Sa ilalim ng kanyang administrasyon, isa sa magiging prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang modernisasyon sa agrikultura na tutulong sa mga magsasaka na mapabuti ang kanilang produksyon.
Ayon sa punong ehekutibo, lahat ng ito ay ibabase sa siyensa. Susuportahan din aniya ito ng post-production processing. Paglilinaw pa ni Marcos Junior, ang modernisasyon na kanyang nais ay hindi dapat makaapekto sa climate change. Bukod sa moraturium sa loans ng mga magsasaka, nais pa ng pangulo na paigtingin ang suporta sa pinansyal na pangangailangan ng mga ito
Tiniyak naman ng Department of Agriculture ang pagsasa ayos ng buong value chain upang matugunan ang mga pangunahing problema tulad ng tumataas na mga bilihin sa agrikultura at farm input prices.
Puntirya ng kagawaran na sa ilalim ng Marcos Junior administrasyon ay makakamit ang food sufficiency para sa Pilipinas. (IBC News)