News Release

Preparasyon ng PSG sa unang SONA ni PBBM, nasa final stages na — Col. Zagala


Nasa final stages na ng paghahanda ang Presidential Security Group (PSG) para sa kauna-unahang State of the National Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa Lunes, July 25.

Ayon kay PSG Commander Colonel Ramon Zagala, patuloy ang kanilang pakikipagugnayan sa hanay ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Bureau of Fire Protection (BFP), upang matiyak na magiging maayos ang kaganapan sa Lunes mula sa pagdating ng pangulo sa Batasang Pambansa, pag-deliver nito ng kaniyang talumpati, at hanggang sa pagbalik nito sa Malacañan.

Sinabi ng opisyal na magdi-deploy sila ng sapat na tauhan, upang tiyakin ang proteksyon hindi lamang ni Pangulong Marcos at ng first family, bagkus ay ng lahat ng bisita na dadalo sa SONA ng pangulo.

Sa kasalukuyan ayon sa opisyal, wala pa naman silang natatanggap na impormasyon kaugnay sa posibleng banta o manggugulo sa SONA ng pangulo.

“Any activities that will compromise the safety, we’d rather keep that secure also this information. But, rest assured that when the day comes that the President will deliver his SONA, you will all know the schedule that day.” —Col. Zagala.