News Release

Party-list solon, umaasa na maisasama sa SONA ni PBBM ang programa para sa mga atleta, palakasan


Umaasa ang isang neophyte lawmaker na mabanggit din ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang kanyang plano para sa sports at mga Filipino athlete.

Ayon kay Pwersa ng Bayaning Atleta o PBA Party-list Representative Margarita “Migs” Nograles, sana ay maisama ni PBBM sa kanyang talumpati ang mga programa na magbibigay ng mas maraming proteksyon sa ating mga atleta na nagrerepresenta sa ating bansa.

Isa sa mga isinusulong ni Nograles para sa 19th Congress ang panukala na magbibigay benepisyo sa mga atleta mula training hanggang retirement.

Bahagi nito ang awtomatikong pagkakabilang sa SSS o GSIS, PhilHealth, at Pag-IBIG.

Sa ngayon ay patuloy pa aniya siyang nakikipagdayalogo sa mga grupo para sa pagbuo ng naturang panukala.

http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/party-list-solon-umaasa-na-maisasama-sa-sona-ni-pbbm-ang-programa-para-sa-mga-atleta-palakasan

###