News Release

Isang kilos-suporta, pangungunahan ng political party na Malayang QC ngayong araw bilang pakikiisa sa SONA ni Pres. Marcos Jr.


Magsasagawa ng kilos-suporta ang political-party na Malayang Quezon City ngayong araw.

Ito ay bilang pakikiisa sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.

Ang Malayang QC ay political party ni dating Anakalusugan Party-list Mike Defensor.

Inimbitahan ng grupo ang mga nais na dumalo sa gaganapin aktibidad sa harap ng President Corazon Aquino ES sa IBP Road sa Quezon City mamayang ala-una ng hapon.

Inaasahang ilang mga taga-suporta at mga banda ang magtatanghal sa nasabing kilos-suporta.

http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/isang-kilos-suporta-pangungunahan-ng-political-party-na-malayang-qc-ngayong-araw-bilang-pakikiisa-sa-sona-ni-pres-marcos-jr