News Release

Unang SONA ni PBBM, magiging simple


Asahan na magiging simple lang ang unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza.

Aniya, mismong ang Palasyo ang humiling na simple at tradisyonal lang ang gaganaping SONA sa Lunes, July 25.

Batay na rin ito sa nais ni PBBM na gawing simple at hindi glamoroso ang SONA.

Kaya namn ang set up ay tulad lang din sa mga naunang SONA ng nakaraang administrasyon.

Tiniyak naman ni Mendoza na “all set” na ang Kamara para sa SONA mula sa security preparation, pagpapadala ng imbitasyon, at mga ‘last minute’ na pag-aayos.

Sa ngayon, sa 1,360 na pinadalhan ng imbitasyon, 70% hanggang 80% na ani mendoza ang nagkumpirmang dadalo sa SONA.

Kabilang dito sina dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo.

Kumpirmado rin aniya ang pagpunta ni Vice President Sara Duterte na posibleng umaga pa lamang ay nasa Batasan na.