PCO ASEC. HIDALGO: Ladies and gentlemen, Undersecretary Clarissa Castro, the Palace Press Officer.
PCO USEC. CASTRO: Magandang umaga, Malacañang Press Corps. Welcome sa ating press briefing ngayong araw.
Simulan natin sa magandang balita na dala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bagong Pilipinas.
[VTR]
PCO USEC. CASTRO: Bukod dito, nasa 224 projects ang kasalukuyang ipinatutupad sa ilalim ng Public-Private Partnership Center, kasama na ang ilang mga paliparan kagaya ng Ninoy Aquino International Airport, Laguindingan International Airport, at ang Metro Rail Transit Line 7; habang 175 projects naman ang nasa pipeline ayon sa PPP Center.
Good news din po para sa mga motorista na madalas bumiyahe sa norte. Kahapon nga ay inanunsiyo ng NLEX na – bilang tugon sa panawagan ng DOTr – pansamantalang ipatutupad ang libreng toll sa northbound lane mula Balintawak hanggang Meycauayan simula alas dose ng tanghali ngayong araw. Mananatiling libre hanggang maibalik sa normal ang daloy ng trapiko sa naturang bahagi ng expressway.
At ito po ang mga good news sa araw na ito. Maaari na po tayong tumanggap ng katanungan mula sa inyo.
CLEIZL PARDILLA/PTV4: Good morning po, Usec. Usec., among the approved projects is Panahon ng Pagkilos which allows communities to choose micro projects for disaster response like water and energy systems. Why is this important?
PCO USEC. CASTRO: Definitely it’s very important as of today, especially that we are about to face this kind of water crisis, water supply crisis. So, we have to move faster. We have to move very systematically so that we can answer all the issues or the would-be problems in the coming months or days.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., good morning po. Usec., doon sa 224 current PPP projects, lahat ba ito ay kayang matapos bago matapos iyong term ni Pangulong Marcos sa 2028?
PCO USEC. CASTRO: Pinipilit po. Actually po, may mga projects po na 2025, 2026 ay maaari pong matapos. May mga pagkakataon lang po kasi na may mga external factors, lalo na po sa imprastruktura, kailangan po nating tugunan iyong mga right of way na problema. Hindi po ito kakayanin basta-basta lang po ng pamahalaan, ng administrasyon kung hindi po magtutulungan ang bawat tao, including po mga LGUs, ang taumbayan. Kapag po ito naman ay naresolba nang mabilisan, kaya pong tapusin ito ng administrasyon.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Kasi, if I’m not mistaken, kasama doon sa PPP project iyong NAIA rehabilitation at saka iyong Metro Manila Subway Project. Just to give the public an idea kung kailan matatapos iyong NAIA rehabilitation project. At saka iyong Metro Manila Subway, kailan ba iyong partial operation nito, Usec.?
PCO USEC. CASTRO: Actually, nasa report po ito ni DOTr Secretary Vince Dizon. Ibibigay ko po sa inyo iyong detalye para po—at ang taon at ang maaaring kung kailan ito makukumpleto ay maibibigay po natin.
Kamakailan po ay nagkaroon po ng pagpupulong patungkol po dito; ang talaga pong medyo idinadaing ng ating administrasyon ay kung paano mapapabilis ang problema sa pagkuha po ng right of way. So, kapag po ito ay walang naging problema, tuluy-tuloy lang din po ang proyekto, at tuluy-tuloy nating matatapos ang mga ito.
MARICEL HALILI/TV5: Magandang umaga po. Ma’am, I just would like to ask for a clarification about the statement of President Bongbong Marcos during the Alyansa ng Pagbabago Campaign Rally because he mentioned asking for support for 11 candidates of Alyansa instead of 12. What does the President mean by that?
PCO USEC. CASTRO: Ang pagkakasabi lang po sa atin ay maliwanag po ang kaniyang sinabi at hintayin na lamang po ang susunod na mga rally para malaman po natin kung ano po ba iyong ibig niya talagang sabihin dito.
MARICEL HALILI/TV5: Pero mayroon po ba siyang nabanggit kung ano iyong plano ni Presidente kay Senator Imee Marcos after what happened during the senate hearing?
PCO USEC. CASTRO: Wala po. So, mas maganda po siguro nating malaman ang detalye nito dito po kay Congressman Toby Tiangco.
