News Release

Mambabatas sa mga awtoridad: Manatiling naka-high-alert ngayong araw ng SONA kasunod ng insidente ng pamamaril sa Ateneo


Umaapela si Albay Representative Joey Salceda sa Kapulisan at iba pang law enforcement authorities na manatiling naka-high alert ngayong araw ng SONA.

Kasunod ito ng naganap na pamamaril sa Ateneo de Manila University kahapon na nataon sa dapat sana’y graduation ng ADMU Law School.

Nakababahala aniya ang insidente lalo at naganap ito isang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at may kalapitan din sa Batasan Pambansa Complex, kung saan ito idaraos.

Magkagayunman, hinimok nito ang publiko na huwag nang palakihin isyu at huwag na ring maniwala sa mga ispekulasyon.

Ipaubaya na lamang dapat aniya sa mga awtoridad ang imbestigasyon.

Kasabay naman nito ay ipinaabot din ni Salceda ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi at kaisa aniya siya ng Ateneo community na umaasa sa agarang pagresolba ng kaso.

“I am continuing to monitor with concern the recent shooting incident in the Ateneo de Manila University campus. This brazen act of violence, especially during a solemn and momentous occasion for graduates and their families, has no place in our society. I condole with the families of those who lost their lives in the incident,” ani Salceda.

http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/mambabatas-umapela-sa-mga-awtoridad-na-manatiling-naka-high-alert-ngayong-araw-ng-sona-kasunod-ng-insidente-ng-pamamaril-sa-ateneo

By Kathleen Jean Forbea – July 25, 2022 , 6:09 am

###