanao massacre, may labing-isang taon na ang nakalipas. Nakamit na po ang hustisya sa ilalim ng administrasyong Duterte – at least po, nakakulong na ngayon iyong magkapatid na Ampatuan. At ito po ay katarungan na rin para sa mga biktima at mga kamag-anak ng mga namatay nang nahatulan ng guilty ang mga nagplano ng Maguindanao massacre. May mga suspect pa rin po na hanggang ngayon ay nakakatakas ngunit mahuhuli rin po iyan at pananagutin sa ilalim ng ating mga batas. We will never forget.
COVID-19 updates naman po tayo. Ito ang global update ng Johns Hopkins: Higit limampu’t walong milyon na or 58,533,531 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 1,386,204 katao ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nangunguna pa rin ang Estados Unidos na mayroong mahigit 12.2 million na mga kaso at 256,000 deaths. Pangalawa ang India na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 ng mundo. Sinundan ito ng Brazil, France at Russia.
Mayroon tayong 24,209 active cases ayon sa November 22 case bulleting ng Department of Health. One thousand nine hundred sixty-eight kaso ang nai-report, ito na ang pinakamababang active COVID-19 cases sa halos apat na buwan at panlabingtatlong araw na below 2,000 ang mga kaso.
Sa mga aktibong kaso, 82.5% ay mild; 8.2% ay asymptomatic; 5.8% ay kritikal; 3.2% ay severe; .28% ay moderate. Sa ngayon ay mayroon tayong na-report na 386,486 na recoveries, samantalang nasa 8,123 naman ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus – nakikiramay po kami.
Pumunta naman tayo sa critical care capacity ng ating mga ospital: 56% available pa po ang ating mga ICU beds; 61% naman po ang mga isolation beds available; samantalang 70% po ang ward na available; at 80% po ang available na ventilators.
Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Dahil sandali lang po ang ating press briefing, puntahan na natin si Usec. Rocky para sa mga unang tanong. Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Yes, thank you. Good afternoon, Secretary Roque. Question from Leila Salaverria ng Inquirer: What prompted the President to decide to end the deployment ban on Filipino workers?
SEC. ROQUE: Well, unang-una po, ito ay rekomendasyon ng IATF na naging rekomendasyon din ng ating Department of Labor and Employment, si Secretary Bello ‘no. Noong in-impose po ito, ang katotohanan naman po kasagsagan po iyan ng coronavirus at ang unang konsiderasyon ng ating Presidente ay pangalagaan iyong kalusugan ng ating mga mamamayan na nagtatrabaho sa mga lugar na mas marami pang COVID cases kung ikukumpara dito sa atin sa Pilipinas. At saka bukod pa roon, siyempre nandiyan na rin iyong police power na masiguro na mayroon din tayong sapat na nurses dito dahil mayroon din tayong pandemya dito sa Pilipinas.
Pero ngayon naman po, nakikita natin na napapabagal naman po natin ang pagkalat ng sakit dito sa Pilipinas; pangalawa po ay malapit na rin pong magkaroon ng bakuna ‘no laban sa sakit na ito; at pangatlo, inisip na rin ng ating Pangulo na siguro panahon na nga para iyong mga nais naman na mapabuti iyong kanilang mga buhay ay magkaroon ng pagkakataon.
Pero limitado nga po ito – 5,000 – ngayon lang po ‘no 5,000 pero pupuwede naman pong pataasin ang number niyan in due course.
USEC. IGNACIO: Opo. Question mula pa rin kay Leila Salaverria: Is the government now certain that the country would have enough healthworkers to serve the people?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po iyan, noong ni-request po iyan ng DOLE at ng IATF, hindi muna sumagot kaagad ang ating Presidente dahil nakipag-ugnayan muna siya kay Secretary Duque ng DOH ‘no para masigurado nga na sapat ang ating mga nurses dito sa ating bayan at nagkaroon naman po ng kasiguraduhan ang DOH na sapat po ang ating mga health professionals dito sa Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Okay. Question from Mela Lesmoras ng PTV: Malapit na pong magtapos ang November, ie-extend na po kaya until December ang GCQ sa Metro Manila at kailan po kaya iaanunsiyo ng Pangulo ang bagong quarantine classifications?