MARICEL HALILI/TV5: But nagkaroon na po ba ng pagkakataon na magkausap sina Senator Imee at PBBM
PCO USEC. CASTRO: Ayon din po kay Senator Imee ay hindi pa po siya nakikipag-usap kay Pangulo. So, as of the moment, as of this time, as we speak, wala pa po tayong alam na nakapag-usap na po sila.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Good morning, ma’am. Tatanungin ko lang po kung may update na po ba kung may plan na po ang Marcos administration to raise the tariff for rice amid na pababa na raw iyong presyo ng rice dahil nga ongoing iyong harvest season?
PCO USEC. CASTRO: Opo, maganda nga po iyan. Sana nga po ay magkaroon po tayo kasi mayroon po tayong pagri-review sa kasalukuyan, at tama po kayo, maaaring malapit na po ang harvest season at para po hindi naman masyadong maapektuhan ang ating farmers, riribyuhin [review] po ito. At kapag nagkaroon na po ng detalyeng pag-uulat ang NEDA, ito po ay dadalhin sa Office of the Executive Secretary para po maibigay po sa ating Pangulo.
SAM MEDENILLA/BUSINESSMIRROR: Clarify ko lang po, ma’am: Bale sa ngayon ay wala pang recommendation iyong NEDA at saka iyong DA pagdating doon sa Executive Order # 62, iyong nag-adjust ng tariff sa rice from 35% to 15%, wala pa po silang recommendation?
PCO USEC. CASTRO: Sa kasalukuyan po ay wala pa po akong detalye sa ngayon. Pero kapag po nakausap po natin maya-maya lamang po, kung mayroon po na partikular na pag-uusap patungkol po dito ay ibibigay ko po agad-agad sa inyo.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: Good morning po, Usec. With regard po sa tigil-pasada, Usec., mayroon po kayang directive si Pangulong Marcos sa transportation department and other concerned agencies? And ano po kaya iyong assurance ng national government sa mga commuters natin sa susunod na tatlong araw po?
PCO USEC. CASTRO: Binanggit rin po ni Secretary Vince Dizon ang mga gagawin po ng pamahalaan para po hindi masyadong mahirapan ang mga commuters. May mga libre po tayong sakay na maipo-provide po. At ang hiling lamang po natin at hiling din po ni Secretary Vince Dizon, makipag-usap muna po sana ang pamunuan ng Manibela dahil tandaan po natin, hindi lamang po ang pamahalaan ang maaaring magkaroon ng … kumbaga, iyong impact ay hindi lamang po sa pamahalaan kung hindi mismo sa mga commuters. Alalahanin po natin, ang mga commuters ay inosente po at nalalagay lamang po sa gitna.
Ang nais po ni Secretary Vince Dizon ay mag-usap po at ibigay nila sa bagong liderato po ng DOTr kung ano po iyong ninanais nila. Sana huwag na po nating idamay ang mga commuters dito.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: And then, Usec., I don’t know if it’s too early to ask, pero may natanggap na po bang assessment iyong national government regarding po doon sa transport strike nga po na nangyari nationwide as of the moment?
PCO USEC. CASTRO: Sa aking pagkakaalam, sa ngayong kasalukuyan ay hindi pa naman po apektado iyong mga commuters natin lalu’t lalo na po na talaga naman pong handa ang ating pamahalaan, ang administrasyon na tumulong sa anumang puwedeng maging inconvenience sa mga commuters.
RACQUEL BAYAN/RADYO PILIPINAS: And then, Usec., lastly na lang po. According to Secretary Dizon, nasa 43% pa lang po iyong consolidated when it comes doon sa PUV modernization. Ano po kaya ang posisyon ni Pangulong Marcos doon?
PCO USEC. CASTRO: Aaralin po natin ngayon iyan, kung 43%, at hihikayatin po natin na lahat ng maaaring mangyari ay pabor sa commuters, pabor din po sa mga jeepney operators at drivers – lahat pong ito ay dapat win-win solution po tayo.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Usec., good morning. Just want to ask kasi may mga kumakalat po ngayon sa social media post at it says, “Duterte gave the Marcoses dignity to come back, while PBBM gave him a death sentence in a foreign land.” Reaction po dito ng Palasyo, ma’am, o kung may reaksiyon din po si Pangulo dito?
