News Release

Paligid ng Batasan, idineklarang “no fly zone” sa SONA


By Jaymark Dagala – July 22, 2022 , 11:16 am

Naglabas ng Notice to Airmen ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa unang State of the Nation Addrees (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Batay sa abiso, idineklara ng CAAP na “no fly zone” ang paligid ng Batasang Pambansa kung saan doon idaraos ang pag-uulat sa bayan ng ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Epektibo 2pm hanggang 5pm ng Hulyo 23 hanggang 1pm hanggang 7pm ng Hulyo 25, bawal dumaan sa paligid ng Batasan Complex sa Quezon City ang anumang sasakyang pang himpapawid.

Pansamantalang suspendido rin ayon sa CAAP ang anumang training flights sa buong Luzon simula  2pm hanggang 5pm ng Hulyo 23 hanggang 1pm ng hapon hanggang 7pm ng Hulyo 25.

Dahil dito, nagpaabiso na ang CAAP sa lahat ng mga pasahero sa paliparan na maaantala ang pagdating gayundin ang pag-alis ng eroplano dahil sa nabanggit na kautusan.

http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/paligid-ng-batasan-idineklarang-no-fly-zone-sa-sona

###