News Release

PNP, inirekomendang ibasura ang hiling ng militanteng grupong BAYAN na makapag rally sa Batasan Rd


Inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) na ibasura ang kahilingan ng militanteng grupo na BAYAN, na magsagawa ng rally sa Batasan Road sa Quezon City, sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ang kinumpirma ni Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) Chief Elmo San Diego.

Ayon kay San Diego, ang hindi pagbibigay ng permit ng QC -DPOS para makapagdaos ng rally ang grupong BAYAN sa Batasan Road ay alinsunod sa rekomendasyon ng PNP.

Wala nang iba pang ibinigay na detalye o rason si San Diego, kaugay sa hindi pagbibigay ng permit to rally sa grupong BAYAN.

Matatandaang hindi papayagan ang anumang aktibidad sa araw ng SONA ni PBBM sa Lunes, sa Commonwealth Avenue at Batasan Road.

Ngunit papayagan lang ang mga ito sa mga itinalagang freedom park kabilang ang QC Memorial Circle at UP Campus.