PCO USEC. CASTRO: Ang nagpabalik po kay Pangulo Marcos ay ang taumbayan po, hindi po iisang tao. Pinakita po ni Pangulong Marcos kung ano ang kakayanan niya. Kung inyo pong matatandaan hindi po ba mismo ang dating Pangulong Duterte ang hindi naniniwala kay Pangulong Marcos; he even said that PBBM is a weak leader. Papaano niya masasabi na inangat niya ang dignidad ni Pangulong Marcos kung siya mismo dati ang nagbababa rito?
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: On the other issue, ma’am. Nakatakdang bumisita si US Defense Secretary Pete Hegseth dito sa Pilipinas. May scheduled meeting po siya with PBBM at possible po bang matalakay ang issue sa West Philippine Sea considering patuloy po iyong pagiging agresibo ng China? Ang pakay kasi ni Secretary Hegseth ay para palakasin po ang regional securities.
PCO USEC. CASTRO: Confirmed po ang pagbisita po ni US Defense Secretary Hegseth pero po ang mga detalye po niyan ang magbibigay lamang po ay ang DFA at ang DND po.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: So, wala silang meeting with President, ma’am?
PCO USEC. CASTRO: Ang detalye po ay sila po mismo ang magbibigay at ibibigay po namin sa inyo kapag po nagkaroon na po ng meeting.
ANNE SOBERANO/BOMBO RADYO: Thank you, ma’am.
LETH NARCISO/DZRH: Good morning, Usec. Sabi po ni Senator Robin Padilla sa kaniyang Facebook Live, hinihigpitan na ng mga awtoridad sa bansang The Netherlands ang mga supporter ni dating Pangulong Duterte. May mensahe po ba o apela ang Malacañang sa mga Pilipino doon?
PCO USEC. CASTRO: Unang-una po, hindi lang po sa mga kababayan natin sa ibang bansa kung hindi dito na rin po na manatili po tayo na kalmado. Hinahayaan lang po natin na umandar ang batas at ang hustisya. Kung mayroon man pong paghihigpit na nagaganap sa bansang Netherlands ay hindi na po ito natin sakop, ito po ay ipinapatupad lamang po siguro ng bansang Netherlands ang kanilang batas doon.
KRIZEL INSIGNE/IBC: Usec., what is your reaction about the growing list of dubious confidential funds recipients of VP Sara Duterte? House Deputy Majority Leader Paolo Ortega cited more names like Amoy Liu, Fernan Amoy and Joug de Asim and they even called it Team Amoy Asim po.
PCO USEC. CASTRO: Yes. We believe that VP Sara has the obligation to tell something about this, to tell something about these discoveries. Marami na po ang naglilipana patungkol sa mga pekeng resibo na diumanong na-issue po ng opisina po ni VP Sara.
So, mas mabuti po…sinasabi naman po niya na dapat po tayo ay may transparency. Mas maganda po na mauna po siya na ipaliwanag po ito.
MARICAR SARGAN/BRIGADA FM: Good morning po, Usec. Sa pagtitipon din po sa The Netherlands nabanggit po ni VP Sara sa kaniyang speech as I quote, “Pa, sabi ko iyong kagustuhan mo na umuwi, iyan din iyong katapusan ng buhay mo, magiging Ninoy Aquino Jr. ka,” any reaction po from the Palace?
PCO USEC. CASTRO: Inihahalintulad ba ni VP Sara ang kaniyang ama sa yumaong Ninoy Aquino? Parang hindi po natin nadinig noon na inihalintulad ni dating Pangulong Duterte ang sarili niya kay Ninoy kung hindi kay Hitler. Mayroon po siyang sinabi mismo, sinabi pa niya dito and I quote, “Hitler massacred three million—actually, it’s supposed to be six million Jews. Now there is three million, what is it? Three million drug addicts in the Philippines – there are. I’d be happy to slaughter them. At least if Germany had Hitler, the Philippines would have me.”
So, napakalayo pong ipakumpara ang dating Pangulong Duterte kay Ninoy Aquino na hindi nagkaroon ng anumang record ng mass murder or crimes against humanity.