SEC. ROQUE: Inaasahan po natin na itong linggong ito ay magkakaroon po ng presentasyon ng mga datos ‘no doon po sa IATF nang magkaroon na po ng rekomendasyon ang IATF sa ating Presidente.
USEC. IGNACIO: Opo. Sabi po ni Senate Presidente Sotto, nabakunahan sina Senator Lacson at Congressman Romualdez. Though wala pang actual confirmation, may mga kababayan lang tayong nagtatanong how are we going to assure na poorest of the poor talaga ang mauunang mabibigyan ng COVID-19 vaccine?
SEC. ROQUE: Because iyan po ang sinabi ng Presidente, ‘Gagastusan po natin iyong bakuna ng mga mahihirap, ng frontliners natin, ng ating kasundaluhan at ating kapulisan.’ Ito po iyong bibilhin ng gobyerno mismo. Kung mayroon hong ibang mga tao na nakapagbakuna na, hindi po iyan galing sa gobyerno. Ang assurance ng Presidente, basta binili po ng ating gobyerno, uunahin ang pinakamahihirap.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Joyce Balancio ng DZMM: Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo keeps on floating the idea of Duterte-Duterte tandem for 2022 wherein Mayor Sara will run for president and President Duterte will run for vice president. Is President Duterte interested in running for VP or any position in the 2022 elections?
SEC. ROQUE: Ang pagkakaalam ko po eh atat na atat na si Presidenteng matapos ang kaniyang termino’t gusto na niyang umuwi dito sa Davao ‘no. So iyong Duterte-Duterte tandem po na sinasabi ni Secretary Panelo, iyan po ay kaniyang personal na opinyon.
USEC. IGNACIO: Why is Secretary Panelo daw po keeping on floating this tandem? Is this something that he advised to President Duterte as Chief Presidential Legal Counsel?
SEC. ROQUE: Pakitanong na lang po si Secretary Panelo because I have no authority to speak for him.
USEC. IGNACIO: Question from MJ Blancaflor of Daily Tribune: VP Leni said yesterday that vaccine recipients should be named already and ma-identify how many will be vaccinated per sector. When will the government come up with a list?
SEC. ROQUE: [Laughs] Ito na naman tayo. ‘Pag sinabi po ng Presidente 4Ps beneficiary, Ma’am Vice President, mayroon na pong listahan iyan. So maraming salamat po sa suhestiyon pero as usual nagawa na po ng gobyerno iyan kasi may listahan na tayo ng 4Ps, may listahan na tayo ng kapulisan, may listahan na tayo ng kasundaluhan at iyong mga frontliners eh alam naman po ng DOH kung sino sila. So thank you po pero as usual, mayroon na po tayong listahan even before your suggestion.
USEC. IGNACIO: Opo. Pareho lang sila ng tanong ni Trish Terada ng CNN Philippines, tungkol po doon sa Vice President Leni Robredo called on the government to prepare a list of the recipients of the COVID-19 vaccine to avoid problems daw po that we have encountered during SAP distribution. For example sa healthcare workers, alam na natin kung ilan na sila, sinu-sino sila para ‘pag dumating mayroon nang recipient. What do you think of this recommendation? Will the government adopt the suggestion?
SEC. ROQUE: We don’t have to adopt the suggestion dahil mayroon na po kaming listahan. So thank you very much again but again po a bit too late kasi si Presidente Duterte po ten steps ahead.
USEC. IGNACIO: From Joseph Morong of GMA-7: What’s taking the government so long in coming up with a price cap on testing?
SEC. ROQUE: Well, iyan naman po ay didesisyunan ng DOH at ng DTI at kung hindi po ako nagkakamali baka itong linggong ito ay mayroon na pong price cap na ilalabas.
USEC. IGNACIO: With regard to vaccine, if we’re vaccinating 24 million with two doses at 5 dollars, we will need 11 billion. Do we have 11 billion pesos?
