News Release

SONA ni PBBM, tiyak na hindi magiging super spreader event — OCTA Research


Kumpiyansa ang OCTA Research na hindi magsisilbing super spreader event ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakatakda sa Lunes, July 25.

Ito’y bagamat nagpasya ang liderato ng Kamara na pahintulutan ang 100 percent capacity sa plenaryo na nakahanda para sa mga bisita na dadalo ng face-to-face sa SONA ni Pangulong Marcos.

Ayon Kay Dr. David ng OCTA Research, malaki ang maitutulong ng ipatutupad na mahigpit na health protocol requirement sa nabanggit na okasyon.

Required kasi ang mga dadalo na makapagpakita ng negative result ng RT-PCR test.

Tiwala si David na magiging maayos ang lahat at hindi makokompromiso ang kalusugan ng sinomang dadalo sa gitna ng mahigpit na protocol na ipatutupad sa nabanggit na event.

Gayunman, sinabi nito na kailangan pa rin talaga ang pag-iingat kahit sabihin pang bumababa na ang bilang ng mga kaso upang maiwasan ang hawaan ng virus.