Mas ninais po ni dating Pangulong Duterte na ikumpara ang sarili niya kay Hitler.
ALVIN BLATAZAR/RADYO PILIPINAS: Usec., doon lang sa asylum application ni Atty. Harry Roque. Ano ba talaga ang nakikitang motive dito ng Palasyo, do you see this as a tactic of Atty. Roque para makaiwas doon sa mga criminal proceedings, as what was stated in a petition filed doon sa abroad, ma’am, eh. Anong taktika ang nakikita ninyo rito, Usec?
PCO USEC. CASTRO: Kahit hindi pa nana po siya nag-a-apply ng asylum sa Netherlands alam naman natin na siya ay hindi na nagpakita sa anumang Quad Comm hearing. Siya ay umalis sa Pilipinas at hindi na bumalik, so ano ba ang ibig sabihin nito? Taktika ito para hindi na siya muling matanong pa sa kaniyang mga isiniwalat sa Quad Comm hearing patungkol sa kaniyang mga transaksiyon.
ALVIN BLATAZAR/RADYO PILIPINAS: And iyong affiliation niya kay dating Pangulong Duterte, do you see this as a reason para hindi maaprubahan iyong application niya sa asylum sa The Netherlands?
PCO USEC. CASTRO: Depende na po iyan sa gobyerno po ng Netherlands kung ito po ay makakaapekto sa kaniyang petition for asylum.
EDEN SANTOS/NET 25: Good morning po, Usec. May mga magsasaka na po na umiiyak sa sobrang baba daw ng presyo ng palay, I heard may 16 pesos pero parang umaabot hanggang 12 pesos po iyong presyo. Ano po ang puwedeng gawin ng ating gobyerno para naman po hindi malugi iyong mga magsasaka lalo na po’t panahon na po ng anihan ngayon at mayroon pang kasabay na pag-import o pag-angkat ng bigas? Doon po sa nabanggit ninyong mga bagong proyekto na aprubado ng NEDA nakalagay po doon 4.1 million na magsasaka ang makikinabang. Anong mga proyekto din po iyon?
PCO USEC. CASTRO: Nasagot ko na po ito noong nakaraang araw, if I’m not mistaken, last week. Sinabi po natin, iyong mga magsasaka po na nagbibigay ng kanilang sentimyento dahil mababa ang pagkakabili ng kanilang bigas. Ang sabi nga po natin, ayon kay Secretary Kiko Laurel, ito po ay may kinalaman din po ang mga traders.
So, ang atin pong in-advice noong nakaraang linggo po any pumunta po ang mga farmers sa mga local government units concerned at doon po ay maaaring tumulong ang lokal na pamahalaan para madala ang kanilang mga bigas sa NFA stores okay, at doon po ay binibili po nang mas mataas ng gobyerno po ang kanilang bigas.
At sinabi po natin noon pa na nagsasagawa na po, nandoon na po tayo sa procuring the trucks po para po makatulong po ito sa mga farmers na wala pong kakayanan na magdala ng kanilang palay diretso po sa NFA stores at iyon po ay isinasagawa na po natin para hindi na po sila mahirapan para magdala ng kanilang mga palay.
EDEN SANTOS/ NET25: Usec., how soon po iyong pagbili natin ng mga truck? Kasi ito po iyong isa sa nakikitang paraan para nga po iyong mga magsasaka na wala namang pera para pang-arkila ng mga truck para dalhin sa NFA iyong kanilang mga ani. Sa tingin ko po, ito siguro iyong isa sa nakikita nila para makatulong din na mismong NFA na ang pumunta sa kanila habang inaani. Kasi po iyong mga traders ganoon ang ginawa eh, habang inaani ay nandoon na po sila may dalang mga truck, mayroon ng mga sako, tapos mayroon na ring dalang pera na pambili kaya napipilitan iyong mga magsasaka na doon ibenta sa halip nasa NFA na sila po iyong magdadala doon sa opisina nila, eh wala naman po silang pang-arkila ng mga truck?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: According to Secretary Kiko, ito pong taon po, sa kasalukuyan po ay ginagawa na po iyan at sana po mapabilis, kasi alam naman po natin kapag dumaan po sa procurement medyo hindi po ganoon kabilisan. Kaya dinadasal po natin na masang-ayunan agad at magkaroon po talaga ng magandang transaksiyon patungkol po sa pagbili po ng truck para sa mga farmers.