SEC. ROQUE: Mayroon po ‘no. Kung hindi man po nakalagay iyan sa budget, iyan po ay handa nating utangin nga sa Landbank, sa DBP, sa ADB at sa World Bank.
USEC. IGNACIO: Opo. Third question po niya: Can we have more details on the lifting of healthcare workers ban? Why did we lift and why only 5,000 a year? How did we come up with 5,000?
SEC. ROQUE: Iyong 5,000 po ay more or less iyan iyong estimate ni Secretary Bello na mga health professionals na nais at pupuwede nang umalis. Kasi hindi naman po madali umalis eh lalo na kung gusto ninyong pumunta sa lugar gaya ng Amerika, napakatagal po ng proseso diyan ‘no. So iyon lang po iyong mga nag-aabang na sanang umalis, so pinapayagan naman po sila para hindi masayang iyong kanilang mga pera na nagastos na sa mga documentation at para doon sa proseso na sila po ay makapag-abroad.
USEC. IGNACIO: Question from Rodel Natad of Super Radyo Davao: Ano po ang reaksiyon ng Malacañang sa ilang taga-Davao City na hindi umano naniniwala sa COVID-19 at tinawag itong ‘scamdemic’ kaya hindi sila sumusunod sa COVID-19 health protocol?
SEC. ROQUE: Unang-una po, hindi po ako naniniwala na may mga taga-Davao na hindi naniniwala sa ating Presidente dahil ang Presidente na po ang nagsasabi na para maiwasan ang COVID, kinakailangan mask, iwas, hugas ‘no.
Pangalawa po, iyong mga lugar na ganiyan po iyong naging paniniwala, hindi naniniwala sa pagkalat ng COVID, sila po ngayon ay number one sa dami ng COVID cases at iyan nga po ang dahilan kung bakit nangunguna ang Estados Unidos dahil napakarami sa kanila hindi naniwala na kinakailangan magkaroon ng pag-iingat laban sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Question mula kay Leila Salaverria pa rin ng Inquirer: What does the Palace of think of senators concerned about the seemingly poor performance of the PITC which is tasked to procure COVID-19 vaccine? They said it had 18 billion in unutilized funds and has lagged delays in delivery.
SEC. ROQUE: Ang sabi po ni Presidente, “Gusto ko isang tao lang ang mamamahala dito sa bakuna,” at iyan po si Secretary Galvez. So wala naman pong kinalaman ang track record ng PITC diyan dahil si Secretary Galvez ang magsisiguro na makakaangkat tayo nang sapat na bakuna para magamit po sa ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. How sure is the Palace that the PITC can procure and deliver COVID-19 vaccines promptly and efficiently?
SEC. ROQUE: Si Secretary Galvez po ang magsisiguro na makakaangkat tayo promptly and efficiently.
USEC. IGNACIO: Opo. Additional question from Joseph Morong: Clarification lang daw po sa lifting ng ban. When is the order effective and what’s going to happen between today and January 2021 when a ceiling will be imposed?
SEC. ROQUE: Well, ang sabi nga po, mula po Enero a-uno iyong 5,000 ‘no so epektibo po iyan as soon as it is published naman po ‘no in the Official Gazette.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla: Gagawin po bang mandatory ng government sa mga tao na mag-vaccinate for COVID-19? Ano po ang gagawin ng government kung tatanggi ang target beneficiaries?
SEC. ROQUE: Sa ngayon po eh sang-ayon po sa isang survey ng SWS, 66% naman po ng ating mga kababayan ay payag magpabakuna. Ang sabi naman po ng DOH, ang kinakailangan nating bakunahan ay 50% ng populasyon para magkaroon na tayo ng herd mentality. So kung talagang ayaw magpabakuna, hayaan na po muna natin sila.
USEC. IGNACIO: Secretary Roque, iyan po iyong ating mga nakuha munang questions sa ating mga kasamahan sa MPC.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming, maraming salamat Usec. Rocky. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps. At gaya ng aking nasabi kanina, mamaya po magkakaroon ng Talk to the People ang ating Presidente galing po dito sa siyudad ng Davao.
Samantala, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox na nagsasabing: Keep safe, Philippines, and until tomorrow. Good afternoon po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)