PIA GUTIERREZ/ ABS-CBN: Ma’am, balikan ko lang iyong tanong ni Maricar kanina regarding doon sa pag-compare kay dating Pangulong Duterte kay dating Senator Ninoy Aquino. Iyong statement kasi ni Vice President is more I think on the security ng dating Pangulo sa pag-uwi niya sa Pilipinas. And I quote iyong sinabi niya, “Sabi ko iyong kagustuhan mo na umuwi iyan, iyan din katapusan ng buhay mo, magiging Ninoy Aquino Jr. ka at sinabi niya sa akin kung ganyan ang kapalaran ko, so be it”. Ang question ko po, ma’am, is if there are enough grounds for the Duterte family to fear for the life of the former President in case na umuwi ang dating Pangulo dito sa Pilipinas?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Iyon nga po nakakapagtaka eh, saan po ba nakukuha itong mga kuwento na ganito? Saan po nakukuha ang pagkukumpara kay dating Ninoy Aquino? Saan nakukuha iyong mga threats? As a matter of fact, hanggang ngayon iyong sinasabing threats kay VP Sara, hindi pa rin po naipapakita sa NBI at saka sa PNP. So saan lamang po ito nakukuha, kailangan po natin kasi ng mga materyales, ng mga ebidensiya bago po magsagawa ng ganitong mga klaseng statements. Wala pong katotohanan iyan.
IAN CRUZ/GMA: Ma’am, good morning po. Ma’am, doon sa rally sa The Hague, nabanggit po, sinabi po ng mga crowd doon na mag-resign na si PBBM, at sabi ni VP Sara, ‘Oh kayo ang nagsabi niyan ha, hindi ako. Marcos, resign! Bakit ba kailangan ng resign dahil hindi mo pinapakita sa taumbayan na maayos kang mag-isip at kaya mo ang mamuno?’ Ano po ang tugon ng administrasyon?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: Kung pinagri-resign po nila ang Pangulo, sino po ang makikinabang? Kahit sabihin po ni VP Sara, ‘Oh, kayo nagsabi niyan,’ siya pa rin po ang makikinabang. Sasabihin po ba na walang kakayanang mamuno, papaano po natin masasabi ito kung ang pinapairal po natin ay ang batas at very transparent po tayo sa anumang mga transaksiyon. Hindi po mas kakayanin ng isang tao na mamuno na maraming inililihim, maraming itinatago at hindi nagpapakita ng anumang dokumento, more particularly about the funds.
Cleizl Pardilla, PTV4: Usec., Senator Bato dela Rosa, told you, ‘Miss Castro, akala ninyo mga santo kayo. Hindi nakakabuti iyong gagawin kung pang-evade ng arrest, pero iyong ikabubuti ng bansa ba iyong ginawa ninyo?’ How do you respond to that?
PCO USEC. ATTY. CASTRO: I know we are not saints, lahat tayo hindi santo. Isa pa lang ang nagiging santo sa Pilipinas, si Saint Lorenzo Ruiz. Ah, dalawa sino pa ba iyong isa? Calunsod, yeah, yeah, Saint Calunsod. Okay, dalawa na. Hindi pa po tayo napapasama doon and we know that; mukhang malayo pong mangyari iyon.
Unang-una po, pinapatupad lamang po natin ang batas; sinabi naman po niya na valid ang warrant of arrest. Ang sabi din po natin, bakit natin sinusuko daw ang soberanya, hindi po tayo nagsusuko ng anumang soberanya. Sino ba ang naunang magsuko ng ibang parte nating karapatan sa ibang bansa, tayo po ba? Muli, sasabihin natin, inamin na ni Senator Bato, valid ang warrant of arrest; siya na ang nagsabi. Kung siya man po ay magtatago, hindi magandang maging modelo ang katulad ni Senator Bato na dati nang naging PNP chief. Hindi magiging magandang modelo iyan, dahil iyan po ay nang-ienganyo sa taong-bayan na kapag may warrant of arrest ay kailangang magtago na lamang.
Maraming salamat. At dito na po nagtatapos ang ating briefing. Maraming salamat Malacañang Press Corps. At magandang umaga Bagong Pilipinas.
###